Share

Kabanata 3.

Author: aironia
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Eliha's POV:

Nagising ako dahil sa sobrang init at sa pawis ko na tumutulo. Napangiti akong umupo sa kama dahil alam kong nasa bahay na ako. Pero nagulat ako dahil nasa isang madilim na kwarto ako habang nakaupo sa malaking kama. Tanging kandila lang ang nagbibigay ng liwanag. Ganito 'yung..

"Aking mahal, gising ka na pala," bulong ng isang lalaki sa likod ko. Kinilabutan ako dahil narinig ko na ang boses niya.

Dahan-dahan akong lumingon. Pagkalingon ko ay nakita ko ang.. ang lalaking pinakasalan ko. Grabe, kasing pula ng kanyang mga mata ang kanyang labi. At magulo ang kanyang buhok.

Bigla siyang ngumiti. Natakot ako dahil ang haba ng pangil niya.

"Handa ka na bang idiin ko ang aking pagmamahal sa iyong pagkababae, aking mahal?"

A-ano r-raw?

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking braso sabay pinisil. Pero hindi ako komportable kaya kaagad ko siyang tinulak.

"Stop!" malakas na sigaw ko, "mainit kasi rito! Wala man lang hangin. Wala bang electric fan dito or aircon?"

"Ano ang iyong sinasabi, aking asawa? Saglit, bubuksan ko ang bintana para makapasok ang hangin." Naglakad siya papalapit sa bintana sabay binuksan ito. Nakita ko na gabi na, akala ko ay umaga na. Sana nga ay panaginip lang 'to.

"Eliha, alam ko na batid mo na ako'y isang bampira at ikaw ay isang mangkukulam."

"Ano?! Kailan pa ako naging mangkukulam?"

"Anak ka ng isang mangkukulam na si Eliza. Ngunit, tila ba'y kakaiba ang iyong pananalita. At napansin ko rin na ikaw ay mayroong takot sa-"

"Keegan!" sigaw ko sa harapan niya.

"Ano ang maipaglilingkod ko, aking mahal?"

Nakakapanghina naman kapag tinatawag niya akong mahal. Nawawala ang angas ko sa lalaking 'to.

"Kasal na tayo... so honeymoon ang kasunod 'no?"

"Ano'ng honeymoon ang iyong sinasabi, Eliha? Anong lengguwahe iyon?"

Grabe, bakit wala siyang alam?

"'Yon bang mayroong nangyayari sa mag-asawa. 'Yong nagkakaisa ang kanilang katawan-"

"Iyon ang gagawin natin kanina, aking Eliha. Pero napansin ko na ikaw ay takot sa akin at hindi pa handa kaya naman huwag kang mag-alala dahil nirerespeto kita. Hindi ko habol ang iyong katawan sapagkat kahit wala kang kaluluwa ay iyon ang minahal ko sa 'yo."

A-ano? Kailan pa ako nawalan ng kaluluwa? Pero sabi niya ay witch ako. Ang gulo ng bampirang 'to!

"Teka! Nasaan ba talaga ako, Keegan?"

"Hindi mo nababatid aking asawa? Nasa Dipsa Chupar Vampire World tayo."

Dipsa.. nabasa ko na 'to, ah?

"Uminom na muna tayo, mahal." Hinawakan niya ako sa bewang sabay binuhat. Naamoy ko ang amoy niya. Hindi siya amoy bangkay, amoy baby siya. Pero natatakot pa rin ako.

Nang makalabas kami ay bumungad sa akin ang isang malaking bahay. Kung ang library na ipinagawa ni Mama ay brown vintage, ang bahay naman nila ay vintage rin pero kulay itim.

"Nandito tayo ngayon sa Vampyres mansion, Eliha. Halika, ipapakilala kita sa aking mga magulang." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko sabay hinalikan.

Woah, naramdaman ko na mahal na mahal ako ni Keegan. Pero gusto kong makatakas sa panaginip na 'to.

"Buong buhay ko ba ay ang tangi ko na lang gagawin ay ang tumakas?!" malakas na sigaw ko dahil sa sobrang sama ng loob ko.

"Eliha, ano ang iyong suliranin? Bakit ikaw ay sumigaw na may hinagpis?"

Nang tingnan ko ang babaeng nagsalita ay nagulat ako dahil mas maputi pa siya kay Keegan. May kasama rin siya na isang lalaki na katulad niya ng kulay. Parehas silang may magandang mukha.

Nasa kitchen kami. Pero ang kitchen nila ay nakakatakot dahil maraming kandila. At lahat ng gamit ay kulay itim.

"Ina, ama, ipinapakilala kong muli ang aking asawa. Siya si Eliha." Madiin niyang hinawakan ang bewang ko. "Ang pangalan ng aking magulang ay Keli at Kego, aking mahal."

Nag-bow ako sa magulang ni Keegan. Pakiramdam ko ay kahit anong oras ay kakain nila ako.

Kaagad kaming umupo ni Keegan.

"Nakakapagtaka ang mabilis na pagpayag ni Eliza, isang mangkukulam na ina ni Eliha sa inyong kasal sapagkat siya ay tutol sa inyong relasyon," sambit ni Papa Kego.

T-Teka, tama naman siguro na tawagin ko sila na Mama at Papa 'no? Pero dream lang 'to kaya magpapanggap na lang ako.

"Siguro ama ay nakita niya at naramdaman kung gaano ko kamahal si Eliha," nakangiting sabi ni Keegan.

Totoo ba talaga na asawa ko siya? Sobrang guwapo niya kasi! Wala pa akong nakikita na katulad niya sa real world.

"Uminom na tayo ng dugo Keegan. At painumin mo na rin ang iyong asawa. Siya ay mangkukulam kaya naman umiinom din siya ng dugo," sambit ni Mama Keli.

"Hindi po ako nainom ng dugo! Nakakadiri ang dugo sa akin dahil hindi naman 'yan normal na iniinom ng isang tao!" hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumigaw. Kaagad akong nag-walk-out dahil nasusuka ako. Nakita ko kasi kung paano uminom ng dugo ang magulang ni Keegan.

Kailangan kong makatakas. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa gate kaya kaagad akong lumabas.

Hindi ko alam kung paano makatas sa isang immortal na panaginip. Pero lahat ay gagawin ko para mabigyan ng hustisya ang aking ina.

Pero sa puso ko ay masaya ako dahil nakatakas ako sa mundong sinasaktan lang ako.

Ang dilim ng paligid at nakakakilabot. Nagulat ako nang may bumungad sa akin na mga bampira yata.

"Naaamoy kita," bulong ng lalaki. Lumapit siya sa akin sabay sinakal ako. Kahit pala rito sa Vampire world ay may mananakit sa akin.

"Mas maayos pa ang pangamoy ng aso keysa sa 'yo." Sagot ko sabay madiin kong hinawakan ang braso niya sabay sinipa ko siya sa ulo. Kaya naman nabitawan niya ako.

"Palaban ang babaeng 'to," pang-aasar ng lalaki.

Nagulat ako nang hawakan nila akong lima. Naging pula ang kanilang mga mata, lumabas ang kanilang mga pangil sabay mabilis nila akong sinubsob sa semento.

"Ano ang gagawin natin sa babaeng 'to?"

"S******n natin ang kanyang dugo."

"Itali natin siya sa gate ng mga Vampyres pagkatapos nating s******n ang kanyang dugo."

"Gawin niyo na lahat! Para naman magising ako sa panaginip na 'to!" Nagwawala na sigaw ko. Pero tinawanan lang nila ako nang tinawanan. Inilapit ng isang lalaki ang kanyang bibig sa aking leeg. Siguro kapag ako ay nakagat niya ay magigising ako sa aking panaginip. Pero nagulat ako dahil biglang maputol ang kanyang ulo.

At halos lahat ng ulo ng limang lalaki sa harapan ko ay pugot na ang ulo. Nanginginig akong umupo at yumuko dahil sa takot.

Lalo akong nagulat at natakot nang biglang may yumakap sa akin.

Kaugnay na kabanata

  • Married to a Vampire   Kabanata 4.

    Eliha's POV:Ilang oras akong nakatingin sa langit. Hindi ko na napigilang umiyak dahil natatakot na ako. Si Keegan kasi ang lumigtas sa akin kahapon. Oo isa siyang bampira, normal na gano'n ang war or fight action nila pero nakaka-trauma para sa akin. At nakakapagtaka dahil bakit hindi sumisikat ang araw?"Eliha, ang puso ko'y labis na nagtatampo sapagkat malayo ang iyong loob sa akin. 'Di ba matagal na nating pinangarap ang ikasal noong tayo'y magkasintahan pa lamang?"Hindi ako makasagot sapagkat hindi ko naman siya naging kasintahan. Siguro ay naging extra lang ako sa buhay niya ng dahil sa panaginip na ito. Nagulat ako nang bigla siyang makarating papunta sa harapan ko. "Ano ang aking magagawa para maging masaya ang aking kapilas ng buhay?" "Keegan, ano ang kapilas ng buhay? Masyado kasing matalinhaga ang mga sinasabi mo.""Ang ibig sabihin ng kapilas ng buhay ay asawa,"Hindi ko alam kung bakit o paano pero hindi ko napigilang ngumiti. "Maaari mo rin akong tawagin na gano'n,

  • Married to a Vampire   Kabanata 5.

    Eliha's POV:Boluntaryo akong naghugas ng mga baso nila na may blood kahit na marami silang maid dito. Mayroon kasing dumating na mga pinsan ni Keegan. Ang nakakainis ay grabe sila tumingin sa akin. Habang naghuhugas ako ay pakiramdam ko'y mayroong kakaibang nilalang sa likod ko.Hanggang sa bigla na lang akong may naramdaman na ngipin na kakagatin pa lang ang leeg ko. Kaagad akong lumingon. Nakita ko si Manaron, ang pinsan ni Keegan. "Ano bang problema mo?!" Galit na sigaw ko habang tinutulak ko siya. "Ang bango mo, pakiramdam ko ay masarap ang iyong loob,""Huwag mo siyang tangkaing kagatin. Ako na kanyang asawa ay hindi siya kinakagat, ikaw pa kayang bahag ang buntot at tuso ngunit mahinang umunawa na sa akin siya?"Tumitig ako kay Keegan na kadarating lang. I really admired him now. I just can't imagine kung panaginip lang lahat 'to dahil mawawala siya sa akin. Ang nag-iisang lalaki na hindi ako sinaktan. Mabilis na nakarating si Keegan sa puwesto ko sabay niyakap ako at hinali

  • Married to a Vampire   Kabanata 6.

    Eliha's POV:"Totoo ba talaga na pinsan kita?" Napakamot ako sa ulo habang tinititigan ko si Eli. Siya raw si Eli Parah, ang pinsan kong mangkukulam. "Bakit naman hindi ka makapaniwala, Eliha Parah?" natatawang tanong niya. Ano? Kailan pa ako naging Eliha Parah? I think gets ko na. Siguro ay dahil nasa ibang mundo ako kaya iba na rin ang pagkatao ko. Bigla nga akong ikinasal sa bampira na si Keegan kaya hindi na ako magtataka kung may pinsan ako. "Simula ngayon ay dito na ako titira." Kinurot niya ako sa pisnge. "Halata naman, Eli. Halos lahat yata ng gamit mo ay dala mo," "Hindi ka ba maiilang? Na ang isang magandang katulad ko ay titira rito?"Nairita ako sa tanong niya, "Nagpaalam ka na ba sa magulang ni Keegan? At kay Keegan?""Hindi, kaya nga kayo nagulat ni Keegan no'ng nakita niyo ako. Wala namang masama 'di ba? Pinsan mo naman ako. Teka, p'wede bang tabi tayo sa kama?"Bumuntonghininga ako, "Alam mo naman na may asawa ako. Siya ang katabi ko.""P'wede naman siguro na katab

  • Married to a Vampire   Kabanata 7.

    Eliha's POV:"Anong taon na ngayon, Keegan?" "Isang libo’t pitong daan at pitong pu’t lima, aking kapilas ng buhay," he answered. Ano?! So, I traveled from the era of 1775?! I was from the era of 2022. Kaya siguro kakaiba ang pananalita ni Keegan. Tsaka imposible na panaginip ko lang 'to dahil ang tagal ko namang magising. I was shocked when Keegan pushed me again in our bed. His eyes turned red and he smiled at me like I was the most beautiful woman in the world. I think the call of his lust can't stop him. I just smiled at him. What would I do? I can't even push him. Why? I felt like my cheeks had turned red.Keegan Vampres, nawawala talaga ang angas ko sa 'yo. His lips slid slowly into my cheeks. I was wrong in expecting that he would kiss me on my lips. He kissed my forehead and rubbed my nose. I felt like he respected me a lot. And I know that I deserve this type of treatment. Keegan, I believe my heart is gradually melting as a result of your actions, love, and how you treat

  • Married to a Vampire   Kabanata 8.

    Eliha's POV:"Nais na namin ng inyong ama na magkaroon ng apo. Handa na ba kayong mag-asawa?" tanong sa amin ni ina. Nasa isang malaking lamesa kami ngayon. Pinapanuod ko sila habang umiinom ng dugo, medyo awkward para sa akin pero tanggap ko na."Eliha, gusto mo na bang magkaroon tayo ng anak? Kung hindi ka pa handa ay handa naman akong igalang ang iyong desisyon sapagkat para sa akin, ang isang babae ay hindi dapat pinipilit sa ganitong usapin."Keegan, hulog ka ng langit! Bakit ba napakabuti mo?! Kung hindi ko alam na bampira ka ay mapagkakamalan kitang anghel. Pero sa totoo lang ay gusto ko na ring magkaanak dahil sa pangarap ko ang isang buong pamilya. "Gusto kong magkaroon tayo ng anak, Keegan. Hindi ako tatanggi sapagkat kasal na tayo at nais ko rin na maranasan ang maging isang ina."Ngumiti nang malaki si Keegan. Hindi ko alam pero kumikinang talaga ang mga mata niya sa tuwing ngumingiti siya. Naalala ko, bago sabihin ng isang lalaki na kasal na kami ay nakita ko ang mga mat

  • Married to a Vampire   Kabanata 9.

    Eliha's POV: "Eliha, anak,"Nang tumingin ako sa tumawag sa akin ay nakita ko si Dad sa aking harapan. Napangiti ako nang sobra dahil sa wakas ay nakauwi na ako. Pero mayroon sa puso ko na mami-miss ko si Keegan. Sorry, Keegan, sana ay hindi ka malungkot ngayon. At sana ay magkita pa rin tayo sa aking panaginip. "D-Dad!" masayang sigaw ko sabay lumapit ako sa kanya. Hinawakan niya ako sa pisnge sabay may tumulong luha sa mga mata niya. Teka, nagbabago na ba siya? Nakonsensya na ba siya sa ginawa niya sa akin noon?"Patawarin mo ako, anak." Niyakap niya ako nang mahigpit. Tuluyan nang tumulo ang aking luha. Humarap ako sa kanya. "Pinapatawad na kita, Dad!""Talaga, anak? Kung gano'n ay pinapalaya na kita." Nagulat ako nang biglang mawala si Dad. Napabalikwas ako sa kama. Nang tingnan ko ang paligid ay wala namang nagbago. Nandito pa rin ako sa kwarto namin ni Keegan.Teka, panaginip lang ba 'yun? Pero paano? Paano ako mananaginip kung nasa isang panaginip ako? O sadyang nag-travell

  • Married to a Vampire   Kabanata 10.

    ELIHA"Isang malaking balakid na nagpakita sa inyo si Deriba. Kailangan na nating maghanda," pangaral ni ina. "Keegan, nais kong magsanay kayo ngayong araw upang mas mapabilis ang ating paghahanda," hikayat ni ama. "Masusunod, ama at ina. Pero maaari bang tatlo lang kami? Hindi ko kasi batid kung nais bang magsanay nila Karagon, Manaron at Eli." Sagot ni Keegan sabay lumapit sa akin."Maaari naman ang iyong nais. Hindi rin kasi tayo sigurado kung sa atin ba susuporta ang inyong mga pinsan," pagwawari ni ina. "Ano ang inyong pinag-uusapan? Maaari ba akong makinig?" Eli asked. Umirap bigla si ina kaya natawa ako. "Umupo ka, Eli," tugon ni ama. Tumingin sa akin si Eli sabay kumindat. Nainis ako nang bigla siyang umupo sa pagitan namin ni Keegan. Pero pagpapasensyahan ko siya. "Gusto mo bang magsanay kasama nila Keegan, Eliha at Pluma?" tanong ni ama kay Eli. "Bakit naman hindi? Masaya ako na makasama sila sapagkat kasama ko si Keegan.. at syempre ang aking pinsan na si Eliha!" masa

  • Married to a Vampire   Kabanata 11.

    ELIHA Nang imulat ko ang mga mata ko ay katabi ko si Keegan habang tulog. Nang tumingin ako sa bintana ay nakita ko si Pluma na nakasilip. Kaagad kong binuksan ang bintana. "Ano ang ginagawa mo rito?"Gumalaw lamang ang buntot niya. "Hintayin mo ako." Dumiretso ako sa banyo para maligo at para magbihis.Nang matapos ako ay nandoon pa rin si Pluma habang naghihintay sa akin. Tumalon ako sa bintana, nagulat ako nang bigla niya akong saluhin. "Jogging tayo!" masayang sabi ko. Gumalaw lang ang buntot niya habang sumusunod sa akin. Hindi ko alam pero.. sobrang gaan ng loob ko kay Pluma. At mayroong kakaiba sa kanya na kailangan ko ring malaman dahil sa mayroon siyang alam sa aking kasalukuyan. Pero hindi ko muna aasikasuhin ang sikrero niya dahil masaya ako sa tuwing kasama ko siya."Malalaman ba ni Keegan na kasama kita ngayon kapag nagising siya?"Muli niyang iginalaw ang kanyang buntot. Tumango lang ako. Habang nagjo-jogging ako ay sobrang sarap ng pakiramdam ko. Nakarating kami u

Pinakabagong kabanata

  • Married to a Vampire   Kabanata 32. The End.

    Kasalukuyan akong nasa terrace."Hi."Napalingon ako kay Keegan. "Ikaw pala. Kumusta ka na? Alam kong hindi naging madali ang pagluluksa mo para kay Eliha."Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. 'Yung yakap na sobrang higpit. "Matagal kang naging mabuti sa akin, Keegan. Kaya nandito lang ako para makinig sa 'yo.""Walang katumbas na salita kapag ika'y yakap ko, Eliha." Hinimas niya ang buhok ko. "Maraming salamat."Huminga lamang ako ng malalim. Humiwalay ako kay Keegan. "Keegan, mayroon akong sasabihin. Alam kong hindi ka maniniwala at hindi mo maiintindihan pero... gusto ko pa ring sabihin sa 'yo."Hinawakan niya ang kanan kong pisnge. "Handa pa rin akong makinig. Habambuhay akong makikinig sa 'yo."Mariin ko siyang tinitigan, "Keegan, patawarin mo ako sa nagawa ko noon. Mahirap man na sabihin 'to at paniwalaan, naging tao ka noon."Ikinuwento ko ang lahat kay Keegan. Simula sa pag-aabang nila sa amin ng members niya. At ang malala na naging laban namin."Hindi rin pala magan

  • Married to a Vampire   Kabanata 31. The End (1.)

    **"Keha! Anak!"Kanina ko pa hinahanap ang anak ko. "Mama!" masayang sigaw ng aking prinsesa mula sa likod ko. Pagharap ko, nakita ko siya with Keegan. Dalaga na kaagad ang anak ko. Ang bilis niyang lumaki. Ganu'n talaga kapag bampira. Nahirapan ako sa panganganak sa kanya noon, pero masasabi kong worth it."Mama! Alam mo ba, nagpaunahan kami ni papa na tumakbo papunta sa lugar na may nyebe!""Talaga, anak? Sobrang saya mo 'no?""Yes mama! Sobra! Sa susunod, gusto ko na kasama ka na namin ni papa."Ngumiti lang ako sa kanya. Matagal na kaming hindi nag-uusap ni Keegan. Pero kapag kasama si Keha, kahit papaano ay nag-uusap kami. Biglang um-appear si Kein sa harapan naming tatlo. "Kein!" masayang tawag ni Keha kay Kein. Kumaway si Kein kay Keha at binigyan niya ng malaking ngiti ang aking anak."Eliha, ang aking am-" hindi natuloy ni Kein ang sasabihin niya.Sumulpot si king Keg sa harapan namin. Ngumisi siya sa amin. Tinitigan niya ng mabuti ang aking anak.Tumitig si Kein sa a

  • Married to a Vampire   Kabanata 30.

    Ang taong nakita ko na napatay ko dati na leader yata ng gangster group na inabangan kami ay walang iba kundi si Keegan.Kaya ba nakatadhana na magkita kami para makahingi rin ako ng tawad sa kanya sa kasalanan ko noon? Na kung tutuusin ay hindi ko naman talaga sinasadya. Na na-provoke lang ako at ang mga kasamahan ko na lumaban. Pero kasalanan pa rin ang pumatay ng tao. Nasa kwarto ako ngayon, nagkukulong. Sumipa ang baby sa tyan ko, nararamdaman niya siguro na sobrang lungkot ko. Anak, pasensya na kung noong tao pa kami ng papa Keegan mo, aksidente ko siyang napatay. Sobra akong nakokonsensya dahil iniisip ko palagi na baka marami pang gustong gawin sa buhay niya 'yong napatay ko. Pero kasi, ang yayabang nila, ano ba naman ang laban naming mga babae. Hindi rin naman namin akalain na makakapatay talaga kami. Walang araw na hindi ako hinabol ng konsensya ko dahil kasalanan sa Diyos ang nagawa ko.So, si Keegan ay na-reborn bilang bampira. Hindi ko talaga inaasahan na magtatagpo p

  • Married to a Vampire   Kabanata 29.

    Iminulat ko ang mga mata ko dahil naramdaman kong sumipa si baby. Umupo muna ako sa kama pero mayroon akong napansin sa bintana. May nilalang kaya roon na sumisilip sa akin?Lumapit ako sa bintana. Laking gulat ko dahil bumungad sa akin si Keegan na may dalang 'di ko alam na pangalan ng prutas. "A-ano bang ginagawa mo rito?!""P'wede ba na makasama kita kahit ngayong gabi lang?" pakiusap niya. "Ano bang sinasabi mo?! Gagawin mo ba akong kabit?""H-hindi sa gano'n-""Gano'n 'yun, Keegan! Sana naman ay isipin mo ang mararamdaman ng asawa mo at ang nararamdaman ko ngayon!""H-hindi ako aalis rito, gusto ko na makasama ka at ang ating magiging anak.""Ayaw ko.""Gusto ko.""Wala akong pakialam sa gusto mo.""Pero, Keegan! Hindi ikaw ang masusunod."Hindi siya sumagot. Bagkus niyakap niya ako nang mahigpit. Napapikit ako dahil 'yun ang gusto kong gawin niya pero hindi naman ako selfish.Itinulak ko siya. "Kung gusto mo akong makasama ay huwag kang tatabi sa kama ko. Matulog ka sa baba at

  • Married to a Vampire   Kabanata 28.

    Makalipas ang ilang linggo ay malaki na ang tyan ko. Medyo nahihirapan na rin akong kumilos dahil pakiramdam ko ay malaking sanggol ang nasa loob ng tyan ko. "Eliha, wala ka bang gustong kainin? O pagmasdan?" Kein asked. "Wala,""Ang sungit mo ha!""Naiirita lang ako!!!""At bakit?!""Ang bigat ng tyan ko. Pero hoy! Alam mo ba? Ang gusto kong pangalan niya ay Keha kapag babae at kapag lalaki naman ay-""Keho?!" natatawang tanong niya.Hinampas ko siya sa braso. "Hindi! Kapag lalaki ay Kayan.""Ayaw mo sa Keina at Keino? Biro lang!""Mukhang masaya kayong dalawa, ah? Mamaya ay magkakaroon tayo ng bisita," sabat ni Keg."Sino, ama?""Ipapatawag ko na lang kayo." Naglaho siya. "Kailangan ba na humarap ako sa bisita?" nagtatakang tanong ko."Sa palagay ko ay depende sa sasabihin ni ama."Yumuko na lang ako. "Wala ka bang gustong puntahan?""Tinatamad akong kumilos, Kein.""'Yun nga ang nakikita ko. Sa palagay ko ay mas may iba ka pang gusto, sino kaya?" "Anong sino? Wala 'no.""Sigur

  • Married to a Vampire   Kabanata 27.

    ELIHA"Lumayas ka sa aking palasyo!" Keg shouted. "Oo, ako ay aalis na." Tumalikod ako at patuloy na naglakad papalabas. Si Kein ay wala rito sa palasyo pero hindi ko na siya hihintayin dahil marami na akong utang na loob sa kanya. Nagulat ako nang may biglang dumagit sa damit ko. Pagkalingon ko sa itaas ay si Eliza lang pala. Pinipilit kong kumawala pero hindi ko kaya. Nang tingnan ko naman ang baba ay sobrang taas na ng babagsakan ko kaya nanahimik na lang ako.Maya-maya pa ay ibinaba niya ako sa isang bintana. Ito ang bintana ng kwarto namin ni Keegan noon. Nakita ko si Keegan at si Eliha na mahimbing na natutulog.Sana all, joke. Tumabi sa akin si Eliza. "Ang saya nila 'no?""Ano naman ngayon? Masaya na ako para sa kanila. At alam ko na gano'n ka rin dahil hinayaan mo na ang anak mo kay Keegan.""Ano bang akala mo sa akin, Eliha? Tanga? Akala mo ba ay gano'n lang kadali sa akin ang lahat?""Ano bang ibig mong sabihin?! Tsaka bakit mo ako dinala rito?""Ipinakita ko sa 'yo ang

  • Married to a Vampire   Kabanata 26. 1

    **Si Kein ay mapayapang natutulog sa kama. Bumangon ako para buksan ang maganda at malaking bintana. Bumungad muli ang tambo sa akin na nakalutang. Ang kahulugan ba nito ay dapat akong maglakbay? Saan naman ako pupunta? Wala na akong hahabulin pa. Siguro ay ito na ang ending ng aking buhay. Pero at least, masasabi ko na masaya ako. Pagkatingin ko sa baba ay nakita ko si Pluma na nakaupo at nakatingin sa akin. "P-Pluma?!" Sumakay ako sa tambo para makababa. "Ano ang ginagawa mo rito? Kumusta ka? Okay ka lang ba?!"Gumalaw ang kanyang buntot sabay kiniskis ang kanyang ulo sa mukha ko. Napangiti ako sa ginawa niya. "Alam mo, para sa akin ay sapat ka na, Pluma. Salamat kasi pinuntahan mo ako. Sana ay hindi ka nalito dahil hindi ako ang totoong Eliha. At sana ay hindi mo ako makalimutan.""Paano ko makakalimutan ang isang katulad mo?" tanong niya.Bigla akong napaatras. "Nagsasalita ka pala?!" "Oo, ako si Pluma Vampyres, ang lion na bampira na pagmamay-ari ng mga Vampyres.""H-hindi k-

  • Married to a Vampire   Kabanata 26.

    ELIHAIpinagpabukas na ang pagdiriwang ng engagement party sana namin ni Kein. Pero sinabi ko kay Kein na may bago kaming plano na imbis na sa amin ay para na lang kay Eliha at Keegan. **"Para sa akin ba talaga itong magandang bestida na ito?" Eliha asked. Ang inosente ng boses niya at siya mismo. Nandito kami ngayon sa kwarto na tinutuluyan ko. Ang gagawin ko lang naman sa kanya ay ang ayusan siya. Si Kein naman ay nasa labas dahil inaasikaso niya ang pagdiriwang mamaya. "Oo para sa iyo 'yan. Alam ko na magiging masaya ka kapag nakita mo ang iyong magiging asawa." Hinimas ko ang maganda niyang buhok habang nakatingin sa bintana. "Salamat!" Masaya niyang sabi habang nakatingin sa salamin. Hindi siya bampira kaya mayroon siyang repleksiyon sa salamin. Kinausap ko kagabi si Kein, itinanong ko kung mayroon bang maayos na hiwalayan gamit ang papel o batas nila para sa aming kasal. Ang sabi niya ay wala naman daw, depende raw kung iiwan na ng asawa. Kaya siguro wala ng pakialam sa aki

  • Married to a Vampire   Kabanata 25. 1

    Tumango na lang ako kay Tatay. Ang gulo, pero sana ay unti-unti ko nang malaman ang katotohanan. At syempre, ang pagkatao ni Eliha. Pagkatapos kong maubos ang isang bote ng alak ay pakiramdam ko ay lasing na ako dahil grabe ang hilo na aking nararamdaman. "Aalis na po ako!" paalam ko kay Tatay. Tumango lang naman siya. Muli akong sumakay sa tambo. Pupuntahan ko na si Eliza.. pero pasikreto akong kikilos. Habang nasa itaas ako ay pakiramdam ko ay mahuhulog ako dahil sa hilo. Dahan-dahan akong bumaba sa likod ng mansyon ni Eliza. Sakto naman dahil bukas ang pinto sa likod. Dahan-dahan akong naglakad na walang maririnig na yapak. Sigurado kasi ako na nandito lang si Eliza sa paligid. Bumungad sa akin ang sampung kwarto. Alin kaya ang sa kanya d'yan?Binuksan ko ang itim na pinto. Bumungad sa akin si Eli habang natutulog. Nandito na pala siya, akala ko ay bumalik siya sa mansion ng mga Vampyres. Sa kwarto ni Eli ay mayroon akong nakita na mga picture frame ni Eliha. Paano ko nalaman

DMCA.com Protection Status