Palakad-lakad si Mikel sa silid na iyon sa ospital. Kanina pa siya hindi mapakali simula nang dalahin niya rito si Tamara kanina. Hanggang ngayon ay wala pa rin malay ang asawa niya at sobra-sobra na ang kaba na nararamdaman ng puso niya. Bumukas ang pintuan at magkasunod na pumasok sina Stan at ang kan’yang ina na si Marlene. "What happened to Tamara, Mikel?" Bungad agad ng ina niya na halata rin ang pagkabahala sa sinapit ni Tamara. At tuwing maiisip ni Mikel na kamuntikan na siya na mahuli sa pagliligtas sa asawa niya ay lalo naman ang galit na nararamdaman niya sa ama. “He almost got her. The asshole almost got my wife." Galit ang tono ni Mikel at hindi alintana na ang kan’yang kaharap ay ang kan’yang ina. “Oh my! Don’t tell me that the him you are referring to is –" "My fucking asshole of a father." Pagtatapos niya sa sinasabi ng kan’yang ina. Namilog ang mga mata ni Marlene sa narinig. She felt it the first time she saw how Leonardo looked at Tamara, at hindi niya mawari ang
Marami ang namamatay sa maling akala. At ito ang napatunayan ko nang pagtangkaan ako ng sarili ko na kapatid. Hindi ko inakala at maski sa hinagap ay hindi ko naisip na magagawa niya ako na pagtangkaan at maipagkanulo para lamang mailigtas ang kan’yang sarili. Hindi ko lubos na matanggap na napakamakasarili ng kapatid ko at ng sarili ko na mga magulang, dahil kaya nila ako na ilagay sa kapahamakan makuha lamang nila ang nais nila. To say that I am disappointed with my own family is an understatement. I am severely damaged by my so-called family. And I really thought that I was going to die at that moment. Ang buong akala ko ay katapusan ko na at wala na akong kaligtasan. But Mikel made me realize that there will always be hope. He made me realize that I could always trust his words to save me. Hindi ko alam kung paano, pero nagawa niya ako na iligtas sa kahuli-hulihan na sandali. And that made me fall harder for him. Harder than I can ever imagine. Isang linggo na ang nakakalipas at
"Bu, why are you frowning again?" "Talaga ba na itinatanong mo pa iyan sa akin?" Ipinagkrus ko pa ang aking mga braso sa harap ng aking dibdib at itinaas ang kilay ko sa kan’ya. Naiiling siya na lumapit sa lamesa ko, pero may mga ngiti na sumisilay sa kan’yang labi. Yumuko siya at lapit na lapit na naman ang mukha niya sa akin kaya hindi ko maiwasan na mag-init ang pisngi ko. Pilit ko na hindi iniiba ang ekspresyon ng mukha ko at pinapananatili ang inis na itsura ko. "Sorry na, bu. Nakaligtaan ko lang talaga." Pagsusumamo niya sa akin, pero kahit na ano ang gawin niya na pagpapa-cute sa akin ngayon ay hindi uubra. I will stand by my principles. "Sorry? Kung panay sorry na lang ay dapat wala nang magiging trabaho ang barangay officials at mga pulis. Kung lagi na lang na puwede ang sorry, eh 'di sana peaceful lang ang buong mundo." Ikinagulat ko pa nang lapitan niya ako sa aking upuan at hatakin iyon papunta sa kan’ya. Muli siya na yumuko sa akin at hindi ko maiwasan na mapakagat sa
"Sorry na, Wyatt. Hindi talaga ako puwede ngayon na umalis dahil nangako na ako kay Mikel. Weekends are our time together." "Time together? Buong linggo na nga kayo na magkasama tapos siya pa rin ang pinipili mo? Sandaling oras lang ang hinihingi ko sa’yo, hindi mo pa ako mapagbigyan. You are hurting me, peaches." "Wyatt, naman, you are making me choose between you and my husband, ayos ka lang ba? At isa pa, ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at gusto mo na lumabas ngayon?" “"ng tagal na natin na hindi nagkikita dahil lagi nang nakabakod na naman ang asawa mo sa'yo. Hindi na nga ako pumupunta sa opisina mo dahil baka maipit ka na naman sa gulo sa pagitan namin. Ayaw ko na lagi ka na lang maging referee sa amin, lalo na at baliw ang asawa mo. At isa pa, baka nakakalimutan mo, Tamara, may kasalanan ka pa sa akin dahil hindi mo ako sinabihan ng mga nangyari sa’yo." "Oo na, sorry na nga at salamat naman at naisip mo na rin na ikaw na lang ang umiwas sa gulo. Ayaw ko na magtalo pa kayo
Mikel was stunned. Hindi niya alam kung tama ba ang mga narinig niya kay Tamara, o nag-iilusyon lamang siya. Hindi siya nakahuma at pilit na binabalikan ang mga salita na sinabi ng asawa niya, na ngayon ay hindi na rin maipinta ang reaksyon ng mukha. Hindi alam ni Mikel kung sadya ba iyon na sinabi, o nadulas lamang si Tamara. Kitang-kita niya ngayon ang kaba at kaguluhan sa isip na lumulukob sa asawa niya. "Ano ang sinabi mo, Tamara?" seryoso na tanong niya rito. Napalunok pa si Tamara at hindi alam kung paano malulusutan ang isa na naman na pagka-baliw at katangahan na ginawa niya. Bakit nga ba dahil lamang sa isang halik ay inisip niya na maging matapang at aminin sa asawa niya ang nararamdaman niya? Kahit kailan talaga ay tanga siya upang lagi na lamang na ipagkanulo ang kan’yang sarili. "I am asking you a question, Tamara." Muli ay tanong ni Mikel sa asawa. Nananatili ang blangko na ekspresyon niya dahil ayaw niya muna na lubusan na magdiwang dahil hindi siya sigurado kung tama
Love. It is such a strong word with a lot of unexplained emotions. Pero para sa akin, isa lamang ang ibig sabihin ng salitang pagmamahal. It is Mikel. Love for me is Mikel, at hindi ako mahihiya na ulit-ulitin ang mga salita na iyon. Sino ba ang mag-aakala na ang kasal na nagsimula sa isang pagkalasing at nauwi sa isang kontrata ay darating sa kung ano kami ni Mikel ngayon. Hindi naging madali ang lahat, pero masaya kami na nalagpasan na namin pareho ang mga takot sa puso namin. "Are you ready, bu?" tanong sa akin ni Mikel nang sumilip siya sa aming silid. Oo, nasa iisang silid na lamang kami ngayon natutulog pagkatapos ng araw na mag-aminan kami ng tunay namin na nararamdaman. "Ready." sagot ko naman sa kan’ya na nakangiti pa. "Ayos lang ba ang suot ko?" Napangiti siya sa tanong ko, saka lumakad papalapit sa kinatatayuan ko. "You look perfect as always, sweetie." Hinalikan pa niya ako sa labi kaya naman sumilay rin ang ngiti sa akin. Mikel is such a sweetheart. Hindi ko inaasaha
Ngiting-ngiti ako sa babaeng talipandas na nasa harapan namin ng asawa ko. I am being sarcastic by the way. Hinding-hindi ko hahayaan na masira ang pangalan ng asawa ko dahil lamang sa isang babae na makati at may lahing unggoy. Kaya kung inaakala niya na magagawa niya na galitin ako ngayon at magwala ako rito ay nagkakamali siya. I know her plans and I am not stupid enough to fall for that. "Hello, ex! I can’t say that it’s nice to see you as well.” Ganti na pang-iinis ko sa kan’ya pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking labi. "I don’t want any scene here, Janine. Ngayon kung wala kang balak na lubayan kami ay kami na ang gagawa no’n." Ipinulupot ni Mikel ang braso niya sa beywang ko at idinirekta ako palayo kay Janine. And I am thankful for that, dahil hindi ko rin alam kung hanggang saan aabot ang pasensya na baon ko para sa buwisit na babae na iyon. Dinala ako ni Mikel sa may hardin kung saan mas konti ang mga bisita. And I needed this, hindi lamang ako sa ex niya na-suffo
Nagmamadali si Mikel pabalik ng opisina kaya todo-todo na naman kung paharurutin niya ang kan’yang sasakyan. Wala na naman muli na magawa ang kaibigan niya na si Stan kung hindi ang kumapit ng maigi sa takot na binubuhay ni Mikel sa puso niya. "Tang-ina naman! Mikel, hinay-hinay naman. Wala pa akong tagapagmana na nabubuo, kaya hindi pa ako puwede na ma-deads. Hindi pa rin ako nakaka-iskor ngayon linggo na ito, kaya puwede ba, bagalan mo. Marami pa na mga babae ang titikman ng guwapong ito." Sa kabila ng takot ay nagagawa pa na magbiro ng kolokoy na si Stan. "Tang-ina! Wala akong pakialam sa’yo. Matakot ka hanggang gusto mo, basta kailangan na makabalik tayo ng opisina kaagad. Kanina pa tayo dapat naro’n kung hindi makulit ang kliyente na iyan na kausap mo. Late na nga na dumating, ang dami pa ng mga demands." Inis na sagot ni Mikel sa kan’ya. Naiiling na lamang si Stan sa kaibigan niya. Sigurado sya na iisa lang ang dahilan kung bakit hindi na naman mapakali ang masungit na si Mike