"Alam mo, Mikel, kung hindi lang talaga kita kaibigan, baka nakatikim ka na sa akin ng malupit-lupit na sapak na mga ilang araw ka rin na patutulugin nang mahimasmasan ka sa mga kalokohan at katarantaduhan na ginagawa mo!" Gigil na gigil na naman si Stan kay Mikel habang nagmamaneho siya. "Walanghiya! Ano ang akala mo sa Baguio, fifteen minutes away lang? Noon isang araw nagpunta ka pa roon na wala man lamang na pasabi. How did you even find her?" Sa totoo lamang ay sumasakit na ang ulo ni Stan sa katigasan ng ulo ng kaibigan niya na si Mikel. Noon isang araw ay tinakasan pa siya nito at pumunta sa apartment nila Tamara, only to end up broken-hearted and wasted again. Kaya kinailangan pa niya na pumunta ng Baguio the same night, para sunduin si Mikel na lasing na lasing sa bar. Tapos ito na naman silang dalawa ngayon, at bumibiyahe na naman pa-Baguio dahil kay Mikel. And he had no other choice than to accompany him, kaysa kung ano na naman ang tagpo na mangyari roon at magpaka-wasted
Tahimik na nakaupo sina Wyatt at Tamara sa may sala habang ang atensyon nila ay pareho na nasa mga laptop sa kanilang harapan. Ilan araw rin na naantala ang kanilang trabaho dahil sa pamamalagi ni Wyatt sa Maynila dahil sa nangyari sa kan’yang ina. Pero nang makalabas sa ospital ay agad na siya na bumalik sa Baguio para samahan si Tamara. And ever since he came back the other day, Wyatt has known that Tamara is in deep thought. Hindi lamang niya nga masigurado kung ano ang iniisip nito at pinoproblema. Nang umalis kasi siya ay balisa na si Tamara, kaya nakiusap pa siya sa kaibigan nila na si Lou na kausapin ang baby girl niya, pero ang sabi naman ni Lou ay wala naman daw problema at baka iniisip lamang ang nalalapit na panganganak ilang buwan mula ngayon. And Wyatt is really hoping that that's the only reason for Tamara. Hindi pa rin siya handa na sabihin kay Tamara ang naging paghaharap nila at pagbabanta ng pinsan niya, dahil ayaw na niya na makadagdag pa sa alalahanin iyon ni Tam
"Baby boy." Hinihimas-himas ni Tamara ang braso niya at pilit na pinapakalma ang naghuhurumentado na loob niya. At sa malambing na tono na iyon ay paano pa niya magagawa na tuluyan na magalit man lang sa ginawa nito na paglilihim sa kan'ya. "I am sorry, baby." Paano siya lubusan na magagalit, kung siya rin mismo ay may isinisikreto kay Tamara? Paano niya magagawa na sumbatan si Tamara, kung siya man ay hindi maamin sa ngayon ang mga ginawa ni Mikel? He is scared of so many things. He is scared of Mikel’s presence because he knows that he might lose her. However, because of Janine's pregnancy, ano ang balak gawin ni Mikel sa dalawang babae? Napabuntong hininga na lamang si Wyatt at saka dumilat at kinabig si Tamara palapit sa kan’ya. Hinalikan pa niya si Tam sa noo at malambing na yumakap rito. "Alam mo naman na hindi ko magagawa na magalit, diba? You know so well that even if you hurt me, I won't get mad at you. That’s because of how much I love you." Mas lalo tuloy ang naging paghi
"Kasalanan mo ito! This is all your fault, Mikel. Kayo ng kaibigan mo! Bakit ka pa kasi pumunta rito? Umalis ka na at huwag ninyo na kami guluhin pa ni Tamara." sigaw ni Wyatt kay Mikel. "Ano ang kasalanan ko? This is all your fault! Inilayo mo ang asawa ko sa akin!" ganti na sigaw rin naman ni Mikel sa kan’yang pinsan. "Ex-Wife, Mikel!" gigil na gigil si Wyatt at ayaw na magpapigil sa kan'yang galit. "Tanga ka ba talaga, bulag o sadya na baliw?! Nasa harapan mo na ang mga dokumento na magpapatunay sa katotohanan na asawa ko ang kinakalantari mo, ikaw pa rin ang malakas ang loob! Baka bangasan na kita riyan!" "Gawin mo! Sa tingin mo ay uurungan kita? Sa tingin mo ba ay mababawi mo sa akin ang baby girl ko? Ikaw ang tanga at nababaliw! Ako na nga ang pinipili, nagpupumilit ka pa na manghimasok sa amin!" "Walanghiya! Stop, you two cousins! Tang-ina! Nahimatay na nga ang babae na pinag-aagawan ninyong dalawa sa kakabangayan ninyo sa harapan niya, ay wala pa rin kayong tigil sa pagtat
Today is the day that the Lucero cousins will face-off. If it wasn’t for Stan’s presence that day, sigurado ang dalawa na halos magkakapatayan sila sa harapan ni Tamara. And for once, they are both thankful that Stan made the conscious decision to stand up against them both. Hindi madali ang magiging paghaharap nila na ito. Parehas na alam ng dalawa na magpinsan, that although they both have an advantage over the other, they are both still on the losing end. Sino nga ba ang tunay na nag mamay-ari kay Tamara sa punto na ito? Ang asawa ba niya sa papel, o ang asawa na bagama’t wala sa papel ay siyang kumuha ng responsibilidad at kasama niya ngayon na bumuo ng pamilya? Balisa at hindi mapakali si Wyatt habang hinihintay ang pagdating ng pinsan niya na si Mikel. Hindi alam ni Tamara ang magiging paghaharap nila na ito, pero mas nanaisin na ito ni Wyatt kaysa ang patuloy na maipit si Tamara sa pagitan nila ni Mikel. And he knows so well what he will say to his cousin. He will never give u
"Sissy, nakapag-usap na ba kayo ni baby boy mo?" Nag-aalinlangan na tanong ni Lou kay Tamara. Nasabi na ni Tamara ang lahat sa kaibigan niya at kahit si Lou ay hindi makapaniwala sa kaalaman na kasal pa rin siya kay Mikel. Umiling si Tamara bilang tugon. Wyatt didn’t open the conversation, and even if she wanted to, she doesn't have the guts to do so. Iniiwasan ni Wyatt na mapag-usapan nila ang tungkol kay Mikel at kahit na bumalik na ang lalaki sa Maynila ay hindi pa rin nila nagawa na makapag-usap ng masinsinan patungkol sa mga nangyari. "Pakiramdam ko ay iniiwasan ni Wyatt na pag-usapan namin ang mga katotohanan na iyon. Pakiramdam ko ay sadya rin siya na bumalik ng Maynila ngayon upang bigyan ako ng pagkakataon na makapag-isip." "Sissy." Lumapit si Lou sa kan’ya at umupo sa kan’yang tabi. "Bilib na ako sa sinasabi mo na lakas ng appeal mo. Biruin mo, dalawang guwapong-guwapo at macho na mga kalalakihan na magpinsan pa ay pinag-aagawan ka. Share your blessings, sissy. Puwede nama
Nang makapasok si Lou sa silid ay muli na hinarap ni Tamara si Mikel. "What are you doing here? Long overdue na yata ang pagpunta mo rito kung ngayon ka lang magpapaliwanag sa mga bomba na pinasabog mo rito. Umalis ka na, Mikel." Pagpapakipot pa ni Tamara kahit na gusto naman niya talaga na makapag-usap na sila ngayon. "Paulit-ulit ka naman, sweetie. I am here to see you. I am here to spend time with my wife." Titig na titig si Mikel sa kan'ya, kaya naman ang puso ni Tamara ay naglulumikot na naman sa kaba. "Are you okay, bu?" tanong pa ni Mikel sa kan’ya at inalalayan pa siya na makaupo. Alam ni Tamara na ito na ang oras upang makapag-usap sila ni Mikel. She had waited for this day after that fateful confrontation between them. Bukod sa pananatili nila na kasal sa isa't-isa ay gusto niya rin na maliwanagan sa mga bagay na sinabi ni Stan sa kan'ya patungkol sa totoo na relasyon nina Mikel at ni Janine. Napabuntong hininga siya at gumanti sa pagkakatitig ni Mikel sa kan'ya. "Let’s t
"Sissy, aalis na ako! Baka gabihin ako ng uwi mamaya. Nag-iwan naman na ako ng pagkain mo sa lamesa. Tawagan mo na lamang ako, o kaya ay i-text mo ako kung may problema." sigaw ni Lou sa akin habang ako ay nakahiga pa sa aking silid. "Sissy, narinig mo ba ako? Gising ka na ba?" "Sige, sissy! Mamaya na lamang din ako lalabas. Paki-lock mo na lamang ang pintuan. Ako na ang bahala, I’ll be okay." sigaw ko naman pabalik sa kan’ya. "Ingat, buntis! Huwag ka magpalakad-lakad at wala kang kasama rito." Habilin pa niya saka ko narinig ang yabag niya papalayo sa pintuan ng aking silid. Napabuntong hininga na lamang ako at nanatili sa pagkakahiga. Ilang araw na rin at hindi pa rin bumabalik si Wyatt buhat sa Maynila. At hindi pa rin talaga kami nakakapag-usap ng masinsinan sa mga nangyari at sa mga kaguluhan. Hindi ko na rin alam kung ano ba ang uunahin ko na isipin at problemahin sa dami ng aking mga alalahanin ngayon. Mabuti na lamang din at hindi pa ako muli na ginugulo ni Leonardo Lucero.
Maraming salamat po sa lahat ng suporta na ibinigay ninyo sa story ko na ito. Ito pa ay entry ko sa MBL contest ni GNPH. Kahit hindi po nanalo sa contest sapat na ang may mga nagbasa at sana po ay nagustuhan ninyo. Hindi perfect ang mga stories ko and I still have a long way to go, but the support that you are giving me warms my heart. Muli, maraming, maraming salamat sa suporta. Hanggang sa susunod po na kuwento. Pa-add din sa library ninyo and pa-support din po sa iba ko na story kay GN. The Invisible Love of Billionaire (Completed) My Back-up Boyfriend is a Mafia Boss (On-going) The Rise of the Fallen Ex-Wife (On-going) Falling for the Replacement Mistress (On-going)
Mikel Lucero and Tamara Ilustre had both never had a good and fulfilling family life. Pareho sila na pinagkaitan ng tadhana na maranasan ang isang masaya at tunay na pamilya. But that was before. Dahil ngayon ay binawi naman ng tadhana ang lahat ng paghihirap na ibinigay sa kanila noon. At bawing-bawi sila sa kasiyahan sa buhay pamilya na mayro’n silang dalawa ngayon. Hindi nila akalain na ang mga problema na tinakbuhan nila ay ang siya rin na magiging dahilan upang magtagpo at magbuklod ang mga landas nila. They were both tested on how far they could hold on to a fake relationship that they had started. And looking back, it started out as a fake marriage, but the emotions and feelings they both felt all throughout their married life were actually genuine. At paulit-ulit nila na ipaparamdam sa isa’t-isa, na kahit isang pagkakamali ang pagsisimula nila, patuloy rin iyon na magiging isang pinakamaganda na pagkakamali sa buhay nilang dalawa. Mikel ran away from problems, but he met and
The Lucero’s. That’s what we are. Kahapon lamang ay natapos na ang binyag ni Mirakel at pormal na rin namin siya na ipinakilala ni Tamara sa aming mga kapamilya at kaibigan. It was a joyous event that was shared with those special to us. Bidang-bida sa okasyon na iyon siyempre ang aming prinsesa na si Mira. It has been three months since our little princess was born. At sa loob ng tatlong buwan na iyon ay sinigurado ko na katulong ako ni Tamara sa bawat paghihirap at pagpupuyat niya. It was never easy for her, lalo na at breastfeeding mom siya, kaya lahat ng kaya ko na suporta ay ibinibigay ko sa kan’ya. Tamara and I are still slowly adjusting to being parents. A tough but very fulfilling job at that. And I wouldn’t trade it for anything in the world. At ipinapangako ko, I wouldn’t be anywhere near what my father is. Ang buong buhay ko ay ilalaan ko para sa mag-ina ko at sa iba pa namin na magiging anak sa hinaharap. Slowly now, the broken pieces of my life are being restored. At
"Diane, nasa opisina niya ba ang magaling na amo mo?" tanong ni Wyatt sa sekretarya ni Mikel na si Diane. "Ay, Sir Wyatt, oo, kadarating lang, pero aalis din agad at kukunin lang daw niya ang ilang mga dokumento na hindi nadala ni Sir Stan sa kanila kahapon." Inginuso pa nito ang direksyon ng opisina kay Wyatt. Tumango naman si Wyatt at isinenyas sa sekretarya na pupuntahan na niya. "Pasok na ako." "Huwag mo painitin ang ulo, Sir Wyatt, ha, good mood siya." "Ikaw talaga, Diane." Kumindat pa si Wyatt saka nagdiretso sa opisina ng pinsan niya. Hindi na siya kumatok pa at basta na lamang na pumasok sa silid. At doon ay naabutan niya si Mikel na nakasandal sa upuan nito at nakapikit. "You look exhausted. Sino ang pumagod sa’yo, ang reyna o ang prinsesa mo?" Dumilat si Mikel nang marinig ang boses ni Wyatt. "Ano ang ginagawa mo rito?" Balik-tanong niya na hindi na sinagot ang nauna na tanong ni Wyatt sa kan'ya. "To talk to you." Maangas na sagot ni Wyatt sa kan’ya na lumakad at umupo
Palakad-lakad sa pasilyo ng ospital si Mikel. Hindi siya mapakali sa kaka-isip sa kan’yang mag-ina. Kanina pa naipasok si Tamara sa loob at ang sabi ng doktora na maghintay na lamang siya. At sa totoo lamang ay sobra ang kaba niya ngayon. Not for himself but for his wife. Ganito pala ang kaba na nararamdaman ng mga asawa at ang halo-halo na emosyon na lumulukob sa kan’ya ngayon ay hindi niya talaga maipaliwanag. "Everything is going to be okay, Mikel." Lumapit sa kan’ya si Wyatt at tinapik pa siya sa balikat. Si Wyatt ang una na natawagan ni manang kanina na agad din na napasugod sa ospital nang malaman na manganganak na nga si Tamara. "She is a strong woman. She is well prepared for this." "It just feels so surreal that she is coming." sagot na lamang niya, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya talaga mapaniwalaan na lalabas na ang anak niya. "I’ve prepared for this day. Pero kanina, wala sa mga kahit na ano na plano ko ang nagawa ko, dahil sa pagkataranta ko. And everything I
Mahimbing na ang tulog ni Tamara nang pumasok si Mikel sa kanilang silid. Naging abala kasi siya matapos nila na maghapunan sa inaayos niya na gamit sa silid ng kanilang prinsesa. At dala marahil ng pagod dahil sa pamimili nila ni Tamara ng mga gamit ng bata kanina, ay hindi na siya nahintay pa ng asawa niya. Napangiti na lamang si Mikel na marahan na lumapit at tumabi kay Tamara. Wala sa kanilang plano ang magtungo sa mall at mamili, pero ano nga ba ang aasahan niya sa kan’yang asawa na lagi ay walang kaplano-plano at lahat ay dinaraan sa pabigla-bigla. Aba’y, kahit nga ang kasal nila noon ay naging pabigla-bigla, pero hindi niya na iyon pinagsisisihan pa sa ngayon. Itinawag pa nga niya sa doktora ni Tamara kung puwede pa ba na mamasyal at maglakad-lakad ang asawa niya, na sinang-ayunan naman ng doktora nila upang mas maging madali raw ang panganganak nito at hindi gaano na mahirapan. At kitang-kita niya ang saya ni Tamara kanina habang sila ay namimili. Inilibot niya ang kan’ya
Nagising ako na wala na si Mikel sa aking tabi. Nang sulyapan ko ang orasan sa aming silid ay maaga pa naman, kaya nagtataka na ako kung nasaan na naman ang asawa ko. Hindi na ako sanay na gumising na wala siya sa aking tabi o ang hindi man lamang maramdaman ang pagpapaalam niya sa akin kapag kinakailangan niya nang umalis at pumunta sa opisina. I am becoming clingy to Mikel with each passing day. I don't want to be too dependent on him, but I just can’t help it. Hindi ko maiwasan na lagi na lamang nakadepende sa kan’ya dahil kagaya lamang ng dati ay malimit na rito siya sa bahay na nagtatrabaho ngayon. Ayaw na rin niya ako na iwan dito kasama si manang lamang dahil baka raw bigla na lamang ako na mapaanak lalo na at sinabi ni doktora na hindi sakto sa due date ang labas ng aming prinsesa. At sa bawat araw na magkasama kami ay ramdam na ramdam ko ang kasiyahan sa puso ko. Everything is falling perfectly into place in its own time. Hindi pa man gano’n na maayos ang lahat, pero malapit
Isang linggo matapos ang araw na tuluyan nang nagtapos ang kasamaan ni Leonardo Lucero, unti-unti na rin na inaayos nina Mikel at Tamara ang buhay nila. Kasabay sa pagkakakulong ni Leonardo ay ang pagsuko at pagkakakulong din ni Chad upang pagbayaran ang nakaraan niya na kasalanan na pagtatangka kay Tamara. Dahil sa pagtulong na ginawa ni Chad upang mailigtas si Tamara ay nais siya na piyansahan ni Mikel at iurong na ang kaso laban sa ginawa niya kay Tamara noon, ngunit mariin na tinanggihan ni Chad iyon. Nais na rin niya na magbagong buhay kaya nais niya na pagdusahan ang mga kasalanan na nagawa niya sa kan'yang kapatid. And maybe it is really the best for him. Ang mga magulang ni Tamara naman ay lalo na nagalit sa kan'ya dahil sa pagkakakulong ni Chad. Tuluyan na siya na itinakwil ng sariling magulang niya dahil nawala pa lalo ang magsusuporta sa mga pangangailangan nila. Ngunit hindi na iyon mahalaga pa sa kan’ya. Matagal nang natanggap ni Tamara na hindi siya importante sa kan’ya
"Gago ka kung inaakala mo na ibibigay ko sa’yo ang asawa ko." Matapang na sagot ni Mikel sa ama niya. Nanginginig ang mga kamay ni Tamara na nananatili na nakahawak sa kan’ya. And he hates his father even more for causing this extreme fear in his wife. "Asawa mo? Hindi ba at matagal na kayong hiwalay? Hindi ba at may ibang babae ka na rin? Iyon abogada na nag-ayos ng paghihiwalay ninyo, nagkakamabutihan na kayo, hindi ba? Kaya ka nga naungusan na ni Wyatt na lagyan ng laman ang tiyan ng asawa mo dahil sa ibang babae na rin ang pinili mo." Sa mga narinig na iyon ni Tamara ay napadiin ang pagkakakapit niya sa kamay ni Mikel. Hindi dahil sa sa pag-aakala ni Leonardo na anak ni Wyatt ang anak nila ni Mikel, kung hindi sa sinabi nito na may ibang babae na si Mikel. Napasulyap siya sa kan'yang asawa, na ang sentro ng atensyon ay nasa ama pa rin nito. Nagpupuyos ang kalooban niya ngayon, hindi niya lamang matiyak kung kanino sa mag-ama na Lucero siya nanggagalaiti na naman. At sisiguraduhin