"Walanghiya! You look exhausted, Mikel. What the hell happened to you? Ayos ka lang ba? Sa bahay ka na nga nagtatrabaho, pero mas lalo ka naman na nagmukha na wasted. Saan ka ba na-wasted?" Natatawa-tawa na tanong ni Stan kay Mikel isang araw nang magpunta siya sa opisina. "Happy married life." Tipid na sagot niya sabay umupo sa silya sa harapan ng lamesa ni Stan. "Happy married life pa ang itsura na ‘yan? At himala na nakatakas ka sa asawa mo ngayon. Where is she, by the way? Is everything going well with the pregnancy?" Ang mga tanong na iyon galing kay Stan ay nagpasilay na muli sa mga ngiti sa labi ni Mikel. At ang saya niya na iyon ay hindi nakaligtas sa kan’yang kaibigan. "Mukhang masayang-masaya ka nga sa buhay may asawa mo, Mikel." "Sobrang saya. It may be exhausting, pero hindi mapapalitan ang saya na nararamdaman ko." Nagniningning pa ang mga mata ni Mikel sa kan’yang sinabi. "And I am happy for you, bro. You deserve this happiness." Tunay na tunay rin ang saya ni Stan pa
Galit na galit si Janine dahil ilang araw nang hindi sinasagot ni Wyatt ang mga tawag at text niya. Hindi niya maintindihan kung bakit pati si Wyatt na kilalang playboy at flirt na panay liberated na babae ang gusto, ay nahuhumaling sa walang kadating-dating na Tamara na iyon na asawa ni Mikel. Janine is desperate to win Mikel back, at gagawin niya ang lahat, matupad lang ang nais niya na ‘yon. Even to the point of using Wyatt to her advantage. Patuloy niya na tinatanong ang sarili niya, what is it with Tamara? Ano ang mayro’n sa babae na mahirap na iyon at nakuha niya ang dalawang Lucero? Losing Mikel hurt her, but losing Wyat as well, because of Tamara, irks her the more. And there is nothing that she wants more than to hurt Tamara, at tuluyan na tanggalin siya sa landas nila ni Mikel. Alam niya at nakikita niya kay Wyatt na hindi lamang basta pagkakaibigan ang nais nito kay Tamara. She can see it in Wyatt’s eyes, at kahit hindi niya matanggap iyon ay mas ayos na rin, kaysa si Mike
What is the meaning of love? Is it really choosing to let go to have the person you love have her happiness? Is truly letting go equated with demonstrating how much you love someone? Lintik! Ito na lang lagi ang mga tanong na paulit-ulit na gumugulo kay Wyatt. He tried so hard to act nonchalant. He tried so much to act as if he didn’t care. But fuck it! He’s dying inside knowing that Tamara and Mikel will be having their sweet little family. Masyado na nga ba siya na nahuli para iparamdam at ipakita kay Tamara ang tunay niya na nararamdaman? But he knows that he never failed to show her and make her feel important. Mas may mga pagkakataon pa nga na naipakita niya kay Tamara ang pagmamahal niya kaysa sa asawa nito na pinsan niya. But Tamara is just so naive to believe that he is only after their friendship. At ngayon ay gusto na niya na magsisi kung bakit sinabi pa niya sa babae na gusto niya na pagkakaibigan lang ang pakay niya. Tanga talaga! Ang tanga-tanga mo talaga, Wyatt! He can
"No, Tamara. I won’t agree with you this time." "Bakit ngayon ay hindi na? Bakit ngayon ay ayaw mo na? Pumayag ka na noon isang araw, Mikel, pero ngayon ay binabawi mo ang mga sinabi mo. Ganyan ka ba talaga kabilis na magpalit ng nais mo? Ganyan din ba kabilis na mapapalitan ang nararamdaman mo para sa akin?" Wala nang nagawa si Mikel kung hindi ang mapahilot na lamang sa kan’yang sentido nang marinig na naman ang sunod-sunod na litanya ng asawa niya. Mainit ang ulo niya ngayon araw dahil sa problema sa opisina, tapos ay sinasabayan pa ng pangungulit ng misis niya kaya kanina pa nais na sumigaw at magalit ni Mikel, pero pilit niya na kinokontrol ang inis na nararamdaman niya. He can’t be mad at her. He needs to understand her. She is pregnant after all. At sa ganito na mga pagkakataon lamang hindi nakikita ni Mikel ang saya na dulot ng pagbubuntis ni Tamara. Bumuga muna siya ng malalim na hininga saka nilapitan ang nagmamaktol na asawa. "Bu, hindi iyan ang napag-usapan natin. Don’t
Ngiting-ngiti si Tamara habang magkahawak-kamay sila ng asawa na si Mikel na hindi naman maipinta ang mukha. Today is the day that Mikel is dreading. Ayaw man niya na tumupad sa kanilang pinag-usapan, but he knows he can’t do that. Alam na alam na niya ang senaryo na kahihinatnan nila na mag-asawa kapag ginawa niya iyon. Nang makapasok sa restawran ay nabungaran na agad nila ang nakangiti rin na si Wyatt na naghihintay na sa kanila. Lalo naman na lumapad ang ngiti ni Tamara habang lalo rin naman na nagsalubong ang kilay ni Mikel. "Peaches, I miss you." bungad na bati agad ni Wyatt. "Wyatt!" Hindi magawa na makalapit ni Tamara dahil ang kamay niya ay hawak ni Mikel na halata ang pagpigil sa kan’ya na lapitan ang kaibigan niya. "Wyatt." masungit na bati ni Mikel. "This isn’t a date with my wife." "Mikel!" Taas ang kilay na saway naman ni Tamara na halata na hindi nagustuhan ang sinabi ng kan’yang asawa. "Sweetie, pinapaalala ko lang sa pinsan ko kung saan ang lugar niya. I am doin
Aligaga si Mikel sa kan’yang opisina. Kanina pa siya na hindi mapakali at kung hindi lamang sila may usapan ni Tamara ay baka hindi na niya iniwan ang asawa niya sa piling ni Wyatt. Not because he doesn’t trust his wife nor his cousin, but because he has an inkling feeling that something is going to go wrong. At hindi pa kailanman nagkamali si Mikel sa pakiramdam niya na ito. Sumulyap siya sa kan’yang telepono. Wala naman text ang asawa niya kaya wala naman siguro siya na dapat na ikabahala. Huminga siya ng malalim at muli na itinuon ang kan’yang atensyon sa mga dokumento sa kan’yang harapan. He is trying his best to keep his focus but he is failing miserably. Sumandal siya sa kan’yang kinauupuan at muli na bumuga ng malalim na hininga. Pilit niya na iniisip kung ano ang masama na pakiramdam ang gumugulo sa isip niya. Surely, Tamara won’t run away with his cousin, right? Bakit naman iyon gagawin ng asawa niya kung maayos naman ang pagsasama nila? She doesn’t have any reason to, kaya
It has been days since Tamara was discharged from the hospital. It has been days na patuloy siya na nagkukulong sa kuwarto at walang nais na kausapin. Mikel is slowly losing his wits and sanity. Lahat na ay ginawa niya upang manumbalik ang ningning sa mga mata ng asawa niya, but he is failing every single day. Kahit ang presensya ni Wyatt ay hindi nakatulong upang maibalik ang maayos at masaya na disposisyon ni Tamara. And just like her, Mikel is slowly falling into the pit of darkness. He is fighting, though, not just for himself but for Tamara, his wife. Naiintindihan niya ang mga pinagdadaanan ni Tamara, after all they are in the same boat. The pain she is feeling is the same pain that he is feeling. At masama ang loob niya dahil wala siyang nagawa. He wasn’t able to save their little angel from Janine’s wrath. At patuloy niya na sinisisi ang sarili niya sa mga nangyari. It could have been avoided if he had followed his instincts, at hindi na siya pumayag sa nais ni Tamara. But i
"You look exhausted again, Mikel. And this time, sigurado ako na hindi dahil sa gabi-gabi na ligaya ang dahilan niyan." Ito ang bungad ni Stan sa kan’yang kaibigan nang puntahan niya si Mikel sa opisina nito. "We fought again." Ang walang kabuhay-buhay na sagot lamang ni Mikel kahit ang atensyon ay nakatuon pa rin sa mga dokumento sa kan’yang lamesa. "Again? Ano na naman ang rason?" Hindi maiwasan na magtanong ni Stan. Naaawa na rin siya kay Mikel at hindi niya na rin lubos na maintindihan kung bakit mukhang ang kabigan pa niya ang sinisisi ni Tamara sa mga nangyari. "The usual. Mga simple na bagay na pilit niya na pinalalaki. It just started with a fucking meal. Masama ba na gustuhin ko na kumain naman siya at tumigil sa pag-iyak? Is it so wrong of me, na mag-alala para sa kan’ya? But fucking hell, patuloy siya na nagagalit sa akin at patuloy niya ako na sinisisi sa mga nangyari. Why can’t she even blame Wyatt? Bakit ako lang ang sinisisi niya?" It’s been a week, at sa buong lingg