Balot ng antisipasyon ang puso ni Anastasha habang pinagmamasdan ang mabagal na pagpapalit ng numero ng elevator na kaniyang sinasakyan. Maisip pa lang na makikita na niya si Domino matapos ang isang buwan ay napupuno na ng galak ang kaniyang puso. Sabi nito ay may maganda siyang balitang nais niyang ibahagi sa kaniya.
Magpo-propose na kaya siya? Ang tagal niya na ‘yong hinihintay!
Puno ng ingat niyang bitbit ang paboritong pagkain ng lalaking mahal niya, lasagna. Gumising pa siya nang maaga para lang gawin ‘yon. Kapares no’n, naghanda rin siya ng iced coffee bilang panulak kung sakali mang mauhaw ito.
Gustung-gusto niyang pinagsisilbihan si Domino. Lalo na’t alam niyang gusto rin ito ng lalaki. Hindi naman siya nagrereklamo. For as long as it will make him happy, Tash would be glad to do it each day.
Walang pagsidlan ang galak niya nang sa wakas ay kaniyang marating ang top floor kung nasaan ang opisina ni Domino, ang kasalukuyang presidente ng kumpaniya. She was feeling extra giddy that morning. Ramdam niya iyon sa bawat maingay na tibok ng puso niya.
Katahimikan ang bumati sa kaniya nang lumabas siya ng elevator dahil may isang oras pa bago ang pasok ng mga empleyado. Wala pang tao. Kaya solo niya ang buong pasilidad.
At sa kagustuhan niyang sorpresahin si Domino ay sinadiya niyang magdahan-dahan sa kaniyang bawat paghakbang. Tinungo niya ang opisina nito at papasok na sana ng tuluyan nang matigilan siya dahil sa bahagyang pagkakabukas nito. Kasunod no’n, tuluyan na siyang ‘di nakagalaw dahil sa ingay na nanggagaling sa loob.
Naging mabilis ang mga sunod niyang hakbang patungo sa pinto. Kasabay no’n ay ang mas lalo pang pag-ingay ng tibok ng puso niya sa iba ng rason. Halos pabalibag na niyang binuksan ang pinto ngunit walang nakita sa loob. Ngunit ang ingay ay mas luminaw pa sa kaniyang pandinig.
“D-Domino… d-don’t…” halinghing ng babae.
Natulos siya sa kaniyang tinatayuan. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. At para nang sasabog ang kaniyang utak sa nangyayari. Hindi siya bobo para hindi maintindihan ang nangyayari. Ngunit hindi niya ‘yon lubos na mapaniwalaan.
Imposible! Opisina ‘to ng lalaki kaya paanong may gano’ng bagay na mangyayari. Hindi ‘yon magagawa ni Domino sa kaniya! Hindi gano’n klase ng lalaki ang mahal niya!
Ngunit kahit ano pang gawin niyang pagkumbinsi sa kaniyang sarili, mas malinaw ang reyalidad ng kaniyang naririnig. Na tuluyang dumudurog hindi lang sa pag-asang kinakapitan niya kundi maging sa puso niya rin.
“You’re so beautiful, babe. I love you so much.”
Boses ‘yon ni Domino!
Sigurado siya ro’n. Dahil kahit pa lumipas ang taon at mahabang panahon ay patuloy niyang makikilala ang ganda nito.
“Mahal din kita, Domino. Pero… paano ang kuya mo?” tanong ng babae na mas nagpatigil sa kaniya. “We’re still engaged. At bukas na ang balik niya. Kapag nalaman niyang may relasyon tayo, mapapatay ako no’n.”
“Of course not! Hindi ko ‘yon hahayaang mangyari. Dala mo ang anak ko. At gustung-gusto na ni Mama ng apo. Kapag nalaman niyang magkakaanak na tayo, sigurado akong tutulungan niya tayong kumbinsihin si Kuya na ituloy ang relasyon natin,” puno nang kasiguraduhang tugon ni Domino.
Sa bawat segundong naririnig niya ang sinasabi nito ay mas lalong nadudurog ang puso niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kaniyang dala-dala kasabay nang unti-unting pagsikip ng daluyan ng hangin sa kaniyang katawan dala ng pagbigat ng emosyong kaniyang nararamdaman.
Gusto niyang itanggi ang kaniyang naririnig. Ngunit sa sobrang linaw no’n ay hindi makuhang maghanap ng rason upang pasinungalingan ‘yon.
“Pa’no ang sekretarya mo? Hindi ba’t may kasunduhan kayo noong mga bata kayo? Paano siya?” tanong pa nito.
“Hindi problema ang tangang ‘yon. Kung hindi lang dahil sapabor ng Tatay niya noon, matagal ko na sana siyang pinalayas sa kumpaniyang ‘to. Baby… ikaw lang ang mahal ko,” suyo ni Domino sa babae.
Pagkatapos nitong magsalita ay saka naman napuno ng ingay ang paligid dahil sa mga sunud-sunod na nagsipasikan na mga empleyado.
Pigil na pigil niya ang kaniyang mga luha huwag lang itong tuluyang tumulo. Matagal na niyang gusto si Domino. At alam iyon ng lalaki. Mula pa noong high school sila. Siyam na taon na rin ang lumipas nang mapagtanto niya ang kaniyang nararamdaman.
Pero ano? Isa lang siyang tangang babae para rito? Isa lang siyang uto-uto?
Sa reyalisasyong ‘yon ay hindi na niya nagawa pang pigilan ang tuluyang pagdaloy ng luha sa kaniyang mga mata. Dinama niya ang pagguhit nang init nito sa magkabila niyang pisngi. Nanlalabo na ang kaniyang paningin. Tuluyan na rin niyang nabitawan ang kaniyang mga dala-dala nang mawalan ng lakas ang kaniyang kamay dahilan upang kumalat ‘yon sa sahig.
Patuloy na naglalandas ang mga luha sa kaniyang magkabilang pisngi ngunit pinanatili niyang nakapaskit ang kaniyang ngiti. Sobrang sakit ng bawat pintig ng puso niya. Durog na durog ‘yon at hindi na siya halos makahinga.
Siyam na taon! Siyam na taong ginugol niya upang mahalin ang lalaking ‘yon. Lahat ng tungkol dito ay alam niya. Malinaw niyang naaalala. Mula sa pananalita nito, sa mga gusto’t ayaw niya, sa kaniyang pananamit, mga gawi. Lahat-lahat!
Lubos niya ‘tong kilala. Pero sobrang nakakapanliit pala na malaman na wala pala ‘yong halaga. Huh, tanga? Siguro nga ay tanga siya. Sobrang tanga para mahulog sa lalaking ‘di siya kayang bigyan ng importansya.“Domino!” gilalas niya, ‘di na kaya pang pigilin ang sariling emosyon. Hindi niya na kayang kontrolin pa ang galit sa puso niya. Parang ang mga luha niyang patuloy pa rin sa pag-agos. Para na ring sasabog ang puso niya sa sobrang lakas ng tibok no’n.More than the betrayal, she felt fooled. Ang baba na nang tingin niya sa sarili niya dahil sa pananalita nito. Ni sa hinagap hindi niya naisip na hahantong sa ganito ang pagmamahal niya sa lalaking pinagukulan niya ng siyam na taon ng buhay niya.“Hayop ka! Pa’no mo nagawa sa ‘kin to?!” galit niyang sigaw.Sa lakas ng boses niyang punung-puno ng galit at hinanakit ay natahimik ang sala kung saan kasalukuyang naroon ang dalawa. Ngunit panandaliang katahimikan lamang ‘yon. Dahil muling napuno ng kaluskos doon na tila pareho silang nagmamadali sa pagkilos, marahil ay sa pagsuot ng damit.Ilang sandali lang, bumukas na rin ang pintuan. Iniluwa no’n ang kalmadong si Domino na ‘di mababakasan ng kahit na anong emosyon sa mukha. Nang makita niy
“Tash! Okay ka lang?” Mabilis siyang dinaluhan ni Domino.Hindi niya magawang maramdaman ang kirot sa kaniyang sugat na natamo dahil mas nangingibabaw pa rin ang masakit na pintig ng kaniyang puso.Domino betrayed her. Hindi siya nito mahal.Wala nang mas sasakit pa sa katotohanan na ‘yon. Pero bakit parang balewala lamang siya rito.“Bitawa mo siya.”Sabay silang napahinto nang umalingawngaw ang malalim at baritonong boses na ‘yon mula sa kung saan. Kahit si Domino ay nabakasan niya nang pagkabalisa dahil sa bagong dating. Bigla ring umukit ang iba’t ibang emosyon sa mukha nito mula sa kaninang blangko nitong ekspresyon.Mukha siyang batang takot at nahuling gumagawa ng masama. Ngunit ‘di iyon maikukumpara sa takot na nakasulat sa mukha ni Venice na ngayon ay nanlalaki na ang mga mata habang nakatingin sa direksyon ng entrada. Para siyang nakakita ng multo dahil sa biglaang pagputla ng kaniyang mukha.It was her fiancé!Sinundan nang tingin ni Tash ang direksyong tinitingnan ni Venic
“Okay lang ako, promise,” pilit niya. Sinubukan niyang kumawala sa mahigpit nitong pagkakahawak ngunit dahil nanghihina na siya’y hindi niya magawa.Namamanhid na yata ang buo niyang katawan. Hindi niya kasi makuhang maramdaman ang sugat niya. Bagkus ay para pa siyang hindi nasasaktan.“Sumakay ka na, Miss. Nasa ulo ang sugat mo. Baka kung ano pa ang mangyari. Baka magkaro’n pa ng komplikasyon kung ‘di natin mapapagamot nang maayos ‘yan,” giit ng sekretarya ni Dimitri. Binuksan na rin nito ang pintuan para sa kaniya.“Kung gusto mong patuloy na ipahiya ang sarili mo, bahala ka. Pinagtitinginan ka niya. Kung gusto mong magmukhang kawawa, ikaw ang bahala.” Walang emosyong binitawan siya ng lalaki at iniwan na siya sa kinatatayuan niya.Dumaan ang pag-aalangan sa kay Anastasha. Nag-dadalawang-isip siya. Si Dimitri ang kaharap niya. Siya ang nakatatandang kapatid ni Domino, ang lalaking mahal niya ngunit sinaktan siya.Sa huli ay natagpuan na lang niya ang sarili niyang mabagal na naglala
Hindi magawang pangalanan ni Tasha ang naramramdaman niya. Hindi niya alam kung dapat ba niyang ikatuwa ang mga naririnig niya kay Dimitri o ang mainis dahil napaka-out of the blue nito.She just got out of a fresh heartbreak for pete’s sake! At nasaksihan niya pa ito kaya hindi niya lubos na maintindihan kung paano nasasabi ni Dimitri ang mga ganitong bagay. And to make it even worse, involved pa ang babaeng dapat na pakakasalan niya.Nagpakawala siya ng mahinang tawa. Punung-puno ‘yon nang sarkasmo. “‘Yong lalaking mahal ko… mahal ang fiancée mo. Kung papayag ako sa gusto mo at pakakasalan kita, hindi ba’t parang sobra naman ‘yon?” pagrarason niya.He was actually not making any sense at all! Hindi niya kilala kung anong klase ng lalakit ito dahil hindi naman niya ‘to madalas na nakakasama noon pa man. He’s mostly out of the country. Kaya hindi niya matantiya kung seryoso ba ito o nagbibiro lang. “I’m not forcing you. Sabihin mo lang kung papayag ka o hindi,” anito sa boses na puno
Balot nang katahimikan ang naging biyahe nina Tasha at Dimitri patungo sa destinasyong hindi pa ipinaaalam ng lalaki. Ngunit kabaliktaran ang laman ng kaniyang isip dahil parang sirang-plaka na paulit-ulit na pumupuno roon ang ala-alang pinagsaluhan nila ni Domino sa loob ng siyam na taon.At sa bawat masasayang memoryang kaniyang binabalikan, kapalit ay ang puso niyang paulit-ulit na nasusugatan.Siyam na taon, Domino! Hindi mo na sana ako pinagmukhang tanga sa loob nang mahabang panahon!Muli na namang naglandas ang luha sa kaniyang mga mata na agad naman niyang pinunasan. Hanggang sa hindi niya namalayan na huminto na pala sila sa tapat ng isang magara at sumisigaw sa karangyaan na mataas na gusali.“Get out and follow me,” malamig nitong sabi.At kahit sa mga segundong iyon ay hindi niya pa rin magawang masanay sa presensya ng lalaki. Halos walang emosyon na mababakas sa boses ni Dimitri. Puno iyon nang lamig. Na para bang siya ay galit o ’di kaya’y walang pakialam sa kaniyang pal
Hindi nagawang makapagsalita ni Domino sa kabilang linya. Para siyang nawalan ng boses dahil hindi niya inaasahang manggagaling ang mga salitang ’yon kay Tasha.Nagbuntonghininga ang dalaga. “Pagod na ako, Domino. Sa susunod na lang natin ‘to pag-usapan,” walang buhay nitong sabi. Ang totoo ay ayaw pa muna sana niyang marinig ang boses nito.“Sige, magpahinga ka na lang muna,” saad nito pagkatapos ay ibinaba na ang linya.Naiiling na pinagmasdan niya ang kaniyang cellphone nang tuluyang mamatay ang tawag. Ibababa na sana niya iyon nang sa isang ekspertong kilos ay nagawang agawin ni Dimitri ang aparato.Gulat na pinagmasdan niya ang lalaki upang alamin ang ginagawa nito. At doon niya napagtantong inilalagay na pala ng lalaki ang numero nito sa cellphone niya. “Anong ginagawa mo?” salubong ang kilay na kaniyang tanong.“Saving my phone number to your cell. Dito mo ako tawagan kung may mga tanong ka sa susunod,” balewala nitong tugon.Nang matapos sa paglalagay ng numero niya sa dial pa
Hindi lubos na maiproseso ni Anastasha ang mga naririnig at nakikita niya kay Dimitri; kung paano ito balewalang namimili ng mga panloob niya na para bang malalim na ang pagkakakilala nila sa isa’t isa. Ibinaling niya ang kaniyang paningin sa sales lady na masayang pina-punch ang mga pinamili nila.Samantalang siya, hindi na alam kung paano itatago ang kaniyang mukha na pulang-pula na dahil sa hiya. Halos wala na ngang takpan ang mga underwear na napili ng binata! Okay lang naman sana kung para sa sarili niya iyon. Kaso hindi! Kaya hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip nito at naisipan siyang bilhan ng mga gano’ng klase ng kasuotan!Baka…Tasha mentally shook her head. Hindi naman siguro.Ngunit nagkamali siya nang isipin niyang doon na natatapos ang pagbili ni Dimitri ng mga damit para sa kaniya. Dahil pagkatapos na pagkatapos nila sa underwear section ay dumiretso sila sa mga sapatos at bag. Hanggang sa hindi na niya napagtantong tila ba ang hangarin ng lalaki ay baguhin siya
Napuno nang katahimikan ang dining area ng mga Lazatine. Walang sinuman ang naglakas-loob na magsalita dala nang gulat sa inanunsyo ni Dimitri. Hindi nila alam kung ano ang dapat na itanong at kung sino ang gagawa no’n.Nagpalitan sila ng tingin habang nagkakapaan. Masyado nila itong hindi inaasahan.The Chairman cleared his throat. “Kung hindi si Venice ay sino?” tanong niya sa wakas. Ibinaba rin niya ang gamit niyang kubyertos habanghinihintay ang sagot ng kaniyang anak.Patagong sinulyapan ni Dimitri ang kaniyang ama, inaarok ang reaksyon nito. “Si Anastasha,” kalmado niyang tugon.Sa dalawang salitang binitawan niya, tila ba bagyo ang naging sunud-sunod na ingay na nagmula sa kaniyang pamilya. Halos hindi na sila magkariningan dahil nagpatong-patong na boses nilang lahat na naroon sa hapag-kainan.“Anong sabi mo? Tama ba ang narinig ko?” Salubong ang kilay na binalingan siya ng kaniyang ama dahil sa hindi pagkapaniwala.While the others remained lost in , caught off guard, includi
“Why are you holding him captive, Dad?” tanong ng kaniyang ina sa Lolo niya. “Si Dimitri ang may mali rito. Kung may dapat na magpaliwanag ay siya iyon hindi si Domino!” agresibong pagtatanggol sa kaniya ng kaniyang ina. Nakita rin niya ang matalim nitong tingin sa Lolo niya.“That’s not it, Mom…” alangan niyang pagkontra rito. Aminin man niya o hindi, talagang kinakain siya ng kaniyang konsensya dahil sa mga pagkakamaling nagawa niya sa kaniyang Kuya.Napabaling ang lahat sa nakatatandang Lazatine nang naging sunud-sunod ang pag-ubo nito. “Kung may gusto ka mang aminin o sabihin, sabihin mo na, Domino. Let’s not make this conversation long,” anito pakatapos ay nagpatuloy ito sa kaniyang pag-ubo.Sinundan niya ng tingin ang kaniyang ina nang daluhan nito ang matanda. Marahan niyang hinagod ang likod nito upang kalmahin ang agresibo nitong pag-ubo. “It’s okay, Dad. Don’t force yourself too much. For sure naman may rason si Domino. Pakinggan natin ang side niya.” Binalingan siya ng kani
“Ako ang bahala sa iyo. Kung totoong mahal ka ni Kuya, magagawa ka niyang palayain. Maiintindihan niya ang sitwasyon. Kung hindi man, sigurado akong hindi papayag ang mga magulang ko na hindi kita mapanagutan. I got you,” pangako ni Domino. “As long as I’m here, no one would be able to touch even the tip of your hair.”Hindi na napigilan pa ni Venice ang pagbalong ng luha sa kaniyang mga mata. At bago niya pa magawang pigilan ang kaniyang sarili ay pumaloob na siya sa mga bisig ng lalaki. “Domino…”“Dito ka lang at hintayin mo ako. Babalik ako mamaya. Magpahinga ka na muna,” bilin pa nito pagkatapos ay kinantilan ng magaang halik ang kaniyang noo. Naiwan doon si Venice na nakasunod lang ng tingin sa papalayong bulto ng kaniyang kasintahan.Domino drove himself to their home carrying a mind full of worries. Hindi rin naman nagtagal ay narating na rin nila ang kanilang tahanan.Bumati sa kaniya ang kaniyang Lolo na walang imik na nakaupo sa sofa suot ang seryosong ekspresyon sa kaniyan
Matalim ang mga mata na nilingon siya ni Dimitri. “Natatakot ka bang baka maging pabigat lang ako sa ’yo? Na baka dumepende ako at mahirapan kang alagan ako?” matalim ang boses na tanong niya sa akin.Maagap naman ang naging pag-iling ni Tasha. “What? Of course not!”Nagbawi ito ng tingin sa kaniya at ipinako na lamang sa kawalan. “Naiintindihan ko naman. Kahit sino naman hindi gugustuhan na pakasalan ang paralisadong tulad ko. Kahit pa mismo ang babaeng mahal ako, walang hirap akong tatalikuran dahil sa kalagayan ko.”Napayuko si Anastasha nang marinig ang kaunting lungkot sa boses nito. Agad na naghagilap siya ng mga salitang maaaring makapagpagaan ng loob nito ngunit bigo siya. Wala naman kasing higit na makakaintindi sa nararamdaman ni Dimitri kundi siya lang.But Anastasha still tried to come up with something. Para kahit papaano ay hindi bumaba ang tingin ng lalalki sa sarili niya. “Huwag mo ngang sabihin iyan,” aniya kay Dimitri. “Hindi ibig sabihin na niloko ka ni Venice ay hi
Anastasha tasted bitterness at the tip of her tongue after she let those words out. Hindi na niya kayang timbangin kung ano pa ang dapat na gawin.“Naririnig mo ba ang sarili mo? Iyan ba talaga ang gusto mo?” malamig na tanong ni Dimitri.Mapait na napangiti si Anastasha pagkatapos ay marahang napatango. “Oo,” sagot niya.Mariin siyang napakagat sa pang-ibaba niyang labi. Kahit siya, hindi rin sigurado sa naging sagot niya.Napanguso si Tasha bago napakagat sa kaniyang ibabang labi. Pagkaraan, pilit na naman siyang napangiti. Napako ang kaniyang paningin sa kawalan, umaasang makakahanap doon ng sagot sa mga tanong sa kaniyang isip.“Mas okay na siguro iyong ako na lang ang masaktan sa gulong ‘to,” malungkot niyang sabi. “Mag-isa lang naman ako. Kaysa sa maraming taong maaapektuhan kung malalaman nila ang totoo.”The corners of her eyes sting it mare her tilt her hear upwards to stop her tears from falling. Binati siya ng makakapal na ulap sa dagat ng asul na kalangitan. Looking at the
Taliwas sa nais ni Dimitri na manatili siya sa penthouse nito, mas pinili niyang umuwi na lang sa kanila. May isang oras lang siyang nanatili roon kung saan niya nilinis ang sugat niya at nagpalit ng damit.Umuwi siya bitbit ang ilang pirasong paper bag na bigay ni Dimitri na naglalaman ng mga bagong biling damit para sa kaniya. Ngunit ilang hakbang bago ang bahay nila ay napahinto siya at napatingala.Hindi niya mapigilan ang sarili niya na magbalik-tanaw sa mga naging kaganapan ngayong araw. Tuloy, hindi na naman niya mapigilan ang mapabuntong-hininga. She’s a wreck, anyone would notice that. Pero mas wasak-wasak ang puso niya ngayon. Problemado pa siya dahil hindi niya alam kung paano ipaliliwanag sa kaniyang ina ang nangyari sa kaniya.Hindi niya alam kung paano sisimulan. Ang hirap naman kasing ipaliwanag na pakakasalan niya ang Kuya ng lalaking mahal niya dahil lang sinaktan siya nito? Kahibangan!“Maiintindihan naman siguro ni Mama?” pagkausap niya sa kaniyang sarili.She menta
Nanatiling kalmado si Dimitri kahit pa nakita niyang muling pinulot ng kaniyang ina ang rehistro ng kaniyang kasal kay Anastasha. Nakita rin niya ang pagiginig nito. Unti-unti na ring nalulukot ang papel sa sobrang higpit ng kaniyang pagkakahawak roon.“You’re imposible, Dimitir! Hindi mo nga halos kilala si Anastasha katulad nang relasyong mayroon sila ni Domino. Tell me, what did you do to her, huh?” Humakbang ito palapit sa kaniya habang nanlilisik pa rin ang mga mata. “Paano mo siya napapayag, ha? Kilala ko si Tasha, hindi niya basta-basta lang ipapagpalit si Domino!”Alam ni Dimitri ang hangganan ng relasyong mayroon sila ng kaniyang ina. Na hindi man sila magkasinglapit tulad ng relasyong mayroon sila ni Domino, kahit papaano ay umaasa siyang maiintindihan nito.Sa kabilang dako, puno nang pagkadismaya si Adelaide dahil sa ginawa ng anak niya. She knew how distant he is to every member of their family. And she still wants to give him the benefit of the doubt. Pero kung ganitong
“Don’t you ever dare leave, Dimitri! Kinakausap pa kita!” galit na pigil ni Adelaide sa kaniyang anak na palabas na sana.Nagmamarstang nilapitan ni Adelaide ang lalaki na nasa entrada na ng dining area. He was still holding on his wheelchair’s wheels, ready to leave anytime. He’s done having this conversation with them. Hindi naman kasi nila maiintindihan.Sa sobrang galit niya sa kaniyang anak ay namumula na ang buo niyang mukha. Huminto siya sa harapan nito at tinangnin siya gamit ang kaniyang matatalim na mata. At bago niya pa magawang pigilan ang sarili niya ay naduro na niya ito.“Tingnan mo nga, Dante!” galit niyang sumbong sa kaniyang asawa. “Kinakausap ko pa’t tinalikuran ako bigla! Ganyan ba ang dapat na trato ng isang anak sa magulang niya?! Ganyan ba dapat maging kuya? Just becuase you’re wearing your military uniform doesn’t mean you deserve the honor! Dapat nga hindi ka na bumalik dito, eh. Hindi ka karespe-respeto! Nagawa mo ngang sulutin ang babaeng pakakasalan ng kapa
Napuno nang katahimikan ang dining area ng mga Lazatine. Walang sinuman ang naglakas-loob na magsalita dala nang gulat sa inanunsyo ni Dimitri. Hindi nila alam kung ano ang dapat na itanong at kung sino ang gagawa no’n.Nagpalitan sila ng tingin habang nagkakapaan. Masyado nila itong hindi inaasahan.The Chairman cleared his throat. “Kung hindi si Venice ay sino?” tanong niya sa wakas. Ibinaba rin niya ang gamit niyang kubyertos habanghinihintay ang sagot ng kaniyang anak.Patagong sinulyapan ni Dimitri ang kaniyang ama, inaarok ang reaksyon nito. “Si Anastasha,” kalmado niyang tugon.Sa dalawang salitang binitawan niya, tila ba bagyo ang naging sunud-sunod na ingay na nagmula sa kaniyang pamilya. Halos hindi na sila magkariningan dahil nagpatong-patong na boses nilang lahat na naroon sa hapag-kainan.“Anong sabi mo? Tama ba ang narinig ko?” Salubong ang kilay na binalingan siya ng kaniyang ama dahil sa hindi pagkapaniwala.While the others remained lost in , caught off guard, includi
Hindi lubos na maiproseso ni Anastasha ang mga naririnig at nakikita niya kay Dimitri; kung paano ito balewalang namimili ng mga panloob niya na para bang malalim na ang pagkakakilala nila sa isa’t isa. Ibinaling niya ang kaniyang paningin sa sales lady na masayang pina-punch ang mga pinamili nila.Samantalang siya, hindi na alam kung paano itatago ang kaniyang mukha na pulang-pula na dahil sa hiya. Halos wala na ngang takpan ang mga underwear na napili ng binata! Okay lang naman sana kung para sa sarili niya iyon. Kaso hindi! Kaya hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip nito at naisipan siyang bilhan ng mga gano’ng klase ng kasuotan!Baka…Tasha mentally shook her head. Hindi naman siguro.Ngunit nagkamali siya nang isipin niyang doon na natatapos ang pagbili ni Dimitri ng mga damit para sa kaniya. Dahil pagkatapos na pagkatapos nila sa underwear section ay dumiretso sila sa mga sapatos at bag. Hanggang sa hindi na niya napagtantong tila ba ang hangarin ng lalaki ay baguhin siya