"Good morning, peaches!" Ito ang masaya at nakangiti na bungad ni Wyatt kay Tamara nang makalabas siya ng kan’yang silid. Sa mga nakalipas na linggo ay malimit siya na binibisita ni Wyatt dito sa tinutuluayn nila ni Lou at madalas na kung ano-ano ang bitbit nito para sa kan’ya. "Nandito ka na naman? Wala ka bang trabaho? Hindi ka ba napapagod na bumiyahe halos linggo-linggo? Kamuntik na nga na maging araw-araw, eh." tugon ni Tamara habang inaabot ang mga bitbit ni Wyatt na pasalubong para sa kan’ya. "Wow, mga paborito ko!" "Nagrereklamo ka pa, tapos tuwang-tuwa ka naman sa mga pasalubong ko parati." Lumapit sa kan’ya si Wyatt at kinulong siya nito sa mga bisig niya. "I miss you!" "OA! Miss na agad, kakapunta mo nga lang dito no’n isang araw." Hinampas pa niya si Wyatt sa braso at bahagya na lumayo sa lalaki. "Panira ka talaga ng moment kahit kailan! Halika na nga, kumain ka na nga ng almusal." Yaya sa kan’ya ni Wyatt na hinatak pa siya patungo sa may lamesa. Wyatt has been very c
Naguguluhan man si Tamara sa inaasta nito ay tumango na laman siya at tinanaw ang papalayo na si Wyatt. Nang makaalis si Wyatt ay pinagtuunan na lamang niya ng pansin ang pagkain. Habang kumakain siya ay hindi maiwasan na maisip ni Tamara ang mga kakaiba na ikinikilos ni Wyatt sa kan’ya. Ayaw niya na mag-assume na naman, at magkamali na naman ulit ng pakahulugan, pero iba talaga ang nararamdaman niya. They may be best friends. Pero parang sobra na sa pagiging matalik na magkaibigan ang trato sa kan’ya ni Wyatt, at kahit na si Lou ay napapansin na rin iyon. Pero noon pa man ay gano’n na siya pakitunguhan ni Wyatt, kaya malamang ay hindi niya dapat na binibigyan ng mali na pakahulugan ang mga bagay na iyon. Pero paano kung tama pala ang naiisip niya? Ano ang isasagot niya? Napahimas na lamang si Tamara sa kan’yang sentido. Bakit nga ba niya iniisip at pinoproblema ang mga bagay na hindi naman pa nangyayari? Maybe she should just cross the bridge when she gets there. Nagpatuloy siya s
"Peaches, I'm home!" Ngiting-ngiti na bungad ni Wyatt buhat sa may pintuan habang may bitbit pa na isang supot ng mga iba’t-ibang klase ng prutas na kabilin-bilinan ni Tamara sa kan’ya. Nais daw kasi nito na mag fruit salad at kailangan na fresh fruits ang gamit niya, kaya kung saan-saan pa siya na grocery na dumaan at nagpunta para lamang masunod ang hiling ng buntis. "Ayiee! Thank you, my baby boy!" Kilig na kilig pa si Tamara na lumapit sa kan’ya habang pahimas-himas sa bilugan nito na tiyan. "Na-miss kita." Kinindatan pa siya ni Tamara kaya naiiling na lamang si Wyatt sa kan’ya. "Ano na naman ang dagdag na request mo, baby girl? Sigurado ako na may gusto ka na naman kaya ang bait-bait mo sa akin ngayon." Ginawaran siya ng halik ni Wyatt sa pisngi at sa noo at mabilis naman na yumakap si Tamara sa beywang ng lalaki. "Grabe naman ang sobra na pag-judge mo sa akin. Hindi ba at businessman ka, bakit naging hukom ka na ngayon?" Patuloy pa sa pagtaas-baba ang kilay ni Tamara at halata
Hindi alam ni Leonardo Lucero kung maiinis, o matutuwa siya sa kan’yang nalaman. Kararating lamang sa kan’ya ng balita na wala na sa poder ng anak niya ang asawa nito. Ang babae na pinagnanasahan niya at nais niya na magsilang ng kan’yang tagapagmana. Ang bali-balita ay naghiwalay na raw ang dalawa. Sinubukan niya na kumpirmahin kay Chad ang balita na iyon, pero ang hangal na lalaki ay walang kaalam-alam patungkol sa kapatid niya. Kung kailan pa naman na wala siya sa Maynila ay roon pa nakarating sa kan’ya ang impormasyon na iyon. Kung hindi pa siya tinawagan ng kan’yang kumpadre at kinukumpirma sa kan’ya ang katotohanan ay hindi niya malalaman. Ang sabi pa nito ay mahigit anim na buwan na rin yata na hiwalay ang dalawa dahil madalas nang nakikita si Mikel na kasa-kasama ang kaibigan nito na abogada. Naiinis man siya na nahuli na siya sa balita ay nakita niya na isang magandang oportunidad ang paghihiwalay ng mag-asawa upang maisakatuparan na niya ang kan’yang mga plano para kay T
Nanginginig ang mga kamay ko at panay-panay ang paglunok na ginagawa ko. Nanunuyo ang lalamunan ko kasabay sa mabilis na pagtibok ng puso ko. Alam ko na hindi ako dapat nababahala ng ganito, pero hindi ko maiwasan. Hindi ko na nga rin alam kung paano ko nagagawa na makapaglakad papunta sa sasakyan ni Wyatt. My mind is in chaos. And it is all because of just one person: Leonardo Lucero. Ang ama ni Mikel at ang matandang manyakis na bumili rin sa akin buhat sa aking pamilya. "Baby, relax. Breathe in and breathe out." bulong sa akin ni Wyatt habang ang kan’yang isang braso ay nakapulupot sa beywang ko upang bigyan ako ng sapat na lakas at ang isa naman ay nakahawak sa aking kamay. Hindi ako makatugon sa kan'ya at patuloy lamang ang pagtaas-baba ng dibdib ko dahil sa paghahabol ko sa aking hininga na pakiramdam ko ay unti-unti nang nauubos dahil sa sobra na bilis ng tibok ng puso ko. "Baby, Tamara, listen to me. Breathe, baby. You need to breathe for our baby." Sandali ako na natigila
Isang tawag ang natanggap ni Mikel kanina habang siya ay nasa opisina. Isang tawag na lubha na nagpagulo sa kan’yang sistema. Ang dami na naman ng mga tumatakbo sa kan’yang isipan at hindi siya sigurado kung ano ang kan’yang mararamdaman. Ilang buwan na rin ang lumipas simula ng huli sila na magkita, at ngayon dahil sa kan’yang balita na narinig ay napupuno na naman muli ng galit ang puso niya. Bumabalik sa kan’ya ang mga nakaraan na pilit niya nang kinakalimutan. And it just shows that he can never really move on and forget. Nang matanggap ang tawag na iyon, isa lang ang pumasok sa isipan niya, he needs to see her. Kailangan nila na magkaharap-harap at ngayon na ang tamang panahon para mangyari iyon. Kaya naman kasama si Stan ay bumibiyahe sila upang puntahan ang babae na matagal niya nang hinahanap. Sinubukan pa siya na pigilan ni Stan, pero wala rin nagawa ang kan’yang kaibigan lalo na at desidido siya na harapin ang babae na noon pa niya ninais na makita. "Mikel, pinapaalalahan
Hindi alam ni Mikel kung ano ang reaksyon ng kan’yang mukha nang mapasadahan ng tingin ang mukha ng babae na matagal na niya na ninais na makita. "Mi-Mikel" pabulong nito na tawag sa pangalan niya nang makalapit siya rito. Muli pa na tinitigan ni Mikel ang babae sa kan’yang harapan at gaya sa sinabi sa kan’ya, ay buntis nga siya. "Surprised to see me? You think you can simply walk away and turn your back on me?" May diin sa bawat mga salita na lumalabas sa bibig ni Mikel. "I-I’m sorry." Nauutal na sagot sa kan’ya ng babae. "Sorry? Sorry for what? Sorry for being pregnant while I lost my child? Sorry for ruining my life? Masaya ka ba, Janine? Masaya ka na ba na sinira mo ang buhay ko? Are you happy that you killed my angel and ruined my married life?" Sunod-sunod na tanong ni Mikel kay Janine na wala nang naging tugon sa kan’ya kung hindi ang lumuha na lamang. "Mikel." Pagpipigil ni Stan sa kan’ya na tinapik pa siya sa balikat. Naikuyom na lamang ni Mikel ang kan’yang kamao dahil k
Hanggang ngayon ay hindi makahuma si Leonardo Lucero sa kaalaman na nakuha niya buhat sa kan’yang biyahe sa Baguio ilang araw na ang nakakalipas. Hindi niya inaasahan na roon niya rin mahahanap ang babae na bumabaliw sa kan’ya hanggang sa ngayon. At tuluyan na nga yata siya na mababaliw talaga sa kaalaman na ang nakabuntis pa rito ay ang sarili na pamangkin pa niya. Nagngingitngit na naman siya na matapos niya na maging karibal ang anak niya, ay heto naman ngayon at pamangkin pa niya ang isa na naman na panggulo sa mga plano niya. At ang mas matindi pa roon ay ang katotohanan na naunahan pa siya ng pesteng si Wyatt na iyon na magpunla ng kan’yang semilya kay Tamara! "P*****a!" Padabog na itinapon niya ang mga papeles na hawak-hawak niya sa kan’yang lamesa. Hindi niya magawa na pagtuunan ng pansin ang kan’yang trabaho dahil sa kaalaman na iyon. Hindi niya matatanggap na nagpabuntis si Tamara kay Wyatt. Bakit kay Wyatt pa na walang-wala sa yaman nila ng anak niya na si Mikel? Nang ma
Maraming salamat po sa lahat ng suporta na ibinigay ninyo sa story ko na ito. Ito pa ay entry ko sa MBL contest ni GNPH. Kahit hindi po nanalo sa contest sapat na ang may mga nagbasa at sana po ay nagustuhan ninyo. Hindi perfect ang mga stories ko and I still have a long way to go, but the support that you are giving me warms my heart. Muli, maraming, maraming salamat sa suporta. Hanggang sa susunod po na kuwento. Pa-add din sa library ninyo and pa-support din po sa iba ko na story kay GN. The Invisible Love of Billionaire (Completed) My Back-up Boyfriend is a Mafia Boss (On-going) The Rise of the Fallen Ex-Wife (On-going) Falling for the Replacement Mistress (On-going)
Mikel Lucero and Tamara Ilustre had both never had a good and fulfilling family life. Pareho sila na pinagkaitan ng tadhana na maranasan ang isang masaya at tunay na pamilya. But that was before. Dahil ngayon ay binawi naman ng tadhana ang lahat ng paghihirap na ibinigay sa kanila noon. At bawing-bawi sila sa kasiyahan sa buhay pamilya na mayro’n silang dalawa ngayon. Hindi nila akalain na ang mga problema na tinakbuhan nila ay ang siya rin na magiging dahilan upang magtagpo at magbuklod ang mga landas nila. They were both tested on how far they could hold on to a fake relationship that they had started. And looking back, it started out as a fake marriage, but the emotions and feelings they both felt all throughout their married life were actually genuine. At paulit-ulit nila na ipaparamdam sa isa’t-isa, na kahit isang pagkakamali ang pagsisimula nila, patuloy rin iyon na magiging isang pinakamaganda na pagkakamali sa buhay nilang dalawa. Mikel ran away from problems, but he met and
The Lucero’s. That’s what we are. Kahapon lamang ay natapos na ang binyag ni Mirakel at pormal na rin namin siya na ipinakilala ni Tamara sa aming mga kapamilya at kaibigan. It was a joyous event that was shared with those special to us. Bidang-bida sa okasyon na iyon siyempre ang aming prinsesa na si Mira. It has been three months since our little princess was born. At sa loob ng tatlong buwan na iyon ay sinigurado ko na katulong ako ni Tamara sa bawat paghihirap at pagpupuyat niya. It was never easy for her, lalo na at breastfeeding mom siya, kaya lahat ng kaya ko na suporta ay ibinibigay ko sa kan’ya. Tamara and I are still slowly adjusting to being parents. A tough but very fulfilling job at that. And I wouldn’t trade it for anything in the world. At ipinapangako ko, I wouldn’t be anywhere near what my father is. Ang buong buhay ko ay ilalaan ko para sa mag-ina ko at sa iba pa namin na magiging anak sa hinaharap. Slowly now, the broken pieces of my life are being restored. At
"Diane, nasa opisina niya ba ang magaling na amo mo?" tanong ni Wyatt sa sekretarya ni Mikel na si Diane. "Ay, Sir Wyatt, oo, kadarating lang, pero aalis din agad at kukunin lang daw niya ang ilang mga dokumento na hindi nadala ni Sir Stan sa kanila kahapon." Inginuso pa nito ang direksyon ng opisina kay Wyatt. Tumango naman si Wyatt at isinenyas sa sekretarya na pupuntahan na niya. "Pasok na ako." "Huwag mo painitin ang ulo, Sir Wyatt, ha, good mood siya." "Ikaw talaga, Diane." Kumindat pa si Wyatt saka nagdiretso sa opisina ng pinsan niya. Hindi na siya kumatok pa at basta na lamang na pumasok sa silid. At doon ay naabutan niya si Mikel na nakasandal sa upuan nito at nakapikit. "You look exhausted. Sino ang pumagod sa’yo, ang reyna o ang prinsesa mo?" Dumilat si Mikel nang marinig ang boses ni Wyatt. "Ano ang ginagawa mo rito?" Balik-tanong niya na hindi na sinagot ang nauna na tanong ni Wyatt sa kan'ya. "To talk to you." Maangas na sagot ni Wyatt sa kan’ya na lumakad at umupo
Palakad-lakad sa pasilyo ng ospital si Mikel. Hindi siya mapakali sa kaka-isip sa kan’yang mag-ina. Kanina pa naipasok si Tamara sa loob at ang sabi ng doktora na maghintay na lamang siya. At sa totoo lamang ay sobra ang kaba niya ngayon. Not for himself but for his wife. Ganito pala ang kaba na nararamdaman ng mga asawa at ang halo-halo na emosyon na lumulukob sa kan’ya ngayon ay hindi niya talaga maipaliwanag. "Everything is going to be okay, Mikel." Lumapit sa kan’ya si Wyatt at tinapik pa siya sa balikat. Si Wyatt ang una na natawagan ni manang kanina na agad din na napasugod sa ospital nang malaman na manganganak na nga si Tamara. "She is a strong woman. She is well prepared for this." "It just feels so surreal that she is coming." sagot na lamang niya, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya talaga mapaniwalaan na lalabas na ang anak niya. "I’ve prepared for this day. Pero kanina, wala sa mga kahit na ano na plano ko ang nagawa ko, dahil sa pagkataranta ko. And everything I
Mahimbing na ang tulog ni Tamara nang pumasok si Mikel sa kanilang silid. Naging abala kasi siya matapos nila na maghapunan sa inaayos niya na gamit sa silid ng kanilang prinsesa. At dala marahil ng pagod dahil sa pamimili nila ni Tamara ng mga gamit ng bata kanina, ay hindi na siya nahintay pa ng asawa niya. Napangiti na lamang si Mikel na marahan na lumapit at tumabi kay Tamara. Wala sa kanilang plano ang magtungo sa mall at mamili, pero ano nga ba ang aasahan niya sa kan’yang asawa na lagi ay walang kaplano-plano at lahat ay dinaraan sa pabigla-bigla. Aba’y, kahit nga ang kasal nila noon ay naging pabigla-bigla, pero hindi niya na iyon pinagsisisihan pa sa ngayon. Itinawag pa nga niya sa doktora ni Tamara kung puwede pa ba na mamasyal at maglakad-lakad ang asawa niya, na sinang-ayunan naman ng doktora nila upang mas maging madali raw ang panganganak nito at hindi gaano na mahirapan. At kitang-kita niya ang saya ni Tamara kanina habang sila ay namimili. Inilibot niya ang kan’ya
Nagising ako na wala na si Mikel sa aking tabi. Nang sulyapan ko ang orasan sa aming silid ay maaga pa naman, kaya nagtataka na ako kung nasaan na naman ang asawa ko. Hindi na ako sanay na gumising na wala siya sa aking tabi o ang hindi man lamang maramdaman ang pagpapaalam niya sa akin kapag kinakailangan niya nang umalis at pumunta sa opisina. I am becoming clingy to Mikel with each passing day. I don't want to be too dependent on him, but I just can’t help it. Hindi ko maiwasan na lagi na lamang nakadepende sa kan’ya dahil kagaya lamang ng dati ay malimit na rito siya sa bahay na nagtatrabaho ngayon. Ayaw na rin niya ako na iwan dito kasama si manang lamang dahil baka raw bigla na lamang ako na mapaanak lalo na at sinabi ni doktora na hindi sakto sa due date ang labas ng aming prinsesa. At sa bawat araw na magkasama kami ay ramdam na ramdam ko ang kasiyahan sa puso ko. Everything is falling perfectly into place in its own time. Hindi pa man gano’n na maayos ang lahat, pero malapit
Isang linggo matapos ang araw na tuluyan nang nagtapos ang kasamaan ni Leonardo Lucero, unti-unti na rin na inaayos nina Mikel at Tamara ang buhay nila. Kasabay sa pagkakakulong ni Leonardo ay ang pagsuko at pagkakakulong din ni Chad upang pagbayaran ang nakaraan niya na kasalanan na pagtatangka kay Tamara. Dahil sa pagtulong na ginawa ni Chad upang mailigtas si Tamara ay nais siya na piyansahan ni Mikel at iurong na ang kaso laban sa ginawa niya kay Tamara noon, ngunit mariin na tinanggihan ni Chad iyon. Nais na rin niya na magbagong buhay kaya nais niya na pagdusahan ang mga kasalanan na nagawa niya sa kan'yang kapatid. And maybe it is really the best for him. Ang mga magulang ni Tamara naman ay lalo na nagalit sa kan'ya dahil sa pagkakakulong ni Chad. Tuluyan na siya na itinakwil ng sariling magulang niya dahil nawala pa lalo ang magsusuporta sa mga pangangailangan nila. Ngunit hindi na iyon mahalaga pa sa kan’ya. Matagal nang natanggap ni Tamara na hindi siya importante sa kan’ya
"Gago ka kung inaakala mo na ibibigay ko sa’yo ang asawa ko." Matapang na sagot ni Mikel sa ama niya. Nanginginig ang mga kamay ni Tamara na nananatili na nakahawak sa kan’ya. And he hates his father even more for causing this extreme fear in his wife. "Asawa mo? Hindi ba at matagal na kayong hiwalay? Hindi ba at may ibang babae ka na rin? Iyon abogada na nag-ayos ng paghihiwalay ninyo, nagkakamabutihan na kayo, hindi ba? Kaya ka nga naungusan na ni Wyatt na lagyan ng laman ang tiyan ng asawa mo dahil sa ibang babae na rin ang pinili mo." Sa mga narinig na iyon ni Tamara ay napadiin ang pagkakakapit niya sa kamay ni Mikel. Hindi dahil sa sa pag-aakala ni Leonardo na anak ni Wyatt ang anak nila ni Mikel, kung hindi sa sinabi nito na may ibang babae na si Mikel. Napasulyap siya sa kan'yang asawa, na ang sentro ng atensyon ay nasa ama pa rin nito. Nagpupuyos ang kalooban niya ngayon, hindi niya lamang matiyak kung kanino sa mag-ama na Lucero siya nanggagalaiti na naman. At sisiguraduhin