Ito ang kauna-unahan na beses na naabutan ni Mikel si Tamara sa labas ng kan'yang silid. Yes, kan'yang silid dahil matapos ang huling away nila na mag-asawa ay lumipat na naman si Tamara sa lumang silid niya sa bahay ni Mikel. At kahit na ano ang pilit ni Mikel na pabalikin si Tamara sa kanilang silid ay hindi siya nito pinakinggan at pinagbigyan. And Mikel is slowly losing every bit of patience and understanding he has for his wife. Ramdam na ramdam na niya ang tuluyan na paglayo ni Tamara sa kan’ya, at hindi na rin alam ni Mikel kung ano pa ang kan’yang iisipin sa mga ikinikilos nito sa kan'ya. "Sweetie, dinalahan kita ng paborito mo na pagkain. Let’s eat." Pagyaya niya sa kan'yang asawa. Lumapit siya kay Tamara na nasa may sala habang bitbit ang ilang supot ng mga pagkain na lahat ay paborito ng asawa niya. Yumuko siya upang halikan ang asawa niya ngunit mabilis na umiwas ang misis niya, at kahit na nasasaktan ay pilit na lang siya na ngumiti. Gusto nang maiyak ni Mikel sa mga gi
Sa isa pa na pagkakataon ay muli na luhaan si Mikel sa harapan ng kan’yang kaibigan na si Stan. It’s as if history is repeating itself. Ganito rin ang sitwasyon nila noon mga panahon na nalaman niya ang pagloloko sa kan’ya ni Janine na nagbunsod sa kan’ya para takasan ang buhay sa Maynila at pumunta sa Mindoro. And once again, he is in the same predicament. He once again feels like running away. Gumuho ang mundo ni Mikel nang sabihin sa kan’ya ni Tamara na ayaw na nito. At wala siyang nagawa kung hindi ang umalis sa bahay nila at tumakbo muli sa bahay ni Stan. Parang sasabog ang puso niya sa sakit at sama ng loob. He wanted to blame Wyatt, he wanted to blame Tamara, but more than anyone else, he wanted to blame himself. He wanted to blame himself because, once again, he had been a fool in love. At muli ay naiisip niya na dapat ay hindi na niya hinayaan na mahulog siya ng lubusan kay Tamara. He should have stayed away and stayed within the bounds of the contract. If he did, wala sana
Ang sunod-sunod na pagtunog ng doorbell ang gumising kay Tamara. Napalingon siya sa orasan at nakita niya na alas sais pa lang ng umaga. Nagtataka siya kung sino ang bisita at kung bakit hindi iyon pinagbubuksan ni Mikel. Wala siyang balak na lumabas ng kan’yang silid dahil ayaw niya na magkita sila ng asawa niya. Pero patuloy naman ang pagtunog ng doorbell, kaya wala siyang nagawa kung hindi ang bumangon. Nag-ayos muna siya ng sarili saka nagmadali na lumabas ng kuwarto. Tahimik na tahimik ang paligid. Hindi niya alam kung nasaan si Mikel at ayaw naman din niya na silipin pa ang asawa niya sa silid nito. She can’t, dahil baka hindi niya magawa ang plano niya. Sa mga pagkakataon na nagkakausap sila ni Mikel ay nahahati rin ang emosyon niya. Simangot na simangot siya nang tinungo niya ang pintuan at pagbukas niya ay laking gulat niya nang makita si Stan sa may gate. Nang makita ang pagbukas niya ng pintuan ay nagdiretso pasok na si Stan sa may garahe. Nagkibit-balikat na lamang siya a
Ilang araw na hindi umuwi si Mikel sa bahay nila. Pareho sila na nagbibigay distansya ni Tamara sa isa’t-isa. They both needed to be away from each other, or else they would continue to hurt one another. At ayaw na nila na magkasakitan pa. But the pain is inevitable. Alam nila pareho na hindi pa natatapos ang pareho na sakit na nararamdaman nila. Sa ilang araw na wala si Mikel ay patuloy ang pag-iisip ni Tamara kung tama nga ba ang mga ginagawa niya. Hindi niya alam kung kaya niya na ipagpatuloy ang lahat ng ito, pero isa lang ang nasa isip niya. Kailangan niya na iligtas ang kan’yang sarili sa mas marami na sakit sa piling ni Mikel. Hindi lahat ay sa pagmamahal lamang umiinog, at mas makakabuti na habang maaga pa lamang ay pareho na nila na madiskubre kung hanggang saan lamang ang kaya nila na isakripisyo para sa isa’t-isa. Patuloy ang pighati ni Mikel. Ang bawat araw na malayo siya kay Tamara at hindi niya nakikita ang asawa niya ay halos unti-unti na pumapatay sa kan’ya. He is hur
She left. Tamara left him the same day na ibinigay nito sa kan’ya ang mga dokumento ng kanilang paghihiwalay. And it had been two weeks since then, at ito pa rin si Mikel at patuloy na nilulunod ang sarili niya sa alak. He feels like dying every day and every night. Gusto niya na muli na takasan ang sakit upang makalimot, pero hindi niya magawa. Hindi niya magawa na umalis sa bahay niya dahil dito na lamang niya nararamdaman ang presensya ni Tamara. And he needed to feel her for him to be able to live. Patuloy ang pagbabalik-tanaw niya kung saan ba siya nagkamali. Patuloy niya na iniisip kung bakit sa ikalawang pagkakataon ay tinalikuran siya ng babae na minahal niya ng sobra. Tamara was his everything, and now that she is gone, hindi niya alam kung paano muli na pupulutin ang kan’yang sarili. Hindi niya alam kung paano muli na babangon. It has been two weeks since she left, and he hasn't left his house either. Hindi niya magawa na pumunta sa opisina dahil ayaw niya na marinig ang mg
"Mikel, negative. Wala siya sa Mindoro at hindi siya roon nagpunta simula noon. Ginawa na ni uncle ang lahat upang makuha ang lahat ng record, pero hindi talaga siya nagawi roon sa mga nakalipas na araw." Ayaw sana ito na ibalita ni Stan sa kaibigan niya na hanggang ngayon ay hinahanap ang umalis na asawa, pero kailangan malaman ni Mikel ang katotohanan para kahit paano ay sumuko na rin siya. He can no longer let his friend suffer this way. Napasandal na lamang si Mikel sa kan’yang kinauupuan. Another failed attempt to find his wife. Lahat na ay ginawa nila, kasama na ang pagsubaybay sa pamilya ni Tamara at maging kay Wyatt, upang malaman lamang kung nasaan si Tamara, pero lahat ng kanilang ginagawa ay walang silbi. Hindi na nila mahanap si Tamara simula nang umalis siya sa bahay nila. And Mikel regrets that day that he let her walk away. Lubos niya na pinagsisisihan ang katotohanan na pinayagan niya na mawala sa kan’ya ang asawa niya. Ang tangi na nais lamang niya ay bigyan ng espas
"Sissy, ano na naman? Umiiyak ka na naman diyan." Ito ang nag-aalala na tanong ng matalik na kaibigan ko na si Lou. "Tamara, naman, nag-aalala na talaga ako sa’yo." Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi habang sabay kami na nakamasid sa bintana. Nang umalis ako sa poder ni Mikel ay si Lou ang tinawagan ko. Siya ang naging kasama ko sa mahigit isang buwan na palagian ko na pag-iyak at pagsisisi sa mga ginawa ko. Yes, I am regretting everything. I regret leaving Mikel when we should have worked things out together. Pero hindi nila ako masisisi dahil natatakot ako. Natatakot ako sa maaari na kahinatnan ng pagmamahal ko sa kan’ya. When I walked away from him, ay umasa ako na hindi siya papayag sa nais ko. Umasa ako na pipigilan niya ako sa balak ko na tuluyan na pakikipaghiwalay sa kan’ya. Pero nagkamali ako nang sabihin niya sa akin na ibibigay niya ang kalayaan ko. Baliw na nga siguro talaga ako sa mga bagay na naiisip ko. I asked for that separation from him. Hiniling ko na pal
Tahimik na nakaupo si Mikel sa kan’yang opisina. He's been back for a few days now. He is expecting a lot of rumors about him, pero wala naman siya na naririnig na usap-usapan tungkol sa kanila ni Tamara. Hindi dahil sa wala talagang balita, kung hindi binibigyan pa rin siya ng respeto ng kan’yang mga empleyado. Sigurado siya na alam nang lahat na wala na si Tamara, kung alam ba nila ang paghihiwalay nila na mag-asawa ay hindi na niya nais pa na alamin. Hawak-hawak niya ang isang envelope at patuloy lamang ang pagtitig niya ro’n. He has reached their timeline. Mahigit na dalawang buwan na simula nang umalis si Tamara, at lumagpas pa nga sa dalawang linggo na palugit sa kan’ya ni Stan upang mahanap nila ang kan'yang asawa. But everything they did turned out futile. His efforts to find her are a big disappointment. Ginawa na rin ng ina niya ang lahat ng tulong upang mahanap ang asawa niya, pero wala pa rin. Kahit ang pagsunod ng ilang tauhan niya kay Wyatt ay walang naging magandang bal