Malalim ang iniisip ni Mia, hindi niya magawang makapagcelebrate man lang dahil nakita na siya ng mga magulang niyang inakala niyang inabandona na siya noon. Gusto niyang maging masaya pero hindi niya magawa, may mga gumugulo sa isipan niya. Paanong nagkakilala ang mga magulang niya at ng mga magulang ni Aiden. Anong alitan meron sila para kumilos ng ganun si Mrs Hernandez?Napabuntong hininga na lang si Mia, gusto lang naman nila ng katahimikan pero bakit parang mas lalong gumugulo ang lahat. Kung may alitan nga ang mga magulang niya, hindi imposibleng mas kaaayawan siya ngayon ni Mrs Hernandez dahil anak siya ng pamilyang Vesarious.Napatingin na lang si Mia sa gilid niya nang may mag-abot sa kaniya ng isang mango shake kaya tiningala niya kung sino ito. Kinuha niya naman na ang mango shake saka naupo sa gilid niya si Aiden.“I just want to say sorry about my mother’s behaviour lately in front of your parents. Hindi na ako nakabalik dahil nahihiya akong harapin sila, this is the fi
“Of course not, nakita ko ang records mo from the start and you didn’t disappoint me, kung ano man ang narinig mo mula sa’kin I will really do that.”“Talaga po? I mean, talaga?” excited niyang tanong, halos hindi siya mapakali dahil sa sobrang saya.“Yes,”“Oh my God!” natutop na lang ni Stella ang bibig niya dahil totoo nga ang sinabi ni Aiden. “Maraming maraming salamat po Sir, thank you po talaga, sobrang laking tulong po nun. Pwede niyo pong bawasan yung 10k na allowance lang niya dahil okay na po sa’kin kahit ako na ang sumagot nun tutal hindi naman siya masyadong magastos pagdating sa baon niya araw-araw.”“No, it’s okay. Maybe he’s okay with his low allowance pero hindi mo alam kung anong nangyayari sa kaniya sa school, is he okay? Kumakain ba siya? o baka natitipid siya sa baon niya because he has no choice, nahihiya lang siyang humingi sayo dahil alam niya ang kalagayan niyo. Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan niya.” napatango naman si Stella dahil tama si Aiden, hindi n
Nakatingin si Mia sa malaking salamin sa harapan niya. Napapalibutan siya ng napakaraming salamin sa loob ng kwartong ito, hindi siya makapaniwala sa nakikita niya sa sarili. Napahawak pa siya sa pisngi niya.“Ako pa ba talaga ‘to?” tanong niya sa sarili niya, nakaayos siya ngayon, mula sa mukha at sa mga suot niya. Tila hindi niya na makilala ang sarili niya, napakaganda niya, tila ba isang mahika ang mga make up dahil sa nangyari sa kaniya. Light lang naman ang inilagay sa mukha niya pero bakit ang laki ng epekto sa kaniya? isama mo pa ang napakagaganda niyang kasuotan.Napangiti na lang si Stella habang tinitingnan din ang kagandahan ni Mia.“Finally, napakaganda mo Mia este Maliyah. You are no longer Mia Morales, you are now Maliyah Vesarious, ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya niyo. Napakayaman mo pala pero hindi madali ang mga pinagdaanan mo dahil masyadong naging mahigpit sayo ang tadhana. Tita Katelyn said that your nickname is Mia, iyun ang nakatatak sa huling damit na su
Napasimangot na lang silang tatlo dahil alam nilang duty pa nila.“Sayang, hindi man lang tayo makakapunta.” Nanghihinayang nilang saad ngunit lingid sa kanilang kaalaman na nasa likod lang nila si Miss Cruz.“Go on, don’t miss your friends happy moments in her life. Ako ng bahala sa inyo,” sabay-sabay silang napalingon na tatlo kay Miss Cruz na nakangiti sa kanila.“Talaga po Ma’am? Pwede po kaming umalis?” excited nilang tanong, tumango at kumindat naman sa kanila si Miss Cruz.“Aalis pa ba kayo o wala na kayong maabutan sa event?”“Salamat po Miss Red este Ma’am Cruz hehehe. Goodbye everyone!” sigaw pa nilang tatlo saka nagmamadaling lumabas ng hotel kahit na nakauniform pa sila ng hotel. Nakasunod na lang ng tingin ang ibang empleyado.“Hindi ba at si Sir Aiden yun? Okay na sila ni Mia?” naibalik nila ang tingin sa screen kung saan makikita si Aiden na buhat buhat ang anak.“Yes! End game sila!” sigaw ng isang empleyado na palaging natutuwa kay Mia at Aiden.“Oh siya, balik na sa
Matiyagang naghihintay si Chloe sa isang restaurant, mahigit isang oras ng late si Aiden sa oras ng pagkikita sana nilang dalawa pero maghihintay pa rin sa Chloe. Ni hindi pa rin siya nag-oorder ng pagkain niya dahil gusto niyang makasabay si Aiden.Muling tumingin sa entrance si Chloe at napangiti na lang siya ng makita niya na si Aiden na kapapasok pa lang. Kinawayan niya ito at umayos sa pag-upo, she’s really excited when Aiden texted her yesterday.“I’m sorry, I’m late.” Anas ni Aiden saka naupo.“Okay lang, halos kararating ko lang din naman eh.” Pagsisinungaling niya, tinawag naman na muna ni Chloe ang waiter para iserve na ang mga inorder niya kanina.“Mabuti at naisipan mong magdate tayo, I really miss you Aiden.”“It’s not what you think Chloe, I just want to talk you. Hindi rin ako magtatagal, Mia and our daughter waiting for me.” unti-unting nawala ang mga ngiti sa labi ni Chloe, palagi na lang Mia ang bukambibig ni Aiden. Hindi naman na muna nakapagsalita si Chloe nang ise
Nagtungo pa sila sa ibang magagandang lugar kung saan normal na namamasyal lang, nakatingin sa mga magagandang view habang kinukuhanan ng litrato.Nang matapos sila ay nagpumilit pa si Mr. Santos na bigyan ng talent fee silang dalawa pero hindi na iyun tinanggap ni Aiden. Matapos nang pamamasyal nila ay sunod na rin nilang pinuntahan ang studio kung saan sila magkakaroon ng pictorial.Masaya si Mia habang nakikita ang mga taong mahahalaga sa kaniya ngayong araw at pare-parehong nagkakasiyahan.“Come here muna baby, pagod na ang Mommy at Daddy sayo.” wika ng ina ni Mia saka binuhat si Yeshah para makaupo ng maayos si Aiden at Mia.Parang ayaw ng matapos ni Mia ang lahat, kung pwede na ganito na lang habang buhay. Walang masyadong iniisip pero wala silang kasiguraduhan kung hanggang kailan ang kasiyahan nila, ang katahimikan nila pero sana nga tapos na ang lahat, pwede ng magsimula ng panibagong buhay.Lumipas pa ang mga araw at naging tahimik naman ang lahat. Maging si Mrs. Hernandez a
Pumulot ng isang kahoy si Aiden nang mapaupo rin siya dahil ang akala niya ay walang mga hawak na baril ang mga lalaki pero nagulat na lang siya nang ilabas ng isa ang baril na nasa bewang niya habang pinaglalaruan iyun.Napapahigpit ang pagkakahawak niya sa kahoy dahil oras na ginalaw nila si Mia, pare-pareho silang makikita si Satanas sa impyerno dahil makakapatay talaga si Aiden. Nangunguha lang ng tyempo si Aiden dahil paunti naman nang paunti ang nagbabantay kay Mia dahil tulog ito.Tinapik ng isang lalaki ang kamay ng kasama niya nang muli niyang haplusin sa pisngi si Mia.“Ano ba!” inis na saad ng lalaking humawak ng pisngi ni Mia.“Masyado ka bang tigang para pagnasaan mo ang babaeng yan? Parang wala kang nanay at kapatid na babae ah.” Pagpipigil sa kaniya, nagngitngit na lang ang mga ngipin ng lalaki saka lumayo kay Mia. Dahan-dahan na naglakad si Aiden saka niya malakas na pinukpok ang isang lalaki sa ulo dahilan nang pagbagsak nito.Bago pa man mahugot ng isang lalaki ang b
“Paano ko nasabi yun? What kind of person you are Chloe? You’re like a monster, you want to die someone dahil lang sa kagustuhan mo silang mawala? I’m not like them, hindi nila ako katulad.” Nanghihina niyang wika sa sarili habang umiiyak. Hindi niya akalaing na masasabi niya iyun kay Mia.“Let’s go, Ma’am.” inalalayan na rin siya ng ilang kapulisan para maihatid na rin. Nang makalabas na sila ay pinanuod niya na lang ang papalayo ng ambulansya kung saan nakasakay si Mia at Aiden.“Nanginginig ka na naman, don’t worry about me. Hindi naman ganun kalala ang pagkakatama ng bewang ko sa metal na yun eh.” Wika ni Mia dahil ramdam niya ang panginginig ni Aiden habang hawak hawak ang kamay niya. Ramdam din niya kanina ang panginginig ni Aiden habang iniaahon siya.“I just don’t know what to do Babe, hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag nawala ka sa’kin. I don’t want seeing you in that kind of situation. Magbabayad sila, pagbabayaran nila ang ginawa nila sayo. No one is allowed to touc