Hindi alam ni Mikel kung ano ang reaksyon ng kan’yang mukha nang mapasadahan ng tingin ang mukha ng babae na matagal na niya na ninais na makita. "Mi-Mikel" pabulong nito na tawag sa pangalan niya nang makalapit siya rito. Muli pa na tinitigan ni Mikel ang babae sa kan’yang harapan at gaya sa sinabi sa kan’ya, ay buntis nga siya. "Surprised to see me? You think you can simply walk away and turn your back on me?" May diin sa bawat mga salita na lumalabas sa bibig ni Mikel. "I-I’m sorry." Nauutal na sagot sa kan’ya ng babae. "Sorry? Sorry for what? Sorry for being pregnant while I lost my child? Sorry for ruining my life? Masaya ka ba, Janine? Masaya ka na ba na sinira mo ang buhay ko? Are you happy that you killed my angel and ruined my married life?" Sunod-sunod na tanong ni Mikel kay Janine na wala nang naging tugon sa kan’ya kung hindi ang lumuha na lamang. "Mikel." Pagpipigil ni Stan sa kan’ya na tinapik pa siya sa balikat. Naikuyom na lamang ni Mikel ang kan’yang kamao dahil k
Hanggang ngayon ay hindi makahuma si Leonardo Lucero sa kaalaman na nakuha niya buhat sa kan’yang biyahe sa Baguio ilang araw na ang nakakalipas. Hindi niya inaasahan na roon niya rin mahahanap ang babae na bumabaliw sa kan’ya hanggang sa ngayon. At tuluyan na nga yata siya na mababaliw talaga sa kaalaman na ang nakabuntis pa rito ay ang sarili na pamangkin pa niya. Nagngingitngit na naman siya na matapos niya na maging karibal ang anak niya, ay heto naman ngayon at pamangkin pa niya ang isa na naman na panggulo sa mga plano niya. At ang mas matindi pa roon ay ang katotohanan na naunahan pa siya ng pesteng si Wyatt na iyon na magpunla ng kan’yang semilya kay Tamara! "P*****a!" Padabog na itinapon niya ang mga papeles na hawak-hawak niya sa kan’yang lamesa. Hindi niya magawa na pagtuunan ng pansin ang kan’yang trabaho dahil sa kaalaman na iyon. Hindi niya matatanggap na nagpabuntis si Tamara kay Wyatt. Bakit kay Wyatt pa na walang-wala sa yaman nila ng anak niya na si Mikel? Nang ma
Kaaalis lamang ni Wyatt upang bumalik sa Maynila. This is their weekly schedule, apat na araw si Wyatt na kasama nila ni Lou rito sa Baguio at tatlong araw naman sa Maynila upang asikasuhin ang kanilang maliit na negosyo at ang pagtulong sa kumpanya pa rin ng mga magulang niya. It’s been two days pagkatapos ng tagpo na iyon sa mall. Ang tagpo na hindi inaasahan ni Tamara pero lubha na nakasakit sa kan’ya. And she kept everything from Wyatt. Nagpanggap siya na maayos ang lahat at nagbago na lamang ang kan’yang isip kaya hindi na siya tumuloy sa bakeshop. And she is thankful, na mabilis na naniwala sa kan’ya si Wyatt. Hanggang sa makauwi sila ay patuloy siya na nagpanggap na masaya siya at ipinakita pa rin niya ang pagiging normal na makulit at pasaway niya sa kabila ng sakit ng kalooban niya. She kept her true feelings and emotions deep inside of her. At ngayon nga, sa pag-alis ni Wyatt kanina lamang, ay tuluyan nang naputol ang pagpapanggap niya at unti-unti nang naglandasan ang kan’
"Ano na naman ang nangyayari, Diane?" Humahangos na tanong ni Stan sa sekretarya ng kan’yang kaibigan matapos siya nito na tawagan sa opisina niya dahil mukha na nagwawala raw si Mikel at panay kalabog ang naririnig buhat sa opisina nito. "Hindi ko nga rin alam, Sir Wyatt. Naku! Kinakabahan na nga ako at kanina pa malalakas ang kalabog diyan sa opisina niya. Ikaw na nga ang nauna ko na tinawagan dahil ikaw lang din naman ang malakas ang loob na harapin siya kapag mainit ang ulo niya." Natataranta na paliwanag pa ni Diane. "Sino ba ang dumating? May bisita ba siya kanina? May nakausap ba siya sa telepono?" Sunod-sunod pa na tanong ni Stan. Hindi na nakasagot ang sekretarya at pareho na sila na natigilan ni Diane dail sa malakas na kalabog na naman na nagmula sa opisina ni Mikel. "Fuck it! Huwag mo na sagutin ang mga tanong ko at titingnan ko na lamang siya." Nagmamadali na tinungo ni Stan ang opisina ni Mikel. Hindi na siya kumatok at diretso na lamang na binuksan ang pintuan. Natiga
"Where is he? Where is your fucking son, uncle?!" Galit na galit na sumugod si Mikel sa tirahan nila Wyatt kinabukasan. Hindi niya mapapalampas ang ginawa ni Wyatt sa kan’ya. He tried to keep everything away from his family, nang mangyari ang tungkol kay Janine, pero ngayon ay hindi na siya papayag na muli lamang na ulitin ni Wyatt ang mga sakit na pinagdaanan niya sa nakaraan na hindi man lamang nito pinagbabayaran ang mga ginawa sa kan’ya. "What’s wrong, Mikel? Ano ang ginawa ni Wyatt sa’yo?" Naguguluhan at tila nabigla rin na tanong ng ama ni Wyatt sa kan’ya. Kasama nito ang asawa nang harapin ang galit na galit na si Mikel. "Mikel, what is the meaning of this? Ano ba ang problema ninyo? Let’s talk about this peacefully, iho." Pakiusap naman ng ina ni Wyatt sa kan’ya. "Where is he, auntie? Where is Wyatt?" muli na tanong niya sa mag-asawa. Pilit man niya na kontrolin ang galit niya ay hindi niya magawa. Nanggagalaiti siya na patuloy siya na tinatarantado ni Wyatt. "Maupo ka muna
Kauuwi lamang ni Wyatt buhat sa ospital kung saan niya sinamahan ang kan’yang ama na dalahin ang kan’yang ina. Hindi niya inakala na gagawin ni Mikel ang mga ginawa nito ngayon na pagsugod sa kanila. He wanted to warn Tamara and tell her about him, pero hindi niya magawa dahil ayaw niya na mataranta pa si Tamara at baka kung ano na naman ang maisipan na gawin. And he could only hope, na hindi pa natutunton ni Mikel ang apartment nila sa Bagio. He is praying that he can still buy time, bago sila tuluyan na mahanap ni Mikel. Lulugo-lugo siya na naupo sa sofa. Alam niya na hind pa roon matatapos ang lahat. Sigurado rin siya na hindi siya gano’n kadali na palalampasin ng mga magulang niya dahil sa mga katotohanan na nalaman nila ngayon. He made mistakes in the past, and he is admitting that now. Pero ngayon naman ay pilit naman niya na inaayos ang buhay niya. Pilit niya na ginagawa na tama ang mga mali ng kahapon na nagawa niya. And it is not easy. It was never easy, lalo na at lagi sila
Sunod-sunod na malalakas na pagkatok sa pintuan ng apartment nila Tamara ang nagpaangat sa kan’yang ulo buhat sa seryoso na pagtatrabaho sa kan’yang laptop sa may sala. Napakunot ang noo niya at natigilan. Iniisip ni Tamara kung si Wyatt na naman ba ang nanggugulo at kung ano-ano na naman na palabas ang ginagawa sa kan’ya. Ngayon kasi ang dapat na balik ni Wyatt sa Baguio, pero kanina lamang ay nag-text pa sa kan’ya ang lalaki na gagabihin sa pag-uwi dahil may tinatapos pa na meeting sa Maynila. Akma na siya na tatayo nang lumabas naman si Lou buhat sa silid nito at nakataas din ang kilay na nakatingin sa kan’ya. "Huwag ka na kumilos diyan, sissy ko na buntis, ako na lamang ang magbubukas ng pintuan." Lumakad si Lou sa direksyon ng pintuan at patuloy pa rin sa pagsasalita. "Aba! Sino ‘yan at parang nagmamadali na mapagbuksan? Kapag si Papa Wy ito, humanda talaga siya sa akin at kukurutin ko siya sa kasingit-singitan niya sa pang-iistorbo niya at mga pa-epek niya." Naiiling na lamang
"Alam mo, Mikel, kung hindi lang talaga kita kaibigan, baka nakatikim ka na sa akin ng malupit-lupit na sapak na mga ilang araw ka rin na patutulugin nang mahimasmasan ka sa mga kalokohan at katarantaduhan na ginagawa mo!" Gigil na gigil na naman si Stan kay Mikel habang nagmamaneho siya. "Walanghiya! Ano ang akala mo sa Baguio, fifteen minutes away lang? Noon isang araw nagpunta ka pa roon na wala man lamang na pasabi. How did you even find her?" Sa totoo lamang ay sumasakit na ang ulo ni Stan sa katigasan ng ulo ng kaibigan niya na si Mikel. Noon isang araw ay tinakasan pa siya nito at pumunta sa apartment nila Tamara, only to end up broken-hearted and wasted again. Kaya kinailangan pa niya na pumunta ng Baguio the same night, para sunduin si Mikel na lasing na lasing sa bar. Tapos ito na naman silang dalawa ngayon, at bumibiyahe na naman pa-Baguio dahil kay Mikel. And he had no other choice than to accompany him, kaysa kung ano na naman ang tagpo na mangyari roon at magpaka-wasted