Nang makapasok si Lou sa silid ay muli na hinarap ni Tamara si Mikel. "What are you doing here? Long overdue na yata ang pagpunta mo rito kung ngayon ka lang magpapaliwanag sa mga bomba na pinasabog mo rito. Umalis ka na, Mikel." Pagpapakipot pa ni Tamara kahit na gusto naman niya talaga na makapag-usap na sila ngayon. "Paulit-ulit ka naman, sweetie. I am here to see you. I am here to spend time with my wife." Titig na titig si Mikel sa kan'ya, kaya naman ang puso ni Tamara ay naglulumikot na naman sa kaba. "Are you okay, bu?" tanong pa ni Mikel sa kan’ya at inalalayan pa siya na makaupo. Alam ni Tamara na ito na ang oras upang makapag-usap sila ni Mikel. She had waited for this day after that fateful confrontation between them. Bukod sa pananatili nila na kasal sa isa't-isa ay gusto niya rin na maliwanagan sa mga bagay na sinabi ni Stan sa kan'ya patungkol sa totoo na relasyon nina Mikel at ni Janine. Napabuntong hininga siya at gumanti sa pagkakatitig ni Mikel sa kan'ya. "Let’s t
"Sissy, aalis na ako! Baka gabihin ako ng uwi mamaya. Nag-iwan naman na ako ng pagkain mo sa lamesa. Tawagan mo na lamang ako, o kaya ay i-text mo ako kung may problema." sigaw ni Lou sa akin habang ako ay nakahiga pa sa aking silid. "Sissy, narinig mo ba ako? Gising ka na ba?" "Sige, sissy! Mamaya na lamang din ako lalabas. Paki-lock mo na lamang ang pintuan. Ako na ang bahala, I’ll be okay." sigaw ko naman pabalik sa kan’ya. "Ingat, buntis! Huwag ka magpalakad-lakad at wala kang kasama rito." Habilin pa niya saka ko narinig ang yabag niya papalayo sa pintuan ng aking silid. Napabuntong hininga na lamang ako at nanatili sa pagkakahiga. Ilang araw na rin at hindi pa rin bumabalik si Wyatt buhat sa Maynila. At hindi pa rin talaga kami nakakapag-usap ng masinsinan sa mga nangyari at sa mga kaguluhan. Hindi ko na rin alam kung ano ba ang uunahin ko na isipin at problemahin sa dami ng aking mga alalahanin ngayon. Mabuti na lamang din at hindi pa ako muli na ginugulo ni Leonardo Lucero.
Napasimangot naman si Mikel kasunod ng muli ay pagkagat sa kan’yang labi. Lintik naman talaga si Mikel! Inaakit niya ba ako talaga? Kasi baka matukso na talaga ako, susme malaki na kasalanan talaga kapag nangyari iyon. "Nagluto naman ako ng almusal mo. Ayaw mo ng pandesal, diba? Hotdog and eggs kaya, gusto mo ba?" Taas-baba pa ang kilay niya sa akin. Lekat talaga! Bakit ang laswa nang naiisip ko sa pa-hotdog and eggs ni Mikel? Hindi ko tuloy maiwasan na mapatitig sa kan’ya at mapasadahan siya ng tingin. At muli na nanumbalik sa akin ang mga panahon na lagi pa kami na magkasama. Noon mga panahon na punong-puno pa kami ng pagmamahal at pagnanasa sa isa’t-isa. Ngayon ba ay hindi na? "Sweetie, ayos ka lang ba. Why are you staring at me like that?" Ang boses ni Mikel ang nagpabalik sa akin sa katinuan mula sa pagkakatitig ko na iyon sa kan’ya. I cleared my throat and pretended to feel annoyed at his presence instead. Baka mahalata pa niya na iba ang naiisip ko ay mas lalo na kahiya-hiy
"Baby boy." Tahimik na nakaupo si Wyatt sa may sala habang kinakalikot ang kan’yang telepono nang tawagin at lapitan siya ni Tamara. Nag-angat siya ng mukha at malambing na ngumiti sa babae sa kan’yang harapan. "Yes, baby girl?" sagot niya habang hindi pa rin inaalis ang ngiti sa kan’yang mukha. "Iniiwasan mo ba ako?" Pa-ismid na tanong ni Tamara sa kan’ya na umupo sa kanyang tabi at kinuha ang kan’yang braso para ilagay sa balikat nito. "At bakit mo ako iniiwasan, baby boy? Galit ka ba sa akin?" Natatawa-tawa si Wyatt na hinapit papalapit sa kan’ya si Tamara. "Tanong mo, sagot mo na rin? Hindi ka na naman na makahintay sa sagot ko. Advance ka talaga na mag-isip." "Sagutin mo na nga kasi, baby. Bakit mo ako iniiwasan?" ulit ni Tamara sa kan'yang tanong kay Wyatt. "Hindi ah! Mapagbintang ka talaga kahit na kailan, baby girl. Busy lang talaga ako sa mga nakalipas na araw." Pagdadahilan naman ni Wyatt, kahit na alam na alam ni Tamara na hindi iyon ang totoo. Hinarap siya ni Tamara a
After that serious talk they had, Wyatt chose to give Tamara space. A space for her to be able to think clearly about things without him weighing her down. Alam ni Wyatt na nahihirapan si Tamara dahil sa presensya niya sa buhay nito, kaya pilit na binabalewala ni Tamara ang totoo na nararamdaman niya. And once again, Wyatt felt the need to give Tamara her happiness, even if it meant his sadness. And as he always says, that is what true love is. Kaya kung ang kasiyahan na iyon ay si Mikel, ibibigay niya, basta maging totoo lamang si Tamara sa kan’yang sarili at kan’yang nararamdaman. Kaya naman isang araw matapos ang pag-uusap nila na iyon ay bumalik ng Maynila si Wyatt. Ayaw ni Tamara, but it was the least that she could do for Wyatt. Sobra-sobra na rin ang ginagawa ni Wyatt na mga sakripisyo para sa kan’ya. And until this time, Wyatt was choosing her over his own feelings. And she can't thank him enough for doing so. Kaya naman ito ngayon si Tamara, napagpasyahan niya na magpunta sa
"Good morning, my misis! Are you ready for our plans today?" Nakangiti na bungad ni Mikel kay Tamara nang pagbuksan niya ng pintuan ang lalaki na umagang-umaga na naman ay narito sa apartment nila. After that day at the mall, they just became closer, but not close enough for her to tell him the truth. She said sorry, but she never told him why. All she knows is that Mikel deserves an apology from her as well. "Ang aga mo naman ngayon. Mamaya pa ang lakad natin. Huwag mo sabihin na nag-jogging ka na naman kaya napakaaga mo?" Pinasadahan ni Tamara ng tingin si Mikel at siyempre hindi niya maiwasan na kiligin sa magandang tanawin sa kan’yang harapan. Naka-casual clothes lamang si Mikel ngayon at labas na labas na naman ang kaguwapuhan nito at kamachohan. "Alam ko na wala kang kasama ngayon. Nag-text sa akin si Lou na agahan ko na raw ang punta rito dahil may pasok na naman siya at maaga siya na aalis. Kaya maaga ako ngayon, at nagdala ako ng almusal mo!" Itinaas pa ni Mikel ang supot n
"You are the father of my baby, Mikel." Paulit-ulit na naririnig ni Mikel ang mga salita na ito kahit isang beses lamang iyon na sinabi ni Tamara. Wala siya na naging pagtugon at hindi alam kung tama ba ang kan'yang narinig. Nanatili lamang siya na nakatitig sa babae na nasa harapan niya na nangingilid ang mga luha at patuloy sa mabilis na pagtaas at baba ang dibdib. She is nervous and he knows that. Nais na magsalita ni Mikel upang kumpirmahin ang kan’yang narinig, pero walang salita ang namumutawi sa kan’yang labi. Gaya ni Tamara ay patuloy lamang ang mabilis na pagtaas at baba ng kan’yang dibdib dahil sa paghahabol niya ng kan’yang hininga dahil sa mabilis rin na pagtibok ng puso niya. "Mikel, please say something." Mahina na salita ni Tamara na ngayon ay nakahawak na sa kan’yang dibdib dala marahil ng labis na kaba rin na nararamdaman nito. Mikel licked his lips while just continuing to stare at Tamara. Nanunuyo na rin ang kan’yang lalamunan at tangi na sunod-sunod na paglunok
After a few minutes of silence, Mikel was able to find his voice again. "The baby is mine." That was a statement and not a question coming from him. And Tamara could only nod her head in response. "Shit! It was mine all along." dagdag pa ni Mikel. "Anak ko siya." Paulit-ulit si Mikel na parang nawawala sa sarili dahil hindi pa rin niya mapaniwalaan ang katotohanan na iyon. And slowly, upon realizing those words that Tamara just said, a smile formed on his face. "The baby is mine. I have a child! Shit! I thought I lost one, but I have a child!" Paulit-ulit siya sa kan'yang sinasabi dahil hindi niya maipaliwanag ang saya na nararamdaman niya ngayon. He never expected this. He never thought it was possible. But it is, and he only has that truth to believe in. And Tamara saw how happy Mikel was to know that truth. Masaya si Mikel sa katotohanan tungkol sa bata. Masayang-masaya si Mikel sa anak nila, at gano'n din ang nararamdaman niya. Ang hindi lamang sigurado ni Tamara ngayon ay kung