Mikel was stunned. Hindi niya alam kung tama ba ang mga narinig niya kay Tamara, o nag-iilusyon lamang siya. Hindi siya nakahuma at pilit na binabalikan ang mga salita na sinabi ng asawa niya, na ngayon ay hindi na rin maipinta ang reaksyon ng mukha. Hindi alam ni Mikel kung sadya ba iyon na sinabi, o nadulas lamang si Tamara. Kitang-kita niya ngayon ang kaba at kaguluhan sa isip na lumulukob sa asawa niya. "Ano ang sinabi mo, Tamara?" seryoso na tanong niya rito. Napalunok pa si Tamara at hindi alam kung paano malulusutan ang isa na naman na pagka-baliw at katangahan na ginawa niya. Bakit nga ba dahil lamang sa isang halik ay inisip niya na maging matapang at aminin sa asawa niya ang nararamdaman niya? Kahit kailan talaga ay tanga siya upang lagi na lamang na ipagkanulo ang kan’yang sarili. "I am asking you a question, Tamara." Muli ay tanong ni Mikel sa asawa. Nananatili ang blangko na ekspresyon niya dahil ayaw niya muna na lubusan na magdiwang dahil hindi siya sigurado kung tama
Love. It is such a strong word with a lot of unexplained emotions. Pero para sa akin, isa lamang ang ibig sabihin ng salitang pagmamahal. It is Mikel. Love for me is Mikel, at hindi ako mahihiya na ulit-ulitin ang mga salita na iyon. Sino ba ang mag-aakala na ang kasal na nagsimula sa isang pagkalasing at nauwi sa isang kontrata ay darating sa kung ano kami ni Mikel ngayon. Hindi naging madali ang lahat, pero masaya kami na nalagpasan na namin pareho ang mga takot sa puso namin. "Are you ready, bu?" tanong sa akin ni Mikel nang sumilip siya sa aming silid. Oo, nasa iisang silid na lamang kami ngayon natutulog pagkatapos ng araw na mag-aminan kami ng tunay namin na nararamdaman. "Ready." sagot ko naman sa kan’ya na nakangiti pa. "Ayos lang ba ang suot ko?" Napangiti siya sa tanong ko, saka lumakad papalapit sa kinatatayuan ko. "You look perfect as always, sweetie." Hinalikan pa niya ako sa labi kaya naman sumilay rin ang ngiti sa akin. Mikel is such a sweetheart. Hindi ko inaasaha
Ngiting-ngiti ako sa babaeng talipandas na nasa harapan namin ng asawa ko. I am being sarcastic by the way. Hinding-hindi ko hahayaan na masira ang pangalan ng asawa ko dahil lamang sa isang babae na makati at may lahing unggoy. Kaya kung inaakala niya na magagawa niya na galitin ako ngayon at magwala ako rito ay nagkakamali siya. I know her plans and I am not stupid enough to fall for that. "Hello, ex! I can’t say that it’s nice to see you as well.” Ganti na pang-iinis ko sa kan’ya pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking labi. "I don’t want any scene here, Janine. Ngayon kung wala kang balak na lubayan kami ay kami na ang gagawa no’n." Ipinulupot ni Mikel ang braso niya sa beywang ko at idinirekta ako palayo kay Janine. And I am thankful for that, dahil hindi ko rin alam kung hanggang saan aabot ang pasensya na baon ko para sa buwisit na babae na iyon. Dinala ako ni Mikel sa may hardin kung saan mas konti ang mga bisita. And I needed this, hindi lamang ako sa ex niya na-suffo
Nagmamadali si Mikel pabalik ng opisina kaya todo-todo na naman kung paharurutin niya ang kan’yang sasakyan. Wala na naman muli na magawa ang kaibigan niya na si Stan kung hindi ang kumapit ng maigi sa takot na binubuhay ni Mikel sa puso niya. "Tang-ina naman! Mikel, hinay-hinay naman. Wala pa akong tagapagmana na nabubuo, kaya hindi pa ako puwede na ma-deads. Hindi pa rin ako nakaka-iskor ngayon linggo na ito, kaya puwede ba, bagalan mo. Marami pa na mga babae ang titikman ng guwapong ito." Sa kabila ng takot ay nagagawa pa na magbiro ng kolokoy na si Stan. "Tang-ina! Wala akong pakialam sa’yo. Matakot ka hanggang gusto mo, basta kailangan na makabalik tayo ng opisina kaagad. Kanina pa tayo dapat naro’n kung hindi makulit ang kliyente na iyan na kausap mo. Late na nga na dumating, ang dami pa ng mga demands." Inis na sagot ni Mikel sa kan’ya. Naiiling na lamang si Stan sa kaibigan niya. Sigurado sya na iisa lang ang dahilan kung bakit hindi na naman mapakali ang masungit na si Mike
Hinalikan pa niya sa ulo ang asawa niya habang patuloy sa paghimas sa braso nito. Ilang sandali pa ay pupungas-pungas na nagtaas ng ulo si Tamara at tumitig nang maluha-luha kay Mikel. "Mikel, beb." "What’s wrong, bu? Bakit hindi ka raw kumain? You’re worrying me, sweetie." Labis-labis ang pag-aalala ni Mikel para kay Tamara. "Mikel." "Gusto mo na ba na umuwi? Halika na at umuwi na tayo para makapagpahinga ka na sa bahay. Ano ba ang masakit sa’yo?" Umiling lamang si Tamara. "Puwede ba na umuwi na ako? Kahit ako na lang muna." "We’re going home. You are more important than work. Come-on, let’s go." Nagmamadali na inimis ni Mikel ang gamit ng asawa niya. And even if all of these were new to him, hindi niya mapigilan ang saya na nararamdaman niya. He loves Tamara so much, at ang mga simple na bagay na ito na nagagawa niya para sa babae na mahal niya ay mas lalo na nakapagpapasaya sa kan’ya. Nang mailigpit ang mga gamit ay inalalayan niya si Tamara na makatayo. Mabilis na pumulupot a
Hindi mapagsidlan ang tuwa ni Mikel habang pinagmamasdan ang natutulog na asawa niya. Sa totoo lang ay ilang gabi na rin siya na napupuyat. Hindi siya masyado na nakakatulog dahil sinisigurado niya na maayos ang lagay ng asawa niya. Alam ni Mikel na nahihirapan si Tamara sa pagbubuntis nito. Malimit na nagsusuka sa maghapon at walang gana na kumain. At kung puwede nga lamang na akuin na niya ang paghihirap na nararanasan ng asawa niya ay ginawa na niya. Ilang araw na rin siya na hindi pumapasok sa opisina. Ayaw ni Mikel na papasukin si Tamara at ang nais niya ay magpahinga na lamang ang asawa niya sa bahay. Ayaw naman ni Tamara na mawala si Mikel sa paningin niya, kung kaya’t pati si Mikel ay naging work from home set-up na rin. And he doesn’t regret it even a bit. Mahirap pagsabayin ang trabaho at pag-aasikaso kay Tamara, lalo na at wala naman katulong sa bahay nila, but he enjoys being able to pamper his wife all the time. Ngayon lamang din napagtatanto ni Mikel ang mga paghihirap
"Walanghiya! You look exhausted, Mikel. What the hell happened to you? Ayos ka lang ba? Sa bahay ka na nga nagtatrabaho, pero mas lalo ka naman na nagmukha na wasted. Saan ka ba na-wasted?" Natatawa-tawa na tanong ni Stan kay Mikel isang araw nang magpunta siya sa opisina. "Happy married life." Tipid na sagot niya sabay umupo sa silya sa harapan ng lamesa ni Stan. "Happy married life pa ang itsura na ‘yan? At himala na nakatakas ka sa asawa mo ngayon. Where is she, by the way? Is everything going well with the pregnancy?" Ang mga tanong na iyon galing kay Stan ay nagpasilay na muli sa mga ngiti sa labi ni Mikel. At ang saya niya na iyon ay hindi nakaligtas sa kan’yang kaibigan. "Mukhang masayang-masaya ka nga sa buhay may asawa mo, Mikel." "Sobrang saya. It may be exhausting, pero hindi mapapalitan ang saya na nararamdaman ko." Nagniningning pa ang mga mata ni Mikel sa kan’yang sinabi. "And I am happy for you, bro. You deserve this happiness." Tunay na tunay rin ang saya ni Stan pa
Galit na galit si Janine dahil ilang araw nang hindi sinasagot ni Wyatt ang mga tawag at text niya. Hindi niya maintindihan kung bakit pati si Wyatt na kilalang playboy at flirt na panay liberated na babae ang gusto, ay nahuhumaling sa walang kadating-dating na Tamara na iyon na asawa ni Mikel. Janine is desperate to win Mikel back, at gagawin niya ang lahat, matupad lang ang nais niya na ‘yon. Even to the point of using Wyatt to her advantage. Patuloy niya na tinatanong ang sarili niya, what is it with Tamara? Ano ang mayro’n sa babae na mahirap na iyon at nakuha niya ang dalawang Lucero? Losing Mikel hurt her, but losing Wyat as well, because of Tamara, irks her the more. And there is nothing that she wants more than to hurt Tamara, at tuluyan na tanggalin siya sa landas nila ni Mikel. Alam niya at nakikita niya kay Wyatt na hindi lamang basta pagkakaibigan ang nais nito kay Tamara. She can see it in Wyatt’s eyes, at kahit hindi niya matanggap iyon ay mas ayos na rin, kaysa si Mike