ELIHA"Eliha, bakit wala ka pang anak? Wala bang gana sa 'yo si Keegan? O hindi mo siya mabigyan ng anak? Mahina kang nilalang kahit na makapangyarihan ka." Sabi ni Eli habang nagsisindi ng kandila. Dahan-dahan kong hinawakan ang pisnge niya. She smiled and smirked at me. Sinampal ko siya nang malakas. "Kailan ka pa nagkaroon ng permiso para pasukin ang buhay namin ni Keegan? Ang pagkakaroon ng anak at hindi muna pagkakaroon ng anak ay dapat walang diskriminasyon. Ano bang alam mo? Isa ka lang namang hamak na basura sa paningin ko.""Alam mo?! Parang hindi ikaw 'yung Eliha na kilala ko. Hindi ka palaban!""Ibahin mo ako ngayon, Eli. Huwag kang papansin dahil hindi ka naman kapansin-pansin."Bumalik ako sa lamesa kung nasaan si Keegan pati sila ina at ama. Umiinom sila ng dugo.Inantay kong matapos si Keegan sa pag-inom. I also served blood for his parents."Keegan, gusto mo bang matuto ng martial arts? Naalala mo? 'Yung sinabi ko sa 'yo no'ng nakaraan!" hikayat ko habang yakap ang ka
ELIHAMasaya akong bumangon mula sa kama. Pero kumunot ang noo ko nang may makapa akong ibang katawan. Nang tingnan ko kung sino ay si Eli. Nasa gitna namin siya ni Keegan. Hindi ko napigilan ang aking emosyon. Kaagad kong hinila si Eli at ibinalibag ko. Masama siyang tumingin sa akin. Ngunit si Keegan ay hindi man lang nagising. "Anong klaseng mahika ang ginamit mo kay Keegan?!""Hulaan mo." Tumayo siya habang inaasar ako gamit ang mga mata niya. Inilahad ko ang dalawa kong kamay kaya mayroong lumabas na apoy. Gulat na gulat si Eli. "E-Eliha, h-hindi ko naman sinasadya na gamitan ng pampatulog si Keegan. Teka, gigisingin ko na siya."Mayroong ginawa si Eli. Mabilis namang nagising si Keegan. "Eliha, bakit hindi pa rin nawawala ang apoy sa dalawang kamay mo?" natatakot na tanong ni Eli. "Eliha, delikado ang apoy sa akin. Ano bang nangyari?" pagtataka ni Keegan. "Ang babaeng 'yan! Ginamitan ka ng mahika para matagal kang magising at tumabi pa sa pagitan natin habang tayo ay tulo
ELIHA"Kung sa mundo ng mga tao, ang masasama ay napupunta sa impiyerno. Ano sa tingin niyo ang mundo natin? Tinatapunan ba ng mga masasama o mabuti?" kuro ni ina. Napakaganda niya talaga, hindi halatang matanda na. Sabagay, likas naman sa mga bampira ang pagiging immortal.Ako, si Keegan at si ama ay nakaupo sa couch habang nakikinig kay ina. Sa katunayan ay kanina pa siya nag-di-discuss about sa mundong ito pero wala akong maintindihan. Iniisip ko kasi si Eli dahil dalawang araw na rin na hindi siya bumabalik. Oo, aminado akong mali ang ginawa ko kahit na kasalanan naman niya kaya ako nagalit. "Gusto mo bang pumunta ulit tayo sa lugar na may niyebe?" bulong ni Keegan. "Pero may sinasabi pa si ina, Keegan."Ngumiti lang siya sa akin at kumindat. Nakita ko na lang na nasa lugar na kami na mayroong snow. Napahawak ako nang mahigpit kay Keegan nang may marinig akong alulong. "Hindi ko pala nasabi sa 'yo mahal na malapit ang lugar na ito sa mansyon ng mga taong lobo. Siguro kaya mayr
KEEGANNagagalak ang aking ina at ama nang makita nila si Hopa. Si Hopa ay ang aming buhay ngunit mahal niya si Deriba kaya mas pinili niya ito. Winawasak ang puso ko ngayon sapagkat hindi ko kasama si Eliha. Ngunit nang dahil sa ang kanyang ina na ang nagdesisyon ay wala akong magagawa. Matagal ko nang iniisip ang mukha ni Eliha. Pakiramdam ko ay nakita ko na siya noon pa lang. Unang kita ko pa lang sa kanya noong nililigawan ko siya ay sigurado na ako na nakita ko siya noon pero wala akong maalala. "Ikinasal ka na pala kay Eliha, masaya ako para sa iyo, Keegan." Niyakap ako ng aking kapatid. "Mahal kita, Hopa. Sana ay mapatawad mo ak-""Keegan, napakabuti mong kapatid. Kailan man ay hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa 'yo. Ang tanging itatanim ko lang ay ang mga alaala natin. Keegan, hindi ko kaya na mapalayo kay Deriba kahit na gano'n siya sa akin.""Hopa, batid mo na tutol ako sa inyong relasyon pero kung saan ka sasaya ay susuportahan kita.""Salamat, wala ka bang balak na
ELIHAAko ay naglilinis ng mansyon. Inutos sa akin kanina ni Deriba, dapat daw ay walang alikabok. Sa palagay ko naman ay mauubos ang alikabok sa mansyon nila dahil kanina pa ako nakatitig sa maid nila."Lera! Ikaw ba 'yan?""Paumanhin ngunit sino si Lera?""Hindi mo ba ako kilala, Lera? Ako 'to si Eliha!""Ikaw nga si Eliha, ang asawa ng mataas na bampira na si Keegan.""'Yun lang? Hindi mo ba natatandaan na ako ang kaibigan mo at kagrupo sa isang samahan ng mga gangster?!""Ipagpatawad mo ngunit nagkakamali ka yata, Eliha.""Siguro nga ay nagkakamali ako dahil ang kaibigan kong si Lera ay patay na. Namatay siya noong nagkaroon ng gangster fight sa pagitan namin at isang gangster group. Pero kamukha mo kasi talaga siya. At imposible naman siguro na mag-travelled siya sa Dipsa Chupar dahil patay na siya."Nag-bow lang ang maid sa akin na mukhang naiilang sa mga sinasabi ko. Umalis na siya. Napakamot na lang ako sa ulo dahil ang lakas ng tama ko. Naaawa ako kay Lera noong mga panahon n
ELIHA"Pakawalan lahat ng bilanggo at ipila nang maayos!" sigaw ni Deriba. Hindi ako tumatayo dahil inaantok pa ako. Wala akong pakialam sa kanila. Bakit? Sila ba si Keegan?May nagbukas sa kulungan ko at hinila ako palabas. "Pumila ka d'yan at tumayo nang tuwid!" sigaw ng isang lalaki. Umirap lang ako sa kanya. Marami na ring nakapila na mga bilanggo. Ang sarap nilang hikayatin na tumakas kami rito kaso baka madamay sila sa parusa ni Eliza. "Tumingin ang lahat sa akin!" utos ni Deriba, "lahat kayo ay gagamitin namin sa darating na gera sa pagitan ng mga bampira. Huwag niyong tangkain na tumakas o hindi makisama dahil babaliin ko lang ang inyong mga ulo."Nag-bow ang mga bilanggo at sinakop ng alulong nila ang paligid. Ang sama naman nila Deriba, bakit nila naaatim na ikulong ang kalahi nila?"Eliha, lumuhod ka," utos ni Deribia na kararating lang. "Why should I do that?" "Ginagamitan mo na naman ba ako ng mahika?!""Of course not, you are just a waste of time."Sinakal niya ako,
ELIHA "Self, kapag nahihirapan ka ngayon na gusto mo nang sumuko ay isipin mo na may bukas pa. Kapag nahirapan ka bukas ay isipin mo na may bukas pa rin. At kapag mas nahirapan ka bukas ay isipin mo ulit na may bukas pa. Hanggang sa kakaisip mo na bukas ka na lang sumuko ay magugulat ka na lang dahil nalagpasan mo ang bawat araw na gusto mong sumuko."Kinukumbinsi ko ang sarili ko ngayon habang ako ay nasa loob ng kulungan dahil nawawalan na ako ng pag-asa na magkita kami ni Keegan. Lumipas na kasi ang isang buwan ngunit hindi pa rin nila tinutupad ang kanilang pangako na ibabalik ako sa mansyon ng mga Vampyres. Pumasok sa kulungan ko ang kamukha ni Lera na maid. "Magpalit ka raw ng suot.""Bakit? Pakakawalan na ba raw ako?""O-oo, E-Eliha." Inabot niya sa akin ang dalawang kasuotan na mukhang kakaiba. "Salamat!""P-pero huwag kang maging masaya kaagad Eliha, dahil may mangyayari mamaya na hindi mo ikagagalak."Sinuri kong mabuti ang aking susuotin. Ang damit at mahabang mukhang pan
ELIHAAko, si Deriba at Deribia ay nakaupo sa upuan habang nakikinig kay Eliza. "Sa ngayon ay kailan muna nating magpalakas," sabi niya na mayroong pagtitimpi. "Sinabi ko na sa inyo na malakas ang mag-asawa, pero ayaw niyong makinig," sambit ni Deribia."Mayroon pa namang ibang araw, hija.""Oo na, Eliza. Tsaka kung aalis ka ngayon, maaari mo bang isama na pauwi ang iyong anak?"Tumango lang si Eliza. Sa wakas! Makakaalis na ako rito.Hinawakan ako ni Eliza at sabay kaming naglaho. Nasa mansyon na niya kami."Ina, maaari na ba akong umuwi sa aking asawa?""Sa tingin mo ba ay papayagan pa kita pagkatapos ng nangyari?""Ina naman! Sinunod ko naman kayo 'di ba? Gusto ko lang makita ang asawa ko at makasama!""Hindi maaari, Elija. Manahimik ka rito sa mansyon.""Ina, nagmahal ka na ba? Naramdaman mo na ba 'yung ganitong pakiramdam na may gusto kang makita at makasama?""Oo naman." Lumayo siya sa akin at may hinalo sa malaking jar. "Pero bakit ganito kayo sa akin?! Naramdaman at naranas
Kasalukuyan akong nasa terrace."Hi."Napalingon ako kay Keegan. "Ikaw pala. Kumusta ka na? Alam kong hindi naging madali ang pagluluksa mo para kay Eliha."Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. 'Yung yakap na sobrang higpit. "Matagal kang naging mabuti sa akin, Keegan. Kaya nandito lang ako para makinig sa 'yo.""Walang katumbas na salita kapag ika'y yakap ko, Eliha." Hinimas niya ang buhok ko. "Maraming salamat."Huminga lamang ako ng malalim. Humiwalay ako kay Keegan. "Keegan, mayroon akong sasabihin. Alam kong hindi ka maniniwala at hindi mo maiintindihan pero... gusto ko pa ring sabihin sa 'yo."Hinawakan niya ang kanan kong pisnge. "Handa pa rin akong makinig. Habambuhay akong makikinig sa 'yo."Mariin ko siyang tinitigan, "Keegan, patawarin mo ako sa nagawa ko noon. Mahirap man na sabihin 'to at paniwalaan, naging tao ka noon."Ikinuwento ko ang lahat kay Keegan. Simula sa pag-aabang nila sa amin ng members niya. At ang malala na naging laban namin."Hindi rin pala magan
**"Keha! Anak!"Kanina ko pa hinahanap ang anak ko. "Mama!" masayang sigaw ng aking prinsesa mula sa likod ko. Pagharap ko, nakita ko siya with Keegan. Dalaga na kaagad ang anak ko. Ang bilis niyang lumaki. Ganu'n talaga kapag bampira. Nahirapan ako sa panganganak sa kanya noon, pero masasabi kong worth it."Mama! Alam mo ba, nagpaunahan kami ni papa na tumakbo papunta sa lugar na may nyebe!""Talaga, anak? Sobrang saya mo 'no?""Yes mama! Sobra! Sa susunod, gusto ko na kasama ka na namin ni papa."Ngumiti lang ako sa kanya. Matagal na kaming hindi nag-uusap ni Keegan. Pero kapag kasama si Keha, kahit papaano ay nag-uusap kami. Biglang um-appear si Kein sa harapan naming tatlo. "Kein!" masayang tawag ni Keha kay Kein. Kumaway si Kein kay Keha at binigyan niya ng malaking ngiti ang aking anak."Eliha, ang aking am-" hindi natuloy ni Kein ang sasabihin niya.Sumulpot si king Keg sa harapan namin. Ngumisi siya sa amin. Tinitigan niya ng mabuti ang aking anak.Tumitig si Kein sa a
Ang taong nakita ko na napatay ko dati na leader yata ng gangster group na inabangan kami ay walang iba kundi si Keegan.Kaya ba nakatadhana na magkita kami para makahingi rin ako ng tawad sa kanya sa kasalanan ko noon? Na kung tutuusin ay hindi ko naman talaga sinasadya. Na na-provoke lang ako at ang mga kasamahan ko na lumaban. Pero kasalanan pa rin ang pumatay ng tao. Nasa kwarto ako ngayon, nagkukulong. Sumipa ang baby sa tyan ko, nararamdaman niya siguro na sobrang lungkot ko. Anak, pasensya na kung noong tao pa kami ng papa Keegan mo, aksidente ko siyang napatay. Sobra akong nakokonsensya dahil iniisip ko palagi na baka marami pang gustong gawin sa buhay niya 'yong napatay ko. Pero kasi, ang yayabang nila, ano ba naman ang laban naming mga babae. Hindi rin naman namin akalain na makakapatay talaga kami. Walang araw na hindi ako hinabol ng konsensya ko dahil kasalanan sa Diyos ang nagawa ko.So, si Keegan ay na-reborn bilang bampira. Hindi ko talaga inaasahan na magtatagpo p
Iminulat ko ang mga mata ko dahil naramdaman kong sumipa si baby. Umupo muna ako sa kama pero mayroon akong napansin sa bintana. May nilalang kaya roon na sumisilip sa akin?Lumapit ako sa bintana. Laking gulat ko dahil bumungad sa akin si Keegan na may dalang 'di ko alam na pangalan ng prutas. "A-ano bang ginagawa mo rito?!""P'wede ba na makasama kita kahit ngayong gabi lang?" pakiusap niya. "Ano bang sinasabi mo?! Gagawin mo ba akong kabit?""H-hindi sa gano'n-""Gano'n 'yun, Keegan! Sana naman ay isipin mo ang mararamdaman ng asawa mo at ang nararamdaman ko ngayon!""H-hindi ako aalis rito, gusto ko na makasama ka at ang ating magiging anak.""Ayaw ko.""Gusto ko.""Wala akong pakialam sa gusto mo.""Pero, Keegan! Hindi ikaw ang masusunod."Hindi siya sumagot. Bagkus niyakap niya ako nang mahigpit. Napapikit ako dahil 'yun ang gusto kong gawin niya pero hindi naman ako selfish.Itinulak ko siya. "Kung gusto mo akong makasama ay huwag kang tatabi sa kama ko. Matulog ka sa baba at
Makalipas ang ilang linggo ay malaki na ang tyan ko. Medyo nahihirapan na rin akong kumilos dahil pakiramdam ko ay malaking sanggol ang nasa loob ng tyan ko. "Eliha, wala ka bang gustong kainin? O pagmasdan?" Kein asked. "Wala,""Ang sungit mo ha!""Naiirita lang ako!!!""At bakit?!""Ang bigat ng tyan ko. Pero hoy! Alam mo ba? Ang gusto kong pangalan niya ay Keha kapag babae at kapag lalaki naman ay-""Keho?!" natatawang tanong niya.Hinampas ko siya sa braso. "Hindi! Kapag lalaki ay Kayan.""Ayaw mo sa Keina at Keino? Biro lang!""Mukhang masaya kayong dalawa, ah? Mamaya ay magkakaroon tayo ng bisita," sabat ni Keg."Sino, ama?""Ipapatawag ko na lang kayo." Naglaho siya. "Kailangan ba na humarap ako sa bisita?" nagtatakang tanong ko."Sa palagay ko ay depende sa sasabihin ni ama."Yumuko na lang ako. "Wala ka bang gustong puntahan?""Tinatamad akong kumilos, Kein.""'Yun nga ang nakikita ko. Sa palagay ko ay mas may iba ka pang gusto, sino kaya?" "Anong sino? Wala 'no.""Sigur
ELIHA"Lumayas ka sa aking palasyo!" Keg shouted. "Oo, ako ay aalis na." Tumalikod ako at patuloy na naglakad papalabas. Si Kein ay wala rito sa palasyo pero hindi ko na siya hihintayin dahil marami na akong utang na loob sa kanya. Nagulat ako nang may biglang dumagit sa damit ko. Pagkalingon ko sa itaas ay si Eliza lang pala. Pinipilit kong kumawala pero hindi ko kaya. Nang tingnan ko naman ang baba ay sobrang taas na ng babagsakan ko kaya nanahimik na lang ako.Maya-maya pa ay ibinaba niya ako sa isang bintana. Ito ang bintana ng kwarto namin ni Keegan noon. Nakita ko si Keegan at si Eliha na mahimbing na natutulog.Sana all, joke. Tumabi sa akin si Eliza. "Ang saya nila 'no?""Ano naman ngayon? Masaya na ako para sa kanila. At alam ko na gano'n ka rin dahil hinayaan mo na ang anak mo kay Keegan.""Ano bang akala mo sa akin, Eliha? Tanga? Akala mo ba ay gano'n lang kadali sa akin ang lahat?""Ano bang ibig mong sabihin?! Tsaka bakit mo ako dinala rito?""Ipinakita ko sa 'yo ang
**Si Kein ay mapayapang natutulog sa kama. Bumangon ako para buksan ang maganda at malaking bintana. Bumungad muli ang tambo sa akin na nakalutang. Ang kahulugan ba nito ay dapat akong maglakbay? Saan naman ako pupunta? Wala na akong hahabulin pa. Siguro ay ito na ang ending ng aking buhay. Pero at least, masasabi ko na masaya ako. Pagkatingin ko sa baba ay nakita ko si Pluma na nakaupo at nakatingin sa akin. "P-Pluma?!" Sumakay ako sa tambo para makababa. "Ano ang ginagawa mo rito? Kumusta ka? Okay ka lang ba?!"Gumalaw ang kanyang buntot sabay kiniskis ang kanyang ulo sa mukha ko. Napangiti ako sa ginawa niya. "Alam mo, para sa akin ay sapat ka na, Pluma. Salamat kasi pinuntahan mo ako. Sana ay hindi ka nalito dahil hindi ako ang totoong Eliha. At sana ay hindi mo ako makalimutan.""Paano ko makakalimutan ang isang katulad mo?" tanong niya.Bigla akong napaatras. "Nagsasalita ka pala?!" "Oo, ako si Pluma Vampyres, ang lion na bampira na pagmamay-ari ng mga Vampyres.""H-hindi k-
ELIHAIpinagpabukas na ang pagdiriwang ng engagement party sana namin ni Kein. Pero sinabi ko kay Kein na may bago kaming plano na imbis na sa amin ay para na lang kay Eliha at Keegan. **"Para sa akin ba talaga itong magandang bestida na ito?" Eliha asked. Ang inosente ng boses niya at siya mismo. Nandito kami ngayon sa kwarto na tinutuluyan ko. Ang gagawin ko lang naman sa kanya ay ang ayusan siya. Si Kein naman ay nasa labas dahil inaasikaso niya ang pagdiriwang mamaya. "Oo para sa iyo 'yan. Alam ko na magiging masaya ka kapag nakita mo ang iyong magiging asawa." Hinimas ko ang maganda niyang buhok habang nakatingin sa bintana. "Salamat!" Masaya niyang sabi habang nakatingin sa salamin. Hindi siya bampira kaya mayroon siyang repleksiyon sa salamin. Kinausap ko kagabi si Kein, itinanong ko kung mayroon bang maayos na hiwalayan gamit ang papel o batas nila para sa aming kasal. Ang sabi niya ay wala naman daw, depende raw kung iiwan na ng asawa. Kaya siguro wala ng pakialam sa aki
Tumango na lang ako kay Tatay. Ang gulo, pero sana ay unti-unti ko nang malaman ang katotohanan. At syempre, ang pagkatao ni Eliha. Pagkatapos kong maubos ang isang bote ng alak ay pakiramdam ko ay lasing na ako dahil grabe ang hilo na aking nararamdaman. "Aalis na po ako!" paalam ko kay Tatay. Tumango lang naman siya. Muli akong sumakay sa tambo. Pupuntahan ko na si Eliza.. pero pasikreto akong kikilos. Habang nasa itaas ako ay pakiramdam ko ay mahuhulog ako dahil sa hilo. Dahan-dahan akong bumaba sa likod ng mansyon ni Eliza. Sakto naman dahil bukas ang pinto sa likod. Dahan-dahan akong naglakad na walang maririnig na yapak. Sigurado kasi ako na nandito lang si Eliza sa paligid. Bumungad sa akin ang sampung kwarto. Alin kaya ang sa kanya d'yan?Binuksan ko ang itim na pinto. Bumungad sa akin si Eli habang natutulog. Nandito na pala siya, akala ko ay bumalik siya sa mansion ng mga Vampyres. Sa kwarto ni Eli ay mayroon akong nakita na mga picture frame ni Eliha. Paano ko nalaman