Share

Married to the Vice Mayor's Ruthless Son
Married to the Vice Mayor's Ruthless Son
Author: fancykhimmy

Simula

Author: fancykhimmy
last update Last Updated: 2022-01-18 07:48:18

Simula

"Kailangan mo ng maligo, Eerah," banayad na ani ni Manang Fe.

Nananatili akong nakatingin sa bintana. Kita ang malawak naming lupain. Masayang nagliliparan ang mga ibon. Mga trabahanteng nag-aayos ng garden. Masiglang araw na gumising sa mansyon na ito.

Pero hindi ko magawang ngumiti at samahan sila sa kaligayahan.

Matapos ianunsiyo ng aking ama ang mangyayari sa akin sa susunod na mga araw, hindi ko alam kung kaya ko pa bang mag-isip nang tama.

"Eerah..."

Naramdaman ko ang malumanay na paghagod sa aking likuran. Hindi ko nilingon si Manang Fe.

"Kailangan mo na maligo. Darating na ang mga bisita mamaya. Baka mapagalitan ka ng ama at ina mo."

Paano nila nagawang ibigay ako? Gano'n na ba talaga ako ka-walang halaga sa mansyon na ito?

Pinikit ko ang mga mata ko. Ang mga tanong na iyon ay nanatili sa aking isipan lamang. Kahit kailan ay hindi ko nagawang isa-tinig ang mga nasa isipan.

Ayoko. Natatakot ako.

Sa huli ay wala akong nagawa kung hindi ay tumango at nag-ayos. Mamaya ang dating ng mga bisita. Sabi ni Manang ay malalaking tao at espesyal kaya kailangan kong pagbutihing magtago. Sa dilim.

Suot ang isang mahabang puting damit na lampas sa tuhod ay muli kong inalala ang naging pag-uusap namin no'ng gabi.

"You will be signing a contract tomorrow. Be sure to prepare. I don't want a shame." Mr. Ferit, my dad, sternly said.

I silently nod while cutting the beef. In front of me is Mrs. Ferit, my mom, eating with grace and poise. Beside her is my step-sister, Fiona Therese.

In this household, we are ought to pay respect to the masters, Mr. and Mrs. Ferit. Even if they are my parents, I still need to address them like that.

Their house. Their rules.

"You don't have to read it, Eerah." I nod to show my response to Mrs. Ferit.

"Well... Dadd--uh Mr. Ferit, it seems like Eerah doesn't want to sign it. Want me to do it instead? I'm a woman too," masayang saad ni Fiona, hindi alintana ang kamalian.

Mr. Ferit growl like he's thinking about the offer of his daughter.

"No!" My eyes widen at the sudden shout from Mrs. Ferit. "Sorry. No, Fiona. Eerah will sign it tomorrow. We already agreed to it with Mr. Omergin."

Tiningnan ako ni Mr. Ferit. Nagpatuloy pa rin ako sa pagkain.

"You need to promise me one thing, Eerah."

Binalingan ko si Mr. Ferit saka binaba ang utensils.

"You should not make a mistake. Whatever will happen, you have to shut your mouth and do what the boy Omergin will say. Don't complain like how you were trained to be."

Tumayo na siya pagkatapos no'n at hindi na bumalik pa sa mesa. Tahimik naming tinapos ang pagkain. Mrs. Ferit did not say anything. She just looked at me and walked away with her daughter, Fiona. I was the last person to leave in the table.

"Kinakabahan ka?"

Huminga ako ng malalim saka nilingon si Manang Fe. Kita ang kalungkutan sa kaniyang mata kahit na may matamis na ngiti siyang ipinakita.

"Mami-miss kita rito. Mawawala na ang alaga ko. Dalaga na," aniya.

"M-manang, hindi ko po a-alam ang mga gawaing b-bahay..." sabay yuko dahil sa kahihiyan.

Nilapitan ako ni Manang Fe saka hinagod ang buhok. Binigyan niya ulit ako ng isang matamis na ngiti.

"Marunong ka, Eerah. Ikaw ang pinaka-matatag at kilala kong marunong sa lahat ng bagay. Kailangan mo lang magtiwala sa sarili mo, anak. Paniwalaan mo ang sarili mo."

Ikaw lang yata naniniwala sa akin, Manang. Mula pagkabata... hanggang ngayon. Ikaw lang.

"Halika na, baba na tayo."

Nakayuko akong bumaba sa aming mansyon. Sa pavillion namin magaganap ang pagpirma ko. Malayo pa lang ay ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko. Ito ang unang beses na nakalabas ako ng mansyon. Una at huling beses na makapunta sa pavillion.

Simula pagkabata ay nakakulong na ako sa loob lamang ng mansyon. Bawal lumabas. Bawal makilala ng tao. Ang alam nila, isa lang ang anak ni Mr. Ferit. Si Fiona lang.

Walang kaso sa akin iyon. Dahil naging mabait naman sila sa akin... pwera ngayon.

Nang marinig ang mga boses na nag-uusap ay unti-unti kong inangat ang ulo. Mga lalaking naka-itim na suit, may isang babaeng naka-suit rin na bitbit ang isang camera. Tinutok niya 'yon sa akin kaya mabilis akong yumuko.

May apat na nakaupo sa pavillion. Dalawa ay kilala ko. Ang dalawa ay batid ko'y mga Omergin.

"This is Eerah Age Ferit. She'll be signing the contract." Mrs. Ferit said. Pinaupo nila ako sa isang upuan na nasa pinaka-gitna. Uminit ang pisngi ko at mas lalong yumuko dahil nasa akin ang kanilang atensyon. Bago iyon sa akin.

"My! You've been hiding a beautiful gem right here, Clara!" masiglang saad ng babaeng suot ay isang simpleng maroon na damit.

Tumingkad ang maputi niyang balat dahil doon. Isang pulang-pula na lipstick at heels rin ang pinares niya. Katabi niya ay naka-suit rin at pulang tie.

"Oh, she loves being inside the mansion, Presley."

Nagtawanan silang dalawa. Tahimik lang ang mga lalaki.

"This will end our families rivalry. This will be the consequence of how you handled my brother. Does your daughter know this?"

Binalingan ako no'ng lalaking katabi ni Presley ang pangalan.

Iiling sana ako pero nanlaki ang mata ni Mrs. Ferit kaya sa huli ay ngumiti at tumango. "Yes, I know po."

"That's good!" pumalakpak pang sabi ni Presley. Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kaniya. Pero dahil Presley ang tawag ni Mrs. Ferit sa kanya ay gano'n na rin ang itatawag ko.

"We don't lie to our children, Franco. She knows what to do. We gave her a heads up," si Mr. Ferit.

Mali. Hindi ko alam ang tunay na dahilan. Pero kahit naman ano ang dahilan wala pa rin naman akong magagawa kundi pumayag. Iyon ang role ko sa mansyon eh. Ang tumango kung kailan nila gusto. At umiling kapag kailangan... in their own pace.

"Well then..." Kinuha niya ang inilahad ng lalaking nakatayo sa likod niya. "Miss Eerah, sign the contract now."

Inayos ni Manang Fe ang papel para malapit sa akin. Kanina pa si Manang sa likod na tahimik. At no'ng binigay sa akin ang papel ay pinakita niya sa akin ang isang ngiti. Assuring me that this is fine. I will be fine.

At gaya nga ng utos, hindi ko binasa ang nakasulat sa kontrata. Marami akong pinirmahan bago binalik ni Manang Fe sa lalaki ang papel. Isang malaking ngisi ang ginawad niya sa akin bago sila tumayo at nagkamayan.

Nang makaalis ang mga bisita ay umalis rin si Mr. Ferit para ihatid ang mga ito. Nanatili si Mrs. Ferit.

"You will have to prepare and rest. Your nanny will give you the details. Now, go back to your room."

Tumango lang ako saka nakayukong naglakad. Kinabahan ako kanina nang papunta rito sa pavillion. Pero nawala ang kaba nang maka-upo ako roon. Ngayon naman ay saka lang bumalik ang kaba. Hindi ko na lang iyon pinansin.

"Sa susunod na linggo ang kasal ninyo ayon kay Mrs. Ferit. Kailangan kong gupitan ang buhok mo dahil ang haba na pero nagalit si Mrs. Ferit. Sabi ay huwag ko raw galawin kaya hindi na. Mabait naman siguro ang mapapangasawa mo, anak. Hindi rin ako kinakabahan kaya alam kong aalagaan ka roon."

Nakaupo lang ako sa harap ng malaking bintana. Tahimik na nakikinig kay Manang Fe na inaayos ang buhok ko.

Kinaumagahan ay naging balisa ang mga tao sa mansyon. Maaga akong binihisan ni Manang Fe dahil may mga tao raw na titingin sa akin mamaya. Susukatan pa nga raw ako.

"She looks stunning, Clara. I didn't know you have a daughter aside from Fiona. She should go out often you know." Tumatawang sinukatan ako ng lalaki na nagdadamit ng babae habang kausap si Mrs. Ferit na nakaupo sa pang-isahang couch at may hawak na kopita sa kaliwang kamay.

"She won't, Rolly. She loves darkness in her room," sabay irap.

"Well..." Hindi na nagsalita pa ang lalaki na babae bagkus ay tahimik na lamang akong sinukatan.

Matapos ang sukatan ay nagpahinga ako saglit sa kwarto. Pagkagising ay ibang bisita na naman ang nasa mansyon. Make up artists at photographer. Iyon ang tawag sa kanila ayon kay Manang Fe.

Pinaupo ako sa isang stool na may malaking salamin na may ilaw sa harap. Hindi ko alam ang ginagawa nila sa mukha ko. Ang narinig ko kay Mrs. Ferit ay testing daw. Sabi naman ni Manang Fe ay ang make-up, parang pagpipinta lang. Ang kaibahan, sa mukha ito.

Mahilig akong magpinta. Natatangi kong talento at naging libangan ko rin no'ng naubos ang mga babasahing libro sa kwarto.

"This one fits her well, Madamé. She looks regal. Kaso nga lang namumungay talaga mata niya 'no?"

Mra. Ferit snorted. "For as long as she won't be a laughing stick in the venue then it's all good, Fretz!"

Tumawa lang ang si Fretz. Matapos ang make up ay pinabihis ako. Suot ang isang white tulle off shoulder dress na may kaunting slit sa gilid. Manang Fe gave me a small pouch as a style like the person said.

"Chin up, darling." Sinunod ko ang kaniyang utos. Kanina pa kami rito pababalik-balik.

"Hindi ba 'yan marunong ngumiti?"

"Ano ba 'yan ang hirap naman ng batang iyan. Pasaway yata kaya pinapakasal na."

Rinig na rinig ko sila. Pero sino ba ako para sagutin sila?

Naging mahirap ang photoshoot. Pinipilit nila akong patawanin. Kung hindi lang lumabas si Mrs. Ferit ay baka ginabi na ang shoot.

Ang mga sumunod na araw ay naging housewife lesson na. May mga bumisitang tinuruan ako paano maghugas. Iba naman para sa paglalaba. Pati na ang pagwawalis.

Nalalapit na ang kasal. Busy pa rin sila para sa pagtuturo sa akin. Kahapon ay tinuruan nila ako paano mag-plantsa ng damit. Wala si Manang Fe kaya nahirapan ako. Kapag si Manang ang nagtuturo, naalala ko naman ang mga gawain. Pero iba ang turo ng mga kinuha ni Mrs. Ferit. Kaya talagang nahirapan ang buong katawan ko.

Sa isang simpleng church na pagmamay-ari ng pamilyang Omergin gaganapin ang kasal. Medyo malayo sa amin kaya kailangan kong sa isang resthouse namin na malapit doon sa church ako matutulog para hindi raw mahuli.

Hindi ko kasama si Manang Fe sa resthouse. Pati na sina Mr. at Mrs. Ferit. Mag-isa lang ako roon. Kahit may mga kasambahay ay ako lang mag-isa ang pupunta roon. Kinabukasan pa ang dating ng mga mag-aayos sa akin. Pribado ang kasal, hindi marami ang dadalo. Hindi naman rin talaga ito kasal ng dalawang taong nagmamahalan.

Kung sa bata... ito ay isang kasal-kasalan.

"Mag-iingat ka, Eerah. Nasa loob ng bag mo ang mga gamot na dapat mong inumin. May mga sulat din akong ginawa para hindi mo malimutan kong paano iyon gawin. Ang iba ay nilagay ko sa ilang notebook, anak."

Tiningnan ko ang nag-iisang taong nag-aalala sa akin. Her gray hair doesn't make her old because of her soft and baby face. No wrinkles at all maybe because she doesn't have a daughter at matandang dalaga. Kumikinang sa mata ni Manang Fe ang mga nagbabadyang luha.

Hindi ako nagdalawang-isip na yakapin siya ng mahigpit na sinuklian niya rin. Ilang oras rin kaming nagyakapan. Ayaw bumitaw sa isa't isa.

"May cellphone sa bag mo. Hindi iyan alam ni Mrs. Ferit kaya itago mo nang mabuti. Nasa loob rin ng notebook ang gagawin mo kung paano mapagana iyon. Nando'n rin ang numero ko, Eerah."

"Maraming salamat po, Manang Fe," sambit ko sa nanghihinang boses.

Inikot ko ang tingin sa kwarto. These four walls are the witness of all my life. This is the other half of me. I'm letting go of it. Mas masakit pa yatang umalis sa kwarto na ito kaysa ang ikasal.

Papunta sa resthouse ay naka-mask ako. Kaya wala akong ideya sa hitsura ng labas pwera na lang sa pavillion namin. Matayog ang gate kaya wala talaga akong nakikita maliban sa mansyon namin. Naramdaman ko na lang na nasa resthouse na nang huminto ang sasakyan at binuksan ang nakalagay sa mata ko.

Isang malaking bahay ang bumungad sa akin. Hindi ito ganoon kalaki tulad ng sa mansyon. May naka-linyang mga maids sa bawat gilid ng hallway. Tahimik lang akong sumunod sa isang mayordoma na naglalakad papunta sa taas ng bahay. Sa magiging kwarto ko ng isang gabi.

Dahil sa pagod sa byahe ay nakatulog ako kaagad. Nalilito pa ako kung ano ang gagawin nang nakitang ang suot kagabi ay iyon pa rin ang suot ko kinabukasan. Mabilis kong binuksan ang luggage saka naghanap ng damit. May mga label ang mga iyon na nilagay ni Manang Fe. Iba-iba kasi ang damit ko sa umaga at gabi. Iba rin kapag may okasyon.

Hinanap ko agad ang notebook saka binasa kung ano ang gagawin para sa pagligo. Sa edad kong twenty-three ay hirap akong gumalaw nang mag-isa. Tuloy ay natagalan ako sa banyo at lalo na sa pag-aayos sa susuoting damit sa araw na iyon.

Kumatok na kanina ang mag-aayos sa akin. Sinabihan ko lang na bababa rin ako agad.

Mabilis ang naging kilos nila nang bumaba na ako. Agad nilang inayos ang buhok at nilagyan na rin ako ng make up. May isang kanina pa kumukuha ng litrato sa akin kaya bahagya akong yumuko na kinagalit naman ng make-up artist. Sa huli, ngumiti na lang ako sa kumukuha ng litrato.

Slow motion is for fairytales. And this is not part of it. Dahil nang bumukas ang pinto ng church ay ang tanging nakita ko ay isang ngiti ng pamilyang nagkasundo.

Bumaling ako sa lalaking nakatayo sa unahan. Mariin niya rin akong tiningnan. He has a prominent jaw that makes his prescense more intimidating. His brows furrowed like I did something that made him mad. This is our first meeting and he's mad at me already?

Sa kaliwa ay ang pamilyang Omergin, nakaupo nang tuwid-- hindi nakatingin sa akin na nasa likuran. At sa kanan naman ay ang pamilyang Ferit. Hindi rin sila nakatingin.

Kung titingnan ay parang isang lamay ang nangyayari dahil suot nila ay kulay itim at pula.

Sa tunay na kasal ay mabagal na maglalakad ang bride ayon kay Manang Fe. Pero hindi iyon ang sinunod ko. Mabilis akong naglakad para mabilis rin 'tong matapos.

Nahigit nga lang ang hininga ko nang makatayo na sa harapan ng lalaki. Kung nakakatakot siya kanina sa malayo, mas nakakatakot pala siya sa malapitan. Walang buhay ang kaniyang mga mata. Walang sigla ang mukha. Walang nararamdaman para sa akin. Gaya ko.

"Tsk. Stupid," anito sa isang matigas na boses saka ako iniwan at nauna ng maglakad papalapit sa pare.

I stood there dumbfounded for a minute before I decided to follow him. I know I'm stupid. But I never knew it hurts when it comes from the mouth of someone I barely know. Someone who is a complete stranger yet knows my stupidity.

How amazing is that? I was called stupid by my soon to be husband, in the church, in the day of our wedding.

I stared at the statue behind the priest. I silently prayed for everyone's safety and peace. I prayed for my new life too.

Because after this ceremony, I will be the price to end rivalries of the two ruthless people in our town. The Mayor and the Vice-Mayor's relationship will turn into something the town's people didn't expect to happen. And the thought that Mr. Ferit paid killers to murder the running Mayor, Vice Mayor's brother, will subside.

Eerah... you will become the wife of the ruthless Vice Mayor's son. Brace yourself.

Related chapters

  • Married to the Vice Mayor's Ruthless Son   Kabanata 1

    Kabanata 1"Sa guest room ka matutulog. Bawal kang lumabas hangga't hindi ko sinasabi."Pagkatapos ng seremonyas ay magkasama kaming pumunta rito sa bahay niya.Hindi ko alam kung paano ngunit nang pumasok ako sa guest room ay naroon na nga ang mga gamit na naiwan ko sa resthouse namin kanina.Gabi na nang matapos kami. Nakakapagod. Kahit wala naman masyadong ginagawa ay napapagod pa rin ako. I've been doing everything by my own. No helper at all.Nakatulugan ko na ang gutom at pagbibihis dahil sa pagod. Kinabukasan ay matagal akong bumangon. Iyon yata ang unang beses kong natagalan bumangon. Maliit lang ang guest room kumpara sa dating kwarto. Wala ring malaking bintana kung saan pwede akong makatingin sa labas. Kung titingnan, para akong nakakulong sa isang selda.Hinawakan ko ang tiyan nang kumulo ito. Wala nga pala akong kain kagabi. Kaunti lang kinain ko pagkatapos ng kasal. Nawalan ako ng gana bigla.Nagpasya akong bumangon saka

    Last Updated : 2022-01-18

Latest chapter

  • Married to the Vice Mayor's Ruthless Son   Kabanata 1

    Kabanata 1"Sa guest room ka matutulog. Bawal kang lumabas hangga't hindi ko sinasabi."Pagkatapos ng seremonyas ay magkasama kaming pumunta rito sa bahay niya.Hindi ko alam kung paano ngunit nang pumasok ako sa guest room ay naroon na nga ang mga gamit na naiwan ko sa resthouse namin kanina.Gabi na nang matapos kami. Nakakapagod. Kahit wala naman masyadong ginagawa ay napapagod pa rin ako. I've been doing everything by my own. No helper at all.Nakatulugan ko na ang gutom at pagbibihis dahil sa pagod. Kinabukasan ay matagal akong bumangon. Iyon yata ang unang beses kong natagalan bumangon. Maliit lang ang guest room kumpara sa dating kwarto. Wala ring malaking bintana kung saan pwede akong makatingin sa labas. Kung titingnan, para akong nakakulong sa isang selda.Hinawakan ko ang tiyan nang kumulo ito. Wala nga pala akong kain kagabi. Kaunti lang kinain ko pagkatapos ng kasal. Nawalan ako ng gana bigla.Nagpasya akong bumangon saka

  • Married to the Vice Mayor's Ruthless Son   Simula

    Simula"Kailangan mo ng maligo, Eerah," banayad na ani ni Manang Fe.Nananatili akong nakatingin sa bintana. Kita ang malawak naming lupain. Masayang nagliliparan ang mga ibon. Mga trabahanteng nag-aayos ng garden. Masiglang araw na gumising sa mansyon na ito.Pero hindi ko magawang ngumiti at samahan sila sa kaligayahan.Matapos ianunsiyo ng aking ama ang mangyayari sa akin sa susunod na mga araw, hindi ko alam kung kaya ko pa bang mag-isip nang tama."Eerah..."Naramdaman ko ang malumanay na paghagod sa aking likuran. Hindi ko nilingon si Manang Fe."Kailangan mo na maligo. Darating na ang mga bisita mamaya. Baka mapagalitan ka ng ama at ina mo."Paano nila nagawang ibigay ako? Gano'n na ba talaga ako ka-walang halaga sa mansyon na ito?Pinikit ko ang mga mata ko. Ang mga tanong na iyon ay nanatili sa aking isipan lamang. Kahit kailan ay hindi ko nagawang isa-tinig ang mga nasa isipan.Ayoko. Natatakot ako.

DMCA.com Protection Status