Walang tigil sa pag-iimbestiga si Aiden sa nangyaring pangingidnap kay Mia ganun na rin si Mr. Vesarious. Kung minsan na nilang hindi naprotektahan ang anak, hindi na nila ito gagawin sa pangalawa na namang pagkakataon, never and not again. Handa silang iubos ang lahat ng meron sila masiguro lang nila ang kaligtasan ni Mia at ganun na rin ng anak niya.“Hindi ka ba muna magpapahinga? Inaasikaso naman na rin nila Daddy ang tungkol sa kaso na yan eh.” Wika ni Mia na halos kapapasok lang din ng opisina ni Aiden.“Hindi ko ito titigilan Babe, ang makita ka sa ganung sitwasyon hindi ko kaya. Nagkakamali sila ng binangga, not you nor my family Mia.” Desidido niyang saad, wala namang magawa si Mia kundi ang maghintay na lang sa gilid. Napatingin na lang si Mia sa pintuan nang bigla itong bumukas at pumasok si Ace na hingal na hingal pa.“Hey,” anas ni Mia dahil ngayon niya lang uli ito nakita.“Are you okay? Nabalitaan ko yung nangyari, and it’s all over the news now.” Nag-aalalang wika ni A
Masaya si Mia na bukas na ang isip at puso ni Chloe ngayon, naintindihan niya na ang lahat. Sana nga umayon na ang lahat para sa kanila ni Aiden para matapos na, para maging maayos na ang lahat.“Naiintindihan ko, kapag nagmahal talaga tayo kailangan nating magsakripisyo, may bagay na hindi natin akalaing magagawa natin.”“Marami tayong pagkakaiba at nakikita ko na kung anong nagustuhan sayo ni Aiden, kung bakit hindi niya ako magawang mahalin dahil marami kang ugali na wala sa’kin. Maybe Aiden is right, I deserve more and I don’t need to beg someone just to love me. You’re both lucky to have each other. Sana hindi pa huli para mapatawad mo ako Mia.” Matamis na ngumiti si Mia, wala namang kasalanan si Chloe dahil nagmahal lang siya.“Matagal na kitang pinatawad Chloe. Someday, someone will find you to love and to take care of you higit pa sa ibinibigay mo.” bahagyang natawa si Chloe ng maalala niya rin ang sinabi ni Aiden sa kaniya. Siguro nga baka hindi pa panahon para sa kaniya ang
They hope everything is okay now. Masaya na silang naghahanda para sa darating na kasal nina Aiden at Mia. Lahat sila ay dun na nakatuon ang mga atensyon, hindi na pinublic ni Aiden ang tungkol sa kasal nila, gusto nila tahimik lang, walang mangingialam na ibang tao.Ngayong araw ay abala sina Mia para sa dinner mamaya kasama ng pamilya niya at ni Aiden. Maging maayos ang lahat bago ang kasal nilang dalawa.“Magpahinga ka na muna Babe, ako na diyan.” Niyakap ni Aiden mula sa likod si Mia habang nagluluto ito.“Ano ka ba Aiden baka may makakita sa’tin dito, hindi natin pagmamay-ari ang bahay.” Pagbabawal sa kaniya ni Mia, nahihiya siyang makita silang dalawa sa ganung posisyon ng mga magulang niya. Kahit na may anak na sila at nasa tamang edad na ay nahihiya pa rin siya.“I just want to hug you Babe, masama ba yun?”“I am not saying it, alagaan mo na lang si Yeshah.”“Na kay Mommy Katelyn na siya, tulungan na lang kita sa pagluluto.” Kindat niyang saad saka kumalas na sa pagkakayakap k
“Who cook our dinner? May sarili ka na bang chef ngayon Katelyn?” tanong ng isang Ginang na halos mabusog na dahil sa dami ng kinain niya. Bahagyang natawa si Katelyn.“Si Mia at Aiden lang ang naghanda ng lahat ng mga yan.”“Talaga? Hindi ko akalain na magaling kayong dalawa ah. Parang gusto ko na lang manatili rito para makakain araw-araw ng mga masasarap na pagkain haha.” Pagbibiro ng isang babae. Hindi pa kilala ni Mia ang mga kamag-anak niya, kilala pa lang niya ang mga ito sa mukha.Nagpatuloy ang kasiyahan nila ngayong gabi. Nang matapos silang mga kumain ay kaniya-kaniya na rin silang mundo pero maagang nagpaalam si Dave.“Uuwi ka na? Ang bilis naman.” Saad ni Jared.“Baka kasi nakauwi na si Olivia saka may gagawin pa rin kasi ako so hindi na rin ako magtatagal. Maybe next time again,” napatango-tango na lang si Jared, nilapitan naman na muna ni Mr. Hernandez si Yeshah saka niya ito kinausap.“Let’s play next time again apo, sana maipasyal niyo siya minsan sa’min.” Si Mr. Hern
Nagdaan pa ang mga araw at ngayon ang araw na hinihintay ng lahat. Halos isang linggo ring hindi nagkita si Mia at Aiden ngayong araw ng kasal na lang nila ulit sila magkikita.Abalang abala ang lahat sa paghahanda at paggagayak. Lahar ay may ngiti sa kanilang mga labi, masaya para sa dalawang taong mag-iisang dibdib ngayong araw.Napakaganda ng tanawin, napakaganda at napakaayos ng lahat. Tila isang panaginip, tila nasa isang fairy tale ka dahil sa pagkakaayos ng lugar. Napakalawak na hardin, nagbibigay ginhawa sa katawan dahil sa kapayapaan niya.Lahat ng abay ay inaayusan na rin at ang bride naman ay nasa pinakamalaking kwarto.Masayang nakatingin sa salamin si Mia dahil sa wakas ang pinapangarap nilang kasal ni Aiden dati pa ay mangyayari na. Hindi na pangarap, hindi na sa panaginip makikita dahil ngayon magaganap na ang lahat.“Hays, parang kailan lang nang sinusuotan lang kita ng diaper pero ngayon wedding gown mo na ang isusuot ko sayo.” Naluluhang saad ni Katelyn sa anak. Hind
Humugot ng malalim na buntong hininga si Mia dahit it’s her turn. Nag-uumapaw ang saya sa dibdib niya tila nabusog na tuloy siya sa mga sinabi ni Aiden. Wala rin naman siyang ibang hiling kundi ang manatili na silang dalawa sa isa’t isa habang buhay.Magsasalita na sana si Mia nang may biglang pumalakpak na nagmumula sa entrance.“Ang galing naman,” wika nito, nagsigilid ang mga bisita ng makita siya.“Olivia,” wika ni Mr. Hernandez, mabilis siyang napatayo. Hindi niya akalain na mahahanap at malalaman pa ito ni Olivia. Hindi niya sinabi ang kasal ni Aiden dahil alam niyang magkakagulo lang, hindi na nila kasi ito mapakiusapan na pabayaan na lang ang mga mata.Mabilis na itinago ni Aiden sa likod niya si Mia para protektahan sa ina niya. Kinuha na rin ni Ace si Aiyeshah para lumabas na dito tutal may exit naman sa gilid nila.“Mom,” anas na rin ni Aiden.“Hindi mo na talaga ako nirespeto Aiden, ina mo ako pero ni hindi mo man lang ako inimbita sa sarili mong kasal? Ang galing galing n
MIA’s POVHalos hindi ko maigalaw ang mga kamay at mga paa ko. Para akong nanigas at hindi makagalaw, sana panaginip na nga lang ang lahat. Ang saya saya ko lang kanina diba? masaya lang kaming lahat kanina pero bakit naging ganito ang lahat? Bakit naging madugo ang kasal na pinangarap namin?Nagkalat sa carpet ang dugo ni Daddy ganun na rin ni Ma’am Olivia. Naguguluhan pa rin ako, ano bang mga naging nakaraan nilang lahat sa isa’t isa? Bakit kailangang si Daddy pa ang saktan niya? Bakit niya kinukuha ang buhay na hindi kaniya.“Mia,” rinig ko sa boses ni Stella, bakas ang pag-aalala sa kaniya pero tila nakamagnet na ang mga mata ko kay Daddy. Rinig na rinig ko na ang iyakan ni Mommy at ng mga kapatid ni Daddy ganun na rin si Aiden at si Sir Dave.Dahan-dahan akong humakbang, parang ayaw ko pang iproseso sa utak ko ang lahat ng nangyayari.“Call the ambulance now!” umiiyak na saad ni Mommy habang yakap yakap si Daddy.“Iha,” pinigilan ako ng isang kapatid ni Daddy sa paglapit sa kaniy
Ano nga ba talagang kayang gawin ng pag-ibig? Ano pa bang kayang isakripisyo ng lahat para sa pangalan ng pag-ibig? Hindi niya ba naibaling ang lahat ng pagmamahal niya kay Aiden? Nang dumating sa buhay niya si Aiden?Napabuntong hininga na lang ako, ang pagmamahal pa rin ba niya kay Daddy ang dahilan kung bakit gusto pa rin niya akong mamatay? Naging bangungot ko ang gabing muntik akong mamatay. Kung hindi dahil kay Ate Jade baka abo na lang din ako ngayon. Nagawa niya na akong ilayo sa mga magulang ko pero bakit ipinahanap pa rin niya ako para lang patayin?“Kung naging maaga lang siguro ang mga pulis na dumating kanina, hindi siguro ito nangyari.” Saad uli ni Tita Irene, napakunot naman ang noo ko.“Ano pong ibig niyong sabihin?”“Nagsalita na ang lalaking nag-utos sa mga lalaking dumukot sayo kung sino ang mastermind ng lahat. Sinabi niya ng si Olivia nga ang may pakana ng lahat ng nangyari sayo. Sinubukan namang humabol ng mga pulis sa place kung saan ang kasal pero huli na sila