Tahimik na nakaupo si Mikel sa kan’yang opisina. He's been back for a few days now. He is expecting a lot of rumors about him, pero wala naman siya na naririnig na usap-usapan tungkol sa kanila ni Tamara. Hindi dahil sa wala talagang balita, kung hindi binibigyan pa rin siya ng respeto ng kan’yang mga empleyado. Sigurado siya na alam nang lahat na wala na si Tamara, kung alam ba nila ang paghihiwalay nila na mag-asawa ay hindi na niya nais pa na alamin. Hawak-hawak niya ang isang envelope at patuloy lamang ang pagtitig niya ro’n. He has reached their timeline. Mahigit na dalawang buwan na simula nang umalis si Tamara, at lumagpas pa nga sa dalawang linggo na palugit sa kan’ya ni Stan upang mahanap nila ang kan'yang asawa. But everything they did turned out futile. His efforts to find her are a big disappointment. Ginawa na rin ng ina niya ang lahat ng tulong upang mahanap ang asawa niya, pero wala pa rin. Kahit ang pagsunod ng ilang tauhan niya kay Wyatt ay walang naging magandang bal
"Peaches!" Isang mahigpit na yakap ang isinalubong ni Wyatt kay Tamara. It has been almost two months, or more, simula ng huli sila na magkita na dalawa. They are not sure as they have lost track already "Kamusta ka, Wyatt?" tanong ni Tamara sa garalgal na boses sa kaibigan niya, kasabay sa pagbalik niya sa mainit na yakap na ibinigay nito sa kan’ya. "I miss you so much, Tamara." Patuloy lamang sila na nakayakap sa isa’t-isa, patuloy na ninanamnam ang sandali na ito na muli sila na nagkita at nagkasama. "I miss you, Wyatt." She misses him, she knows that, but more than she misses Wyatt, she misses Mikel. At hindi niya alam kung tama lamang ba na itanong niya sa kaibigan niya ang tungkol sa pinsan nito. "Are you okay? Hindi ka ba nahihirapan dito? Maayos ka naman ba rito?" sunod-sunod na tanong ni Wyatt sa kan’ya. Bumitaw si Tamara sa pagkakayakap kay Wyatt at kinurot ang pisngi ng kaibigan niya. "Ayos lang ako rito. I am okay with Lou." Titig na titig sa kan’ya si Wyatt at h
"Good morning, peaches!" Ito ang masaya at nakangiti na bungad ni Wyatt kay Tamara nang makalabas siya ng kan’yang silid. Sa mga nakalipas na linggo ay malimit siya na binibisita ni Wyatt dito sa tinutuluayn nila ni Lou at madalas na kung ano-ano ang bitbit nito para sa kan’ya. "Nandito ka na naman? Wala ka bang trabaho? Hindi ka ba napapagod na bumiyahe halos linggo-linggo? Kamuntik na nga na maging araw-araw, eh." tugon ni Tamara habang inaabot ang mga bitbit ni Wyatt na pasalubong para sa kan’ya. "Wow, mga paborito ko!" "Nagrereklamo ka pa, tapos tuwang-tuwa ka naman sa mga pasalubong ko parati." Lumapit sa kan’ya si Wyatt at kinulong siya nito sa mga bisig niya. "I miss you!" "OA! Miss na agad, kakapunta mo nga lang dito no’n isang araw." Hinampas pa niya si Wyatt sa braso at bahagya na lumayo sa lalaki. "Panira ka talaga ng moment kahit kailan! Halika na nga, kumain ka na nga ng almusal." Yaya sa kan’ya ni Wyatt na hinatak pa siya patungo sa may lamesa. Wyatt has been very c
Naguguluhan man si Tamara sa inaasta nito ay tumango na laman siya at tinanaw ang papalayo na si Wyatt. Nang makaalis si Wyatt ay pinagtuunan na lamang niya ng pansin ang pagkain. Habang kumakain siya ay hindi maiwasan na maisip ni Tamara ang mga kakaiba na ikinikilos ni Wyatt sa kan’ya. Ayaw niya na mag-assume na naman, at magkamali na naman ulit ng pakahulugan, pero iba talaga ang nararamdaman niya. They may be best friends. Pero parang sobra na sa pagiging matalik na magkaibigan ang trato sa kan’ya ni Wyatt, at kahit na si Lou ay napapansin na rin iyon. Pero noon pa man ay gano’n na siya pakitunguhan ni Wyatt, kaya malamang ay hindi niya dapat na binibigyan ng mali na pakahulugan ang mga bagay na iyon. Pero paano kung tama pala ang naiisip niya? Ano ang isasagot niya? Napahimas na lamang si Tamara sa kan’yang sentido. Bakit nga ba niya iniisip at pinoproblema ang mga bagay na hindi naman pa nangyayari? Maybe she should just cross the bridge when she gets there. Nagpatuloy siya s
"Peaches, I'm home!" Ngiting-ngiti na bungad ni Wyatt buhat sa may pintuan habang may bitbit pa na isang supot ng mga iba’t-ibang klase ng prutas na kabilin-bilinan ni Tamara sa kan’ya. Nais daw kasi nito na mag fruit salad at kailangan na fresh fruits ang gamit niya, kaya kung saan-saan pa siya na grocery na dumaan at nagpunta para lamang masunod ang hiling ng buntis. "Ayiee! Thank you, my baby boy!" Kilig na kilig pa si Tamara na lumapit sa kan’ya habang pahimas-himas sa bilugan nito na tiyan. "Na-miss kita." Kinindatan pa siya ni Tamara kaya naiiling na lamang si Wyatt sa kan’ya. "Ano na naman ang dagdag na request mo, baby girl? Sigurado ako na may gusto ka na naman kaya ang bait-bait mo sa akin ngayon." Ginawaran siya ng halik ni Wyatt sa pisngi at sa noo at mabilis naman na yumakap si Tamara sa beywang ng lalaki. "Grabe naman ang sobra na pag-judge mo sa akin. Hindi ba at businessman ka, bakit naging hukom ka na ngayon?" Patuloy pa sa pagtaas-baba ang kilay ni Tamara at halata
Hindi alam ni Leonardo Lucero kung maiinis, o matutuwa siya sa kan’yang nalaman. Kararating lamang sa kan’ya ng balita na wala na sa poder ng anak niya ang asawa nito. Ang babae na pinagnanasahan niya at nais niya na magsilang ng kan’yang tagapagmana. Ang bali-balita ay naghiwalay na raw ang dalawa. Sinubukan niya na kumpirmahin kay Chad ang balita na iyon, pero ang hangal na lalaki ay walang kaalam-alam patungkol sa kapatid niya. Kung kailan pa naman na wala siya sa Maynila ay roon pa nakarating sa kan’ya ang impormasyon na iyon. Kung hindi pa siya tinawagan ng kan’yang kumpadre at kinukumpirma sa kan’ya ang katotohanan ay hindi niya malalaman. Ang sabi pa nito ay mahigit anim na buwan na rin yata na hiwalay ang dalawa dahil madalas nang nakikita si Mikel na kasa-kasama ang kaibigan nito na abogada. Naiinis man siya na nahuli na siya sa balita ay nakita niya na isang magandang oportunidad ang paghihiwalay ng mag-asawa upang maisakatuparan na niya ang kan’yang mga plano para kay T
Nanginginig ang mga kamay ko at panay-panay ang paglunok na ginagawa ko. Nanunuyo ang lalamunan ko kasabay sa mabilis na pagtibok ng puso ko. Alam ko na hindi ako dapat nababahala ng ganito, pero hindi ko maiwasan. Hindi ko na nga rin alam kung paano ko nagagawa na makapaglakad papunta sa sasakyan ni Wyatt. My mind is in chaos. And it is all because of just one person: Leonardo Lucero. Ang ama ni Mikel at ang matandang manyakis na bumili rin sa akin buhat sa aking pamilya. "Baby, relax. Breathe in and breathe out." bulong sa akin ni Wyatt habang ang kan’yang isang braso ay nakapulupot sa beywang ko upang bigyan ako ng sapat na lakas at ang isa naman ay nakahawak sa aking kamay. Hindi ako makatugon sa kan'ya at patuloy lamang ang pagtaas-baba ng dibdib ko dahil sa paghahabol ko sa aking hininga na pakiramdam ko ay unti-unti nang nauubos dahil sa sobra na bilis ng tibok ng puso ko. "Baby, Tamara, listen to me. Breathe, baby. You need to breathe for our baby." Sandali ako na natigila
Isang tawag ang natanggap ni Mikel kanina habang siya ay nasa opisina. Isang tawag na lubha na nagpagulo sa kan’yang sistema. Ang dami na naman ng mga tumatakbo sa kan’yang isipan at hindi siya sigurado kung ano ang kan’yang mararamdaman. Ilang buwan na rin ang lumipas simula ng huli sila na magkita, at ngayon dahil sa kan’yang balita na narinig ay napupuno na naman muli ng galit ang puso niya. Bumabalik sa kan’ya ang mga nakaraan na pilit niya nang kinakalimutan. And it just shows that he can never really move on and forget. Nang matanggap ang tawag na iyon, isa lang ang pumasok sa isipan niya, he needs to see her. Kailangan nila na magkaharap-harap at ngayon na ang tamang panahon para mangyari iyon. Kaya naman kasama si Stan ay bumibiyahe sila upang puntahan ang babae na matagal niya nang hinahanap. Sinubukan pa siya na pigilan ni Stan, pero wala rin nagawa ang kan’yang kaibigan lalo na at desidido siya na harapin ang babae na noon pa niya ninais na makita. "Mikel, pinapaalalahan