Share

Chapter 2

Author: Blissy Lou
last update Last Updated: 2025-03-18 13:27:21

“Anong nangyayari rito?”

Napatingin ang lahat sa pinagmulan ng boses. Ang kaniyang ina—si Leanna. Bakas ang pagod sa mukha nito dahil maagang nagtungo sa pwesto nito sa palengke. Marahil ay naubos agad ang panindang karne at isda at nakauwi ito ng maaga.

Nilagpasan ni Camilla ang kaniyang ama na si Jonathan at ang kaniyang Ate Alexa. Nagmano siya sa kaniyang ina.

“Nay, alis na muna kami ni Emma,” paalam niya rito na ikintango naman ni Leanna.

“Mag-iingat kayo,” habol pa ng ina.

“Tara na, anak.” Pagngiti niya kay Emma na ngayon ay tila nakakaunawa na ng kaniyang nararamdaman dahil malungkot na tumango ito sa kaniya, na kanina ay hanggang tainga ang pagkakangiti dahil sabik na sabik na sa kung saan siya dadalhin ng kaniyang ina. 

Bago sila tuluyang makalabas ng bahay ay may narinig pa siyang masakit na salita mula sa kaniyang itay.

 Habang naglalakad ng pasilyo patungo sa kaniyang departamento ay nakasunod na ang tingin ng mga empleyado kay Camilla. Napansin niya rin na tila nagbubulungan pa ang mga ito sabay suyod sa kaniya ng tingin mula ulo hanggang paa. Kaagad niya ring napansin ang mabilis na pagkilos ng mga ito. Tila ba may nakitang multo.

 “Hmm, you seems so popular. Almost everyone is staring at you.”

 Isang mestisang babae ang tumabi sa kaniya sa paglalakad. Nabigla si Camilla nang lumitaw sa kaniyang tabi ang isang Hera Celestine, ang sikat na modelo at most highly paid endorser. Ang ambassadress ng Fonteverde Corp.

 “Miss Celestine, good morning. I apologize for not noticing you immediately.” Paghinto at pagyuko niya.

 “Ano ka ba! Okay lang. I guess hindi lang ikaw. They didn’t notice me either, since everyone seemed to be focused on the CEO’s favorite employee.” Pagtukoy nito sa mga empleyado na ngayon ay nagkukumahog na sa pagtatrabaho at ngumiti sa kaniya.

 Napahinto si Camilla sa sinabi nito. Napaisip siya kung may alam din ba ito sa ginagawa nila ng kaniyang boss. Tila ba sa paraan ng pagsasalita nito ay para bang may gustong iparating ang kakambal ng kanilang boss. Hera Celestine Fonteverde is a twin sister of the young CEO of Fonteverde Corp.—Herald Benedict.

 “Papasok ka ba o hindi?”

 Napansin na lang ni Camilla na nakabukas na pala ang pinto ng elevator at nasa loob na si Celestine. Mabilis naman siyang kumilos para makapasok sakto naman na sumara iyon. Simula nang sumara ang pinto ng elevator at magsimulang tumaas ito ay tila hindi na mapalagay si Camilla. Kung may nalalaman nga ang kakambal ng kaniyang boss sa affair nila, paniguradong makakarating ito sa asawa ni Herald, na sister-in-law nito. Kilala niya ang mga Fonteverde na may malaking pagpapahalaga sa bawat miyembro ng pamilya.

 “Are you okay, Camilla?”

 Nagulat siya nang tanungin siya ni Celestine. Tumango na lang siya at alanganing ngumiti. Ngumiti nalang din sa kaniya si Celestine. Pero napapaisip rin siya. Kung may alam si Hera Celestine patungkol sa kanila ng kakambal nito, hindi ba't dapat sana'y kinamumuhian na siya nito? But his twin is very nice to her. Marahil ay wala pa itong alam sa totoong estado nila ng kakambal nito.

 “I’ll gonna go first. See ya around.”

 Tumango at ngumiti siya ulit bilang tugon rito pagkalabas nito ng elevator.

 “Totoo nga ang taong ito ay taon ng mga ahas. Marami na kasi ang umaaligid na mga ahas. Kaya kayo bantayan ninyo ang mga partners ninyo.”

 “Ahas ba talaga o anay? Magkaiba kasi iyon.”

 “Ahas man o anay pareho lang. Whore ika nga. Malandi, naninira ng relasyon o pamilya.”

 “Kulang siguro sa pag-aaruga ang mga katulad nila at hindi naturuan ng magandang asal.”

 “Hay naku! Mukhang pera lang siguro at gustong umangat agad kaya pumapatol sa may asawa.”

 “Anong pumapatol? Baka kamo inakit ang boss natin.”

 “Knowing na five years ang tanda niya sa boss natin.”

 “Mygash!”

 “Miss Camilla, nariyan na po pala kayo. Magandang umaga po!” ayon kay Badeth. Ang internship sa kaniyang departamento. Nagulat naman ang lahat at kaagad bumati sa kaniya. Pagkatapos ay kani-kaniya ng balik sa trabaho. Tila ba nakalimutan na may pinagkukuwentuhan pa ang mga ito.

 Naaasiwa na tiningnan siya ni Badeth. Nahihiya marahil dahil sa narinig nitong pag-uusap patungkol sa kaniya. 

 “Pagtuunan mo ang mga bagay kung saan ka matututo.”

 “Yes, Miss. Thank you po.”

 Naglakad na si Camilla patungo sa kaniyang opisina. Pagkaupo niya ay siyang pagsabunot niya sa kaniyang sarili. Naiinis na siya sa mga nangyayari. Umupo siya ng maayos at tumingala sa kisame. Mukhang kalat na nga ang mga kabulastugang ginagawa nila ng kaniyang boss. Hindi na siya magtataka na sa mga susunod na araw ay may biglang susugod sa kaniya at aawayin siya. Iniisip niya kung sakaling dumating ang araw na iyon, sino kaya ang papaboran o kakampihan ni Herald? Sarkasmong natawa siya sa kaniyang sarili. Hindi lang siya isang kabit na sinasabi nila kundi ambisyosa. Wala nga siyang narinig mula kay Herald na mahal siya nito. Paniguradong ang asawa pa rin ang pipiliin nito. Isang malaking kahihiyan sa reputasyon ng mga Fonteverde kung isang katulad niya lang ang pipiliin nitong mahalin. 

 Isang tunog mula sa kaniyang cellphone ang nagpahinto sa kaniya sa pag-iisip ng kung ano-ano.

 ‘Come to my office.’

 Mariin na napapikit si Camilla at pinigilan ang maraming hangin na nilanghap at marahas na binuga. Inayos niya ang kaniyang sarili sa tapat ng salamin. We all have our imperfections. Kaya hindi niya masisisi ang sarili kung ito man ang naging kamalian niya. Naging marupok lang naman siya at nagmahal. Dito sa mundo kahit ayaw mo namang husgahan ka nila, huhusgahan ka pa rin. Kahit wala kang ginagawang mali, may mali ka pa rin. Why does she needs to pretend to be a victim? Ibibigay niya kung ano ang gusto nila.

 “Yes, Miss Camilla. Please enter. The boss has been waiting for you.”

 Tugon ng lalaking secretary ni Herald kay Camilla nang tanungin niya kung nasa loob ba ang kanilang boss.

 “Thank you.” Pagngiti niya nang pagbuksan siya nito ng pinto.

 Pagkapasok niya ay sinalubong siya nang naiinip na tingin ng kaniyang boss. Salubong ang makapal na mga kilay nito. Na siyang pinakapaborito niyang ekspresyon sa lalaki. Sa paningin niya kasi ay hindi lang ito gumagwapo, tila ba isa itong cute na bata na nangungulila sa yakap ng nanay. Ang sarap kurutin.

 “What’s taking you so long?”

 “May trabaho ako na minamadali mong tapusin. Is that a good enough reason?”

 Napangiti siya sa kaniyang isipan nang tila nainis ito sa kaniyang tugon. Madali talagang mapikon ang lalaking ito at ang sarap lang yakapin at lambingin.

 “Cringe! I’ll gotta go.”

 Nagulat si Camilla nang may nagsalita maliban sa kanila. Biglang nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita si Celestine sa sopa na nakaupo at kanina pa pala sila pinapanood. Narito pa pala ito sa office ng kakambal niya. Akala ni Camilla ay nakaalis na ito kaya siya tinext ng kaniyang boss.

 “Good idea!” ayon kay Herald na tumayo at inayos ang suot na coat.

 “Yah! Yah!” Pagkaway ni Celestine sa kakambal.

 “Take care. Let me know when you get home, ‘ke?” At pinagbuksan siya ng pinto ng kakambal.

 “No worries. Bye, Camilla!” Pagngiti ni Celestine sa kaniya nang madaanan siya.

 “Bye, Miss Celestine! Ingat!” pagtugon niya.

 Hanggang sa tumunog na nga ang pagsara ng pinto senyales na nakalabas na si Celestine.

 Mariing napapikit si Camilla at hinarap si Herald na ngayon ay papalapit na sa kaniya.

 “Bakit hindi mo sinabi sa akin na nandito pa pala ang kakambal mo? Edi sana inayos ko ‘yong asal ko.” Naiinis talaga si Camilla dahil maliban sa kaswal na pakikipagpalitan niya ng pag-uusap kay Herald, na siguradong narinig ni Celestine, ay baka napansin din nito ang pang-ookray niya sa kakambal nito. Tila ba natural na couple lang. Pero hindi sila couple!

 “There’s no need to be bothered.” 

 Marahan itong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang leeg. Naging marahan din ang ginawang pagdampi ng mga labi nito kay Camilla. Napapikit si Camilla dahil iba ang sensayong hatid nito. Pero nagawa pa rin niyang maitulak si Herald. Sinungitan niya ito at narinig ang malumanay na pagtawa mula sa lalaki. Tila ba isang magandang musika ang nagawang pagtawang iyon ng lalaki sa kaniyang pandinig. Naiinis siya! Bakit hindi niya magawang pakawalan ang lalaki sa kabila ng maling ginagawa nila! Naramdaman na lang niya ang pagyakap nito sa kaniya mula sa likuran. Ipinatong ni Herald ang kaniyang baba sa balikat ni Camilla.

 “Nakarating sa akin ang mga nangyayari sa labas. Humihingi ako ng pasensya. This is all my fault. Kumusta ka?”

 Napapikit siya at nagsimulang maging emosyonal. Kung alam lang ng mundo na nahihirapan na siya, pero hindi niya maipakita. Gusto niyang maging malakas at matatag lagi. At sa labang ito, ito lamang, iyong mayroon sila ni Herald ang kaniyang pahingahan. Na siyang nagsisilbing inspirasyon na mayroon pa ring magandang nangyayari sa buhay niya. Kaya ayaw niyang umalis dahil si Herald ang nagpupuno ng mga bagay na akala niya'y itinanggi na sa kaniya—ang pakiramdam na pinahahalagahan siya.

 Kinuha ni Camilla ang mga brasong nakayakap sa kaniya at hinarap si Herald. Mataman niyang inaayos ang suot nitong coat at marahang pinadulas ang kaniyang kamay papunta sa mga balikat nito at siyang pagsabit niya ng mga kamay sa leeg ng kaharap.

 “Huwag kang mag-alala. Kaya ko ang pressure kahit pa asawa mo na ang sumugod sa akin.” May pang–aakit niyang aniya.

 Napangiti naman si Herald dahil sa sinabi niya.

 “Are you sure? You don’t know her, and you don’t know what she’s capable of,” panunudyo sa kaniya ni Herald

 “Nasa side naman siguro kita?” pagbabakasakali niyang tanong.

 Hindi nakasagot si Herald sa kaniya at tinitigan na lamang siya.

 “Okay na ‘to!” Mapait niyang pagtawa at umiwas ng tingin kay Herald. Ano pa ba ang inaasahan niya? Wala siyang mapapala sa relasyong mali. Kung relasyon nga bang maituturing ito. Dahil ang lahat naman na nangyayari sa kanilang dalawa ay sitwasyon lamang na pareho nilang ginusto.

 Kukunin na rin sana niya ang pagkakasabit ng kaniyang dalawang kamay sa leeg nito nang pigilan iyon ng lalaki.

 “I love you, Camilla.”

 Mabilis na tumingala si Camilla nang marinig niya iyon. Over-reaction man pero literal na nanlaki ang kaniyang mga mata at umawang ang kaniyang mga labi.

 “Herald, did you…” Tinitigan niya ang mga mata ng kaharap. Kinukumpirma niya kung totoo ang mga narinig mula sa mga labi nito. Hindi niya maituloy ang kaniyang gustong itanong kung sinabi ba talaga ng lalaki ang salitang iyon. Baka kasi mamaya ay nagha-hallucinate lang siya dahil matagal na niya itong pinapangarap na marinig at paulit-ulit na sa kaniyang isipan.

 Wala na siyang narinig pa mula sa mga labi nito. Ang sumunod na lang na nangyari ay ng hagkan siya nito sa labi. Kasabay ng pagtugon niya sa halik ay ang pagpatak ng kaniyang luha. Luhang nagmula sa matagal na pag-aasam.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Married to the Lost Heiress   Chapter 3

    Makalipas ang ilang linggo ay patuloy pa rin na laman ng tsismis si Camilla sa kanilang kompaniya. Tila isang mikrobyo na lang ito sa kaniya at na-immune na siya. Pero minsan ay hindi niya mapigilang maiyak. Para kasing ang sama-sama niya sa paningin ng lahat. Sa kwento nila ay siya ang may kasalanan kahit na pareho naman nilang pinasok ni Herald ang sitwasyong ito. Kaya minsan ay nagiging dahilan din ito ng hindi nila pagkakaunawaan. Kung saan narinig na niya sa lalaki ang salitang matagal na niyang inaasam ay siyang inis niya naman rito. Hindi man lang kasi siya nito magawang ipagtanggol. Oo nga’t mahal siya nito pero bakit hindi niya makita o maramdaman? Simula nang i-lauch din nila ang bagong product ay naging abala na rin sila pareho. Pero nandoon pa rin na napupunan nila ang pangangailangan ng bawat isa. Kahit minsan ay badtrip siya rito ay hindi pa rin niya magawang tanggihan. Iyong tampo at inis niya sa lalaki ay kusang natatakpan sa tuwing nagdidikit ang kanilang katawan. H

    Last Updated : 2025-03-18
  • Married to the Lost Heiress   Chapter 1

    Suitable for 18+ readers onlyNanunuyot ang lalamunan ni Camilla dahil sa ginagawang paghalik ni Herald sa kaniyang pagkababae. Gusto man niyang isigaw ngayon ang sensasyong bumabalot sa kaniyang buong pagkatao ngunit hindi niya magawa dahil hindi sound proof ang opisina ng kanilang boss. Tinawag siya nito kanina sa kaniyang opisina dahil may idi-discuss daw ito sa kaniya. Hanggang sa pagpasok niya ay inutusan siya nitong i-lock ang pinto. Napapailing na lamang si Camilla dahil alam niya na kung saan mapupunta ang diskusyunan kuno na gagawin nila ng kaniyang boss. Hindi nga siya nagkamali at mabilis siyang hinablot ng kaniyang boss at sinunggaban nang mapusok na halik. Hinayaan na lamang niya dahil hindi naman makikita sa labas ang kung anumang ginagawa nila sa loob dahil gawa sa smart glass ang salamin ng opisina. Isang pagpindot lamang sa switch nito ay nagiging-opaque ito. “Ahh, Herald! Please… stop it. Hindi ko na mapigila—amhhmp!,” impit na halinghing ni Camilla.Ngunit sa kabil

    Last Updated : 2025-03-18

Latest chapter

  • Married to the Lost Heiress   Chapter 3

    Makalipas ang ilang linggo ay patuloy pa rin na laman ng tsismis si Camilla sa kanilang kompaniya. Tila isang mikrobyo na lang ito sa kaniya at na-immune na siya. Pero minsan ay hindi niya mapigilang maiyak. Para kasing ang sama-sama niya sa paningin ng lahat. Sa kwento nila ay siya ang may kasalanan kahit na pareho naman nilang pinasok ni Herald ang sitwasyong ito. Kaya minsan ay nagiging dahilan din ito ng hindi nila pagkakaunawaan. Kung saan narinig na niya sa lalaki ang salitang matagal na niyang inaasam ay siyang inis niya naman rito. Hindi man lang kasi siya nito magawang ipagtanggol. Oo nga’t mahal siya nito pero bakit hindi niya makita o maramdaman? Simula nang i-lauch din nila ang bagong product ay naging abala na rin sila pareho. Pero nandoon pa rin na napupunan nila ang pangangailangan ng bawat isa. Kahit minsan ay badtrip siya rito ay hindi pa rin niya magawang tanggihan. Iyong tampo at inis niya sa lalaki ay kusang natatakpan sa tuwing nagdidikit ang kanilang katawan. H

  • Married to the Lost Heiress   Chapter 2

    “Anong nangyayari rito?”Napatingin ang lahat sa pinagmulan ng boses. Ang kaniyang ina—si Leanna. Bakas ang pagod sa mukha nito dahil maagang nagtungo sa pwesto nito sa palengke. Marahil ay naubos agad ang panindang karne at isda at nakauwi ito ng maaga.Nilagpasan ni Camilla ang kaniyang ama na si Jonathan at ang kaniyang Ate Alexa. Nagmano siya sa kaniyang ina.“Nay, alis na muna kami ni Emma,” paalam niya rito na ikintango naman ni Leanna.“Mag-iingat kayo,” habol pa ng ina.“Tara na, anak.” Pagngiti niya kay Emma na ngayon ay tila nakakaunawa na ng kaniyang nararamdaman dahil malungkot na tumango ito sa kaniya, na kanina ay hanggang tainga ang pagkakangiti dahil sabik na sabik na sa kung saan siya dadalhin ng kaniyang ina. Bago sila tuluyang makalabas ng bahay ay may narinig pa siyang masakit na salita mula sa kaniyang itay. Habang naglalakad ng pasilyo patungo sa kaniyang departamento ay nakasunod na ang tingin ng mga empleyado kay Camilla. Napansin niya rin na tila nagbubulung

  • Married to the Lost Heiress   Chapter 1

    Suitable for 18+ readers onlyNanunuyot ang lalamunan ni Camilla dahil sa ginagawang paghalik ni Herald sa kaniyang pagkababae. Gusto man niyang isigaw ngayon ang sensasyong bumabalot sa kaniyang buong pagkatao ngunit hindi niya magawa dahil hindi sound proof ang opisina ng kanilang boss. Tinawag siya nito kanina sa kaniyang opisina dahil may idi-discuss daw ito sa kaniya. Hanggang sa pagpasok niya ay inutusan siya nitong i-lock ang pinto. Napapailing na lamang si Camilla dahil alam niya na kung saan mapupunta ang diskusyunan kuno na gagawin nila ng kaniyang boss. Hindi nga siya nagkamali at mabilis siyang hinablot ng kaniyang boss at sinunggaban nang mapusok na halik. Hinayaan na lamang niya dahil hindi naman makikita sa labas ang kung anumang ginagawa nila sa loob dahil gawa sa smart glass ang salamin ng opisina. Isang pagpindot lamang sa switch nito ay nagiging-opaque ito. “Ahh, Herald! Please… stop it. Hindi ko na mapigila—amhhmp!,” impit na halinghing ni Camilla.Ngunit sa kabil

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status