Inilibot ni Mia ang paningin niya sa condo at gaya pa rin ito ng dati, ganun pa rin ang kulay at ayos ng mga gamit. Ang pinagkaiba lang nito ngayon ay mayroon ng mini playground for their baby.“Is he excited or what?” natatawa pa niyang saad, nagkalat ang napakaraming laruan na halos lahat ay kulay pink. “Too girly,” habang tulog si Yeshah ay pumasok siya sa dating kwarto niya, hindi niya mapigilang hindi makaramdam ng tuwa sa dibdib niya dahil nakabalik na naman siya.Alam niyang hindi na magiging katulad ng dati ang magiging samahan nila ni Aiden but she’s happy. Subalit, sa tuwing iniisip niyang ikakasal si Aiden kay Chloe, hindi niya mapigilang hindi makaramdam ng sakit dahil ang lalaking pagmamay-ari niya dati ay magiging may-ari na ng iba.Nang makaramdam siya ng pagkagutom ay nagtungo siya ng kusina saka binuksan ang napakalaking fridge ni Aiden. Napaawang na lang ang bibig niya dahil punong puno ito ng stock at nang binuksan pa niya ang kabilang fridge ay halos lahat mga pagk
Blangko lang na nakatingin si Aiden sa mga major shareholder’s niya habang nagagalit ang lahat ng mga ito sa kaniya. “Isang kahihiyan para sa pangalan ng hotel natin ang kumakalat ngayon sa social media. Please clear these things to us Mr. Hernandez. Do you really have a child o nagkataon lang na nasa hospital ka nung oras na yun? Alam naman natin ang mga news, kung ano-ano ang ibinabalita kapag nakita ka lang nilang may ibang kasama.” Anas ng isang matanda. Kalmado lang namang nilalaro ni Aiden ang ballpen sa kamay niya habang nasa kaniya ang tingin ng lahat. “What if it is true?” “Kung totoo man, ano na lang mangyayari sa’tin? Mainit pa ang tungkol sa kasal mo kay Miss Chloe tapos ngayon nalink ka sa isang babaeng may anak na? That’s crazy! Ikakasal ka na rin next week at hindi magandang magkakaroon ka ng anak sa labas.” Nasstress na wika ng matanda, nakangisi lang naman si Aiden at tila walang pakialam sa opinion nilang lahat. “Mr. Catipon, you have a kids right? Ikinakahiya mo
Siguro nga iyun na lang ang gawin niya, lumaki rin siyang walang mga magulang sa tabi niya at ang isa sa mga pinangarap niya ay ang magkaroon ng kompletong pamilya ang mga magiging anak niya. Hindi man sila maayos ngayon ni Aiden at least kahit magkita na lang sila para sa bata. Hindi niya na iisipin ang tungkol sa sarili niya basta maibigay lang niya ang saya sa anak. May nararamdaman pa siya para sa binata pero hindi niya inisip na manggulo at gamitin ang baby niya para lang bumalik sa kaniya si Aiden. Isa lang naman ang gusto niya ngayon, magkaroon ng tahimik at payapang buhay silang mag-ina.Akma sanang sasampalin ni Mrs Hernandez si Aiden nang pigilan ni Aiden ang kamay ng kaniyang ina saka niya iyun binitawan.“Nasisiraan ka na talaga ng bait Aiden! At talagang sinabi mo pa yun sa mga shareholders mo! Icacancel mo ang kasal niyo ni Chloe para ang babaeng yun ang pakakasalan mo? Hangga’t nabubuhay ako sa mundong ito, hinding hindi ko hahayaang mangyari yun. Tandaan mo yan! Sinabi
Naging maingay sa social media at mga balita ang pangalan ni Mia sa pagiging ina ng anak ni Aiden. Ikinagalit ito ng lubusan ni Mrs Hernandez. Nalaman at nakita niya na lang ang lahat ng tumambad sa kaniya ang laman ng mga balita at ng social media.Hilaw na tumawa si Chloe dahil sa sinabi ni Aiden. Namumuo na ang mga luha sa kaniyang mga mata at nasasaktang nakatingin kay Aiden.“Ang sakit mong mahalin Aiden, can please honest with me? Siya pa rin ba ang mahal mo? Ginagawa mo lang ba ito dahil sa anak niyo o is it because you still in love with her?” tanong niya, naninikip ang dibdib niya sa sakit habang nakatingin kay Aiden na tila walang pakialam sa kaniya at blangko lang ang mukha.“You’re beautiful Chloe and I know you can find a better man than me. You didn’t deserve a man like me Chloe, you deserve more and I’m sorry for causing you a pain.” Pinalis ni Chloe ang mga luha sa pisngi niya.“You want to cancel our wedding and you want to marry her instead? Akala ko ba ng dahil lang
“Patuloy lang tayong masasaktan kung ipipilit pa natin ang hindi pwede Aiden. We can focus na lang sa baby natin, sa paraang yun magiging masaya tayong tatlo.” tila bumagsak ang balikat ni Aiden, ngayon lang siya naglakas loob na kausapin si Mia. Gusto pa rin niya itong bumalik sa kaniya, kung ang gusto ni Mia ay ayaw niyang maghirap si Aiden o bumagsak, gagawin ni Aiden ang lahat para hindi na mag-alala si Mia sa bagay na yun.“Kaya mo ba akong makitang ikasal sa iba kung ikaw ang pinangakuan ko ng kasal Mia? I propose to you, I love you until now, isa lang naman ang hinihiling ko sayo, lalaban ka ba kasama ko sa laban na ito? Isang sagot mo lang Mia, papayag ako sa gusto mo at gagawin ko ang makakaya ko para lang manatili ang pamilyang ito. Galit ako, galit na galit, marami akong gustong itanong sayo Mia, bagsak ang mundo ko ng iwan mo ako pero hindi ko magawang magalit sayo dahil sa pagmamahal na ‘to. Gusto ko uling sumubok sayo, Mia lumaban ka naman para sa’kin oh. Kahit ngayon na
“AAAHHH!” malakas na sigaw ni Mrs Hernandez kasabay nang pagtapon niya ng bag niya. Nanggagalaiti at nagngingitngit ang ngipin niya sa galit.“That woman is Katelyn missing daughter? How come?” hindi maalis ang inis at galit sa kaniya. Hindi siya makapaniwalang buhay pa rin hanggang ngayon ang nawawalang anak ni Katelyn. Napailing-iling si Olivia. “Hindi maaari, hindi maaaring sila ni Aiden ang magtagumpay sa huli. Hindi ko hahayaang ang anak ng babaeng yun ang mapapangasawa ng anak ko! Hindi pwede!” sigaw pa niya, halos gusto niya ng magwala sa sobrang inis niya dahil ang babaeng matagal niya ng kinalimutan, ang babaeng matagal ng nasa kaniyang nakaraan ngayon ay muling nagbabalik.“Nasa dugo na talaga nila ang sirain ang buhay ko at ngayon anak ko naman ang sisirain nila ang buhay? Hindi ako papayag, magkamatayan na pero hindi ang babaeng yun ang mapapangasawa ni Aiden.” Desidido niya ng saad.Bagsak ang balikat ni Mia na bumalik ng condo, kasa-kasama niya naman si Stella kaya si S
Sumimsim na siya ng kape niya habang nakatitig sa nakatalikod na si Mia. Nang magising si Yeshah ay kinuha siya ni Aiden kay Stella at tuwang-tuwa niya itong nilalaro kahit na maaga pa. Tinulungan naman na ni Stella si Mia sa paghahanda ng kakainin nila ngayong umaga at nang matapos sila ay pinuntahan na ni Mia si Aiden na nasa sala.“Ako na muna ang bahala sa kaniya, kumain ka na dun.” Wika ni Mia.“Sabay na tayong kumain, sabayan mo ako.” aniya, tumango na lang si Mia saka niya kinuha si Yeshah para si Stella na muna ang mag-alaga sa kaniya. Tahimik silang kumain, paminsan-minsan ay tinitingnan ni Aiden si Mia pero tila may gumugulo sa isipan niya. Hindi naman na nagtanong pa si Aiden.Hindi rin binanggit ni Mia ang tungkol sa sinabi ni Mrs Hernandez sa pagkuha ng custody ng bata. Alam niya namang si Mrs Hernandez lang ang may gusto nito, kung nasabi man yun noon ni Aiden alam niyang hindi niya naman iyun gagawin lalo na ginamit lang naman niya iyun para sumama siya ng Manila.Minsa
Humugot na muna ng malalim na buntong hininga ang Ginang saka muling tiningnan ang naguguluhang si Mia. Sasagutin na sana siya nito pero ng makita ni Mrs. Katelyn na parating na ang kaniyang asawa ay kumaway na muna ito para makita sila.Nilingon naman ni Mia kung sino iyun pero hindi niya kilala ang lalaking papalapit sa kanila saka naupo sa tabi ng Ginang.“Siya na ba? Siya ba yung babaeng nasa restaurant?” excited nitong tanong habang nakangiting nakatingin kay Mia. Tumango naman si Ma’am Katelyn, nagtataka pa rin si Mia sa mga sinasabi ng mga ito, anong restaurant? Hindi pa naman niya nakikita ang mga ito.“Siya na nga yun,” sagot pa ni Ma’am Katelyn.“It’s nice to meet you iha, lumaki kang napakagandang bata. Tadhana na mismo ang nagturo sa’min kung nasan ka.” Saad pa ng lalaki.“He’s my husband, your Daddy Mia. Nasa Batangas kami ng mga panahon na nahanap ka namin. Pumasok ka sa isang restaurant kung nasan kami, may nakapagsabi kasi sa’min na may dalagang nagtatrabaho sa restaur
“Mabuti ka pa at kaunti na lang ay graduate ka na sa pag-aalaga. Dalaga na si Yeshah at kaunti na lang ay mga binata na rin ang mga anak mo baka sa susunod mga apo mo naman na ang aalagaan mo—aray!” batukan ko nga, kung ano-ano sinasabi.“Bata pa mga anak ko at may mga pangarap sila sa buhay kaya anong mga apo ko naman ang aalagaan ko? E kung batukan pa kita?” inis kong saad sa kaniya pero tinawanan lang ako ng kumag.Nag-uusap na si Mia at Stella habang naglalaro naman ang mga bata, si Yeshah nasa kwarto niya at gumagawa ng project.“Dad, I need to go in national book store. May kailangan lang po akong bilhin.” Wika sa’kin ni Yeshah na kalalapit lang sa’kin.“How much do you need?” dinukot ko naman na ang wallet ko saka ko siya binigyan ng dalawang libo.“Dad, I only need 500. 2000 is too much.” Reklamo niya sa’kin pero dahil wala akong barya ay isang libo ang ibinigay ko sa kaniya.“Padrive ka na lang kay Kuya Jin.”“Yes po,” mabilis niya namang sagot saka lumapit sa ina niya para m
AIDEN’S POVGulo-gulo ang buhok kong nakatingin sa mga anak kong magugulo rin. Oo, pinangarap kong bumuo ng malaking pamilya pero bakit naman isang irehan kaagad?“Ano? Okay ka pa ba? Hahahaha ayos yun ah. Apat agad sa isang irehan.” Sinamaan ko ng tingin si Ace, oo may quadruplets kami ni Mia at hindi namin yun inaasahan. Malaki yung tiyan niyang nagbuntis at ng malaman namin na apat na heartbeat ang nadetect sa pagbubuntis niya masaya ako na nag-aalala. Hindi ko kayang mawala sa buhay ko si Mia, ipinagbubuntis pa lang niya ang mga kambal namin hirap na hirap na siya kaya halos hindi ko alam ang gagawin ko.“Yaaaahhh,” sigaw na naman ng anak kong lalaki habang nakasakay siya sa likod ko. Tanggal ang angas ko sa mga anak ko, kung gaano ako kalupit sa opisina ay siyang kabaliktaran naman pagdating dito sa bahay. Tatlo ang anak kong lalaki at sa kanilang apat naman ay ang babae ang bunso sa mga kambal ko.Masakit na ang anit ko dahil sa pagsabunot ng anak ko, gawin ba naman akong kabayo
Naiwan si Yeshah sa Manila dahil gusto ko sanang magkaroon kami ng solo time ng asawa ko. Handa na kaming sundan si Yeshah at bigyan siya ng maraming kalaro dahil minsan napapagod na rin ang mga Lolo at Lola niya sa pakikipaglaro sa kaniya. “Hindi kalakihan yung bahay pero napakaganda.” Namamanghang saad pa rin ni Mia habang nililibot namin ang bahay. Glass wall lang din ang iba para kitang kita mo ang ganda ng dagat. Mula rito ay kitang kita namin ang maraming turista. Maraming resort dito sa lugar na ito at kahit hindi na namin kailangang pumunta dun dahil sa ilalim ng bahay na ito ay may ipinagawa rin akong swimming pool. “Ang ganda ganda talaga dito Love. Parang gusto ko na lang dito tumira.” Aniya pa, tagos na tagos ang araw sa glass wall dahil maaga pa pero malamig dito sa loob dahil sa aircon. “Ito ang magiging bahay bakasyunan natin dahil sa dami ng nangyayari sa buhay natin sa bawat araw, we deserve a vacation.” Wika ko sa kaniya. Napatingin din siya sa multifunctional chai
AIDEN’S POVNapabuntong hininga na lang ako ng maabutan ko na naman si Daddy na may hawak na alak. Naupo ako sa harapan niya. Ilang araw pa lang simula ng mawala sa’min si Daddy.“Dad,” anas ko, napabuntong hininga siya saka ako tipid na nginitian.“Jared Vesarious is your Mom’s first love. Mahal na mahal niya si Jared kahit ng magpakasal kaming dalawa. Pilit lang naman ang kasal namin pero habang tumatagal, I fell in love with your Mom. Akala ko kapag dumating ka sa buhay niya sakaling may magbago pero akala ko lang pala yun. I love your Mom son but she never love me, anong magagawa ko si Jared ang minahal niya at mahal niya hanggang ngayon. Hindi ko akalain na kaya niyang patayin ang sarili niya para sa isang lalaki. Tinanggap ko lahat, tiniis ko lahat, naghintay ako sa Mommy mo pero hindi pala yun sapat para mahalin niya rin ako at kalimutan si Jared.” Hilaw siyang natawa, masakit din para sa’kin na makita sa ganitong kalagayan si Daddy pero hindi pa rin niya magawang magalit kay M
Ano nga ba talagang kayang gawin ng pag-ibig? Ano pa bang kayang isakripisyo ng lahat para sa pangalan ng pag-ibig? Hindi niya ba naibaling ang lahat ng pagmamahal niya kay Aiden? Nang dumating sa buhay niya si Aiden?Napabuntong hininga na lang ako, ang pagmamahal pa rin ba niya kay Daddy ang dahilan kung bakit gusto pa rin niya akong mamatay? Naging bangungot ko ang gabing muntik akong mamatay. Kung hindi dahil kay Ate Jade baka abo na lang din ako ngayon. Nagawa niya na akong ilayo sa mga magulang ko pero bakit ipinahanap pa rin niya ako para lang patayin?“Kung naging maaga lang siguro ang mga pulis na dumating kanina, hindi siguro ito nangyari.” Saad uli ni Tita Irene, napakunot naman ang noo ko.“Ano pong ibig niyong sabihin?”“Nagsalita na ang lalaking nag-utos sa mga lalaking dumukot sayo kung sino ang mastermind ng lahat. Sinabi niya ng si Olivia nga ang may pakana ng lahat ng nangyari sayo. Sinubukan namang humabol ng mga pulis sa place kung saan ang kasal pero huli na sila
MIA’s POVHalos hindi ko maigalaw ang mga kamay at mga paa ko. Para akong nanigas at hindi makagalaw, sana panaginip na nga lang ang lahat. Ang saya saya ko lang kanina diba? masaya lang kaming lahat kanina pero bakit naging ganito ang lahat? Bakit naging madugo ang kasal na pinangarap namin?Nagkalat sa carpet ang dugo ni Daddy ganun na rin ni Ma’am Olivia. Naguguluhan pa rin ako, ano bang mga naging nakaraan nilang lahat sa isa’t isa? Bakit kailangang si Daddy pa ang saktan niya? Bakit niya kinukuha ang buhay na hindi kaniya.“Mia,” rinig ko sa boses ni Stella, bakas ang pag-aalala sa kaniya pero tila nakamagnet na ang mga mata ko kay Daddy. Rinig na rinig ko na ang iyakan ni Mommy at ng mga kapatid ni Daddy ganun na rin si Aiden at si Sir Dave.Dahan-dahan akong humakbang, parang ayaw ko pang iproseso sa utak ko ang lahat ng nangyayari.“Call the ambulance now!” umiiyak na saad ni Mommy habang yakap yakap si Daddy.“Iha,” pinigilan ako ng isang kapatid ni Daddy sa paglapit sa kaniy
Humugot ng malalim na buntong hininga si Mia dahit it’s her turn. Nag-uumapaw ang saya sa dibdib niya tila nabusog na tuloy siya sa mga sinabi ni Aiden. Wala rin naman siyang ibang hiling kundi ang manatili na silang dalawa sa isa’t isa habang buhay.Magsasalita na sana si Mia nang may biglang pumalakpak na nagmumula sa entrance.“Ang galing naman,” wika nito, nagsigilid ang mga bisita ng makita siya.“Olivia,” wika ni Mr. Hernandez, mabilis siyang napatayo. Hindi niya akalain na mahahanap at malalaman pa ito ni Olivia. Hindi niya sinabi ang kasal ni Aiden dahil alam niyang magkakagulo lang, hindi na nila kasi ito mapakiusapan na pabayaan na lang ang mga mata.Mabilis na itinago ni Aiden sa likod niya si Mia para protektahan sa ina niya. Kinuha na rin ni Ace si Aiyeshah para lumabas na dito tutal may exit naman sa gilid nila.“Mom,” anas na rin ni Aiden.“Hindi mo na talaga ako nirespeto Aiden, ina mo ako pero ni hindi mo man lang ako inimbita sa sarili mong kasal? Ang galing galing n
Nagdaan pa ang mga araw at ngayon ang araw na hinihintay ng lahat. Halos isang linggo ring hindi nagkita si Mia at Aiden ngayong araw ng kasal na lang nila ulit sila magkikita.Abalang abala ang lahat sa paghahanda at paggagayak. Lahar ay may ngiti sa kanilang mga labi, masaya para sa dalawang taong mag-iisang dibdib ngayong araw.Napakaganda ng tanawin, napakaganda at napakaayos ng lahat. Tila isang panaginip, tila nasa isang fairy tale ka dahil sa pagkakaayos ng lugar. Napakalawak na hardin, nagbibigay ginhawa sa katawan dahil sa kapayapaan niya.Lahat ng abay ay inaayusan na rin at ang bride naman ay nasa pinakamalaking kwarto.Masayang nakatingin sa salamin si Mia dahil sa wakas ang pinapangarap nilang kasal ni Aiden dati pa ay mangyayari na. Hindi na pangarap, hindi na sa panaginip makikita dahil ngayon magaganap na ang lahat.“Hays, parang kailan lang nang sinusuotan lang kita ng diaper pero ngayon wedding gown mo na ang isusuot ko sayo.” Naluluhang saad ni Katelyn sa anak. Hind
“Who cook our dinner? May sarili ka na bang chef ngayon Katelyn?” tanong ng isang Ginang na halos mabusog na dahil sa dami ng kinain niya. Bahagyang natawa si Katelyn.“Si Mia at Aiden lang ang naghanda ng lahat ng mga yan.”“Talaga? Hindi ko akalain na magaling kayong dalawa ah. Parang gusto ko na lang manatili rito para makakain araw-araw ng mga masasarap na pagkain haha.” Pagbibiro ng isang babae. Hindi pa kilala ni Mia ang mga kamag-anak niya, kilala pa lang niya ang mga ito sa mukha.Nagpatuloy ang kasiyahan nila ngayong gabi. Nang matapos silang mga kumain ay kaniya-kaniya na rin silang mundo pero maagang nagpaalam si Dave.“Uuwi ka na? Ang bilis naman.” Saad ni Jared.“Baka kasi nakauwi na si Olivia saka may gagawin pa rin kasi ako so hindi na rin ako magtatagal. Maybe next time again,” napatango-tango na lang si Jared, nilapitan naman na muna ni Mr. Hernandez si Yeshah saka niya ito kinausap.“Let’s play next time again apo, sana maipasyal niyo siya minsan sa’min.” Si Mr. Hern