PINILIT kong maging mahinahon sa harap ni Damon. Kapagkuwa'y nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago ako nagsimulang magsalita.
"Mr. Fuentebella, nandito ako, hindi para makipag-argumento sa'yo. I'm just here because of the-" bigla akong napahinto. Tila umurong bigla ang aking dila nang bigkasin ko ang tungkol sa kasal."Hmm, because of what?" may himig pang-aasar sa kanyang tinig."Gosh! Huwag mo na akong asarin. Oo na mukha akong kawawa ngayon. At aaminin ko, this is the first time na seryoso akong makikipag-usap sa'yo.""Tss, so pumapayag ka ng magpakasal tayo?" diretsahan niyang tanong."Yeah.""Okay. I will ask my personal secretary to organize everything para makasal agad tayo." Aniya at akmang tatayo na ito mgunit mabilis kong pinigilan."Hindi pa tayo tapos mag-usap." Reklamo ko."Huh? Bakit, may sasabihin ka pa ba?""Tss, what kind of question is that? So, gano'n lang ba 'yon? Hindi na tayo magpaplano?""Plano? This is just a fake marriage! So, anong plano pa ang gusto mo?" iritado niyang tanong.Hindi agad ako nakasagot. Tama siya, this is just a fake marriage. Kaya't bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya."I think, wala naman na tayong dapat na pag-usapan pa. Maybe tomorrow or on the other day ay tatawagan ka na lang ng secretary ko para ma-inform ka kung kailan tayo pupunta ng America. I have to go now. Marami ng nasayang sa oras ko." giit pa niya dahilan upang lihim akong mapairap."Hold on for a second." Muli ay pagpigil ko na naman sa pag-alis niya."What?" puno pa rin ng iritasyon sa kanyang tinig."How about our parents? Sasabihin ba natin na may balak tayong mag-divorce after a few months?""Hell no!" maagap niyang tugon. "Hindi nila pwedeng malaman na iyon ang plano natin dahil kapag nangyari 'yon ay pipigilan nila tayo na pumunta ng America. They will insist na dito tayo magpakasal. Then, what? My whole life will become a mess, just because of our bullshit marriage?" gigil niyang pahayag at wala man lang ni-isang salita na namutawi sa aking labi.Tuluyan na nga siyang umalis at tanging pagbuntonghininga na lang ang nagawa ko. Ang bastos talaga ng pakikitungo niya saakin. Iniisip ko pa lang na magpapakasal kami at titira sa iisang bahay ay para siguro akong namumuhay sa impiyerno."Gosh! Ang pangit mo naman magbiro, Lord!" bigla ay naibulalas ko. Kapagkuwa'y napatingin ako sa aking wristwatch. Malapit ng sumapit ang alas otso ng gabi kaya naman napagdesisyunan kong lumabas na sa restaurant na iyon.Naglakad ako papunta sa parking lot ng kompanya namin at kaagad akong sumakay sa aking kotse.Hindi agad ako umalis. Pakiramdam ko kasi ay napakabigat ng dibdib ko. Kaya naman bigla ko na lang na isinubsob ang aking mukha sa manibela at hindi ko namalayan na may mga butil ng luha na naman na umaagos mula sa aking mga mata.Halos kalahating oras na nasa gano'n akong sitwasyon. Saka lang ako nag-umpisang magmaneho nang guminhawa na ang aking pakiramdam.Maya-maya lang ay nakarating na ako sa bahay.Tahimik at madilim na ang buong paligid. Marahil ay maagang nakatulog sina mom at dad. Kaya't dumiretso na ako sa aking silid. Ngunit eksaktong paghawak ko sa doorknob ay bigla akong nakarinig ng tawanan.Nagpalinga-linga ako sa paligid at napagtanto kong nagmumula sa hardin ang ingay na 'yon.Muli akong lumabas ng bahay. At nagtungo ako sa hardin. Subalit gayo'n na lamang ang pamimilog ng aking mga mata nang makita kong may mga bisita pala sina mommy at daddy. Buong akala ko ay natutulog na sila. 'Yon pala ay nagkakasiyahan pa sila rito.Gusto kong sumigaw sa galit. Gusto kong komprontahin sila kung paano pa nila nagagawang magsaya habang nalulugi na ang kompanya at habang ang anak nila ay nagdurusa.Hindi ako nakatiis at naiinis na nilapitan ko sila.Si mommy ang unang nakapansin sa presensiya ko. Kaya't agad niya akong tinawag."Oh, my baby Freya! You're home!"nakangiti niyang pagbati na sinundan ng paghalik sa aking pisngi. "Nandito ang mga magulang ni Damon. We're talking about your wedding kaya-""Mom please...may pormal na kaming pag-uusap ni Damon." halos pabulong na sambit ko. Kapagkuwa'y napipilitan na binalingan ko ang mga magulang ni Damon."Uhm, uncle and auntie....sorry pero hindi niyo na kailangan na pag-usapan pa ang tungkol sa kasal namin ni Damon. We've already talked about that and within this week ay aasikasuhin na ng secretary niya ang mga kailangan namin papunta sa America.""Oh, nice to hear that, honey!" magkasabay na sagot ng mga magulang ni Damon."I think it's better if you join us here, honey!" giit pa ng ina ni Damon."I'm sorry auntie pero masama ang pakiramdam ko at gusto ko ng magpahinga.""Oh, sorry. Go ahead honey."Akmang tatalikuran ko na silang lahat nang biglang magsalita ang ama ni Damon. "Hmm, I think, Damon must be here too. So that he can be able to take care of his fiancee.""Yeah. I think that's a good idea, Armando." sabad ni daddy na siyang ikinagulat ko."Huh? But why?" bulalas ko at nagpalipat lipat pa ako ng tingin sa kanilang lahat."Para maitanong ko rin kay Damon kung bakit kailangan niyo pang pumunta ng America para lang magpakasal." Giit pa ni dad."Tss, dad! Gabing-gabi na oh. Oras na ng pagpapahinga ni Damon. Huwag niyo ng istorbohin 'yong tao. Pagod 'yon.""Hmm, he still need to go there, honey. Kailangan niya kaming sunduin rito." muling sambit ng kanyang ina.Hindi na ako nakipagtalo sa kanila. Sa halip ay nagmadali na akong bumalik sa loob ng bahay. Dumiretso agad ako sa aking silid at agad akong humiga sa kama.Subalit maya-maya lang ay nakarinig ako ng sunud-sunod na katok sa pintuan ng aking silid kaya't nakasimangot na binuksan ko ang pintuan."What the hell is-" namilog ang aking mga mata nang makita kong si Damon pala ang kumakatok."Ano, titingnan mo lang ako? Wala ka man lang balak na papasukin ako?""Teka nga muna! Bakit naman kita papayagan na pumasok sa silid ko? Sa sala ka kaya maghintay!" singhal ko sa kanya. Ngunit hindi ko inaasahan na magpupumilit pa rin siya. Kung hindi ako nakahawak sa doorknob ay may posibilidad na natumba na ako dahil wala siyang pakundangan na naglakad patungo sa loob ng aking silid."Ano bang ginagawa mo rito, Mr. Fuentebella?""Will you please shut up? Hindi kita sasagutin kung patuloy mo akong sisinghalan." Reklamo niya."Asshole! This is my room that's why you can't blame me kung bakit gan'to ang reaksiyon ko!" giit ko pa."Sa tingin mo pupunta ako dito ng gan'tong oras ng gabi kung ikaw lang naman ang pakay ko? Come to think of it, brat!"Hindi agad ako nakasagot. Bigla kong naalala na sinabi nga pala kanina ng mga magulang namin na pupunta dito si Damon."Wala kang masabi? Tss, huwag ka kasi'ng assuming dahil kahit kailan ay hindi kita paglalaanan ng oras ko." Giit pa ni Damon. Sa totoo lang ay bahagya akong nasaktan sa kanyang sinabi. Ngunit wala naman akong karapatan na magreklamo dahil wala naman kaming relasyon"Hindi ako nag-aassume. Nagulat lang naman ako sa biglaan mong pagsulpot dito." Nakairap na pangangatwiran ko."Hmm, gusto ko lang ipaalala sa'yo na we're just doing this para sa mga magulang natin. And-""I know." maagap na tugon ko para lang mapigilan ang iba niya pang sasabihin. "I'm doing this para maisalba ang kompanya namin. And you...you're just doing this dahil malaki ang utang na loob niyo sa mom ko.""Yeah. You're right, brat!" Aniya na naupo sa gilid ng kama."Lumabas ka na! Inaantok na ako, Damon.""Hindi pwede! Kailangan kong magpanggap na binabantayan kita.""What? Bakit kailangan mong gawin 'yon?""Dahil 'yon ang utos nila sa'kin. Mom told me that you're not feeling well kaya inutusan nila akong bantayan ka rito.""Gosh! Hindi ako bata para bantayan. At saka, hindi totoo na masama ang pakiramdam ko. I lied to them para lang hindi nila ako tanungin ng kung anu-ano tungkol sa kasal natin.""I know. Pero wala tayong magagawa kundi ang sumunod. Ayokong sirain nila ang plano natin. Remember, wala silang alam sa divorce na magaganap.""Ilang buwan ba ang-""One year. I think, one year is enough para maayos na ang lahat ng dapat ayusin.""One year? Damon, ang tagal no'n!""Stop complaining! masyadong malaki ang nawalang pera sa kompanya niyo. At matagal bago 'yon mabawi."I want to protest again pero hindi ko alam kung ano pa bang rason ang sasabihin ko para lang makumbinsi siyang bawasan ang buwan ng pagpapanggap namin bilang nagmamahalan na mag-asawa. Hindi ko rin lubos na ma-imagine kung ano ang mga posibilidad na mangyayari sa loob ng isang taon.HINDI ko alam kung anong oras na nakauwi kagabi si Damon. Hindi ko na nalabanan ang antok ko kagabi kaya naman wala na akong pakialam kung naroon pa siya sa silid ko basta ang alam ko lang ay mahimbing akong nakatulog.Tinatamad na bumangon ako. Kapagkuwa'y mabilis akong naligo at nag-ayos ng aking sarili.Biglang tumunog ang aking tiyan kaya't lumabas na rin ako ng silid upang magkape at mag-almusal. Naabutan ko si mommy na naroon na sa dining table at patapos na itong kumain.Lumapit ako at hinalikan ko siya sa pisngi. "Good morning, mom! Where is dad?""Office." maikli niyang tugon. Umupo na rin ako sa katapat niyang silya at agad kong dinampot ang sandwich na nasa pinggan. "Parang tinatamad ka na yata'ng pumasok sa opisina." sita niya saakin."Mom, kahit sino naman ay tatamarin kung sa araw-araw na lang na pagpunta ko sa kompanya ay problema agad ang nai-encounter ko.""Hmm, ba't kasi pinatatagal niyo pa ang kasal niyo ni Damon? At bakit sa America pa? May ba pa ba kayong
KANINA pa akong tulala habang nakaupo sa aking swivel chair. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na simula pa man noon ay nakapasok na pala sa buhay namin ang pamilya ni Damon. I just get back to my senses nang biglang magsalita sa harapan ko si Trisha."Ma'am kanina pang tumatawag si Mr. Fuentebella.""Huh? Anong sabi niya?""Tawagan mo daw siya bago pa man matapps ang araw na ito.""Tss, napaka arogante! Okay, I will call him, Trish. Thanks for letting me know.""Okay, ma'am. Excuse me." Ani Trisha na agad ng bumalik sa kanyang swivel chair.Tinawagan ko si Damon at agad naman itong sumagot. "Brat!" Aniya sa kabilang linya."Kanina ka pa daw tumatawag. May kailangan ka ba?" "Tss, sa palagay mo ba tatawag ako kung wala akong kailangan, sa'yo?" Giit pa niya na siyang ikinainis ko."Wala ka na bang alam gawin kundi ang mang-inis ng tao? I'm asking you a serious question!""Really? Serious question huh! You know me, ayoko ng nasasayang ang oras ko. ""Whatever!""Magkita
KINABUKASAN ay nagising ako dahil sa sunud-sunod na pagkatok sa pintuan ng aking silid."Gosh! Ano bang ingay 'yan?" reklamo ko at nakasimangot na binuksan ko ang pintuan.Maraming beses muna akong kumurap para lang masiguro na si Damon nga ang naririto sa harapan ko. "Lumabas ka na diyan sa lungga mo! Naka-ready na ang almusal at hinihintay ka na ng lahat!""Huh? Bakit nandito ka na naman? Natutulog ka pa ba?" naguguluhan'g tanong ko sa kanya."I'll give you five minutes to fix yourself and to go downstair." Seryosong pahayag ni Damon dahilan upang mas lalong uminit ang ulo ko."Five minutes, your ass!" I shouted then I closed the door and lay down again on bed.Akmang ipipikit kong muli ang aking mga mata nang muli na naman kumatok si Damon."Tss, ayaw mo ba talaga akong-"Hindi ko na naituloy pa ang iba kong sasabihin dahil sa muling pagbukas ko ng pinto ay si Auntie Diana na ang naroon."Uhm, auntie...""Join us for breakfast." Nakangiti niyang wika."Y-yes auntie. Actually, i'm a
BAGO pa man kami pumunta ng airport ay pinagtalunan pa namin ni Damon kung kaninong kotse ang dadalhin."Kotse ko ang gagamitin natin. Ayokong magmaneho ng pangit na kotse." Ani Damon dahilan upang bigla na naman uminit ang aking ulo."Ang arte mo! Pwede naman natin dalhin 'yan pareho. 'Yong kotse ko ay gagamitin namin nina mommy at daddy. Then, 'yong kotse mo, gamitin niyo rin ng parents mo. I think, that's a good idea, right?""Brat, nag-iisip ka ba? Paano 'yan imamaneho pabalik ng driver ko? Isa lang ang dadalhin natin. At walang iba 'yon kundi ang kotse ko.""Tss, so ikaw na naman ang kailangan na masunod dito?" sarkastikong tanong ko sa kanya.Mabuti na lang at biglang dumating si dad. Kahit paano ay nahinto ang pagtatalo namin."What's going on here?""Nothing, dad!" magkapanabay na sagot namin ni Damon. Kapagkuwa'y bigla ko siyang inirapan."Pumasok na kayo sa kotse. Kanina pa naghihintay ang driver ni Damon." Giit la no dad."Dad, paano tayong magkakasya sa kotse ni
PAGDATING namin sa bahay nina Damon ay agad kaming kinompronta ng kanyang ama."Ba't nag-aaway kayo sa kalsada?"anang kanyang ama dahilan upang bigla akong mapayuko."Dad, it's just a small misunderstanding. Huwag na natin 'yon pag-usapan." Ani Damon."Tss, fine! But next time, huwag naman kayo sa public place mag-away!" giit pa ng kanyang ama."I'm sorry dad." nahihiyang sambit ko habang nakayuko pa rin."What's going on here, honey?" Anang boses ng ina ni Damon."Nothing. I'm just telling them na kung may hindi pagkakaunawaa ay sa private place mag-usap.""Oh, why? What happen a while ago?""It's nothing, mom. Just don't mind it. By the way, magpapadeliver na lang ako ng pagkain natin ngayong gabi para hindi na-""You don't need to do that, son. Freya's mom volunteered to cook for dinner so we better wait her." giit pa ng kanyang ina. "Hmm, ang mabuti pa siguro magpahinga na muna kayo sainyong silid. Tatawagin ko na lang kayo kapag ready na ang pagkain.""I think that's a go
OF all the brides in this world, ako lang yata ang hindi masaya."Ma'am, ngumiti ka naman para hindi mahirapan ang make up artist." Ani Trisha na kaninang umaga lang dumating."Thank you, Trish. Akala ko ay hindi ka darating eh. Ayoko rin naman na imbitahin ka dahil si Damon ang magdidesisyon ng lahat.""I understand, ma'am. Biglaan lang din naman ang pagsabi niya saakin. Hmm, ma'am sigurado ka na ba dito?""Trish, I don't have a choice. At alam mo 'yan.""Okay. Sorry, wala akong magawa para gumaan ang pakiramdam mo." Bigla ay naging malungkot ang tinig ni Trisha."Ang pagpunta mo rito ay isang malaking kaginhawahan na para saakin. Kaya huwag ka ng malungkot. Alam ko kung gaano mo kagusto na tulungan ako." Mangiyak-ngiyak na pahayag ko."That's enough! Baka tuluyan ka ng umiyak. Sayang ng make up!" natatawang sambit ni Trisha. "Sa labas ng dressing room na lang ako maghihintay. Check ko rin kung tapos na ba sila mag-ayos ng venue."I just nodded at her.Makalipas ang halos i
HATING GABI na nang matapos kaming mag-inuman. Umuwi na rin ang mga kaibigan ni Damon at si Ernest na lamang ang naiwan dito."Ba't hindi ka pa sumabay sa kanila?""Tutulungan na muna kitang maipasok si Damon sa inyong silid. Mahihirapan kang buhatin siya kaya-""Oh, thanks, Ernest! Ang bait mo!"Nginitian niya lang ako at pagkatapos ay inalalayan na namin si Damon na makapasok sa aming silid. Ang aming mga magulang ay kanina pang tulog sa kanilang mga silid kaya wala talaga'ng makakatulong saakin kundi si Ernest."Thanks again, Ernest." Muli kong sambit matapos namin na maihiga sa kama si Damon."You're always welcome! Hmm, by the way, are you two planning to stay here for good?""No! We're going back to the Philippines. Maybe tomorrow or-""Oh, I see." Tanging nasabi niya bago nagpaalam at lumabas ng silid."Ihahatid na kita sa labas at-""Nah, it's okay. Just stay here. Baka magising 'yan at hanapin ka.""Oh, okay. "Nang makaalis si Ernest ay nilapitan ko si Damon. Mahimbing pa ri
NAPASANDAL ako sa pader ng banyo matapos tadyakan ni Damon ang pintuan. Bigla itong bumukas at nabutas pa ang ibabang bahagi ng pinto.Nagtama ang aming paningin at bakas sa kanyang mata ang labis na pag-aalala. Kapagluwa'y siya rin ang unang umiwas ng tingin."Tss, what the hell is going on with you?" singhal niya at kitang-kita ko ang sunud-sunod niyang paglunok matapos niyang pagmasdan ang hubad kong katawan. "Akala ko ay may masama ng nangyari sa'yo!" halos pabulong niya ng sambit at agad akong tinalikuran.Kaagad kong hinila ang tuwalya na kanina lang ay isinabit ko sa likod ng pinto at naiilang na naglakad ako pabalik sa aming kama. Bigla akong nakaramdam ng ginhawa nang makita kong wala na doon si Damon. Marahil ay nagmadali na itong lumabas.Nagmadali ako sa pagbibihis. Pagkatapos ay kinuha ko ang aking cellphone at agad kong tinawagan si Trisha."Trish, where are you?""Uhm, umalis kami. Sinamahan ko ang make up artist at ang event organizer na mamasyal muna.""Huh?
MARAMING beses na kumatok sa pinto si Damon ngunit hindi ko man lang ito pinagbuksan. Hindi naman talaga ako nagagalit sa kanya. Hindi ko lang maiwasan ang mainis at masaktan dahil hindi ko lubos akalain na alam pala ni dad na bumalik na ang memorya niya. Muling may kumatok sa pintuan. Ngunit sa pagkakataong iyon ay si Trisha na ang kumakatok. "Freya, open this door, please!" Aniya na mas nilakasan pa ang pagkatok."Tss, oo na, bubuksan ko na!" "Anong nangyari? Ba't nakakulong ka dito sa silid?" gulat na tanong ni Trisha nang tuluyan ng makapasok sa silid namin."Tss, inutusan ka ba ni Damon para kausapin ako?""Huh? Hindi! Kakauwi ko nga lang dito, paano akong uutusan? At saka bakit? May problema na naman ba kayo ni Damon?""Wala.""Wala? Tss, kwento mo 'yan sa patay, baka maniwala." Nakairap niyang sambit. "Kanina ko pa nakita 'yon na kumakatok dito. Ba't 'di mo pinagbubuksan ng pinto?""Naiinis ako sa kanya! Sa kanila ni dad!""Why?" "Dahil alam pala ni dad na bu
PAG GISING ko kinabukasan ay wala na sa tabi ko si Damon. Sinulyapan ko ang aking cellphone. It's already six in the morning kaya naman nagmamadaling lumabas na ako ng silid. For sure ay hindi pa siya nakakaalis ang lalaking 'yon.Pagdating sa may hagdan ay hindi agad ako nakahakbang dahil bigla kong narinig ang tinig ng aking ama.Nagtago ako sa may gilid ng hagdan at pilit kong pinakinggan ang pag-uusap nila ni Damon."So, hindi pa rin niya alam na wala ka ng amnesia?" Ani dad."Hindi pa dad."Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Hindi ko akalain na alam pala ni dad ang sikreto ni Damon."Kailan mo balak sabihin kay Freya na wala ka ng amnesia?""Hindi ko pa alam dad. Natatakot ako na baka pag nalaman niyang wala na akong amnesia ay umalis na naman siya dito sa bahay.""Sabagay. Hmm, kaya lang naman siya napilitan na bumalik dito ay dahil nga sa nagka-amnesia ka." Pag sang-ayon naman ni dad."Exactly, dad! Kaya minsan naisip ko rin na, sana hindi na lang bumalik
HINDI ko inaasahan na sasamahan ako ni Damon sa panonood ng movie."Are you sure? You want to come with me?""Yeah.""Tss, mas okay pala kapag may amnesia ka. Nagiging mapagbigay ka. Siya nga pala paano mo naisip na bumili ng ticket at-""Huwag na natin pag-usapan 'yon. Ang mahalaga nakabili na ako ng ticket and here we are, we're about to enter in the cinema.""Hmm, sabagay. Pero hindi ko lang talaga maiwasan ang mapaisip. Ba't biglang bumait ka at bakit-""Manonood ba tayo o magkukwentuhan na lang?" sarkastiko niyang wika."Tss, biglang nagsungit!" nakairap kong tugon."Sandali! Paano kang makakapasok sa loob? Isa lang naman nag ipinakita mo sa'kin kanina na ticket.""I bought two tickets!""Whoah!" bulalas ko. Akmang yayakap ako sa kanyang braso dahil sa labis na tuwa ngunit nagulat ako nang hilahin niya ako palapit sa kanyang dibdib at nasubsob pa nga do'n ang aking mukha. "Hoy, dahan-dahan naman! Buntis ako oh!" reklamo ko ngunit nagulat ako sa biglang pag sigaw ni
KINABUKASAN ay nagulat ako dahil ang himbing pa rin ng tulog ni Damon habang nakahiga saaking tabi. I was about to get up para sana kunin ang aking cellphone upang alamin ang oras. Ngunit hindi ko magawa dahil nakayakap siya sa kanang braso ko."Gosh! What happened to this man? Sinadya niyang alisin ang unan na nakaharang sa pagitan namin para lang yakapin ang braso ko." pagkausap ko sa akong sarili.Dahan-dahan ay sinubukan kong alisin ang kanyang braso. Ngunit namilog pa ang aking mga mata nang bigla na lang siyang magsalita. "Stay.""So, you're awake? Bakit hindi ka pa bumabangon? Don't tell me na wala kang balak na pumunta ng office?""May mahalaga akong pupuntahan today kaya't hindi muna ako pupunta do'n. Nando'n naman ang mga ama natin kaya't wala kang dapat na ipag-alala.""Bukod ba sa kompanya, may mas mahalaga pa sa'yo na ibang bagay?" I curiously asked."Yeah, there is.""Huh? Then, what is it?""Tss, i'm still sleepy. Stop asking me that kind of nonsense question!""N
EKSAKTONG pagdating namin sa bahay ay saka naman bumuhos ang malakas na ulan."See? Kung nagtagal pa tayo do'n ay baka-""Enough, okay? Huwag mo na akong pagalitan. Magulo na nga ang isip ko eh." Reklamo ko dahilan upang mapilitan siyang manahimik."Mabuti naman at nakauwi na kayo. Kumusta? Nakausap niyo ba si Fatima?" Ani Mommy Diana na agad kaming nilapitan."Si Freya na lang ang tanungin mo mom. Akyat na ako. May mga kailangan pa akong asikasuhin na mga documents."Ani Damon na labis ang pagkainis saakin."What happened?" kaagad na tanong ni mom nang kami na lang ang maiwan sa sala."Nothing.""Huh? What do you mean?""Nothing happened. Dahil hindi naman ako kinausap ni mom. Ni-hindi niya man lang ako pinagbuksan ng pinto.""OMG! Kinaya niya 'yon? As in natiis ka niya na huwag papasukin sa bahay niyo?""Yes mom! As I told you, kakaiba ang mom ko. Mas matigas pa ang puso niya sa bato.""Gosh, I can't imagine how she-""It's okay, mom." walang emosyon na tugon ko.Kapagkuwa'y bi
KINABUKASAN ay maaga akong gumising. Balak kong puntahan si mom para sana suyuin at paulit-ulit na humingi ng tawad sa kanya.Maingat akong bumangon para lang huwag magising si Damon. Linggo ngayon kaya't mahimbing pa rin itong natutulog.I go downstairs para sana magtimpla na lang ng gatas bago umalis ng bahay. Ngunit nagulat ako nang maabutan ko si Mommy Diana na nakaupo sa couch sa living room."Ba't ang aga mong bumangon?" sita niya saakin. "Namumugto pa 'yang mga mata mo at halatang kulang ka pa sa tulog.""Uhm, may pupuntahan ako mom, kaya-""Saan? Sinong kasama mo?" latulou niyang usisa."Sa bahay mom. Ako lang mag-isa ang pupunta.""No!""Huh? But why mom?""Delikadong bumyahe ng mag-isa lalo pa't ganyan ang sitwasyon mo. Look, malaki na ang tiyan mo. Mahihirapan kang sumakay kung wala kang sariling sasakyan.""Mom, I can handle myself. Ang daming buntis diyan na mas malaki pa ang tiyan kaysa saakin at kinakaya naman nila ang bumiyahe sa araw-araw.""Tss, alam ko na
"MOM, i'm sorry." humikbing sambit ko habang hawak ko ang kamay ng aking ina."Sorry? Gano'n na lang 'yon? Pinagmukha mo akong tanga, Freya! Ako ang ina mo, pero sa kanya ka kumampi? Wala na ba talaga akong halaga sa'yo?" puno ng hinanakit sa tinig ni mom at pilit na inalis ang kamay ko."I love you both mom, kaya nagawa ko 'yon. Ayokong-""Liar! Kung mahal mo ako bilang ina mo, hindi mo ako susuwayin. Dahil alam mo naman sa sarili mo na ginagawa ko 'to para maging ligtas ka...kayo ng magiging mga anak mo. But, look what you did...you betrayed your own mother.""Sorry mom. Hindi na ba magbabago ang isip mo? Bakit hindi mo na lang patawarin si Mommy Diana para-""Simula sa araw na 'to ay kalimutan mo ng ako ang ina mo. Tutal mas pinili mo naman si Diana over me, di'ba?" "Mom please! Huwag naman ganyan! Wala akong pinipili or kinakampihan!""Whatever, Freya! Bahala ka na sa buhay mo!" singhal niya saakin bago dinampot ang kanyang handbag at walang lingon likod na lumabas ng b
PAG GISING ko kinabukasan ay wala na naman sa tabi ko si Damon. I'm sure he's actually preparing for work kaya naman nagmadali akong lumabas ng silid.Dumiretso ako sa dining area ngunit wala rin siya do'n."Hmm, looking for Damon?" that's Trisha's voice coming from behind."Yeah. Have you seen him?""Well, maaga siyang umalis dahil kailangan niya pang kunin ang kanyang kotse.""Oh, I see.""Na-miss mo naman agad." Panunudyo niya."Hindi ah. Natanong ko lang dahil pag gising ko ay wala na siya sa tabi ko at -""Tss, magdamag na nga na magkatabi, hindi pa rin mapakali kinabukasan!" giit pa niya. "Bakit, hindi ba sulit 'yong yakap at halik niya sa'yo kagabi?""Gosh, will you please shut up! For your information, walang nagaganap na yakap at halik every night. Dahil dalawang malaking unan ang nakaharang sa pagitan namin.""Huh? Seriously?""Yes!" naiinis na sagot ko na sinundan ko pa ng pagtaas ng aking kilay."Wait! Alam ba ng mom ni Damon ang tungkol dito?""Ofcourse not! P
GABI na ay hindi pa rin dumarating si Damon. Maging sina Trisha ay wala pa din. Kailangan kong makausap ngayon si Damon para makahingi ako ng tawad sa inasal ko kagabi. I realized lately na masyado akong nagpadala sa aking emosyon kaya't kung anu-ano ang mga nasabi ko sa kanya at palagi kong nakakalimutan that he has a temporary amnesia."What's wrong? What is that sad look in your face, honey?""Uhm, nothing mom. Nag-aalala lang ako kina Damon at Trisha. It's almost eight in the evening and they're not home yet.""Ako nga rin eh. Hmm, did you try to call them?""Yeah, but they both not picking up their phone.""Oh my god! How about his driver? Please Freya, try to contact him baka may alam siya kung nasaan ang dalawa.""Okay mom. Tinawagan ko ang driver at nakakagulat na pati siya ay hindi rin makontak.""What now? Don't tell me that he's not picking up as well?""Not really, mom.""Gosh! How about Ernest?""I will call him, mom."I called Ernest and i'm glad that he suddenly