Share

Kabanata 1

Author: fancykhimmy
last update Huling Na-update: 2022-01-18 07:48:49

Kabanata 1

"Sa guest room ka matutulog. Bawal kang lumabas hangga't hindi ko sinasabi."

Pagkatapos ng seremonyas ay magkasama kaming pumunta rito sa bahay niya.

Hindi ko alam kung paano ngunit nang pumasok ako sa guest room ay naroon na nga ang mga gamit na naiwan ko sa resthouse namin kanina.

Gabi na nang matapos kami. Nakakapagod. Kahit wala naman masyadong ginagawa ay napapagod pa rin ako. I've been doing everything by my own. No helper at all.

Nakatulugan ko na ang gutom at pagbibihis dahil sa pagod. Kinabukasan ay matagal akong bumangon. Iyon yata ang unang beses kong natagalan bumangon. Maliit lang ang guest room kumpara sa dating kwarto. Wala ring malaking bintana kung saan pwede akong makatingin sa labas. Kung titingnan, para akong nakakulong sa isang selda.

Hinawakan ko ang tiyan nang kumulo ito. Wala nga pala akong kain kagabi. Kaunti lang kinain ko pagkatapos ng kasal. Nawalan ako ng gana bigla.

Nagpasya akong bumangon saka nag-ayos. Gaya ng dati ay pati sa pag-aayos sa sarili ay hirap ako. Natagalan lalo na sa paghahanap ng mga damit. Sana pala ako na ang nag-impake.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto nang matapos mag-ayos. Tahimik ang bahay. Tulog pa siguro 'yon.

I tiptoed my way to the kitchen only to be strucked by the sight of seeing a man drinking a dark coffee early in the morning while reading something in tabloid.

"Magluto ka ng sarili mong pagkain kong gusto mo. Sa susunod ay gusto kong mas maaga kang magising sa akin para ihanda mo ako ng makakain. Nakitira ka na nga sa bahay ko, pabigat pa."

Iyon ang una at huling mga salita niya sa araw na iyon. Agad siyang umalis at hindi ko alam kung kailan babalik.

Sana hindi na.

Bumalik ako sa kwarto para kunin ang notebook saka binuklat at sinunod ang mga dapat gawin.

Sa tanghali ay mag-isa rin akong kumain. Sanay na ako sa ganito. Sa katahimikan ng paligid at sa pagiging mag-isa sa mesa at kumakain.

Akala ko na hindi siya babalik ay nagkamali ako. Gabi na ay bumalik siya na may kasama.

Tiningnan ko ang katabi niyang babae. Suot ang isang kakarampot na telang pula ay naka-angklas ang braso nito sa braso ng lalaki.

"Oh, you have a helper?" gulat nitong tanong nang mabalingan ako.

Nagsalubong ang kilay ng lalaki saka ako tiningnan ng masama.

Ano bang ginawa ko?

"Yeah. Stupid helper."

"You didn't tell me about it, Atlas," ani ng babae gamit ang malumanay at mahinhin nitong boses. Humalakhak lang si Atlas.

Nasa labas pa rin sila kahit nakabukas na ang pinto. Kung hindi pa gininaw ang babae ay hindi sila papasok siguro.

"Go to your room and don't disturb us," sabay buhat niya sa babaeng kasama papunta sa kwarto niya... o namin.

Binuga ko ang pinipigilang hininga nang makapasok na sila. Sinirado nang mabuti ang pinto saka pumasok sa kwarto.

Magkatabi lang ang kwarto naming dalawa. Hindi rin soundproof.

Nagpasya na lamang akong ayusin ang mga damit at ibang gagamitin na magka-kasya sa kwarto. May electric fan naman kaya ayos na. Mainit sa tanghali pero sa hatinggabi ay malamig naman kaya ayos lang.

Nakahiga na ako nang makarinig ng mga boses nila sa kabilang kwarto.

Hindi ko alam kung ano ang tawag sa kanilang ginagawa. Naririnig kong parang nahihirapan ang babae. Humihingi ng tulong pero kalaunan ay maririnig kong tumatawa naman.

Iyon ang huling narinig ko bago nilamon ng gabi.

Maaga akong nagising sa umaga. Gaya ng dati ay natagalan ako. Nang bumaba ay nandoon na si Atlas.

"I told you to wake up early and prepare food. Alin doon ang hindi mo naintindihan? Boba!" galit niyang sabi nang makita ako. Nahampas pa ako ng kaniyang dala na newspaper sa mukha. Hindi na lamang ako nagsalita't nagreklamo. May kasalanan naman ako.

Aligaga kong inayos ang mga gamit sa kusina. Sa pagmamadali ay napaso pa ako. Hindi ko na lang iyon inalintana at nagpatuloy.

Ramdam ko ang mariing titig sa likuran ko. Tahimik lang si Atlas doon. Hindi ko alam kung nasaan na ang babae kagabi.

"Uh... pasensya na natagalan ako. Heto na ang pagkain mo."

Nanginginig kong nilapag ang pagkain. Isang simpleng fried egg at rice lang 'yon. Ang unang na-memorize kong turo ni Manang Fe. Hindi pa ako sigurado kong tama ba pero umupo na ako at kumain. Gano'n rin siya.

"Hindi ako rito matutulog mamaya. My parents will come here tomorrow and I want you to shut your mouth about last night."

"Okay," tanging sagot ko na kinainisan niya.

"And don't go out of your room when I brought my woman. Ayokong nakikita ka nilang pagala-gala sa bahay ko."

Tumango ulit ako. Iniintindi ang mga bilin niya.

"Fck! What kind of food is this?!" malakas na sigaw ni Atlas nang matikman ang luto ko.

"Uh... rice and egg," mahinang sagot ko naman sa tanong niya hindi na pinansin ang gulat ko sa pagsigaw niya.

"You call this rice and egg?! This is disgusting!"

I startled when he stamp the table. Nang makitang nagkasalubong ang kilay niya at umigting ang panga, agad akong yumuko at tinigil ang pagkain.

"S-sorry..."

"Huh! Kaya ka pala binigay ng pamilya mo eh. Wala ka pala talagang silbi," aniya saka umalis ng bahay na hindi na lumingon pa.

Nananatili akong nakayuko, nilalaro ang mga daliri, inaalala ang kaniyang mga sinasabi.

Walang silbi...

Oo nga naman. I am just a shadow and will remain as one until my last breathe.

Inayos ko ang mga pinagkainan. Hindi ko tinapon ang sobrang pagkain bagkus ay nilagay sa isang plastik para ibigay sa pusang nakita ko isang araw sa bintana ng kwarto ko.

Nilagay ko doon ang plastik at hinintay na magpakita ang pusa.

Hindi na ako umalis pa sa kwarto no'ng tanghalian at hapunan.

Tahimik ang bahay. Ako lang mag-isa. Sabi sa mga nababasa ko, natatakot silang iwanang mag-isa. Pero bakit ako hindi? Gustong-gusto ko ang mapag-isa.

Being alone doesn't mean I am lonely and sad. It just means I am in my own peace of mind. With no one interrupting me.

Nakaka-miss naman si Manang.

Maaga na ako nakababa kinaumagahan. Suot ang isang puti kong damit na lagi kong suot sa mansyon dati. Bitbit ang notebook kung saan nakalista lahat ng kakailanganin kong gawin para sa paghahanda sa aking kamay. Tahimik muli ang bahay. Hindi pa siguro nakauwi si Atlas.

Ang sabi ay bibisita ang magulang niya. I cooked rice perfectly or more like upgraded version from yesterday. Hindi na ito sunog sa ilalim. I also prepared pork and some beef. Impit lang akong sumigaw nang mahiwa ng kaunti ang aking kamay sa kutsilyo. Hinugasan ko lamang ito saka nagpatuloy muli.

Matapos ang pagluluto ay nag-ayos ako ng bahay. Bitbit pa rin ang notebook na may nakalagay na proseso kung paano maglinis.

Hindi naman masyadong makalat. Alikabok lang talaga. Nasa harap na ako nang kwarto ni Atlas nang bigla itong bumukas.

A man shirtless, damping his hair with a towel, is staring at me like I'm a puzzle. Still with brows furrowed.

"Ano na naman?" inis niyang tanong.

"Uh... l-lilinisin ko sana ang k-kwarto mo," yumuko ako nang hindi makayanan ang intensidad na dala ng kaniyang mata.

Sumunod ako papasok sa kaniya nang nilakihan ang bukas sa pinto. Spacious. That's what comes in my mind when I saw his room. Mas malaki pa nga ito sa kwarto ko sa mansyon dati.

"Huwag mong galawin ang bookshelf. Pagkatapos mong maglinis ay maligo ka dahil ayokong nakikita ng magulang ko na hindi ka nag-aayos." With that, he turned his back to me and entered his large walk-in closet.

Combination of dark gray and white ang karaniwang nakikita ko sa kwarto. May malaking television din at malaking kama. King size.

Nagsimula na akong maglinis nang tahimik. Inayos ang kaniyang bed sheet. Nilagay sa basket ang kumot na may dugo pa nga yata. May napulot rin akong parang balloon na may punit. Inilagay ko sa maayos ang mga nakahilerang figurines.

Lumabas si Atlas na nakaayos na. Wearing a white polo tucked in a black pants. Hindi niya ako tinapunan ng tingin. Inayos ni Atlas ang belt saka ako hinarap.

"Titingin ka lang ba buong araw? If you're done then leave," parang kulog nitong saad.

I blinked twice and composed myself. "Can I clean the bathroom?" I thank God I am able to stop myself from stuttering. Sana palagi.

"No need for that."

Tumango ako. "Okay." sabay tungo sa pinto.

"Will you stop pretending we are in a good marriage?" tanong niyang nagpahinto sa akin sa pagpihit ng pinto.

Naramdaman ko ang kaniyang presensya sa likod. Hindi ako gumalaw kahit na ramdam na ramdam ko ang galit na dala niya.

"Stop acting like this is real. I am not going to let you ruin my life! You... I will let you suffer marrying me. I will let you remember your mistake for agreeing this marriage."

Nahigit ang hininga ko sa tigas ng kaniyang pananalita. Hindi ko man siya nakikita, ramdam naman ang hininga niya sa aking tenga. Nanindig ang balahibo ko. Hindi rin matigil ang panginginig ng aking kamay dahilan kung bakit nalaglag ang isang punda.

"Remember that. Put that in your mind, Ferit." Nilagay niya ang daliri sa aking ulo. Napapikit ako hindi sa sakit kung hindi dahil sa kahihiyan. Bitbit ko ang apelyidong Ferit. I should not do anything that will put shame to their name. "Your existence will never matter to me. Sa papel lang tayo kinasal. Understand? Hmm?"

Nang hindi na makayanan ay mabilis kong pinulot ang nahulog na punda. Dahil sa malapit kaming dalawa ay nasagi ng katawan ko ang kaniyang katawan. Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan pero hindi na iyon inisip pa. Ang tanging naisip ko lang ay ang makaalis na sa kwartong iyon.

"D@mn!" malakas na sigaw ni Atlas ang huling narinig ko bago sinarado ang pinto.

Nanghihina ang mga paang dumiretso ako sa kwarto. Taas baba ang aking d****b, hirap huminga sa naramdaman. Init. Naiinitan ako.

Nagtagal pa ako nang ilang oras bago bumaba at nilagay sa washing machine ang mga labahan. Naligo na rin ako para mahimasmasan sa init nanaramdaman.

Suot ko isang dilaw na sleeveless long dress at white pumps ay binalikan ko ang labahan saka nilagay na lang muna sa dryer. Pinanatili ko ang buhok na nakalugay nang hinanda ang mesa para sa bisita.

Hindi ko alam kung paano ko patutunguhan si Atlas sa harap ng magulang niya. Walang nailagay si Manang Fe sa notebook kaya wala akong alam.

Hindi nagtagal ay tumunog ang door bell kaya mabilis kong binuksan ang pinto.

"Good morning, Mrs. Omergin," bati ko sa ina ni Atlas. "Good morning, Mr. Omergin," ani ko sa katabing lalaki.

Isang malaking ngiti ang sinukli sa akin ni Mrs. Omergin saka pumasok sa loob. Nahihiya akong sumunod sa kanila. Nakayuko at hindi malaman ang susunod na gagawin.

Umupo sila sa sofa. Ayaw ba nilang kumain muna? Tubig! Bibigyan ko na lang sila ng gano'n. Juice na lang kaya?

"Eerah? Bakit ka nakatayo diyan? Sit down, hija," nalilito akong umupo dahil sa utos ni Mrs. Omergin.

"Where is Atlas? Is he not here in the house?" sa malamig na boses ay tanong ni Mr. Omergin. Pareho sila ng anak niya. Demanding ang boses kapag nagsasalita.

Umiling ako. "He's upstairs, Mr. Omergin. He's not yet done preparing, I guess." Gusto kong palakpakan ang sarili sa tuwid kong sagot.

"Really? Well... maybe you can call him, hija? Tell him we're here." Tumango ako saka mabilis na sinunod ang utos.

Kinukurot ko ang aking daliri habang papalapit sa kwarto. Alam kong sinusundan ng bisita ang bawat galaw ko. Hindi ako pwedeng magkamali.

Mabuti na lang dahil bumukas ang pinto bago pa ako kumatok. Bumungad sa akin ang mukha ni Atlas. His hair were in a beautiful mess. Only that his polo shirt is not properly buttoned down. Gusto kong ayusin pero nahihiya akong hawakan siya lalo at may nanonood sa amin.

Lumunok ako. "Your parents are here," balita ko na hindi niya pinansin.

Nauna siyang maglakad pababa kaya nakayuko akong sumunod dito.

"Dad. Mom," bati niya nang makababa.

"Atlas! How have you been, darling?" banayad na tanong ni Mrs. Omergin saka hinaplos ang pisngi ng anak.

How I wish my Mom will hold me like that too. Looking at me like I am a precious gem she's afraid to hold. Like a fragile diamond. But no. My mother is not Mrs. Omergin. The Ferit family will not show affection to each other... or I am the exception.

"I'm fine, Mom. What brought you here?" supladong tanong ni Atlas. Umupo siya sa solong couch kaya nakatayo lang ako sa gilid niya. Ako lang ang nakatayo dahil naupo na kanina pa si Mrs. Omergin.

"The Ferit's wanted to know what happened after the wedding. They can't come so we did."

I'm impressed. My family asked this? Did they miss me? Am I gonna visit them? What should I do next?

Nakita ni Mrs. Omergin ang saya at pagkalito ng mata ko. She smiled. "The Ferit's are blackmailing us, Atlas. They are concerned to Eerah."

Ngumiti rin ako pabalik sa ginang.

"But she's not a Ferit anymore," tugon ni Atlas na nagpawala ng ngiti ko

Right. I married an Omergin. That makes me one. But does that mean I'm not a Ferit anymore?

I should've asked Manang Fe about this.

"Oh, dear. Of course! The Ferit's are only making sure that we are not k*lling anyone. They wanted us to follow their rules."

Pagpatay? Papatayin ba ako?

"I'm not a k*ller, Mom."

"We know, Atlas. But we still visited. Anyway, I'm hungry. Let's eat?"

Nataranta agad ako nang magtungo sila sa mesa. Mabilis akong pumunta roon saka inayos ang mga hinanda. Mainit pa rin naman ang mga ulam at kanin.

Nang maupo sila ay kumuha muna ako ng pitsel para lagyan sila ng inumin bago naupo sa aking upuan. I deeply sighed when I finished the things necessary in the notebook.

"You cooked, Eerah?" manghang tanong ni Mr. Omergin.

"Yes, Mr. Omergin. I was taught to..."

"That's good. But please call me Dad, Eerah. I'm not a nobody," sabay ngiti nito.

But I am the nobody.

Sa huli ay tumango na lang ako. Tahimik ang naging sunod na nangyari. Nang nasa panghimagas na ay usapang trabaho ang sumunod.

Nakita kong bumaba sa kamay ko ang tingin ni Mrs. Omergin kaya mabilis ko itong tinago.

The cuts from making the food is visible there. Because of my pale skin, kitang-kita iyon kahit na tabunan ko.

Our eyes met and I immediately looked away.

"The foods are all good, Eerah. You did well in making them." Bumaling ako sa ginang na ngayon ay nakangiti sa akin. Assuring me that it's okay. And that I did well.

First time someone said I did something well without the help of anybody. Sa mansyon ay si Manang Fe ang nagsasabi sa akin nang gano'n pero hindi ko masyadong na-appreciate dahil halos siya lang rin naman ang gumagawa ng lahat. Tumulong lang ako.

But this time is different. I did it all alone. By myself.

I wish I will hear words like these more often. I wish...

But then, hearing Atlas' chuckle broke my little happiness.

Kaugnay na kabanata

  • Married to the Vice Mayor's Ruthless Son   Simula

    Simula"Kailangan mo ng maligo, Eerah," banayad na ani ni Manang Fe.Nananatili akong nakatingin sa bintana. Kita ang malawak naming lupain. Masayang nagliliparan ang mga ibon. Mga trabahanteng nag-aayos ng garden. Masiglang araw na gumising sa mansyon na ito.Pero hindi ko magawang ngumiti at samahan sila sa kaligayahan.Matapos ianunsiyo ng aking ama ang mangyayari sa akin sa susunod na mga araw, hindi ko alam kung kaya ko pa bang mag-isip nang tama."Eerah..."Naramdaman ko ang malumanay na paghagod sa aking likuran. Hindi ko nilingon si Manang Fe."Kailangan mo na maligo. Darating na ang mga bisita mamaya. Baka mapagalitan ka ng ama at ina mo."Paano nila nagawang ibigay ako? Gano'n na ba talaga ako ka-walang halaga sa mansyon na ito?Pinikit ko ang mga mata ko. Ang mga tanong na iyon ay nanatili sa aking isipan lamang. Kahit kailan ay hindi ko nagawang isa-tinig ang mga nasa isipan.Ayoko. Natatakot ako.

    Huling Na-update : 2022-01-18

Pinakabagong kabanata

  • Married to the Vice Mayor's Ruthless Son   Kabanata 1

    Kabanata 1"Sa guest room ka matutulog. Bawal kang lumabas hangga't hindi ko sinasabi."Pagkatapos ng seremonyas ay magkasama kaming pumunta rito sa bahay niya.Hindi ko alam kung paano ngunit nang pumasok ako sa guest room ay naroon na nga ang mga gamit na naiwan ko sa resthouse namin kanina.Gabi na nang matapos kami. Nakakapagod. Kahit wala naman masyadong ginagawa ay napapagod pa rin ako. I've been doing everything by my own. No helper at all.Nakatulugan ko na ang gutom at pagbibihis dahil sa pagod. Kinabukasan ay matagal akong bumangon. Iyon yata ang unang beses kong natagalan bumangon. Maliit lang ang guest room kumpara sa dating kwarto. Wala ring malaking bintana kung saan pwede akong makatingin sa labas. Kung titingnan, para akong nakakulong sa isang selda.Hinawakan ko ang tiyan nang kumulo ito. Wala nga pala akong kain kagabi. Kaunti lang kinain ko pagkatapos ng kasal. Nawalan ako ng gana bigla.Nagpasya akong bumangon saka

  • Married to the Vice Mayor's Ruthless Son   Simula

    Simula"Kailangan mo ng maligo, Eerah," banayad na ani ni Manang Fe.Nananatili akong nakatingin sa bintana. Kita ang malawak naming lupain. Masayang nagliliparan ang mga ibon. Mga trabahanteng nag-aayos ng garden. Masiglang araw na gumising sa mansyon na ito.Pero hindi ko magawang ngumiti at samahan sila sa kaligayahan.Matapos ianunsiyo ng aking ama ang mangyayari sa akin sa susunod na mga araw, hindi ko alam kung kaya ko pa bang mag-isip nang tama."Eerah..."Naramdaman ko ang malumanay na paghagod sa aking likuran. Hindi ko nilingon si Manang Fe."Kailangan mo na maligo. Darating na ang mga bisita mamaya. Baka mapagalitan ka ng ama at ina mo."Paano nila nagawang ibigay ako? Gano'n na ba talaga ako ka-walang halaga sa mansyon na ito?Pinikit ko ang mga mata ko. Ang mga tanong na iyon ay nanatili sa aking isipan lamang. Kahit kailan ay hindi ko nagawang isa-tinig ang mga nasa isipan.Ayoko. Natatakot ako.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status