“Kalat na kalat sa buong hotel ang magaganap na kasal dito sa mga susunod. Ang akala ko dati, si Mia ang kauna-unahan sa ating magkakaibigan ang ikakasal dito.” mapait na wika ni Kirsten, kahit saan yata sila magtungo ay kasal ng Boss nila at ni Chloe ang pinag-uusapan. Hindi na nila alam ang magiging buhay nila sa trabaho kapag si Chloe na ang naging Mrs Hernandez ng Boss nila, napakabossy. Hindi pa lamang siya ang asawa akala mo kung sino ng Boss. “Ganun talaga, hindi lahat ng nagmamahalan ay sila ang ending.” Komento naman ni Sarah. “Kung saan sila naengage yun din ang gagamitin nila sa kasal. May higit dalawang linggo pa bago ang kasal pero ipinapahanda na yung pinakamalaking function hall, kaninong kasal ba ang magmumukhang basura dahil bulok na ang mga bulaklak sa araw ng kasal niya? Napakaexcited naman masyado.” Irap na wika ni Kirsten. “Huwag na lang natin pag-usapan baka may makarinig sa’tin magsumbong pa kay Chloe, tayo na naman ang mananagot.” Sabat na ni Stella, hanggan
Pumasok si Ace kung saan nakatalagang kwarto si Aiden. Ilang minuto na lamang ay alam nilang tatawagin na sila ng coordinator ng kasal ni Aiden.Napabuga ng hangin si Ace dahil hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan eh. Naabutan niya si Aiden na nakatayo at salubong ang mga kilay habang nakatutok sa cellphone niya.“Hindi ka pa ba lalabas?” tanong niya saka niya ito nilapitan. Nagulat na lamang si Ace nang bigla siyang suntukin ni Aiden.“Kailan pa? Alam mo kung nasan si Mia? Alam mo kung nasan siya hindi ba?!” galit na galit na tanong ni Aiden, pinunasan na lang ni Ace ang labi niya ng dumugo ito dahil sa lakas nang pagkakasuntok sa kaniya ni Aiden.“Ano bang sinasabi mo?” baka nabibingi lang siya o baka dahil dala sa kaba niya ay iba na ang naririnig niya.“Answer me Ace, you know where Mia is, right?” hindi siya nagkakamali ng narinig, tama siya na tinatanong siya ngayon ni Aiden tungkol kay Mia. Tumayo ng diretso si Ace saka niya tiningnan ng diretso sa mga mata si Aiden.“Oo
Sa kaiisip ni Aiden ay nakatulog na siya. Paggising niya ng umaga ay naamoy niya na ang mabangong niluluto ng kung sino man sa kusina niya. Pupungay pungay pa ang mga mata niyang nagtungo ng kusina at nakita niya naman dun si Chloe na siyang nagluluto.“Hi Babe, pumasok na ako para makapagluto ng pagkain mo. Nagising ka ba sa amoy nang niluluto ko?” nakangiti niyang aniya. Tinitigan ni Aiden si Chloe pero kahit na may itsura rin ito ay hindi pa rin bumibilis ang tibok ng puso niya na nagagawa sa kaniya ni Mia. Ano nga bang hindi niya makita kay Chloe na meron kay Mia?Napabuntong hininga na lang siya at di na pinansin si Chloe. Dumiretso siyang nanguha ng tubig para makainom.“Magkape ka muna pala, ipinaghanda na kita kanina.” Matamis na wika ni Chloe saka nilagyan na lang ng mainit na tubig ang tasa.“Hindi ka na sana nag-abala pang pumunta rito.” Malamig na wika ni Aiden pero hindi iyun alintana ni Chloe dahil sanay naman na siya kay Aiden.“Ano ka ba, okay lang. Kapag ikinasal nama
Halos araw-araw na pabalik-balik ng Batangas si Aiden para lang tingnan si Mia pero hindi niya makita ang baby nila dahil medyo may kalayuan naman siya.Muli niyang inihinto ang kotse niya nang makarating na naman siya sa harapan nila Mia. Subalit napakunot na lang ang noo niya dahil sarado ang pintuan, sa tuwing pinupuntahan niya ito ay palagi itong bukas, nasa labas man o nasa loob silang mag-ina. Naghintay pa siya ng ilang minuto sa loob ng kotse niya pero parang wala talaga rito ang mag-ina niya.Ng maramdaman niya ang pagvibrate ng cellphone niya ay tiningnan niya iyun saka binasa.[Nasan ka na ba? Kanina pa nandito yung mga chef para kunin ang mga iluluto sa kasal natin. Nandito na rin ang wedding coordinator. Ganun na lang din ba sa ayos ng dati?] sunod sunod na saad ni Chloe pero wala sa kasal ang laman ng isip niya. Ibinulsa niya ang cellphone niya saka siya bumaba para puntahan si Mia subalit nakailang katok na siya ay walang sumasagot sa loob.Lumabas na rin siya at ng maki
Maya-maya ay napatayo na rin si Mia nang lumabas na ang isang Doctor. Hindi tuloy makatingin sa mga mata nina Mia ang Doctor dahil natatakot siya sa presenya ni Aiden.“Kumusta po ang baby ko? Okay na po ba siya?” pagtatanong ni Mia at sinusubukan na silipin ang anak sa loob pero hindi niya makita.“S-She’s okay now Miss, bumaba n-na rin ang lagnat niya. Nahirapan lang siyang hindi makahinga kanina dahil sa pag-iyak niya, nabaraduhan ang ilong niya ng sipon but she’s okay now. Kaunting pahinga at pagpapainom na lang ng gamot ang kailangan niya. She’s going to stay here for three days hanggang sa tuluyan na siyang gumaling para monitor din siya oras oras ng mga Doctor at nurse namin.” kinakabahan at nauutal pa niyang aniya, blangko at seryosong nakatingin sa kaniya si Aiden at tila kating kati na ang pwet niyang umalis pero hindi pwede dahil baka mas lalo silang mayari ni Aiden.Nakahinga naman ng maluwag si Mia.“Maraming salamat po Doc, maraming salamat.” Halos maiyak pang wika ni Mi
Salubong ang kilay ni Mrs Hernandez na pumasok ng opisina ni Aiden. Pabagsak pa niyang isinarado ang pintuan. Sanay na si Aiden sa ganiyang ginagawa ng kaniyang ina, wala na siyang dapat pang ikagulat pa dahil alam niya na ang mangyayari, galit sa kaniya ang kaniyang ina.Pabagsak na ibinaba ni Mrs Hernandez ang hawak hawak niyang dyaryo.“You’re in the headline of the news! Your face is everywhere Aiden! Kahit saang balita ikaw ang laman. Is this true? You have a child? With who? With that woman again?!” nanggagalaiti siya sa galit. Iniisip na si Mia ang ina ng anak ni Aiden ay nag-aapoy na siya sa galit. Nanatiling kalmado lang naman si Aiden, hindi niya na tiningnan ang dala-dala ng ina dahil he already saw it. Inaasahan niya na ito, maging ang pagkakaroon ng red note ng hospital na kinaroroonan ng mag-ina ay nasa balita.“Is it a big deal?”“Of course it is! Kababalita lang ang tungkol sa kasal mo then this is happened! Who is the mother of your child? Ha? Anong kahihiyan ba ang i
Nagtungo naman ng kusina si Mia para sana makapagsaing ng kakainin nilang tatlo, tanghali na rin kasi at mukhang mga walang planong umalis ang dalawang magpinsan.Habang nasa sala si Aiden buhat buhat ang bata ay sinundan siya ni Ace. Napansin naman ni Ace na wala ng laman ang bigasan ni Mia kaya napabuntong hininga na lang siya.“Kailan ka ba huling kumain Mia?” naiiling na lang si Ace sa kaniya. Nahihiya namang tumayo si Mia dahil hindi niya namalayan na wala na pala siyang bigas.“Pasensya na, bibili na lang muna ako sa labas.”“Bakit ikaw pa ang kailangang bumili? Maupo ka na muna at ako na lang ang lalabas. Magpahinga ka diyan dahil nanguha ka na naman pala ng labahin mo kahapon. Sinabi ko naman na sayong alagaan mo na lang si Aiyeshah at ako ng bahala sa lahat.”“Hindi mo kami responsibilidad Ace, kaya kong buhayin ang anak ko.”“I have groceries inside my car, take it Ace.” Sabat ni Aiden na naririnig lang ang pag-uusap ng dalawa. Walang salitang lumabas si Ace para kunin ang m
Napahilamos na lang si Mia habang nakaupo sa maliit niyang sofa. Silang dalawa lang ng baby niya ang magkasama ngayon dahil hindi pa uli dumadalaw si Aiden o si Ace. Iniisip pa rin ni Mia ang tungkol sa sinabi ni Aiden. Alam niya namang wala siyang magiging laban, aminado naman siyang nahihirapan din siya sa buhay nilang dalawa pero hindi niya naman pababayaan ang anak niya.“What do I need to do?” halos nasstress niya ng saad, hawak-hawak niya na ngayon ang buhok niya habang sa sahig siya nakaharap. Hindi niya alam ang gagawin at pipiliin niya. Alam niyang pagdating nila ng Manila, gulo kaagad ang sasalubong sa kanila lalo na ngayon at ikakasal naman na si Aiden. Masyado pang baby ang anak niya para ito ang maging gulo sa pamilya ng mga Hernandez lalo na at wala naman silang hinahabol na kahit anong kayamanan mula sa pamilya nila.Tiningnan ni Mia ang baby niya na mahimbing na natutulog, hindi niya kakayanin kapag ito ang nawala sa kaniya. Kahit na dito niya nasubukan maghirap at wal