Wala na siyang ibang malalapitan at kung kailangan niyang ibaba ang pride niya gagawin niya tutal hindi naman libre ang hihingin niya. Kapalit ng pagtulong sa kaniya ni Aiden ay ang pagpayag niyang maging fiancée ni Aiden. Mahigpit niyang hinawakan ang sarili niyang kamay saka ngumiti kay Aiden.“Kung hindi ka pa naman nakakahanap ng babaeng magpapanggap na maging fiancée mo.” dagdag niya, tumayo naman si Aiden saka siya naupo sa sofa, sinenyasan niya rin si Mia na maupo na muna na sinunod niya rin naman.“Tell me, what do you need?” palihim na humugot ng malalim na hininga si Mia. Kailangan niyang lakasan ang loob niya tutal hindi rin naman biro ang gagawin niyang pagpapanggap na fiancée ni Aiden. Kinuha niya ang ilang papeles na nasa bag niya saka niya ito ipinaharap kay Aiden.Nagtataka man si Aiden ay kinuha niya ito at binasa. Bahagyang napataas ang kilay niya kaya napayuko si Mia, kinakain na siya ng hiya pero wala siyang magawa.“No problema, I can pay all of this. So, deal?” t
“May magagawa pa ba ako? Go girl, itaas mo ang bandera.” Pang-aasar niya na akala mo hindi nagalit kanina. Naiiling na lang si Mia dahil hindi mo maintindihan kung kumakampi ba sa kaniya o hindi ang kaibigan. Sumama na si Mia kay Raoul, nakayuko pa ang ulo niya dahil nakatingin sa kaniya ang ilang empleyado na nakakasalubong nila.“Mia!” rinig niyang pagtawag sa kaniya ng manager nila, napaatras naman si Raoul para tingnan kung sino ang tumawag kay Mia. Nang makita ni Miss Cruz na kasama ni Mia si Raoul ay bahagya siyang ngumiti.“Hindi na pala, just go.” Wika niya saka tumalikod na, nagpatuloy na rin silang dalawa na maglakad hanggang sa makarating office ni Aiden.“Puntahan mo na lang siya dahil hindi na ako papasok.” Saad ni Raould na tinanguan na lang ni Mia.“Salamat,” kinakabahan pa siya nang makapasok na siya sa loob. Hindi siya sanay na maiwan silang dalawa ng Boss niya lalo na ngayon kung sabay pa silang kakain. Paano siya makakakain ng maayos kung Boss niya ang kasama niya.
May kabang tumayo si Mia sa kinauupuan niya. Kilala nilang strikto pagdating sa trabaho ang Boss nila, narinig niya na rin ang usap-usapan dati na marami na itong inalis sa trabaho dahil hindi nasusunod ang gusto niya. Alam niyang hindi malabong mangyari yun sa kaniya kapag hindi siya nakinig.Minsan pa niyang sinipat ang sarili sa salamin, mukhang okay naman na. Hindi niya alam kung bakit ba siya kinakabahan na magpakita ngayon sa Boss niya.“Let’s go Miss, Mr. Hernandez is waiting for you outside.” Ngiting wika ng babae, tipid lang na ngumiti si Mia saka sumunod sa isang babae para idala na siya kay Aiden na matyagang naghihintay sa labas. Tinanggal na nila ang isang malaking kurtina na humaharang kay Mia. Nilalaro niya ang mga daliri niya, bakit ba siya kinakabahan? Wala pa naman silang ginagawa.Abalang nagbabasa ng magazine si Aiden nang maramdaman niya ang pagtanggal ng malaking kurtina sa harapan niya kaya tiningnan niya iyun. Dahan-dahan niyang naibaba ang hawak niyang magazi
Tiningnan niya si Aiden at tila wala lang itong pakialam sa pagkatalo niya.“Let’s go home, hindi mo siya matatalo kung wala kang alam sa mga bagay na ito. Sanay na siya sa mga ganitong bagay pero ikaw puro papeles ang hawak mo sa araw-araw. Let’s go home.” Pag-aaya ni Mia kay Aiden dahil hindi niya kakayanin kapag natalo ng milyon ang Boss niya.Ngumiti lang naman sa kaniya si Aiden saka niya hinawakan ang kamay ni Mia para pakalmahin ito. Sa tuwing hinahawakan ni Aiden ang ilang parte ng katawan ni Mia ay tila may mga boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa katawan niya mula kay Aiden.“You don’t have to worry, just trust me.” Ani nito, bagsak ang balikat ni Mia nang muling ikalat ang baraha. Nakangisi na ngayong nakatingin sa kaniya si Jaxson.Halos maubos niya na ang iniinom niya dahil pakiramdam niya nanunuyo ang lalamunan niya dahil sa kaba. Kahit hindi niya alam kung paano laruin ang mga nilalaro ng mga ito ay nanuod na lang siya. Tinitingnan niya rin minsan ang expression ng mga
Lumipas ang mga araw at hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa labi ni Mia ang ngiti. Hindi dahil sa kinikilig siya sa Boss nila kundi dahil sa kabaitan nito. Mukha namang walang katotohanan ang mga sinasabi ng iba na wala siyang puso o sadyang hindi pa niya ito masyadong kilala? Wala na siyang pakialam dun, kung ano ang nakikita niya iyun ang paniniwalaan niya.“Iba talaga kapag in love ka no? hindi na mawawala ang ngiti sa labi.” Pang-aasar sa kaniya ng mga katrabaho nila.“Hindi naman, hindi naman yun ang dahilan ng pagngiti ko eh. Hindi ba pwedeng masaya lang talaga ako?”“Naku, huwag kami ang lokohin mo Mia. Masaya? Masaya ka talaga dahil in love ka. Ikakaila mo pa halata naman na.” saad ni Kirsten, napailing na lang si Mia. Isipin nila ang gusto nilang isipin basta siya masaya, wala ng masyadong iniisip na problema o baka ngayon lang dahil wala pa namang paramdam ang Boss nila.Napatigil siya sa pagsubo ng kakainin niya nang mapansin niya ang pag-ilaw ng cellphone niyang nasa ib
“Kausapin mo naman ako oh, I’m sorry, kung ano man ang nagawa ko sayo I’m really sorry. Masyado lang akong nabulag sa pansarili kong kasiyahan. Mahal pa rin kita, you still love me pa naman diba? Bumalik na tayo sa dati, yung ikaw at ako lang. Please Mia.” Nagmamakaawa niyang saad, ang mga empleyadong pauwi na sana ay napahinto dahil sa narinig nila. Kaniya-kaniya na naman lang silang bulungan at panlalait kay Mia.“She’s a gold digger, ang kapal ng mukha niyang paglaruan si Sir Aiden!” inis na wika ng isang babae.Wala ka namang mababakas na kahit anong emosyon kay Mia. Blangko lang siyang nakatingin kay Jaxson.“Umalis ka na, wala kang mapapala sakin.” Akmang lalampasan na sana siya ni Mia nang bigla siyang lumuhod sa harapan ni Mia. Naikukuyom na lang ni Mia ang mga kamao niya, alam niyang hinuhusgahan na naman siya ng mga matang nakamasid sa kanila.“Saktan mo ako kung gusto mo, sigawan mo ako, bumalik ka lang sakin Mia. Tama na please, alam kong nasaktan kita pero nasasaktan na r
MIA’S POVAlam kong wala nang atrasan sa kasunduan namin ni Sir pero hindi pa rin nawawala sa akin ang kaba. Sinabi ko sa sarili kong hinding hindi ko papasukin ang mundo ng mga mayayaman dahil sa mga katulad kong babae ay mahirap silang abutin, ano lang ba ang kaya ko at laban sa kanila.Napabuntong hininga na lang ako, kailangan kong ihanda ang sarili ko. Masakit pa rin hanggang ngayon dahil sa ganitong paraan natapos ang kwento namin ni Jaxson. Siguro nga may mga dahilan ang lahat. Sa panahong pagtatrabaho ko rito ay hindi ko pa nakikita ang Mommy ni Sir Aiden at natatakot ako sa mga sinasabi pa lamang ni Sir. Kung siya hindi niya masuway ang Mommy niya o hindi niya kayang labanan, paano pa kaya ako na hindi man lang kayang ipagtanggol ang sarili ko?Kung sa Daddy niya naman, hindi ko rin naman masyadong kilala si Sir Dave. Bihira ko silang makita rito sa hotel dahil mas madalas siya sa kompanya nila Sir Aiden.Para akong lantang gulay na naglalakad dito sa hallway, ano bang dapat
“Never mind, I think I am not the one you need now.” Akma na sana siyang tatalikod nang muli niya kaming hinarap at nagulat na lang ako nang tanggalin niya ang kamay ng lalaking ito sa bewang ko na siyang nakapagpawala nang balanse ko pero mabilis ang kilos nang lalaking kasama ko.“Hey! Can’t you see? May sprain ang paa niya.” wika niya, kunot noo namang tiningnan ni Sir ang paa kong may benda pa rin. Naiiwas niya ang paningin niya sa’kin saka siya tumalikod.“Just rest now. Come to my office, Ace.” Huling saad niya, sa tingin ko iyun ang pangalan ng lalaking ito. Naiiling na natatawa na lang ang lalaking ito, ano ang nakakatawa dun?“Ihatid na lang kita, let’s go.” Tumango na lang ako, muli ko pang tiningnan si Sir Aiden na papalayo na. Anong problema nun? Bulag ba siya para hindi niya makita ang malaking benda sa paa ko. Hindi naman ako tangang babae para magpahawak sa bewang ng walang dahilan. Ano na lang iisipin ng ibang tao lalo na kung siya ang rumoured fiancé ko. Buang talaga.
“Mabuti ka pa at kaunti na lang ay graduate ka na sa pag-aalaga. Dalaga na si Yeshah at kaunti na lang ay mga binata na rin ang mga anak mo baka sa susunod mga apo mo naman na ang aalagaan mo—aray!” batukan ko nga, kung ano-ano sinasabi.“Bata pa mga anak ko at may mga pangarap sila sa buhay kaya anong mga apo ko naman ang aalagaan ko? E kung batukan pa kita?” inis kong saad sa kaniya pero tinawanan lang ako ng kumag.Nag-uusap na si Mia at Stella habang naglalaro naman ang mga bata, si Yeshah nasa kwarto niya at gumagawa ng project.“Dad, I need to go in national book store. May kailangan lang po akong bilhin.” Wika sa’kin ni Yeshah na kalalapit lang sa’kin.“How much do you need?” dinukot ko naman na ang wallet ko saka ko siya binigyan ng dalawang libo.“Dad, I only need 500. 2000 is too much.” Reklamo niya sa’kin pero dahil wala akong barya ay isang libo ang ibinigay ko sa kaniya.“Padrive ka na lang kay Kuya Jin.”“Yes po,” mabilis niya namang sagot saka lumapit sa ina niya para m
AIDEN’S POVGulo-gulo ang buhok kong nakatingin sa mga anak kong magugulo rin. Oo, pinangarap kong bumuo ng malaking pamilya pero bakit naman isang irehan kaagad?“Ano? Okay ka pa ba? Hahahaha ayos yun ah. Apat agad sa isang irehan.” Sinamaan ko ng tingin si Ace, oo may quadruplets kami ni Mia at hindi namin yun inaasahan. Malaki yung tiyan niyang nagbuntis at ng malaman namin na apat na heartbeat ang nadetect sa pagbubuntis niya masaya ako na nag-aalala. Hindi ko kayang mawala sa buhay ko si Mia, ipinagbubuntis pa lang niya ang mga kambal namin hirap na hirap na siya kaya halos hindi ko alam ang gagawin ko.“Yaaaahhh,” sigaw na naman ng anak kong lalaki habang nakasakay siya sa likod ko. Tanggal ang angas ko sa mga anak ko, kung gaano ako kalupit sa opisina ay siyang kabaliktaran naman pagdating dito sa bahay. Tatlo ang anak kong lalaki at sa kanilang apat naman ay ang babae ang bunso sa mga kambal ko.Masakit na ang anit ko dahil sa pagsabunot ng anak ko, gawin ba naman akong kabayo
Naiwan si Yeshah sa Manila dahil gusto ko sanang magkaroon kami ng solo time ng asawa ko. Handa na kaming sundan si Yeshah at bigyan siya ng maraming kalaro dahil minsan napapagod na rin ang mga Lolo at Lola niya sa pakikipaglaro sa kaniya. “Hindi kalakihan yung bahay pero napakaganda.” Namamanghang saad pa rin ni Mia habang nililibot namin ang bahay. Glass wall lang din ang iba para kitang kita mo ang ganda ng dagat. Mula rito ay kitang kita namin ang maraming turista. Maraming resort dito sa lugar na ito at kahit hindi na namin kailangang pumunta dun dahil sa ilalim ng bahay na ito ay may ipinagawa rin akong swimming pool. “Ang ganda ganda talaga dito Love. Parang gusto ko na lang dito tumira.” Aniya pa, tagos na tagos ang araw sa glass wall dahil maaga pa pero malamig dito sa loob dahil sa aircon. “Ito ang magiging bahay bakasyunan natin dahil sa dami ng nangyayari sa buhay natin sa bawat araw, we deserve a vacation.” Wika ko sa kaniya. Napatingin din siya sa multifunctional chai
AIDEN’S POVNapabuntong hininga na lang ako ng maabutan ko na naman si Daddy na may hawak na alak. Naupo ako sa harapan niya. Ilang araw pa lang simula ng mawala sa’min si Daddy.“Dad,” anas ko, napabuntong hininga siya saka ako tipid na nginitian.“Jared Vesarious is your Mom’s first love. Mahal na mahal niya si Jared kahit ng magpakasal kaming dalawa. Pilit lang naman ang kasal namin pero habang tumatagal, I fell in love with your Mom. Akala ko kapag dumating ka sa buhay niya sakaling may magbago pero akala ko lang pala yun. I love your Mom son but she never love me, anong magagawa ko si Jared ang minahal niya at mahal niya hanggang ngayon. Hindi ko akalain na kaya niyang patayin ang sarili niya para sa isang lalaki. Tinanggap ko lahat, tiniis ko lahat, naghintay ako sa Mommy mo pero hindi pala yun sapat para mahalin niya rin ako at kalimutan si Jared.” Hilaw siyang natawa, masakit din para sa’kin na makita sa ganitong kalagayan si Daddy pero hindi pa rin niya magawang magalit kay M
Ano nga ba talagang kayang gawin ng pag-ibig? Ano pa bang kayang isakripisyo ng lahat para sa pangalan ng pag-ibig? Hindi niya ba naibaling ang lahat ng pagmamahal niya kay Aiden? Nang dumating sa buhay niya si Aiden?Napabuntong hininga na lang ako, ang pagmamahal pa rin ba niya kay Daddy ang dahilan kung bakit gusto pa rin niya akong mamatay? Naging bangungot ko ang gabing muntik akong mamatay. Kung hindi dahil kay Ate Jade baka abo na lang din ako ngayon. Nagawa niya na akong ilayo sa mga magulang ko pero bakit ipinahanap pa rin niya ako para lang patayin?“Kung naging maaga lang siguro ang mga pulis na dumating kanina, hindi siguro ito nangyari.” Saad uli ni Tita Irene, napakunot naman ang noo ko.“Ano pong ibig niyong sabihin?”“Nagsalita na ang lalaking nag-utos sa mga lalaking dumukot sayo kung sino ang mastermind ng lahat. Sinabi niya ng si Olivia nga ang may pakana ng lahat ng nangyari sayo. Sinubukan namang humabol ng mga pulis sa place kung saan ang kasal pero huli na sila
MIA’s POVHalos hindi ko maigalaw ang mga kamay at mga paa ko. Para akong nanigas at hindi makagalaw, sana panaginip na nga lang ang lahat. Ang saya saya ko lang kanina diba? masaya lang kaming lahat kanina pero bakit naging ganito ang lahat? Bakit naging madugo ang kasal na pinangarap namin?Nagkalat sa carpet ang dugo ni Daddy ganun na rin ni Ma’am Olivia. Naguguluhan pa rin ako, ano bang mga naging nakaraan nilang lahat sa isa’t isa? Bakit kailangang si Daddy pa ang saktan niya? Bakit niya kinukuha ang buhay na hindi kaniya.“Mia,” rinig ko sa boses ni Stella, bakas ang pag-aalala sa kaniya pero tila nakamagnet na ang mga mata ko kay Daddy. Rinig na rinig ko na ang iyakan ni Mommy at ng mga kapatid ni Daddy ganun na rin si Aiden at si Sir Dave.Dahan-dahan akong humakbang, parang ayaw ko pang iproseso sa utak ko ang lahat ng nangyayari.“Call the ambulance now!” umiiyak na saad ni Mommy habang yakap yakap si Daddy.“Iha,” pinigilan ako ng isang kapatid ni Daddy sa paglapit sa kaniy
Humugot ng malalim na buntong hininga si Mia dahit it’s her turn. Nag-uumapaw ang saya sa dibdib niya tila nabusog na tuloy siya sa mga sinabi ni Aiden. Wala rin naman siyang ibang hiling kundi ang manatili na silang dalawa sa isa’t isa habang buhay.Magsasalita na sana si Mia nang may biglang pumalakpak na nagmumula sa entrance.“Ang galing naman,” wika nito, nagsigilid ang mga bisita ng makita siya.“Olivia,” wika ni Mr. Hernandez, mabilis siyang napatayo. Hindi niya akalain na mahahanap at malalaman pa ito ni Olivia. Hindi niya sinabi ang kasal ni Aiden dahil alam niyang magkakagulo lang, hindi na nila kasi ito mapakiusapan na pabayaan na lang ang mga mata.Mabilis na itinago ni Aiden sa likod niya si Mia para protektahan sa ina niya. Kinuha na rin ni Ace si Aiyeshah para lumabas na dito tutal may exit naman sa gilid nila.“Mom,” anas na rin ni Aiden.“Hindi mo na talaga ako nirespeto Aiden, ina mo ako pero ni hindi mo man lang ako inimbita sa sarili mong kasal? Ang galing galing n
Nagdaan pa ang mga araw at ngayon ang araw na hinihintay ng lahat. Halos isang linggo ring hindi nagkita si Mia at Aiden ngayong araw ng kasal na lang nila ulit sila magkikita.Abalang abala ang lahat sa paghahanda at paggagayak. Lahar ay may ngiti sa kanilang mga labi, masaya para sa dalawang taong mag-iisang dibdib ngayong araw.Napakaganda ng tanawin, napakaganda at napakaayos ng lahat. Tila isang panaginip, tila nasa isang fairy tale ka dahil sa pagkakaayos ng lugar. Napakalawak na hardin, nagbibigay ginhawa sa katawan dahil sa kapayapaan niya.Lahat ng abay ay inaayusan na rin at ang bride naman ay nasa pinakamalaking kwarto.Masayang nakatingin sa salamin si Mia dahil sa wakas ang pinapangarap nilang kasal ni Aiden dati pa ay mangyayari na. Hindi na pangarap, hindi na sa panaginip makikita dahil ngayon magaganap na ang lahat.“Hays, parang kailan lang nang sinusuotan lang kita ng diaper pero ngayon wedding gown mo na ang isusuot ko sayo.” Naluluhang saad ni Katelyn sa anak. Hind
“Who cook our dinner? May sarili ka na bang chef ngayon Katelyn?” tanong ng isang Ginang na halos mabusog na dahil sa dami ng kinain niya. Bahagyang natawa si Katelyn.“Si Mia at Aiden lang ang naghanda ng lahat ng mga yan.”“Talaga? Hindi ko akalain na magaling kayong dalawa ah. Parang gusto ko na lang manatili rito para makakain araw-araw ng mga masasarap na pagkain haha.” Pagbibiro ng isang babae. Hindi pa kilala ni Mia ang mga kamag-anak niya, kilala pa lang niya ang mga ito sa mukha.Nagpatuloy ang kasiyahan nila ngayong gabi. Nang matapos silang mga kumain ay kaniya-kaniya na rin silang mundo pero maagang nagpaalam si Dave.“Uuwi ka na? Ang bilis naman.” Saad ni Jared.“Baka kasi nakauwi na si Olivia saka may gagawin pa rin kasi ako so hindi na rin ako magtatagal. Maybe next time again,” napatango-tango na lang si Jared, nilapitan naman na muna ni Mr. Hernandez si Yeshah saka niya ito kinausap.“Let’s play next time again apo, sana maipasyal niyo siya minsan sa’min.” Si Mr. Hern