“Patuloy lang tayong masasaktan kung ipipilit pa natin ang hindi pwede Aiden. We can focus na lang sa baby natin, sa paraang yun magiging masaya tayong tatlo.” tila bumagsak ang balikat ni Aiden, ngayon lang siya naglakas loob na kausapin si Mia. Gusto pa rin niya itong bumalik sa kaniya, kung ang gusto ni Mia ay ayaw niyang maghirap si Aiden o bumagsak, gagawin ni Aiden ang lahat para hindi na mag-alala si Mia sa bagay na yun.“Kaya mo ba akong makitang ikasal sa iba kung ikaw ang pinangakuan ko ng kasal Mia? I propose to you, I love you until now, isa lang naman ang hinihiling ko sayo, lalaban ka ba kasama ko sa laban na ito? Isang sagot mo lang Mia, papayag ako sa gusto mo at gagawin ko ang makakaya ko para lang manatili ang pamilyang ito. Galit ako, galit na galit, marami akong gustong itanong sayo Mia, bagsak ang mundo ko ng iwan mo ako pero hindi ko magawang magalit sayo dahil sa pagmamahal na ‘to. Gusto ko uling sumubok sayo, Mia lumaban ka naman para sa’kin oh. Kahit ngayon na
“AAAHHH!” malakas na sigaw ni Mrs Hernandez kasabay nang pagtapon niya ng bag niya. Nanggagalaiti at nagngingitngit ang ngipin niya sa galit.“That woman is Katelyn missing daughter? How come?” hindi maalis ang inis at galit sa kaniya. Hindi siya makapaniwalang buhay pa rin hanggang ngayon ang nawawalang anak ni Katelyn. Napailing-iling si Olivia. “Hindi maaari, hindi maaaring sila ni Aiden ang magtagumpay sa huli. Hindi ko hahayaang ang anak ng babaeng yun ang mapapangasawa ng anak ko! Hindi pwede!” sigaw pa niya, halos gusto niya ng magwala sa sobrang inis niya dahil ang babaeng matagal niya ng kinalimutan, ang babaeng matagal ng nasa kaniyang nakaraan ngayon ay muling nagbabalik.“Nasa dugo na talaga nila ang sirain ang buhay ko at ngayon anak ko naman ang sisirain nila ang buhay? Hindi ako papayag, magkamatayan na pero hindi ang babaeng yun ang mapapangasawa ni Aiden.” Desidido niya ng saad.Bagsak ang balikat ni Mia na bumalik ng condo, kasa-kasama niya naman si Stella kaya si S
Sumimsim na siya ng kape niya habang nakatitig sa nakatalikod na si Mia. Nang magising si Yeshah ay kinuha siya ni Aiden kay Stella at tuwang-tuwa niya itong nilalaro kahit na maaga pa. Tinulungan naman na ni Stella si Mia sa paghahanda ng kakainin nila ngayong umaga at nang matapos sila ay pinuntahan na ni Mia si Aiden na nasa sala.“Ako na muna ang bahala sa kaniya, kumain ka na dun.” Wika ni Mia.“Sabay na tayong kumain, sabayan mo ako.” aniya, tumango na lang si Mia saka niya kinuha si Yeshah para si Stella na muna ang mag-alaga sa kaniya. Tahimik silang kumain, paminsan-minsan ay tinitingnan ni Aiden si Mia pero tila may gumugulo sa isipan niya. Hindi naman na nagtanong pa si Aiden.Hindi rin binanggit ni Mia ang tungkol sa sinabi ni Mrs Hernandez sa pagkuha ng custody ng bata. Alam niya namang si Mrs Hernandez lang ang may gusto nito, kung nasabi man yun noon ni Aiden alam niyang hindi niya naman iyun gagawin lalo na ginamit lang naman niya iyun para sumama siya ng Manila.Minsa
Humugot na muna ng malalim na buntong hininga ang Ginang saka muling tiningnan ang naguguluhang si Mia. Sasagutin na sana siya nito pero ng makita ni Mrs. Katelyn na parating na ang kaniyang asawa ay kumaway na muna ito para makita sila.Nilingon naman ni Mia kung sino iyun pero hindi niya kilala ang lalaking papalapit sa kanila saka naupo sa tabi ng Ginang.“Siya na ba? Siya ba yung babaeng nasa restaurant?” excited nitong tanong habang nakangiting nakatingin kay Mia. Tumango naman si Ma’am Katelyn, nagtataka pa rin si Mia sa mga sinasabi ng mga ito, anong restaurant? Hindi pa naman niya nakikita ang mga ito.“Siya na nga yun,” sagot pa ni Ma’am Katelyn.“It’s nice to meet you iha, lumaki kang napakagandang bata. Tadhana na mismo ang nagturo sa’min kung nasan ka.” Saad pa ng lalaki.“He’s my husband, your Daddy Mia. Nasa Batangas kami ng mga panahon na nahanap ka namin. Pumasok ka sa isang restaurant kung nasan kami, may nakapagsabi kasi sa’min na may dalagang nagtatrabaho sa restaur
“Maaayos din ang lahat, the most important is you both have a trust to each other at sapat ang pagmamahalan niyo para lumaban.” Matamis na saad ni Katelyn. Nagsimula naman na silang kumain, napapangiti na lang si Mia kung paanong napakasweet ng mga magulang niya kahit na mga nasa kalagitnaan na ang mga edad nila. Buhat-buhat ni Katelyn si Yeshah habang sinusubuan naman siya ni Jared.Nakatitig lang din si Aiden kay Mia na nakatitig lang sa mga magulang niya.Nang matapos silang kumain ay napalingon na lang sila sa pumalakpak sa likod nila Mia.“Ang saya saya naman, bakit naman hindi ako invited? Hindi ko alam na may kasiyahan pala rito.” pekeng ngiting wika ni Olivia habang pumapalakpak pa.“Hindi nga dumating yung bruhang Chloe pero dumating naman ang pinakabruha,” bulong na wika ni Samantha saka siya umirap.“Olivia, hindi kami nagpunta rito para manggulo.” Malumanay na saad ni Katelyn, lalong nagtataka si Mia at Aiden dahil hindi nila alam na magkakakilala pala ang mga magulang nil
Malalim ang iniisip ni Mia, hindi niya magawang makapagcelebrate man lang dahil nakita na siya ng mga magulang niyang inakala niyang inabandona na siya noon. Gusto niyang maging masaya pero hindi niya magawa, may mga gumugulo sa isipan niya. Paanong nagkakilala ang mga magulang niya at ng mga magulang ni Aiden. Anong alitan meron sila para kumilos ng ganun si Mrs Hernandez?Napabuntong hininga na lang si Mia, gusto lang naman nila ng katahimikan pero bakit parang mas lalong gumugulo ang lahat. Kung may alitan nga ang mga magulang niya, hindi imposibleng mas kaaayawan siya ngayon ni Mrs Hernandez dahil anak siya ng pamilyang Vesarious.Napatingin na lang si Mia sa gilid niya nang may mag-abot sa kaniya ng isang mango shake kaya tiningala niya kung sino ito. Kinuha niya naman na ang mango shake saka naupo sa gilid niya si Aiden.“I just want to say sorry about my mother’s behaviour lately in front of your parents. Hindi na ako nakabalik dahil nahihiya akong harapin sila, this is the fi
“Of course not, nakita ko ang records mo from the start and you didn’t disappoint me, kung ano man ang narinig mo mula sa’kin I will really do that.”“Talaga po? I mean, talaga?” excited niyang tanong, halos hindi siya mapakali dahil sa sobrang saya.“Yes,”“Oh my God!” natutop na lang ni Stella ang bibig niya dahil totoo nga ang sinabi ni Aiden. “Maraming maraming salamat po Sir, thank you po talaga, sobrang laking tulong po nun. Pwede niyo pong bawasan yung 10k na allowance lang niya dahil okay na po sa’kin kahit ako na ang sumagot nun tutal hindi naman siya masyadong magastos pagdating sa baon niya araw-araw.”“No, it’s okay. Maybe he’s okay with his low allowance pero hindi mo alam kung anong nangyayari sa kaniya sa school, is he okay? Kumakain ba siya? o baka natitipid siya sa baon niya because he has no choice, nahihiya lang siyang humingi sayo dahil alam niya ang kalagayan niyo. Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan niya.” napatango naman si Stella dahil tama si Aiden, hindi n
Nakatingin si Mia sa malaking salamin sa harapan niya. Napapalibutan siya ng napakaraming salamin sa loob ng kwartong ito, hindi siya makapaniwala sa nakikita niya sa sarili. Napahawak pa siya sa pisngi niya.“Ako pa ba talaga ‘to?” tanong niya sa sarili niya, nakaayos siya ngayon, mula sa mukha at sa mga suot niya. Tila hindi niya na makilala ang sarili niya, napakaganda niya, tila ba isang mahika ang mga make up dahil sa nangyari sa kaniya. Light lang naman ang inilagay sa mukha niya pero bakit ang laki ng epekto sa kaniya? isama mo pa ang napakagaganda niyang kasuotan.Napangiti na lang si Stella habang tinitingnan din ang kagandahan ni Mia.“Finally, napakaganda mo Mia este Maliyah. You are no longer Mia Morales, you are now Maliyah Vesarious, ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya niyo. Napakayaman mo pala pero hindi madali ang mga pinagdaanan mo dahil masyadong naging mahigpit sayo ang tadhana. Tita Katelyn said that your nickname is Mia, iyun ang nakatatak sa huling damit na su