Share

Chapter 04

last update Last Updated: 2025-01-15 21:47:34

Ilang minuto na ang nakalipas pero, wala pa rin nagsasalita sa amin ni Rafael. Madaming gumugulo sa isip ko pero, hindi ko iyon masabi sa kaniya.

"Nagbago na ba ang isip mo?" Bigla kong tanong. Pinapakiramdaman ko ang sarili ko.

Bakit hindi ako galit sa kaniya? Hinayaan niya akong mabasa ng ulan kahapon, sapilitan niya akong pinauwe at ngayon naman ay iniwan niya ako at hinayaan akong maglakad at mag-isang bumalik sa bahay niya.

"Hindi pa. Sabi mo ay pakinggan muna kita. Tell me about your rules." Pinaningkitan ko siya ng mata. Hindi pa ako nakakabawi sa pag-uusap namin ni Caleb. Hindi man kami magkasundo ni Rafael, alam kong malayo siya sa mga bagay na pumapasok sa utak ko. Malalim akong bumuntong-hininga.

"I thought you don't like this game anymore?" Pilit kong binabasa ang magiging reaksyon niya pero, sadyang wala talaga. Kampante lang siyang nakaupo habang nakatitig sa mata ko.

"Change of mind, I guess? Are you mad at me?" Pag-iba niya ng usapan. Sinulyapan ko ang hawak kong pen.

I don't know either. Muli ko siyang pinasandalan ng tingin. "Like what I've said, 3 years lang tayong magsasama bilang mag-asawa. Ikaw ang gagawa ng rules. Ang akin lang ay mapapayag ka sa kasal." Mahaba kong sabi.

"3 years?  Sabihin mo sa akin kung bakit kailangan 3 years?" Tumigil ako saglit.

"Because of my mom, she's showing some dementia symptoms. Sabi ng doctor ay puwede pang lumala iyon sa mga susunod na tao. The board of directors, gusto nilang ibigay kay Caleb ang position. Pinaghirapan iyon ng mga magulang ko." Paliwanag ko sa kaniya. Marahan siyang tumango.

"I know that. We already talk about it." Kumunot ang noo ko. "I'm talking about your cousin." I smiled bitterly.

"That's why you're here?" May bahid na lungkot sa boses ko. Hindi ko iyon maitago sa kaniya. Nasanay akong maging malakas sa harapan ng iba pero, pag siya na ang kausap ko, parang kusang lumalabas ang emosyon ko.

"I'm here because I don't like his offer." Mas lalong kumunot ang noo ko. "So, hindi pa ba tayo magsisimula?" Tanong niya.

Tumango ako at tumayo para maupo sa tapat niya, "Let's start with your rules." Sabi ko nang makalapit. Siya naman talaga ang gagawa. Hahayaan ko siyang magdesisyon dahil ang mahalaga lang sa akin ay makasal sa kaniya. That's all.

"Marriage is not a joke. Are you sure about this? Annulment is not that easy." Panimula niya. "To convince the people around us, kailangan natin mag-mukhang mag-asawa. Sa harapan ng ibang tao at kahit tayong dalawa lang." Tumango ako.

"But, before that....kailangan kong magsimula sa pinaka-umpisa." Kumunot ang noo ko. Hindi niya inaalis ang titig niya sa akin.

"What do you mean?"

"Maninirahan ka kasama ako, Ceska." Muli akong tumango.

"Of course! Mag-asawa tayo kaya dapat lang." Nakangisi kong sabi.

"Sa bahay ko." Nanlaki ang mata ko.

"What? Sa bahay mo? But, we can live in our mansion." Umiling siya.

"I don't like your cousins." Deretso niyang sagot.

"How about condo? Or rent an apartment for us?" Muli kong tanong.

"We have to convince them, Ceska. Ayaw kong mapunta lang sa wala ang paghihirap natin. Maninirahan ka sa akin, katulad ng sabi ko totoo ang maging kasal natin, sa tatlong taon na iyon, magiging asawa mo ko. Which mean, kailangan kong magsumikap para maibigay lahat ng nakasanayan mo." Natigilan ako sa sinabi niya.

"Ayaw kong isipin nila na naghahabol ako ng pera o ginagamit lang natin ang isa't isa. I'm just helping you. I'll work here in your own company, sasahod ako at hindi mo kailangan magbayad sa akin." Napanganga ako sa sinabi niya.

"Sa bahay mo ako titira? Mag-iipon ka para sa atin? Then, after 3 years....maghihiwalay tayo?" Sunod-sunod kong tanong.

"Why? Are you complaining?" Nakangisi niyang tanong. Mabilis akong umiling.

"No! Hindi mo ba kailangan ng pera?" Nagtataka kong tanong.

"Nah. CEO ang asawa ko, e. Sakto na siguro iyong magiging sahod ko." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"So, any comments?" Muli niyang tanong. "Is that your first rule? Manirahan sa bahay mo?" Tanong ko rin.

Tumango siya, "Yeah."

"So, what's your next rule?" Pinagkrus  ko ang braso.

"As my wife, of course gagawin mo ang mga responsibilities mo." Pinagtaasan ko siya ng kilay.  "Magluluto at aalagaan ako." Muli kong binasa and labi ko sa sinabi niya.

"You mean...magluluto, maglalaba or kung ano pa ang gawain ng isang asawa?" Marahan siyang tumango.

"Why? Don't you know how to cook?" Mabilis akong umiling.

"Marunong ako! Ako nga naglalaba ng mga damit ko." Ngumisi lang siya sa akin.

"Okay. That's good." Wala namang problema sa akin kung iyon ang gusto niyang mangyari.

"Sabi mo magiging totoo tayong mag-asawa sa loob ng tatlong taon....meaning...uhm...magsasama tayo sa isang kuwarto and do the thing...l-like you know.." Sumimangot ako nang malakas siyang tumawa. Hindi ko kasi makuhang ituloy ang sasabihin ko.

"I'm sorry. You're so cute when you're confused." Natatawa pa rin niyang sabi. Ramdam ko tuloy ang pamumula ng pisngi ko.

"It's depend. Magkaiba ang room natin, of course! I still respect your privacy. Consent first before doing that thing." Lumunok ako nang sabihin niya iyon. That's it. Hindi ko alam na ganito ang magiging set-up naming dalawa.

"But, as your husband..." Seryoso siyang tumitig sa mata ko.

"Holding your hands, and kissing your lips in front of everyone is okay. Right?" Hindi ko makuhang tumingin sa kaniya. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Y-yeah...of course!" Utal kong sagot. "Magiging mag-asawa tayo, magiging mabait ka sa akin pero, hindi ko iyon dapat bigyan ng kahulugan, right? Kasi after that...this is just a part of contact?" Mabilis siyang tumango.

"After 3 years, we will file an annulment." Dagdag niya pa. Tumango ako.

"Is that all? How about liking someone? I mean, dating someone?" Tanong ko dahil okay lang naman sa akin kung may magustuhan siya, at least maging malinaw iyon sa aming dalawa.

"No woman involves, Francesca. I will respect our marriage, magiging asawa mo 'ko kaya bakit ako maghahanap ng iba?" I swear! Sobrang pula na siguro ng mukha ko.

"Just incase--"

"Nah. Sa tatlong taon na iyan, ikaw lang ang magiging babae sa buhay ko. I'll work hard and prove myself to you, then after that...." Hindi niya makuhang ituloy ang sasabihin niya.

Muli akong tumango, "I get it." Putol ko sa sasabihin niya.

"Hindi magiging fake ang kasal natin, maninirahan ako sa bahay mo, magsisimula tayo sa umpisa, magiging  maalaga tayo sa isa't isa at no third party or cheating. How about your siblings?" Tanong ko sa kaniya.

"Don't worry about them. My siblings are my responsibility.  Ako lang ang responsibilidad mo." Naka-ilang dasal ako sa isip ko, lahat nalang ng sinasabi niya ay nagiging dahilan para mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko.

"O-okay." Iyon na lamang ng nasabi ko. "How about our wedding?" Tanong ko ulit sa kaniya.

"As soon as possible." Deretso niyang sagot. Napalunok ako. Grabe! Hindi ito ang inaasahan ko. Akala ko kasi ay magpapanggap lang kami sa harapan ng ibang tao. Magiging cold sa isa't isa kapag walang nakakakita.

"So, how about this month?" I suggest. Nagsisimula lang kasi ang buwan. Napahawak siya sa labi niya. Parang nag-iisip.

"So, kaya ba this month?" Mabilis akong tumango. Kaya naman iyon, madami akong kakilala.

"Okay. Beach wedding? Or you choose." Hindi muna ako sumagot. Ilang beses kong pinag-isipan iyon bago tuluyang makapag-desisyon.

***

Hindi nga talaga nagbibiro si Rafael dahil hindi pa man kami kasal ay hatid-sundo niya ako sa trabaho. Kapag pupunta kami sa organizer ng kasal namin at iba pang aasikasuhin ay kasama ko siya.

"Let's eat?" Tanong niya. Dapat ay hindi kami magkikita ngayon dahil sa isang araw na ang kasal namin. Ang bilis lang ng oras.

"May gagawin pa ako." Saad ko. May board meeting kami after our wedding. Kailangan ko rin siyang ipakilala sa lahat ng board members.

"Kumain ka muna. Always prioritize your health." Hindi na ako nagulat nang hawakan niya ang braso ko.

Calm down, Ceska! Hindi ka puweding mahulog ng ganito kabilis.

Rafael is family oriented, God fearing, gentleman and responsible. Sa ilang araw lang na nakakasama ko siya, masasabi kong mabuti siyang tao. Na kahit alam kong may katapusan ang tungkol sa aming dalawa, hindi ko maiwasang hindi humanga sa kaniya.

"You may now kiss the bride." Parang tatakas ang puso ko nang marinig ang sinabi ng pari.

Lumapit si Rafael at hinawakan muna ang mukha ko. "Can I kiss you?" Bulong niya nang makalapit sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at deretsong tumingin sa mata niya.

Unti-unti akong tumango, "Y-yes." Napapikit ako nang ngumisi siya akin. He lifted my chin and press his lips to mine. Isang halik na alam kong hahanapin ko sa oras na matapos ang lahat ng 'to.

To be continued...

Related chapters

  • Marrying Mr. Valeria    Chapter 05

    "Oh My Gosh!" Mabilis akong umatras nang biglang tumalsik ang matika habang nag p-preto ako ng hotdog at itlog."Do you really know how to cook?" Biglang sumulpot si Rafael sa likod ko. It's my 1st day here in his house. Mukha siyang luma sa labas pero, malinis naman at organize ang mga gamit sa loob."Marunong ako, okay? S-sadyang may water lang ata iyong mantika." Umikot ang mata ko nang marinig ang mahina niyang pagtawa."Is that so? Let me help you." Tatanggi na sana ako nang tumayo siya sa likod ko at hinawakan ang kamay ko. He's hugging me from behind and placed his chin over my shoulder. "Baka nakalimutan mulang kung paano magluto talaga." Sarkastiko niyang dagdag."K-kaya ko naman." Ramdam ko ang pagdikit ng balat niya sa pisngi ko. Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko.Mabuti nalang talaga at nakatalikod ako sa kaniya, hindi niya makikita ang pamumula ng pisngi ko. Alam kong normal lang sa kaniya iyon dahil nga mag-asawa naman talaga kami pero, aminado akong apektado a

    Last Updated : 2025-01-15
  • Marrying Mr. Valeria    Chapter 06

    Nang gumawa kami ng kasunduan ni Rafael, buong akala ko ay niloloko lang niya ako. Na baka pahirapan niya lang ako sa dami nang naging kasalanan ko sa kaniya dati. Pareho kaming nanggaling sa public school, lagi kong iniiisip kung bakit sa sobrang yaman ng magulang ko, sa libreng paaralan pa ako pina-aral.But everything happens for reason. Kung hindi rin ako nag-aral sa public school, baka hindi ko nakilala si Anna at Rafael."What were you thinking?" Tanong ni Rafael nang mapansin ang pananahimik ko.Pareho kaming gumising ng maaga. Kailangan kong maghanda sa meeting mamaya, hindi kami sabay na papasok pero, pupunta naman siya sa meeting, kailangan lang niyang i-hatid ang dalawa niyang kapatid.Ang suwerte lang ng mga kapatid niya, parang siya ang tumayong magulang sa kanila."Bakit ang bait mo?" Bigla kong tanong."Because we're married." I bitterly smile. That's it! Kasama iyon sa pinag-usapan namin. Kailangan ko lang linawin iyon sa sarili ko."Ako na riyan." Sabi ko nang nasisim

    Last Updated : 2025-01-16
  • Marrying Mr. Valeria    Chapter 07

    "Are you sure?" Tanong ko kay Rafael. Lunch time na pero, wala pa rin talaga akong natatapos. Nagdadalawang-isip ko, magiging assistant muna siya ni Kuya Lance. Which is okay with me, mabait naman kasi iyon kapag hindi kasama si Caleb.But, I'm kinda worried about him, kung mag-uumpisa siya, alam kong makakasama niya si Caleb, not now but soon. And I don't think it's a good idea. Kilala ko ang isang iyon, hindi lumalaban ng patas."I'm fine, okay? Don't worry about me." I sighed. Wala naman din akong choice dahil iyon ang gusto ni Rafael.Tumayo ako para sumilip sa labas ng bintana. Mukhang uulan na naman mamaya. "What do you want to eat?" Naramdaman ko ang paglapit ni Rafael. Hindi pa ako nakakabawi sa nangyaring halikan namin kanina. Kung hindi pa kumatok iyong secretary ko, baka kung saan na kami napunta. "Ikalma mo, nasa opisina tayo." Natatawa kong biro. He hugged me from behind and placed his chin over my tiny head."What's your favorite scent?" Tanong niya sa akin. Marahan ko

    Last Updated : 2025-01-16
  • Marrying Mr. Valeria    Chapter 08

    Sumimangot ako habang pinapanood si Rafael, kanina pa siya inuutusan ni Kuya Lance. I don't really know what's wrong with him! Baka kinausap na namam ni Caleb."Come on, baby Ceska! Ilang buwan na siyang nagta-trabaho rito. Dapat kanang masanay." Inis kong sinulyapan si Kuya Oliver. Iyon na nga, e. Habang tumatagal siya rito, mas lalo siyang nahihirapan. May isang buwan pa siya kay Kuya Lance, pero pakiramdam ko ay kailangan ko pa rin siyang bantayan kapag na kay Kuya Oliver siya.Napaka-daya lang kasi ang bilis lang ng oras para sa amin ni Rafael. Mas naging malapit kami sa isa't isa. Sabay kumakain sa tuwing hindi siya tambak sa trabaho, sabay uuwe at minsan natutulog na rin kami sa kuwarto ng isa't isa.Magaling lang siguro kaming nagpigil, or baka ako kalang talaga ang apektado sa tuwing magkasama kaming dalawa?Sa mga araw na lumipas, marami akong natutuhan sa kaniya, madami akong nalaman na ayaw at gusto niya. Pero, minsan napapaisip din ako. Madalas naming bisitahin si Mommy, p

    Last Updated : 2025-01-23
  • Marrying Mr. Valeria    Chapter 09

    Growth in love comes from a place of absence, where the imagination is left to it’s own devices and creates you to be much more then reality would ever allow. I don't know if I'm doing the right thing. All I know is I'm happy with him. Dalawang araw na ang nakalipas nang makalabas siya sa hospital. Kinailangan niyang magpahinga kaya hindi muna siya pinapasok sa trabaho. Since it's Saturday pareho kaming walang gagawin.Nandito na kami ngayon sa kwarto nakahiga habang nakaunan ako sa dibdib niya habang siya naman ay nakayakap sa akin at nilalaro ang buhok. Parang nakasanayan na namin ang isa't isa. I could hear his heart beeating so fast. Using my finger, I tried to trace his tattoo. Nasa baba iyon ng kaliwang dibdib niya. "Infinity...." Tukoy ko sa tattoo. Napangiti ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Yeah. Do you know the meaning of that symbol." Ngumuso ako ang umiling sa kaniya."Infinite is a never ending loop. So it means forever or always or limitless, never ending possibi

    Last Updated : 2025-01-23
  • Marrying Mr. Valeria    Chapter 10

    I swallowed hard before I take a deep breath and sighed it harshly. Tumayo ako ng maayos at nilagay ang parehong kamay sa bewang. Next week pa naman ang lipat namin sa bahay pero, dahil may trabaho kami bukas, ngayon namin naisipan na magligpit muna ng ilang gamit. Para sa next weekends, maliit nalang ang aayusin namin."Pahinga ka muna," Marahang pinunasan ni Rafael ang pawis sa noo ko. Ngumiti ako at umiling rito."Ayos lang ako. Ilang taon na pala kayong nakatira dito?" Sumilay ang lungkot sa mata niya pero, agad rin namang ngumiti sa akin."5 years? Maliit pa si Real." Tumango ako habang nakatitig sa mata niya."4th year na tayo nun, right?" Marahan siyang tumango at lumayo ng kaunti sa akin."Yes. Binenta namin ang bahay para pangunang bayad sa hospital. Kaso ay tatlong taon lang ang kaya." Kuwento niya at muling kinuha ang kahon. "Kailangan kong magtrabaho at mag-ipon kasi walang kasiguraduhan kung ilang taon mananatili si mama sa hospital." Dagdag niya pa."Kaya ba hindi mo nat

    Last Updated : 2025-01-23
  • Marrying Mr. Valeria    Chapter 11

    "Do you want me to talk to him?" Tanong ni Rafael. Agad akong umiling ang hinawakan ang kamay niya. "I'm fine. Don't worry." Hindi ko sa kaniya sinabi ang gumugulo sa isip ko. Malabong makuha sa pakiusap si Caleb. Hanggang hindi siya nagsasalita, siguro naman wala akong dapat ika-bahala. Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa, nag-order nalang kami ng pagkain at dito kumain sa opisina. Dapat ay kanina pa siya nakabalik kay Kuya Oliver, kaso ay makulit talaga ang isang 'to. Ayaw niya akong iwan dahil baka umiyak na naman daw ako. Hindi naman talaga ako iyakin, sabi nga nila hindi ako marunong magpakita ng emosyon. Pero ibang usapan na kapag si Rafael at kapatid niya ang usapan."Ang bilis lang ng panahon," Sabi ko habang nakasandal sa balikat niya. Nakatitig lang ako sa magkahawak naming kamay. "Mabilis lang naman ang training mo kay Kuya Oliver and Kuya Ali. Kay Caleb lang." Inalis ko ang pagkakasandal sa balikat niya humarap sa kaniya. "I'm sorry." Kumunot ang noo niya. "For what?"

    Last Updated : 2025-01-24
  • Marrying Mr. Valeria    Chapter 12

    "Tama ba talaga 'to?" Tawang-tawa talaga ako habang tinuturuan ako ni Rafael magluto. We're both comfortable which other, seryoso kami sa ibang tao pero pag magkasama kaming dalawa, parang may sarili kaming mundo. Hinawakan niya ang kamay ko habang nakatayo siya sa likod. He's taller than me. Matangkad naman ako pero, hanggang balikat lang talaga ako ni Rafael kapag wala akong suot na heel. "That's right." Maingat naming biniliktad ang isda, tinutulungan niya akong magpreto. Sayang raw kung masusunog na naman. "At least hindi na sunog." Nakangiti niyang sabi. "Anong oras na ba?" Tanong ko nang medyo lumiwanag na. Kung dati ay 7am akong gumigising sa mansyon, ngayon hindi na. Kung dati nakahanda ang pagkain ko, ngayon ako na mismo ang nagluluto sa kakainin namin.I'm not complaining. I love it! Iyong hindi ko kailangang maki-usap sa mga maids na sabayan ako, o kaya ay tawagan ang mga pinsan ko para lang hindi ko maramdaman na mag-isa ako.I don't have an idea about how love could c

    Last Updated : 2025-01-24

Latest chapter

  • Marrying Mr. Valeria    chapter 21

    It's always a dream for me to visit this place. I've never been there before but, I really love the idea of having fun at the amusement park. The laugh and the screams of other people always made me feel alive and happy. Madalas kong makuha ang mga gusto ko pero, kapag sa mga maiingay na lugar at masyadong matao, ayaw na ayaw ni daddy na pumupunta ako. I don't know why? I'm always complain back then but, when I found out the truth, I tried to understand. All throughout the ride we were just laughing and smiling. We enjoyed every minute and every second like, there's no tomorrow. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Akala ko ay uuwe na kami pero, nagdesisyon kami ni Rafael na mamili muna ng makakain namin dahil nga bukas ng gabi ang alis namin.Kung dati ay limit lang talaga ang mga kinakain ko, ngayon ay hindi na. Simula kasi ng magkasama kami ni Rafael, ay walang araw na hindi niya pinaramdam na walang problema sa katawan ko. It's okay kung tumaba ako ng unti. Kapag ramdam niy

  • Marrying Mr. Valeria    Chapter 20

    Rafael's still sleeping. I'm busy tracing his tattoo again, my favorite things to do. Mahimbing pa rin siyang natutulog, mukhang napuyat kagabi dahil late na rin kaming nakauwe. Sobrang lakas ba naman ng ulan.Natigilan ako nang bigla niyang hulihin ang kamay ko at mabilis na hinila para mapayakap ako sa kaniya. Saktong sa dibdib niya akong natumba. "Good morning." Inaantok niyang sabi. Tumingala ako para makita ang mukha niya. Tama ako dahil nakapikit pa rin siya."It's already 8:30, Mr. Valeria." Paalala ko sa kaniya. Hinila niya pa ako para mas lalong magdikit ang katawan namin. "Ayaw mo bang pumasok tayo ngayon?" Natatawa kong tanong. Muli kong sinandal ang ulo ko dibdib niya. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso niya. Kung gaano ito kabilis.Humigpit ang pagkakayakap niya sa bewang ko. "What are you doing to me?" Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. Mabilis niyang ginalaw ang braso niya para pigilan ako sa paggalaw."Mahal mo na ata ako, e." Biro ko sa kaniya. Mahina

  • Marrying Mr. Valeria    Chapter 19

    "I have something for you." Pinagtaasan ko ng kilay si Rafael. Katatapos lang namin kumain at hindi pa talaga kami nakakauwe. Maaga pa naman kasi kaya tumango nalang ako at hinawakan ang kamay niya."I'm sorry. I know you're tired but, I'm just excited to surprise you and to see your smile." Pabiro ko siyang inirapan."And I can't wait for that surprise, baby." Malambing kong sabi. Hinawakan niya ang ulo ko at marahan na hinalikan ang ibabaw ng buhok ko."Your smile is my favorite part of you, wife." He said with a big smile on his face. His smile melts my hearts."I know right. Let's go? Saan ba iyan at gusto ko ng makita. Wiling naman ako maghintay pero ibang usapan pag sa 'yo galing." Humigpit ang hawak namin sa isa't isa."Is it malayo?" Mahina siyang natawa at umiling sa akin."Malapit lang." Nagtaka ako nang pumara siya ng taxi. "Akala ko ba malapit lang?" Hindi ko mapigilang itanong."Malapit lang naman talaga. Mahirap maka-hanap ng jeep pag ganitong oras." Tumango nalang ako.

  • Marrying Mr. Valeria    Chapter 18

    Naging abala kami nang mga sumunod na araw. Sa susunod na linggo ang anniversary ng kumpanya. Gustuhin ko man magpahinga at makasama si Rafael, hindi talaga kaya ng oras ko.Medyo bumabalik na ang sales ng hotel, sa maikling panahon ay mabilis rin naman kaming nakabawi dahil nagtulungan talaga si Veronica at Rafael. Maybe, she's nice too him. Simula kasi ng mag-usap kami ni Rafael ay hindi na ako muling bumalik pa roon.Marahan kong sinandal ang ulo ko sa likod ng swivel chair na gamit ko. Halos wala akong maayos na tulog nitong nakaraang araw pero, alam kong malalampasan ko rin naman 'to. Ngayon ako kailangan ng kumpanya at hindi dapat ako mawalan ng pag-asa.I hope my dad's still proud of me. Wala siyang ginawa kung hindi ibigay ang lahat ng gusto ko. I always miss him, how he always motivate me. Hindi ako matalino sa klase pero, kahit kailan ay hindi siya nagreklamo. Hinahayaan niya akong matuto at maging matatag."You're doing great, anak.""It's okay. May susunod pa naman.""At l

  • Marrying Mr. Valeria    Chapter 17

    "Sigurado ka ba talaga? Puwede naman na hindi mo sundin ang sinabi ni Caleb?" Tanong ko Rafael habang inaayos ko ang tie na suot niya. Mabilis siyang humalik sa labi ko."Don't worry about me, okay? Focus on your work. Magkikita pa rin naman tayo after work." Sumimangot ako."Dito na sa bahay. Malayo ang hotel sa mismong kumpanya, traffic din kaya mas nakakapagod kung pupuntahan mo pa ako." Paliwanag ko sa kaniya. Ayos lang naman sa akin kung dito na kami sa bahay magkikita. Ayaw ko rin siyang pahirapan."I can handle it. Mas nawawala ang pagod ko pag nakikita kita." Mahina kong hinampas ang dibdib niya."Nagiging korni kana." Natatawa kong sabi."Eat on time, okay?" Tumango ako at napangiti nang muli niyanh halikan ang labi ko.Magkalayo lang naman ang papasukan namin pero, magkikita rin naman kami araw-araw. Hindi man kami sabay kakain tuwing lunch time at uuwe pagkatapos ng trabaho, kailangan kong magtiwala sa kaniya. I mean, alam ko namang kaya niya, mahihirapan siya pero, makakay

  • Marrying Mr. Valeria    Chapter 16

    We always like to do easy things. Because hard things scare us, we always think that it take effort to achieve what we really want. Effort disappoint us, and even hurt us. Disappointment and pain help us to grow. But, how long it can be? Hanggang kailan tayo masasaktan para lang makuha ang gusto talaga nating makuha?Kailangan ba talagang masaktan para lang masabing natuto tayo sa buhay? I signed. It requires a lot of courage to accept that reality doesn’t get much easier. Kahit gusto mong madaliin ang bagay-bagay, aabot pa rin sa puntong mahihirapan ka. It confused you. Are you doing the right thing? But, at the end of the day, you had no choice but to accept that life is always like that. Not easy at all."Hindi ba si Veronica ang nakahawak ng Tan Hotel?" Tanong ko sa mga pinsan ko. Tatlong taon na ang nakalipas magmula nang ako ang humawak sa Tan's Corporation. Sa tatlong taon na iyon, ngayon lang nagka-problema sa Hotel at Restaurant na hawak ni Veromica."What do you expect from

  • Marrying Mr. Valeria    Chapter 15

    Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Caleb ay hindi ko inaasahang makakasalubong ko si Kuya Ali. Mukhang nagulat din siya nang makita ako. Hindi na kasi ako pumupunta rito. Veronica's still mad at me. Hindi naman kami magkasundo, simula pa nung mga bata kami ay lagi na talaga kaming nag-aaway.Kinausap ako ni Kuya Ali, sinabi ko s kaniya ang naging pakay ko kay Caleb and what he said make me think and consider a lot of things. He's right.Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko man lang namalayan na nasa tapat na pala ako ng gate namin. Maaga pa naman kaya nang pumasok ay agad kong hinanap si Rafael. Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Real."Wala pa ang kuya niyo?" Alam ko ay umuuwe iyon after lunch. Nagkatinginan ang dalawa bago umiling sa akin.Pinaningkitan ko sila ng mata, "Real, hindi pa dumating ang kuya mo?" Mahinang tumawa ang bunso nila kaya agad kong sinundan ang tinitingnan niya. Napanganga ako nang makita si Rafael. Galing siya sa kuwarto namin habang may dala-dalang bulaklak. Tumay

  • Marrying Mr. Valeria    Chapter 14

    Nagpakawala ako nang buntong-hininga habang nagpupunas ng pawis. Sabado ngayon pero, imbes na magpahinga ay nagsimula na kaming ayusin ang mga gamit namin. Maaga kaming lumipat dahil hindi naman namin dinala ang lahat ng gamit nila. Iyong kailangan lang talaga namin.Lately ko lang din nalaman na balak ipa-ayos ni Rafael ang bahay na iyon para kapag magaling na ang mama niya, do'n raw siya titira. I've never ask about her mom, alam ko lang ay nasa hospital 'to at nagpapagaling. Hindi ko rin alam kung ano ang sakit niya."After 200 years, natapos ko na rin!" Saad ko nang matapos kong ayusin ang mga gamit sa kuwarto namin ni Rafael. Yes, magsasama na kami sa iisang kuwarto."Wala pa ang kuya niyo?" Tanong ko kay Reina na kasalukuyang nagwawalis. "Wala pa po." Magalang niyang sagot. Muli akong nagtungo sa kusina para magsimula na rin ayusin ang mga gamit. Mukhang namili ata si Rafael ng pagkain namin. Gusto ko sanang sumama kaso ay kailangan ko rin maglinis.Kumunot ang noo ko nang mapa

  • Marrying Mr. Valeria    Chapter 13

    "Do you like it?" Tanong kay kay Rafael. Iyong infinity ring ang binigay ko sa kaniya. We enjoy the night, naging maingay ang celebration namin. Kahit nga si Caleb ay kinailangan pang tumawag ng driver dahil sa sobrang kalasingan.Sina Kuya Ali naman at Oliver ay sabay na raw uuwe sa condo nila. While Kuya Lance naman ay mukhang walang balak pang umuwe dahil after namin maghiwa-hiwalay ay nagpunta pa sa club to celebrate the Valentine's Day alone."I love it, Ceska." Nakangiti niyang pinagdikit ang noo namin. Kasalukuyan kaming nakaupo sa sala nila. Late na rin kaya nakatulog na ang dalawa niyang kapatid. "I have something for you too." Tiningnan ko siya. Hindi maproseso ng sinabi niya.Napatulala ako nang mapansin ang hawak niyang box. Maliit lang iyon pero, alam kong hindi singsing ang laman nun. "Ang dami mo namang surprise, Raf, hindi ako handa." Naluluha kong sabi nang makita ang kwintas na hawakan niya.He tucked my hair at the back of my ears. Siya mismo ang nasuot nun sa akin.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status