"Oh My Gosh!" Mabilis akong umatras nang biglang tumalsik ang matika habang nag p-preto ako ng hotdog at itlog.
"Do you really know how to cook?" Biglang sumulpot si Rafael sa likod ko. It's my 1st day here in his house. Mukha siyang luma sa labas pero, malinis naman at organize ang mga gamit sa loob. "Marunong ako, okay? S-sadyang may water lang ata iyong mantika." Umikot ang mata ko nang marinig ang mahina niyang pagtawa. "Is that so? Let me help you." Tatanggi na sana ako nang tumayo siya sa likod ko at hinawakan ang kamay ko. He's hugging me from behind and placed his chin over my shoulder. "Baka nakalimutan mulang kung paano magluto talaga." Sarkastiko niyang dagdag. "K-kaya ko naman." Ramdam ko ang pagdikit ng balat niya sa pisngi ko. Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko. Mabuti nalang talaga at nakatalikod ako sa kaniya, hindi niya makikita ang pamumula ng pisngi ko. Alam kong normal lang sa kaniya iyon dahil nga mag-asawa naman talaga kami pero, aminado akong apektado ako kahit sa simpleng pagdikit ng katawan niya sa akin. "Done!" Nakangisi niyang sabi. Ngumiti lang din ako. Tanggal talaga angas ko sa kaniya, e. Iyong tipong kahit gusto kong magtaray, hindi ko magawa. Tinulungan din niya akong maghanda ng pagkain at tinawag ang dalawa niyang kapatid. "Good morning, baby!" Umupo ako para mapantayan ang nakaka-bata niyang kapatid. Nasa anim na taong gulang palang si Real, pero namana niya ang maganda niyang mga mata sa kuya niya. "Good morning po, Ate Ceska!" Masigla na naman niyang bati. Sinulyapan ko si Reina, na kasalukuyang nakatingin sa akin. "Good morning, Reina!" Thirteen years old palang si Reina. Mabuti nalang at mabilis ko silang nakasundo. After our wedding, we decided na sa private beach resort nalang kami ng mga magulang ko mag-stay for one week. Well, we enjoyed our vacation there kahit sobrang busy pa rin ni Rafael. Naghahabol raw siya ng reports kaya iyong dalawa nalang niyang kapatid ang nakasama ko. Madalas kaming magkuwentuhan and for the first time in my life, naging malaya ako. Iyong hindi ko kailangang mag-alala sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao. "Bakit sa kanila may good morning?" Nakangusong tanong ni Rafael. Tinulungan niya akong tumayo at humarap sa kaniya. "Hindi na kailangan. Alam ko namang maganda ang araw mo kapag ako ang nakikita mo." Pang-aasar ko sa kaniya. Rafael has a heart shaped mouth and a smile that tilts up so slightly on the left side which makes it look like he is trying to conceal or control himself. "Is that so? How about morning kiss?" Hindi pa rin inaalis ang ngisi sa labi niya. Sinulyapan niya ang dalawa niyang kapatid, na agad naman nilang nakuha ang gusto niyang sabihin. Halos sabay na tumalikod ang dalawa, hindi na ako nagulat nang humakbang palapit si Rafael at walang kahirap-hirap na yumuko para halikan ang labi ko. "Good morning, Wife." Bulong niya nang maghiwalay ang labi namin. Mabilis akong nag-iwas ng mata. "Let's eat?" Nakangiti niyang hinawakan ang kamay ko at inalalayan niya akong maupo. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko, na kahit ginagawa naman niya iyon, hindi pa rin ako nasasanay. Malambing akong ngumiti sa magkapatid na halatang nang-aasar. Tumikhim muna ako at sinulyapan si Rafael, "I'm going to visit my mom, are you coming with me?" Pinagtaasan niya ako ng isang kilay. "Of course! She's my mom too." Nakangisi niyang sagot. Sumimangot ako at nagpatuloy nalang din sa pagkain. Magiging abala kasi ako bukas, may board meeting at balak ko rin ipakilala si Rafael. Alam kong hindi naniniwala ang mga pinsan ko pero, may tiwala ako sa sinabi ni Rafael, maniniwala sila kung natural lang ang ginagawa namin. "Oo nga pala, may pasok ba kayo bukas?" Tanong ko sa dalawa niyang kapatid. Marahan naman silang tumango. "Ako na maghahatid sa inyo." Total naman ay maaga ang pasok ko bukas. Kailangan kong maghanda sa meeting, of course! Kahit naman kami ang may ari ng negosyo ay may mga galit pa rin, pinipilit nila na mas maganda raw kung si Caleb. But, since my husband is here, I'm sure naman na wala na silang karapatan na patalsikin pa ako. Alam kong mahahanap nila ng butas si Rafael, since hanggang 3rd year college lang ang natapos niya pero, madami naman siyang experience. Hindi ko kailangan mag-aalala dahil may tiwala ako sa kaniya. Naunang maligo si Rafael, habang ako naman ay nagligpit at naghugas ng pinag-kainan namin. Nung una ay nahihirapan ako pero unti-unti rin ako nasanay sa mga gawain bahay. "Mabagal akong magbihis." Paalala ko kay Rafael habang nagbibihis siya. Tinulungan kong ayusin ang collar ng polo niya. Matangkad siya pero hindi rin naman ako pandak, sakto lang para hindi ako mahirapan na abutin ang leeg niya. "It's okay. Take your time. I could wait." Tumango lang ako sa kaniya. Iyon ang isang bagay na nagustuhan ko sa ugali niya. Hindi niya ako minamadali, hinahayaan niya akong suotin ang gusto ko, o gawin ang mga nakasanayan ko. I'm wearing a blue dress. Kasalukuyan akong naglalagay nang make-up nang biglang lumapit si Rafael, "Bakit?" Tanong ko. Napansin ko ang hawak niyang tuwalya. "Helping you to dry your hair. Hindi pala ako nakabili ng pampatuyo mo ng buhok." Kinagat ko ang ibabang labi ko nang sinimulan niyang patuyuin ang buhok ko, gamit ang hawak niyang tuwalya. "Ayos lang naman." Hinayaan ko lang siyang gawin iyon, siya rin ang nagsuklay nun at nang matapos ay pinasandalan niya ako ng tingin "Everything about you is perfect." Hindi ko alam ang isasagot ko. Ngumiti nalang ako dahil ilang araw palang ay hulog na hulog na ako. And I don't like this feeling! Nasa usapan namin na magiging totoo kaming mag-asaww but, after 3 years...maghihiwalay kami na parang walang nangyari. *** Hindi ko dala ang sasakyan ko rito, katulad ng napag-usapan namin ni Rafael, magsisimula siya sa umpisa at mag-iipon para sa aming dalawa. Kaya ang ginagawa namin lagi ay mag-commute nalang. Sasakay ng jeep papunta ng hospital o kung saan. Mabuti nalang at gising si Mommy nang dumating kami ni Rafael, sinalubong niya kami ng matamis niyang ngiti, na para bang matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong 'to. "Ikaw ba iyan, Rafael?" Kumunot ang noo ni Rafael. Mukhang nagulat na kilala siya ni Mommy. "Madalas kitang kuwento sa kaniya." Pagdadahilan ko. "I mean, kaya nga ikaw ang napili ko kasi ikaw ang madalas kong kwento." Marahan siyang tumango. Mabuti nalang at hindi siya naghinala. "Napaka-guwapo naman ng asawa mo, anak." Kumento ni mommy. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Rafael. "Kailangan para hindi masayang ang lahi natin, mommy." Pabiro kong sagot. Tumawa naman si Rafael. "Hindi kana ba busy, Rafael?" Mabilis na umiling si Rafael. "Mabuti naman kung gano'n. Hindi na malulungkot ang anak kong si Ceska." Nakangiti kong sinulyapan si Rafael. "Sabay na po kaming bibisita sa inyo ngayon." Magalang na sagot ni Rafael. "Naalala ko tuloy si Alejandro. Parang ikaw lang din siya, sana ay huwag mong sasaktan ang anak ko. Alam mo bang hindi iyan sanay kumain mag-isa?" Kuwento ni Mommy. Nahihiya akong tumingin kay Rafael. "I don't know that but, thank you for informing me, ma'am." Mabilis na tumawa si mommy at parehong hinawakan ang kamay namin ni Rafael. "Mommy nalang, ang pormal naman kung ma'am." Nakangiti niyang sabi. Agad namang tumango si Rafael. "Takot din iyan sa mga lumilipad, kahit na ipis o kung anumang insekto iyan." Natatawang kuwento ni mommy. Hindi ako kumibo. "Hindi rin iyan marunong sa gawing bahay. Muntik ng masunog ang bahay namin no'n." Ramdam ko ang pamumula nang pisngi ko. Hindi ako nagreklamo, ngayon lang kasi naging madaldal si Mommy. Namiss ko ang ganito niyang ugali, iyong masaya at inaalala ang mga bagay na ayaw ko. "You really don't know how to cook, huh?" He whispers, softly as he touch my hair using his finger. "Marunong ako. May nagtuturo sa akin sa bahay nun." Pagtatanggol ko sa sarili ko. Ngumiti lang siya at muling hinawakan ang kamay ko. "It's okay. Ako nalang ang mag-aalaga sa 'yo." Malambing niyang sabi bago tumingin kay Mommy, "Huwag po kayong mag-aalala. Ako na po ang bahala sa anak niyo." Hindi ko inalis ang titig ko kay Rafael. Ang malambing niyang pag-ngiti sa mommy ko at sa akin, sigurado akong mahihirapan akong pigilin ang nararamdaman ko sa kaniya. To be continued....Nang gumawa kami ng kasunduan ni Rafael, buong akala ko ay niloloko lang niya ako. Na baka pahirapan niya lang ako sa dami nang naging kasalanan ko sa kaniya dati. Pareho kaming nanggaling sa public school, lagi kong iniiisip kung bakit sa sobrang yaman ng magulang ko, sa libreng paaralan pa ako pina-aral.But everything happens for reason. Kung hindi rin ako nag-aral sa public school, baka hindi ko nakilala si Anna at Rafael."What were you thinking?" Tanong ni Rafael nang mapansin ang pananahimik ko.Pareho kaming gumising ng maaga. Kailangan kong maghanda sa meeting mamaya, hindi kami sabay na papasok pero, pupunta naman siya sa meeting, kailangan lang niyang i-hatid ang dalawa niyang kapatid.Ang suwerte lang ng mga kapatid niya, parang siya ang tumayong magulang sa kanila."Bakit ang bait mo?" Bigla kong tanong."Because we're married." I bitterly smile. That's it! Kasama iyon sa pinag-usapan namin. Kailangan ko lang linawin iyon sa sarili ko."Ako na riyan." Sabi ko nang nasisim
"Are you sure?" Tanong ko kay Rafael. Lunch time na pero, wala pa rin talaga akong natatapos. Nagdadalawang-isip ko, magiging assistant muna siya ni Kuya Lance. Which is okay with me, mabait naman kasi iyon kapag hindi kasama si Caleb.But, I'm kinda worried about him, kung mag-uumpisa siya, alam kong makakasama niya si Caleb, not now but soon. And I don't think it's a good idea. Kilala ko ang isang iyon, hindi lumalaban ng patas."I'm fine, okay? Don't worry about me." I sighed. Wala naman din akong choice dahil iyon ang gusto ni Rafael.Tumayo ako para sumilip sa labas ng bintana. Mukhang uulan na naman mamaya. "What do you want to eat?" Naramdaman ko ang paglapit ni Rafael. Hindi pa ako nakakabawi sa nangyaring halikan namin kanina. Kung hindi pa kumatok iyong secretary ko, baka kung saan na kami napunta. "Ikalma mo, nasa opisina tayo." Natatawa kong biro. He hugged me from behind and placed his chin over my tiny head."What's your favorite scent?" Tanong niya sa akin. Marahan ko
Sumimangot ako habang pinapanood si Rafael, kanina pa siya inuutusan ni Kuya Lance. I don't really know what's wrong with him! Baka kinausap na namam ni Caleb."Come on, baby Ceska! Ilang buwan na siyang nagta-trabaho rito. Dapat kanang masanay." Inis kong sinulyapan si Kuya Oliver. Iyon na nga, e. Habang tumatagal siya rito, mas lalo siyang nahihirapan. May isang buwan pa siya kay Kuya Lance, pero pakiramdam ko ay kailangan ko pa rin siyang bantayan kapag na kay Kuya Oliver siya.Napaka-daya lang kasi ang bilis lang ng oras para sa amin ni Rafael. Mas naging malapit kami sa isa't isa. Sabay kumakain sa tuwing hindi siya tambak sa trabaho, sabay uuwe at minsan natutulog na rin kami sa kuwarto ng isa't isa.Magaling lang siguro kaming nagpigil, or baka ako kalang talaga ang apektado sa tuwing magkasama kaming dalawa?Sa mga araw na lumipas, marami akong natutuhan sa kaniya, madami akong nalaman na ayaw at gusto niya. Pero, minsan napapaisip din ako. Madalas naming bisitahin si Mommy, p
Growth in love comes from a place of absence, where the imagination is left to it’s own devices and creates you to be much more then reality would ever allow. I don't know if I'm doing the right thing. All I know is I'm happy with him. Dalawang araw na ang nakalipas nang makalabas siya sa hospital. Kinailangan niyang magpahinga kaya hindi muna siya pinapasok sa trabaho. Since it's Saturday pareho kaming walang gagawin.Nandito na kami ngayon sa kwarto nakahiga habang nakaunan ako sa dibdib niya habang siya naman ay nakayakap sa akin at nilalaro ang buhok. Parang nakasanayan na namin ang isa't isa. I could hear his heart beeating so fast. Using my finger, I tried to trace his tattoo. Nasa baba iyon ng kaliwang dibdib niya. "Infinity...." Tukoy ko sa tattoo. Napangiti ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Yeah. Do you know the meaning of that symbol." Ngumuso ako ang umiling sa kaniya."Infinite is a never ending loop. So it means forever or always or limitless, never ending possibi
I swallowed hard before I take a deep breath and sighed it harshly. Tumayo ako ng maayos at nilagay ang parehong kamay sa bewang. Next week pa naman ang lipat namin sa bahay pero, dahil may trabaho kami bukas, ngayon namin naisipan na magligpit muna ng ilang gamit. Para sa next weekends, maliit nalang ang aayusin namin."Pahinga ka muna," Marahang pinunasan ni Rafael ang pawis sa noo ko. Ngumiti ako at umiling rito."Ayos lang ako. Ilang taon na pala kayong nakatira dito?" Sumilay ang lungkot sa mata niya pero, agad rin namang ngumiti sa akin."5 years? Maliit pa si Real." Tumango ako habang nakatitig sa mata niya."4th year na tayo nun, right?" Marahan siyang tumango at lumayo ng kaunti sa akin."Yes. Binenta namin ang bahay para pangunang bayad sa hospital. Kaso ay tatlong taon lang ang kaya." Kuwento niya at muling kinuha ang kahon. "Kailangan kong magtrabaho at mag-ipon kasi walang kasiguraduhan kung ilang taon mananatili si mama sa hospital." Dagdag niya pa."Kaya ba hindi mo nat
"Do you want me to talk to him?" Tanong ni Rafael. Agad akong umiling ang hinawakan ang kamay niya. "I'm fine. Don't worry." Hindi ko sa kaniya sinabi ang gumugulo sa isip ko. Malabong makuha sa pakiusap si Caleb. Hanggang hindi siya nagsasalita, siguro naman wala akong dapat ika-bahala. Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa, nag-order nalang kami ng pagkain at dito kumain sa opisina. Dapat ay kanina pa siya nakabalik kay Kuya Oliver, kaso ay makulit talaga ang isang 'to. Ayaw niya akong iwan dahil baka umiyak na naman daw ako. Hindi naman talaga ako iyakin, sabi nga nila hindi ako marunong magpakita ng emosyon. Pero ibang usapan na kapag si Rafael at kapatid niya ang usapan."Ang bilis lang ng panahon," Sabi ko habang nakasandal sa balikat niya. Nakatitig lang ako sa magkahawak naming kamay. "Mabilis lang naman ang training mo kay Kuya Oliver and Kuya Ali. Kay Caleb lang." Inalis ko ang pagkakasandal sa balikat niya humarap sa kaniya. "I'm sorry." Kumunot ang noo niya. "For what?"
"Tama ba talaga 'to?" Tawang-tawa talaga ako habang tinuturuan ako ni Rafael magluto. We're both comfortable which other, seryoso kami sa ibang tao pero pag magkasama kaming dalawa, parang may sarili kaming mundo. Hinawakan niya ang kamay ko habang nakatayo siya sa likod. He's taller than me. Matangkad naman ako pero, hanggang balikat lang talaga ako ni Rafael kapag wala akong suot na heel. "That's right." Maingat naming biniliktad ang isda, tinutulungan niya akong magpreto. Sayang raw kung masusunog na naman. "At least hindi na sunog." Nakangiti niyang sabi. "Anong oras na ba?" Tanong ko nang medyo lumiwanag na. Kung dati ay 7am akong gumigising sa mansyon, ngayon hindi na. Kung dati nakahanda ang pagkain ko, ngayon ako na mismo ang nagluluto sa kakainin namin.I'm not complaining. I love it! Iyong hindi ko kailangang maki-usap sa mga maids na sabayan ako, o kaya ay tawagan ang mga pinsan ko para lang hindi ko maramdaman na mag-isa ako.I don't have an idea about how love could c
"Do you like it?" Tanong kay kay Rafael. Iyong infinity ring ang binigay ko sa kaniya. We enjoy the night, naging maingay ang celebration namin. Kahit nga si Caleb ay kinailangan pang tumawag ng driver dahil sa sobrang kalasingan.Sina Kuya Ali naman at Oliver ay sabay na raw uuwe sa condo nila. While Kuya Lance naman ay mukhang walang balak pang umuwe dahil after namin maghiwa-hiwalay ay nagpunta pa sa club to celebrate the Valentine's Day alone."I love it, Ceska." Nakangiti niyang pinagdikit ang noo namin. Kasalukuyan kaming nakaupo sa sala nila. Late na rin kaya nakatulog na ang dalawa niyang kapatid. "I have something for you too." Tiningnan ko siya. Hindi maproseso ng sinabi niya.Napatulala ako nang mapansin ang hawak niyang box. Maliit lang iyon pero, alam kong hindi singsing ang laman nun. "Ang dami mo namang surprise, Raf, hindi ako handa." Naluluha kong sabi nang makita ang kwintas na hawakan niya.He tucked my hair at the back of my ears. Siya mismo ang nasuot nun sa akin.
Rafael's POVFrancesca Amari is the definition of spoiled brat. When you'll first meet her you'll think that she's just like any other rich kids. A girl who's in love in money, akala niya lahat ay nakukuha ng pera. She thought money can bring happiness, her world. She don't even care about love as long she has money. But, I was wrong about her.She spoiled brat but, she cares a lot. She's nice but, she doesn't know how to show it through showing some emotions, maybe because she grew up suppressing what she feels, gano'n siguro niya pinalaki ng magulang niya.I sighed while looking at her, "Let's get married." She's the one who broke my heart years ago. I hate the Idea of being with her. It's not because she's not my ideal type. She has an enchanting and mesmerizing beauty that makes every guy fall head over heels for her. She has milky fair complexion, brown eyes, and long, dark brown hair. She looks innocent at the same time. Lahat nalang ay kamahal-mahal sa kaniya.I hate the idea
______"What's this?" Tanong ko kay Rafael nang dalhin niya kami ni Shione sa isang bakanteng lotte.Nagawa naman naming bilhin ang mga kailangan namin sa resort at sa bahay hindi ko lang alam dito kay Rafael kung ano ang meron sa lugar na 'to."Maganda ba?" Pinagtaasan ko siya ng kilay."Iyong lupa o mga damo?" Tanong ko na nagpatawa sa kaniya."Gusto kong magkaroon ng branch dito ang Seaside Brit's." Nakangiti niyang sabi. "Baka abutin ng isang taon dahil kailangan ko pang ayusin ang kontrata namin ni Caleb." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. So, isang taon siyang mawawala dito?Babalik ba siya after 1 year? Ito rin ang dahilan kung bakit ayaw ko pang sabihin kay Shione ang totoo, ayaw kong malungkot siya at hanapin ang tatay niya. Madami naman kasing puweding mangyari sa isang taon. Paano kung magbago ang plano niya? Paano kung bigla niyang naisip na ayaw niya palang magka-branch dito sa Baguio.His restaurant was collection of homemade recipes that include seafood and vegetabl
Kinaumagahan ay maagang nagpunta si Rafael sa bahay namin. Siguro ay para dalawin ang anak namin. Nagulat pa nga ako dahil nasa sala siya kasama ni Shione. Sinulyapan ko ang oras at sobrang aga pa nga talaga dahil 6:18 palang.Wala pa akong ayos pero ayos lang din naman. Sanay naman si Rafael sa itsura ko dahil kahit no'ng magkasama pa kami sa bahay ay wala siyang ginawa kung hindi iparamdam na walang problema sa itsura ko. That's I'm still beautiful even without wearing makeup. Ni hindi ako nakaramdam ng inggit kasi kahit bagong gising pa ako, hindi siya nagkulang na ipaalala sa akin na maganda ako. Na walang kulang sa akin. "Kumain kana ba?" Tanong ko rito. Maiksi na ang buhok ko kaya hindi ko na tinatali iyon. Sinulyapan ako ni Rafael habang nakaupo sa tapat ng anak ko."Ako ba ang tinatanong mo?" Kumunot ang noo ko. "Saan ba ako nakatingin?" Mahina siyang natawa sa naging sagot ko. Halata naman kasi na siya ang tinatanong ko."Not yet." Sinulyapan ko ang anak ko. Nakangiti pa s
I sighed while looking at him. Maingat niyang pinahiga sa kama si Shione. Palihim na napangiti nang halikan niya ito sa noo. Nakaramdam ako ng konsensya pero, pareho lang naman kaming nasaktan dahil sa mga padalos-dalos naming desisyon. Hindi ko naisip ang possibilities na puwede naming harapin in the future.Pero, kahit na naging padalos-dalos ako, hindi pa rin ako nagsisisi na nabuntis ako at nagkaroon ng anak. Si Shione ang naging dahilan ko para magpatuloy at sumubok sa career na hindi ko naman sigurado kung magagawa ko ng tama. It's take a risk or you'll regret it later."A-aalis kana ba?" Pilit akong ngumiti kay Rafael, nang sulyapan niya ako. Mabagal siyang tumango sa akin. "B-baka lang gusto mo munang mag-kape?" And I regret asking that question dahil gusto kong magpalamon sa lupa nang tuluyan siyang humarap sa akin. Tumikhim siya at nilagay ang parehong kamay sa bulsa."Ayos lang ba?" Mahina niyang tanong. Mabagal akong tumango at nahihiyang nilagay ang ilang hibla ng buhok k
Mabuti nalang at dumating si Kuya Ali dahil sobrang lasing na talaga ni Rafael. Hindi ko naman siya kayang dalhin sa kuwarto niya dahil alam kong mas bumigat na siyang kumpara sa dati."Palitan mo nalang ng damit." Sabi ni Kuya Ali nang mahiga namin siya sa kama niya. Agad ko siyang tiningnan, "Ha? Bakit ako?" Naiinis kong tanong sa kaniya. I mean, alam ko naman na kailangan magpalit ni Rafael ng damit pero, puwede naman na siya ang gumawa nun, bakit kailangan ako pa?"Why not? He's your husband. Ayaw mo naman sigurong magkasakit iyan?" Muli kong sinulyapan si Rafael, na mahimbing ng natutulog. Napabuntong-hininga ako at sa huli ay sinunod ko nalang din ang sinabi ni Kuya Ali.Wala naman akong choice dahil mabilis niya kaming iniwan ni Rafael. Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa dibdib niya. Nandoon pa rin iyong infinity sign and intial name namin. Kusang natigil ang kamay ko nang mapansin ang panibagong tattoo sa kaliwang braso niya. Nangilid ang luha sa mata ko nang mabasa ang
Hindi ko makuhang puntahan ang anak ko kaya hinayaan ko silang mag-usap hanggang sa magdesisyon na si Shione na bumalik ng bahay. Tahimik ko lang siyang pinapanood habang kumakain. "How's your day, anak?" Tanong ko sa kaniya nang mapansin ang pannahimik niya. "Okay naman po, Mommy." Nakangiti siyang tumingin sa akin. Nang umalis ang anak ko sa mini garder ay nando'n pa rin si Rafael. Madilim na kasi kaya kailangan kong sundan ang anak ko pauwe rito sa bahay."Mommy, madami po pala tayong guest?" Natigilan ako sa naging tanong niya. Marahan kong nilapag ang hawak kong tinidor at tumingin sa kaniya."Mga kasama siya ni Tito Caleb sa trabaho." Matamis siyang ngumiti sa akin."Mommy, sabi mo ay bawal akong makipag-usap sa hindi ko kilala." Hinayaan ko siyang magkuwento at sabihin ang nangyari sa araw niya. "I saw someone kanina, he's tito Caleb's friend. Nakatambay siya sa may mini garden kasi he look sad po." Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mata ko."Hindi naman siya mukhang bad,
Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa kinatatayuan ko kanina. Basta ang alam ko ay hinila ako ni Veronica sa table nila ni Annaliese. Halatang nag-aalala sila sa akin pero, hindi ko iyon binigyan ng pansin. Walang alinlangan kong ininom ang alak na nasa harapan ko."Girl, let it out." Hinawakan ni Annaliese ang kamay ko pero agad ko rin iyon inalis at naglagay ulit ng alak. Naka-apat na baso palang ako pero, agad na akong nakaramdam ng pagkahilo. Siguro ay dahil matagal-tagal na rin no'ng huli akong uminon. May anak na rin kasi ako, hindi ko puweding i-asa nalang sa iba ang responsibilidad ko bilang isang ina."It's okay to cry." Mabilis akong ngumiti kay Annaliese. Madami na rin ang nagbago sa kaniya, bibihira na rin kaming magkita dahil mas madalas silang magkasama ni Caleb. I can't blame them. Mas pinili kong manatili rito sa Baguio at iwanan ang buhay ma meron ako do'n sa Manila.Gusto ko siyang intindihin sa set-up na meron sila ni Caleb, she's my best friend after all. I don'
Maaga pala silang umalis sa Manila kaya no'ng dumating sila dito ay kaniya-kaniya silang nagtungo sa mga kuwarto nila. Magpapahinga raw muna sila. Dahil wala naman si Jessie, ako mismo ang nag-entertain sa kanila. Mabuti nalang at nagawa ko iyon ng maayos. Ni hindi ako nailang kahit alam kong nakatitig sa akin si Rafael. Paminsan-minsan ay kinakausap ako ni Dalia, iyon pala ang pangalan niya.Akala ko rin ay magkasama sila ng kuwarto ni Rafael pero, mukhang nahiya pa siya dahil magka-hiwalay na sila. Hindi ko nalang din iyon binigyan ng pansin dahil masyadong madami ang gumugulo sa utak ko."Dapat ay nagpapahinga ako ngayon, e." Sinulyapan ko si Veronica, na kanina pa nandito sa loob ng opisina ko."Bakit kasi nandito ka?" Tanong ko sa kaniya. Maarte siyang sumandal sa sofa at pinag-krus ang hita niya."Nakakaawa naman kasi ang isa rin, masyado kang halata kanina." Inirapan ko nalang siya. Hindi ko rin alam kung ano ba ang mukha ko kanina. I mean, nagulat lang naman ako no'ng sinabi
Napasandal ako sa likod ng swivel chair na gamit ko. Kahapon pa kami nakabalik sa resort pero, kahit ano ang gawin ko ay si Rafael pa rin ang pumapasok sa utak ko. Kung ano ang meron sa kanilang dalawa nung babae at kung magkasama ba silang natulog sa hotel?Nakakainis dahil ayaw ko sana siyag isipin pero, kusa talaga siyang pumapasok sa utak ko. Sinubukan ko pang tumulong sa pagluluto, sa pag entertain ng guest pero, wala rin. Pag mag-isa nalang ako, papasok na naman siya sa utak ko."Ma'am, nandiyan po ba kayo sa loob?" Rinig kong sabi ni Jessie, sa labas ng pintuan ko."Come in," Umayos ako ng pagkakaupo. Matamis na ngumiti rito. Kailangan kong mag-focus, may anak rin ako kaya hindi puweding mapunta sa ibang bagay ang atensyon ko."May problema ba?" Tanong ko dahil nakasimangot siya habang palapit sa akin. Mabilis naman siyang umiling at pinakita ang hawak niyang iPad.Kinuha ko iyon at muling tumingin sa kaniya. "Nag-book po ng reservation si Caleb." Umarko ang kilay ko. Hindi nam