Mabilis namang nagsitabi ang mga empleyado na nakakasalubong niya at nagtatakang nakatingin kay Mia na wala ng malay.“What happened, Sir?” tanong ng isang lalaking siyang nagmamanage sa elevator. Mabilis na binuksan ng lalaking ito ang isang elevator na gagamitin lamang sa panahon ng emergency para dire-diretso ang pagbaba.Hindi nakasagot si Ace dahil nag-aalala na siya kay Mia, nanginginig ang kamay niyang buhat buhat ang dalaga lalo na at walang tigil ang pagdaloy ng dugo mula sa ulo niya.“Mia, please wake up. Wake up for me please, I’m begging you.” halos maluha niya ng aniya, nagmamakaawang imulat ang mga mata nito subalit wala na talagang malay si Mia.Nang bumukas ang elevator ay mabilis niyang itinakbo si Mia at nasa unahan niya naman ang lalaking bumukas ng elevator para patabihin ang mga empleyado at mga guest na nakaharang sa daanan. Nang may huminto na taxi sa harap ng hotel ay dito na siya sumakay, wala na siyang panahon para puntahan pa ang kotse niya lalo na at medyo
Maagang nagising si Mia, tinitingnan ang pwesto ng mga kasama. Talagang seryosong hindi umuwi yung dalawang lalaki at nanatili rito sa hospital. Si Stella ay nakatulog sa gilid ni Mia, si Ace ay sa sofa natulog habang si Aiden naman ay nakaupong natulog.“Hindi ba ‘to mangalay sa pwesto niya?” tanong ni Mia, parang siya itong nahihirapan sa pwesto ni Aiden, nakayuko ang ulo at nakahalukipkip ang mga kamay sa dibdib. Napadaing na lang siya ng makaramdam siya ng pagkahilo at ng biglang sumakit ang sugat niya sa ulo.Dahan-dahan siyang bumangon dahil masakit na ang katawan niya sa kakahiga.“Hey,” paos pang wika ni Aiden nang maramdaman niya ang paggalaw ni Mia. Inalalayan niya ito sa pag-upo saka naupo sa tabi ni Mia. “Are you okay now?” namamaos pa ang boses dahil sa bagong gising pa ito, namumula pa rin ang mga mata.“Hmmm, umuwi na lang sana kayo kesa sa nangalay kayo sa mga pwesto niyo.” Mahina niyang saad dahil tulog pa ang dalawa nilang kasama.“No, it’s okay. Hindi rin naman kami
“Let’s eat, you need more nutrients para mapabilis ang paghilom ng sugat mo.” inalalayan ni Aiden si Mia na makababa ng kama niya, wala naman ng masyadong nakakabit sa katawan niya bukod sa dextrose.“Parang bigla tuloy akong nagutom sa mga pagkain niyo pero mauubos ba natin ‘to?” naupo na rin si Stella sa tabi ni Ace. Halos mapuno ang lamesa nila dahil sa mga pagkain na dala ng dalawa.“Ito kainin mo, sabi nila mapapabilis ang paghilom ng sugat dahil dito.” anas ni Aiden habang naglalagay siya ng pagkain sa pinggan ni Mia.“Ayos lang, ako nang gagawa.” Kukunin niya sana ang kutsara kay Aiden pero hindi niya ibinigay, ipinagpatuloy ni Aiden ang paglalagay ng pagkain kay Mia at nang matapos siya ay naupo na rin ng maayos at naglagay na rin sa pinggan niya.“Grabe, ang sasarap naman ng mga dala niyo. Masisira diet ko nito eh.” Pagdadaldal ni Stella.“Mas maganda kaya sa babae ang chubby. Sa tingin niyo ikinasexy niyo na yan?” pang-aasar sa kaniya ni Ace, napairap na lang si Stella sa ka
Napabuntong hininga na lang si Mia, bakit ba iniisip niya na naman ang tungkol sa business deal ni Aiden na hindi niya nakuha. Hindi niya naman kasalanan kung bakit mas pinili nitong umuwi.“Pero ako pa rin ang dahilan kung bakit siya umuwi, ugh! Ang sakit sa ulo.” Halos nasstress niya ng wika, masaya naman siyang nag-aalala talaga sa kaniya si Aiden pero siya naman ngayon ang nakokonsensya dahil sa business deal na yun.“Bakit nagtatrabaho ka na? Maayos ka na ba?” tanong sa kaniya ni Kirsten ng magkita sila.“Mas lalo akong magkakasakit kapag wala akong ginagawa. Hindi sanay ang katawan ko sa kakahiga na lang at walang gagawin.”“Alam ba ni Sir Aiden ang tungkol dito?”“Oo naman, ilang araw niya akong binantayan sa penthouse para lang hindi ako magtrabaho dapat lang na payagan niya na ako.” irap niyang saad kapag naaalala niya ang ginawa ng Boss niyang pagbabantay sa kaniya na akala mo bata.“Iniisip lang namin yung tama mo sa ulo, baka mamaya mabinat.” Nag-alala pa rin niyang wika.
Lumabas na siya ng cr saka bumalik sa ginagawa niya, iniiwasan niya na lang na hindi makita ang mga kaibigan dahil panigurado naman, magtatanong sila kung anong nangyari sa pisngi niya. Baka mag-alala lang ang mga ito lalo na si Stella. Sinubukan niyang iwasan ang mga kaibigan hanggang sa magkita na lang sila sa cafeteria para kumain ng tanghalian.“Hoy, saan ka galing?” salubong na tanong kaagad sa kaniya ni Stella. Wala naman na rin yung pamumula ng pisngi niya.“Saan pa ba? Malamang nandito lang sa hotel. Saan pa ba ako pupunta?”“Bakit hindi ka namin makita?”“Naglilinis ako ng mga kwarto, makikita mo ba ako nun e nasa loob ako.” pagsisinungaling niya, nagtataka man si Stella ay hindi niya na iyun pinansin. Baka hindi lang talaga siya sanay na hindi makita si Mia kapag nagtatrabaho sila. “Kumain na nga lang tayo.” Wika ni Mia saka sila umorder ng mga kakainin nila.Lahat sila ay tahimik sa loob ng cafeteria, salubong ang mga kilay ni Stella na nakatingin kay Mia. Mukha kasing n
“Ano ba? Bitawan mo nga ako?!” inis na inaalis ni Mia ang pagkakahawak sa kaniya ni Aiden pero pilit pa rin siyang hinihila ni Aiden palabas ng restaurant. Binitawan niya na lang si Mia nang tuluyan na silang makalabas.“Hindi ba at sinabi ko sayong magdidinner tayong dalawa? Bakit si Ace ang kasama mo?!” hindi niya mapigilang sigaw, kanina pa siya naghihintay tapos makikita niyang iba ang kasama ni Mia. Hilaw na natawa si Mia saka niya sinamaan ng tingin si Aiden.“Bakit ikaw? Hindi ba at si Samantha rin naman ang kasama mo? Bakit mo pa ako tinext kung may kasama ka naman na pa lang iba?!”“I am with her every day, kailangan ko pa bang sabihin sayo yun kung alam mo naman na ang tungkol sa bagay na yun? Ano na lang ba ang iisipin ng iba kung kayo ni Ace ang palaging magkasama?”“Oo, business partner mo siya and I am just your fiancée in name. Ano na lang din ba ang iisipin ng iba sa’kin Aiden? Tutal kayo rin naman yung palaging magkasama ni Samantha bakit hindi na lang siya ang magpan
Pagkalipas ng ilang minuto ay bumukas ang pintuan ng penthouse at pumasok si Aiden. Nakita niya naman si Mia na nakahiga, ang akala niya ay tulog ito kaya tinitigan niya ito sa mga mata subalit pareho pa silang nanigas sa mga pwesto nila ng magsalubong ang mga tingin nila. “Am I dreaming?” tanong pa niya sa sarili niya, mabilis na umiwas ng tingin si Aiden saka naupo sa kabilang sofa at ibinaba ang mga pinamili niya. Bumangon naman si Mia para tingnan kung totoo ba si Aiden. “Anong ginagawa mo rito?” tanong pa ni Mia, alam niyang hindi siya nananaginip. Tiningnan ni Aiden ang mga namamagang mata ni Mia. “Did you cry?” malumanay niyang tanong, iniwas ni Mia ang paningin niya dahil halata pa rin ang pamamaga ng mga mata niya. “Ano ba kasing ginagawa mo rito? Alam ko namang ikaw ang may-ari ng penthouse pero wala na ba akong privacy? Papasok ka kung kailan mo gusto.” “I just want to say sorry Mia,” tipid na ngumiti si Mia. “Wala naman akong magagawa, diyan ka lumaki, kinalakihan mo
Matapos hakutin ni Mia ang mga gamit niya ng pasekreto ay hindi siya pumasok ng hotel. Nakiusap siya kay Miss Cruz na magleleave siya for three days na pinagbigyan naman nito.“Sigurado ka ba talaga rito? Aalis ka ng tatlong araw?” Tanong ni Stella habang tinutulungan si Mia na ayusin ang mga gamit niya. Nginitian ni Mia si Stella para naman mabawasan ang pag-aalala nito sa kaniya.“You don’t have to worry Stella, I’ll be okay. Maybe, I just need time to think. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Funny, right?” natatawa niyang wika pero nanatiling seryoso ang mukha ni Stella. “Nakakatawa lang dahil kung sino pa yung minahal ko ng maraming taon, mabilis ko lang nakalimutan pero yung taong nakasama ko lang saglit, pagpapanggap pa, mas nasasaktan pa ako sa kaniya kesa kay Jaxson.” Naiyuko niya ang ulo niya saka siya bumuntong hininga.“Tama na, okay na yun. Huwag mo na siyang isipin, magfocus ka na lang kung paano mo siya kakalimutan. Alam kong mabilis na lang yun gaya nang ginawa
“Mabuti ka pa at kaunti na lang ay graduate ka na sa pag-aalaga. Dalaga na si Yeshah at kaunti na lang ay mga binata na rin ang mga anak mo baka sa susunod mga apo mo naman na ang aalagaan mo—aray!” batukan ko nga, kung ano-ano sinasabi.“Bata pa mga anak ko at may mga pangarap sila sa buhay kaya anong mga apo ko naman ang aalagaan ko? E kung batukan pa kita?” inis kong saad sa kaniya pero tinawanan lang ako ng kumag.Nag-uusap na si Mia at Stella habang naglalaro naman ang mga bata, si Yeshah nasa kwarto niya at gumagawa ng project.“Dad, I need to go in national book store. May kailangan lang po akong bilhin.” Wika sa’kin ni Yeshah na kalalapit lang sa’kin.“How much do you need?” dinukot ko naman na ang wallet ko saka ko siya binigyan ng dalawang libo.“Dad, I only need 500. 2000 is too much.” Reklamo niya sa’kin pero dahil wala akong barya ay isang libo ang ibinigay ko sa kaniya.“Padrive ka na lang kay Kuya Jin.”“Yes po,” mabilis niya namang sagot saka lumapit sa ina niya para m
AIDEN’S POVGulo-gulo ang buhok kong nakatingin sa mga anak kong magugulo rin. Oo, pinangarap kong bumuo ng malaking pamilya pero bakit naman isang irehan kaagad?“Ano? Okay ka pa ba? Hahahaha ayos yun ah. Apat agad sa isang irehan.” Sinamaan ko ng tingin si Ace, oo may quadruplets kami ni Mia at hindi namin yun inaasahan. Malaki yung tiyan niyang nagbuntis at ng malaman namin na apat na heartbeat ang nadetect sa pagbubuntis niya masaya ako na nag-aalala. Hindi ko kayang mawala sa buhay ko si Mia, ipinagbubuntis pa lang niya ang mga kambal namin hirap na hirap na siya kaya halos hindi ko alam ang gagawin ko.“Yaaaahhh,” sigaw na naman ng anak kong lalaki habang nakasakay siya sa likod ko. Tanggal ang angas ko sa mga anak ko, kung gaano ako kalupit sa opisina ay siyang kabaliktaran naman pagdating dito sa bahay. Tatlo ang anak kong lalaki at sa kanilang apat naman ay ang babae ang bunso sa mga kambal ko.Masakit na ang anit ko dahil sa pagsabunot ng anak ko, gawin ba naman akong kabayo
Naiwan si Yeshah sa Manila dahil gusto ko sanang magkaroon kami ng solo time ng asawa ko. Handa na kaming sundan si Yeshah at bigyan siya ng maraming kalaro dahil minsan napapagod na rin ang mga Lolo at Lola niya sa pakikipaglaro sa kaniya. “Hindi kalakihan yung bahay pero napakaganda.” Namamanghang saad pa rin ni Mia habang nililibot namin ang bahay. Glass wall lang din ang iba para kitang kita mo ang ganda ng dagat. Mula rito ay kitang kita namin ang maraming turista. Maraming resort dito sa lugar na ito at kahit hindi na namin kailangang pumunta dun dahil sa ilalim ng bahay na ito ay may ipinagawa rin akong swimming pool. “Ang ganda ganda talaga dito Love. Parang gusto ko na lang dito tumira.” Aniya pa, tagos na tagos ang araw sa glass wall dahil maaga pa pero malamig dito sa loob dahil sa aircon. “Ito ang magiging bahay bakasyunan natin dahil sa dami ng nangyayari sa buhay natin sa bawat araw, we deserve a vacation.” Wika ko sa kaniya. Napatingin din siya sa multifunctional chai
AIDEN’S POVNapabuntong hininga na lang ako ng maabutan ko na naman si Daddy na may hawak na alak. Naupo ako sa harapan niya. Ilang araw pa lang simula ng mawala sa’min si Daddy.“Dad,” anas ko, napabuntong hininga siya saka ako tipid na nginitian.“Jared Vesarious is your Mom’s first love. Mahal na mahal niya si Jared kahit ng magpakasal kaming dalawa. Pilit lang naman ang kasal namin pero habang tumatagal, I fell in love with your Mom. Akala ko kapag dumating ka sa buhay niya sakaling may magbago pero akala ko lang pala yun. I love your Mom son but she never love me, anong magagawa ko si Jared ang minahal niya at mahal niya hanggang ngayon. Hindi ko akalain na kaya niyang patayin ang sarili niya para sa isang lalaki. Tinanggap ko lahat, tiniis ko lahat, naghintay ako sa Mommy mo pero hindi pala yun sapat para mahalin niya rin ako at kalimutan si Jared.” Hilaw siyang natawa, masakit din para sa’kin na makita sa ganitong kalagayan si Daddy pero hindi pa rin niya magawang magalit kay M
Ano nga ba talagang kayang gawin ng pag-ibig? Ano pa bang kayang isakripisyo ng lahat para sa pangalan ng pag-ibig? Hindi niya ba naibaling ang lahat ng pagmamahal niya kay Aiden? Nang dumating sa buhay niya si Aiden?Napabuntong hininga na lang ako, ang pagmamahal pa rin ba niya kay Daddy ang dahilan kung bakit gusto pa rin niya akong mamatay? Naging bangungot ko ang gabing muntik akong mamatay. Kung hindi dahil kay Ate Jade baka abo na lang din ako ngayon. Nagawa niya na akong ilayo sa mga magulang ko pero bakit ipinahanap pa rin niya ako para lang patayin?“Kung naging maaga lang siguro ang mga pulis na dumating kanina, hindi siguro ito nangyari.” Saad uli ni Tita Irene, napakunot naman ang noo ko.“Ano pong ibig niyong sabihin?”“Nagsalita na ang lalaking nag-utos sa mga lalaking dumukot sayo kung sino ang mastermind ng lahat. Sinabi niya ng si Olivia nga ang may pakana ng lahat ng nangyari sayo. Sinubukan namang humabol ng mga pulis sa place kung saan ang kasal pero huli na sila
MIA’s POVHalos hindi ko maigalaw ang mga kamay at mga paa ko. Para akong nanigas at hindi makagalaw, sana panaginip na nga lang ang lahat. Ang saya saya ko lang kanina diba? masaya lang kaming lahat kanina pero bakit naging ganito ang lahat? Bakit naging madugo ang kasal na pinangarap namin?Nagkalat sa carpet ang dugo ni Daddy ganun na rin ni Ma’am Olivia. Naguguluhan pa rin ako, ano bang mga naging nakaraan nilang lahat sa isa’t isa? Bakit kailangang si Daddy pa ang saktan niya? Bakit niya kinukuha ang buhay na hindi kaniya.“Mia,” rinig ko sa boses ni Stella, bakas ang pag-aalala sa kaniya pero tila nakamagnet na ang mga mata ko kay Daddy. Rinig na rinig ko na ang iyakan ni Mommy at ng mga kapatid ni Daddy ganun na rin si Aiden at si Sir Dave.Dahan-dahan akong humakbang, parang ayaw ko pang iproseso sa utak ko ang lahat ng nangyayari.“Call the ambulance now!” umiiyak na saad ni Mommy habang yakap yakap si Daddy.“Iha,” pinigilan ako ng isang kapatid ni Daddy sa paglapit sa kaniy
Humugot ng malalim na buntong hininga si Mia dahit it’s her turn. Nag-uumapaw ang saya sa dibdib niya tila nabusog na tuloy siya sa mga sinabi ni Aiden. Wala rin naman siyang ibang hiling kundi ang manatili na silang dalawa sa isa’t isa habang buhay.Magsasalita na sana si Mia nang may biglang pumalakpak na nagmumula sa entrance.“Ang galing naman,” wika nito, nagsigilid ang mga bisita ng makita siya.“Olivia,” wika ni Mr. Hernandez, mabilis siyang napatayo. Hindi niya akalain na mahahanap at malalaman pa ito ni Olivia. Hindi niya sinabi ang kasal ni Aiden dahil alam niyang magkakagulo lang, hindi na nila kasi ito mapakiusapan na pabayaan na lang ang mga mata.Mabilis na itinago ni Aiden sa likod niya si Mia para protektahan sa ina niya. Kinuha na rin ni Ace si Aiyeshah para lumabas na dito tutal may exit naman sa gilid nila.“Mom,” anas na rin ni Aiden.“Hindi mo na talaga ako nirespeto Aiden, ina mo ako pero ni hindi mo man lang ako inimbita sa sarili mong kasal? Ang galing galing n
Nagdaan pa ang mga araw at ngayon ang araw na hinihintay ng lahat. Halos isang linggo ring hindi nagkita si Mia at Aiden ngayong araw ng kasal na lang nila ulit sila magkikita.Abalang abala ang lahat sa paghahanda at paggagayak. Lahar ay may ngiti sa kanilang mga labi, masaya para sa dalawang taong mag-iisang dibdib ngayong araw.Napakaganda ng tanawin, napakaganda at napakaayos ng lahat. Tila isang panaginip, tila nasa isang fairy tale ka dahil sa pagkakaayos ng lugar. Napakalawak na hardin, nagbibigay ginhawa sa katawan dahil sa kapayapaan niya.Lahat ng abay ay inaayusan na rin at ang bride naman ay nasa pinakamalaking kwarto.Masayang nakatingin sa salamin si Mia dahil sa wakas ang pinapangarap nilang kasal ni Aiden dati pa ay mangyayari na. Hindi na pangarap, hindi na sa panaginip makikita dahil ngayon magaganap na ang lahat.“Hays, parang kailan lang nang sinusuotan lang kita ng diaper pero ngayon wedding gown mo na ang isusuot ko sayo.” Naluluhang saad ni Katelyn sa anak. Hind
“Who cook our dinner? May sarili ka na bang chef ngayon Katelyn?” tanong ng isang Ginang na halos mabusog na dahil sa dami ng kinain niya. Bahagyang natawa si Katelyn.“Si Mia at Aiden lang ang naghanda ng lahat ng mga yan.”“Talaga? Hindi ko akalain na magaling kayong dalawa ah. Parang gusto ko na lang manatili rito para makakain araw-araw ng mga masasarap na pagkain haha.” Pagbibiro ng isang babae. Hindi pa kilala ni Mia ang mga kamag-anak niya, kilala pa lang niya ang mga ito sa mukha.Nagpatuloy ang kasiyahan nila ngayong gabi. Nang matapos silang mga kumain ay kaniya-kaniya na rin silang mundo pero maagang nagpaalam si Dave.“Uuwi ka na? Ang bilis naman.” Saad ni Jared.“Baka kasi nakauwi na si Olivia saka may gagawin pa rin kasi ako so hindi na rin ako magtatagal. Maybe next time again,” napatango-tango na lang si Jared, nilapitan naman na muna ni Mr. Hernandez si Yeshah saka niya ito kinausap.“Let’s play next time again apo, sana maipasyal niyo siya minsan sa’min.” Si Mr. Hern