Hannah POV
"Sweetheart kailangan mong pakasalan si Andrew." suhestyon ng aking ama. Nandito kami sa kwarto ko. Nagulat na lang ako dahil bibihira na makita ko silang dalawa ni mommy na nandito sa kwarto ko. Heto sila ngayon at iginigiit na naman sa akin na pakasalan ko daw yung Andrew na yun.. Ni hindi ko naman kilala dahil simula noong bata ako ay dito na ako sa bahay nag aaral. Ayoko kasing mag aral sa iskwelahan kaya mas pinili kong mag aral sa loob ng bahay. Natatakot kasi ako na may mangbully sa akin sa school. Wala pa ni isang nakakakilala sa akin bukod sa mga trabahador dito sa loob ng mansion o di kaya ang mga tutor ko at mga teacher ko. Nag iisa lang akong anak kaya ibinibigay nila lahat sa akin lahat ng nais ko. Kaya hindi ko lubos maisip itong ginagawa ng mga magulang ko."Pero dad hindi ko pa siya kilala at lalong hindi ko siya mahal, paano kung masama pala siyang tao." reklamo ko. May panguso nguso pa akong nalalaman. Tuwing may ayaw o may gusto ako ay ganito ang itsura ko sa kanila kaya agad naman silang bibigay sa akin. Pero heto sila ngayon at pinipilit talaga nila ang gusto nila."Makikilala mo din siya anak kapag nagsama na kayo at matutunan mo din siyang mahalin." sabat din ng aking ina. Hindi ko talaga sila maintindihan kung bakit nila ito ginagawa." Mom, dad, hindi niyo na ba ako mahal kaya ipamimigay niyo na lang ako ng basta basta. " nakanguso ko pang sabi para naman makonsensya sila sa akin pero mukhang hindi tagala ako mananalo this time." Anak it's for your own good naman. Kaya namin ginagawa ito dahil mahal ka namin. We want to give you all the best." sabi ni mommy sabay haplos sa aking mahabang buhok. Ganito ang ginagawa ni mommy sa akin pagnaglalambing siya sa akin." But mom? " apila ko." No more buts, dahil ito na ang Contract., pirma niyo na lang ang kulang then settle na. "putol ni daddy sa sasabihin ko. Mukhang talo na talaga ako." Pero hindi ko pa man lang nasilayan ang itsura niya. paano kung pangit pala siya o di kaya mabaho. Dad naman." maarte kong tugon. Kilala nila ako sa pagiging maarte. Simula noong bata ako, nagiging maarte talaga ako sa mga bagay bagay." Anak sigurado ako na magugustuhan mo din siya. Search mo sa internet para magka ideya ka kung sino siya." Patuloy pa rin sa pag suklay sa buhok ko ang aking ina gamit ang kayang kamay." Wala na po bang ibang option dad tulad na lang ng pag merge ng dalawang kumpanya na walang kontratang kasal na magaganap?" sehestyon ko baka sakaling magbago ang isip nila. Pero imposible na yun dahil nasa harap ko na ang kontrata ng kasal. Bakit ba sila nagmamadali na parang may hinahabol sila." Hindi pwede sweetheart dahil malamang baka isang iglap ay mawawala na sa atin ang lahat. Kilala siya bilang heartless and ruthless sa larangan ng negosyo."Kinuha ko ang laptop ko at sinearch ang pangalang niya "Andrew Valencia". Ganun na lang ang gulat ko dahil ang gwapo pala niya. At hindi lang yun kilala siya bilang CEO ng Valencia Corp. sa murang edad ay CEO na siya ng kanilang kumpanya. At hindi lang iyon, inagaw ng aking atensyon ang isang babae na nakakapit sa kanyang braso habang nasa kalagitnaan sila ng interview. Maganda at sopistikadang babae. Mukhang anak mayaman din at napakaelegante niyang tignan."Dad sino po ang babaeng ito? Mukha pong may girlfriend na po siya? Paano po kami maikakasal kung gayong may girlfriend naman siya.?"sunod sunod kong mga tanong pero mataman lang akong nakatingin sa aking ama na tila hindi rin alam kung ano ang maisasagot sa tanong ko. Kilala ko ang aking ama kapag nagsisinungaling siya, kinakamot niya nga ulo niya pero sa nakikita ko ngayon ay parang tinitimbang niya ang sitwasyon."Nakaratay na siya ngayon sweetheart. Dahil sa isang aksidente. Kaya ngayon ay ikaw dapat ang maging asawa ni Andrew. Kaya ito ang tamang panahon para pirmahan mo na yan. Kung hindi ay mawawala sayo ang lahat. " mahabang litanya ng aking ama na tila may banta talaga sa negosyo namin." May banta po ba ang kumpanya natin dad?" Tanong ko sa aking ama, hindi ko alam na ganito na pala kaseryoso ang problema ni daddy kaya pinipilit niya akong ikasal sa taong hindi ko naman kilala at mas lalong hindi ko mahal." Terrence bigyan muna natin siya ng oras para mag isip isip. Alam mo naman na hindi pa sanay ang anak mo para makihalubilo na maraming tao." sermon ni mommy kay daddy. Bakit ganito sila sa akin. Ang daming bakit na gusto kong sagutin nila. Pero mukhang wala yata silang balak sagutin ako. Siguro nga ay dapat kong pag-isipan ito. Kung babagsak naman na ang kumpanya ay kailangan ko talagang pakasalan siya para maisalba ito. Pero kung hindi ko ito gagawin, mawawala naman ang lahat ng pinaghirapan nila mommy and daddy. Parang sa akin nakasalalay ang kumpaya sa magiging pasya ko. Madami ding tao ang mawawalan ng trabaho kung hindi ako papayag na magpakasal."Kaya sige na sweetheart maiwan ka na namin. Pag isipan mong mabuti. Okay goodnight sweetie. " paalam ni mommy sa akin." Good night po. " b****o si mommy sa akin at si daddy bago sila tuluyang lumabas sa aking kwarto.Pakiramdam ko hindi na nila ako mahal kaya nila ito ginagawa. Ano talaga ang kalagayan ng kumpanya namin para ipamigay na lang nila ako ng ganun ganun na lang. Pakiramdam ko tuloy parang hindi nila ako anak dahil sa ibinibigay nila ako kapalit ng pera.Kinuha ko ulit ang laptop ko para isearch ulit si Andrew Valencia. Marami siyang interview pero isa doon ang nakuha ng aking atensyon. Habang pinapanood ko ay hindi ko mapigilan ang humanga sa kanya dahil sa katalinuhan niya at idagdag mo rin ang kanya kagwapuhan."Hoy self, nagkakagusto ka na yata sa kanya. Mali to okay. Pero magiging asawa naman kita kaya okay lang naman siguro na magkagusto ako sayo." Usap ko sa aking sarili. Pero hindi ako pwedeng mainlove sa kanya. Baka kung mainlove ako sa kanya baka pagtawanan niya lang ako. Kailangan kong mag isip ng plano para hindi ko siya magustuhan. At lalong hindi siya lalapit sa akin. Yung tipong mandidiri siya. Pero paano ko naman gagawin iyon.Humarap ako sa salamin.Paano naman niya pandidirihan ang itsura mo? Kahit pa ang gulo gulo ng buhok mo ay maganda ka pa rin? Hayss. Tanong ko sa sarili ko habang kaharap ang salamin. Ano ba ang dapat kong gawin. Ang hirap mag isip.Humarap ulit ako sa laptop ko.Pagkatapos kong nagsawang tumitig sa mga litrato niya ay pumunta ako sa social media ko at nood sa mga reels. Sa pag scroll scroll ko ay may napanood akong kumuha sa akin ng aking atensyon. Iyon ay ang nagpanggap na pangit yung babae para malaman kung ano ang ugali nang lalaki. Napaisip ako tuloy kung gagayahin ko ba ang ginawa na babae. Parang exciting.Hannah's POVIsang linggo na ang nakalipas at nakapag desisyonan ko nang pipirmahan ko na ang kontrata bilang isang ganap na asawa ni Andrew Valencia. Dumating na din ang mga parcel ko na make up na binili ko online dahil nga ayokong lumabas kaya sa online na lang ako bumibili ng mga gusto. Mabuti na nga ngayon ay isang pindot mo lang sa cellphone ay dumadating na lahat ng gusto ko. Ngayong araw ko na makikita si Andrew kaya naisipan ko ng mag ayos. Kasalukuyan kong ginagamit ang mga make up na binili ko tulad ng prosthetic, at may pekeng lunal pa. Natatawa ako sa itsura ko. Yung lunal ay inilagay ko sa kanang mukha ko sa saan malapit sa ilong. Tapos pinaitim ko ang aking balat hindi naman as in na maitim, morena look lang siya. Bumili din ako ng wig. Yung parang buhok ni Dora pero ginupitan ko pa yung bang niya. Ginawa kong mas maiksi. Pati ako nandidiri sa itsura ko. Natatawa ako. Hindi ko na ginalaw ang ngipin ko dahil baka masuka na ako sa itsura ko. Sa kalagitnaan ng pag me make
Hannah's POVNandito kami ngayon nila Mommy at daddy sa loob ng bahay ni Andrew Valencia. Samut saring emotions ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako pero natatawa din dahil ang itsura ni Andrew, hindi maipinta na akala mo nakakita ng pulubi sa kalsada kung mandiri sa itsura ko. Nagsalubong ang mga makakapal niya kilay na parang sinasabi niya na "No way, Disgusting". Hindi maipinta ang mukha niya. Kahit na hindi niya sabihin ay nandidiri siya sa akin. Pakiwari ko ay hindi niya matanggap na ako ang magiging asawa niya. Kaharap namin ang isang judge para gawing legal ang pagiging mag asawa namin. Ayoko naman maikasal sa simbahan dahil hindi ko naman mahal ang lalaking kaharap ko. Kaya mas pinili ko na sa Judge na lang kami ikasal. "Hi I'm Hannah Fuentes. The one and only Beautiful Daughter of Mr. Terence Fuentes my dad and Melody Fuentes my mom." pagpapakilala ko sa aking sarili. Lahad ko sa aking kamay kay Andrew. Mas ngumiwi pa ang itsura ni Andrew dahil sa binanggit kong beautiful. N
Hannah's POVGabi na pero wala pa rin si Andrew. Hindi pa naman ako dinadalaw ng antok, alas nwebe na nang gabi kaya naisipan kong magpahangin muna dito sa terrace ng kwarto ko. Habang nakatanaw sa gate para abangan ang aking asawa. Ito ang unang gabi ko sa bahay niya. Kaya naman nagtatyaga ako na abangan siya. Nakalipas ang ilang minuto ay may narinig na akong ugong ng sasakyan. Dali dali kong nilingon kung siya na ba ang dumating. Nang makumpirma ko na siya ang dumating ay agad akong bumaba pero bago niyan ay tinignan ko muna ang aking itsura sa salamin baka nalalaglag ang lunal ko pero good thing ay meron pa naman sa mukha ko. Dali dali ako bumaba para salubungin siya.Pinagbuksan ko siya ng maindoor para naman makapasok na siya kaagad. Halatang pagod na pagod ang itsura niya dahil magulo na ang buhok niya at nakatabingi pa necktie niya."Hello."" What the. Ginulat mo naman ako. Pwede ba sa susunod huwag kang pakalat kalat sa bahay ko. Magkulong ka na lang sa kwarto mo tutal sanay
Umakyat na ako para mag make-up at para makapagluto na rin.Bumaba na ako para tignan ko kung naiprepare na ni manang ang mga kasangkapan para sa lulutuin ko. 5:23pm na, kaya may oras pa para maluto ang paborito niyang adobong manok. Mabilis lang naman lutuin yun. Tinignan ko ang mga sangkap na inihanda ni manang. Kompleto naman. Sibuyas, bawang, luya, paminta, at patatas. Kaso ang liit ng luya na ginawa niya kaya dinagdagan ko pa. Dinamihan ko dahil isa ng luya para mas lalong sumarap at maging malasa ang manok at medyo may anghang na konti. Lahat ng klase ng luto ng manok ay talagang dinadamihan ko ng luya.Ilang sandali pa ay naluto ko na ang adobong manok. Sakto naman ang pagkarinig ko ng ugong ng sasakyan hudyat na nandito na si Andrew. Naghain na ako sa mesa para naman uupo na lang siya at kakain na kami. Tinulungan naman ako ni manang Fely para maghain sa mesa. Pagkatapos namin maghain ay sakto naman ang dating niya. Mukha siyang pagod dahil sa ayos niya. Umupo na ako
Hannah's POVLate na ako nagising dahil ang dami kong hinabol na i-dedesign. Madaling araw na ako natapos. Dumeretso na din ako sa banyo para maligo. Paglabas ko ay tinignan ko kung anong oras na 10:48 na pala. Tinignan ko din kung may email sa akin ang secretary ko pero wala naman. Bumaba na muna ako para kumain. Hindi na din ako nag abalang naglagay ng mga prosthetic dahil nasa trabaho naman na si Andrew. Breakfast lunch na ang gagawin ko dahil madami pa rin akong tambak na trabaho. Through email ko ipinapasa lahat ng gawa ko. Bahala na yung secretary ko na magpasa sa CEO kung approve ang mga gawa ko. Paakyat na sana ako ng may tumawag sa akin, ang secretary ko." Yes Trish."" Ma'am gusto daw po kayong ma meet ng bagong CEO."" Bakit naman daw. May problema ba sa mga gawa ko. Hindi ba niya nagustuhan ang mga gawa ko?" sunud-sunod kong tanong sa secretary ko. Biglaan naman yata na gusto niya akong makita. Ito na siguro ang panahon para magamit ko ang katauhan bilan
Nandito na kami ngayon sa parking lot. "Your car or my car." tanong niya sa akin."Your car." hindi naman pwede na yung akin dahil baka makita niya yung driver ko, e di buking na ako. Kaya yung sasakyan niya ang sinabi ko. Tahimik lang ang buong byahe. Naiilang naman akong magsalita. Hindi ko naman alam sa sarili ko kung bakit ko pa itinanong ang GF niya. Kinakabahan tuloy ako. Alam ko naman na magseselos lang ako dahil ako na ngayon ang asawa niya. Pero hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at heto ako ngayon, pupuntahan na namin sa Ashley. Pero dahil ako si Brigette ngayon ay wala siyang kaalam alam na ako ang asawa niya. Dapat maging kampante ako para hindi siya makahalata. At pagkakataon ko na din ito para makilala si Ashley ang Girlfriend ng asawa ko. Nandito na kami kung saan ang room niya. " How are you babe. I miss you so much." Hinalikan naman ni Andrew ang noo ni Ashley. Hawak hawak niya ngayon ang kanang kamay nito." Pasensya ka na kung n
"Ano ba ang problema mo. Kung nandito ka lang para lalait laitin ako, pwedeng lumabas ka na lang." inis kong sabi sa kanya."Huwag ka ngang magreklamo dahil kalait lait naman yang itsura mo. Ang pangit pangit mo." sigaw niya sa akin. "Ano ba ang problema mo at ang init init ng dugo mo sa akin ah. Wala naman akong ginagawa sayo. Nananahimik ako dito."inirapan ko siya sa inis ko." Huwag mo nga akong irapan dahil hindi bagay sayo."" Kung nandito ka lang para makipag away ay mas mabuting lumabas ka na. Ewan ko kung may problema ka at sa akin mo ibinubunton." " Alam mo kung ano ang problema ko. Tumingin ka sa salamin." Ibinaling niya ang mukha ko sa salamin at pareho kaming tumingin sa salamin." Kahit ilang beses kang manalamin ay hinding hindi na gaganda yang mukha mo. Tignan mo nga yan. Hindi ka ba nandidiri sa mukha mo." Hindi na ako makatiis sa mga sinasabi niya sa akin ay hinead bump ko siya. " Arayyy anu ba?! " inis niyang sabi. Sapo sapo niya ang kanya
Andrew POVNakaupo ako ngayon sa sofa. "Andrew." May tumawag sa akin at ikinakaway niya ang kamay niya sa harap ng mukha ko. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Brigette sa opisina ko."Andrew. Ayos ka lang ba." Hinawakan niya ang noo ko. Dahil sa gulat ko ay pinilipit ko ang kamay niya."Aray aray ano ba Andrew masakit." natauhan na lang noong dumaing siya sa sakit."Anong pinaplano mo." Tanong ko sa kanya pero hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya." Bitawan mo nga muna ako. Hindi na ako makakapagdrawing sa ginagawa mo eh." Binitawan ko na ang kamay niya. "Hindi ba't niyaya mo ako tapos ngayon pinaghihinalaan mo ako. Hindi na lang saan ako pumunta kung ganyan ka." Akmang tatalikod na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya at hinila pabalik sa akin. Na out balance naman siya sa paghila ko kaya nadaganan niya ako at nakalihan ko siya sa labi. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko pa ito nararanasan kahit na kay Ashley pa. F
HANNAH'S POV"Pakiusap please. Gusto kong makita ang anak ko." Yung galit at naiinis niyang awra kanina ay biglang napalitan ng maamong tupa na nagmamakaawa.Napangiti na lang ako dahil sa bilis ng pagbabago ng emosyon niya. " Seryoso ako. Hindi pa kayo pwedeng magkita. Hayaan mo muna akong iexplain sa bata. Hindi natin pwedeng biglain yung bata. Sana naman maintindihan mo." Alam kong karapatan din niya na makita ang anak niya bilang isang ama. Pero mas inaalala ko si Drew. Ayoko naman mabigla yung bata. Gusto ko munang sabihin sa kanya bago sila magkita ng ama niya."Bukas, I can't wait any longer to see him. Sana pumayag ka. Gusto ko ng makita ang anak ko." pagmamakaawa niya."Okay but, there are rules. Huwag na huwag kang lalagpas sa rules or else."Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Okay fine. Susundin ko lahat kahit anong rules pa yan."" Rule number one. Kung sinabi kong bawal ay bawal. Huwag ng madaming hirit." " Napakabossy mo naman. Pero okay, its fine as long as m
ANDREW'S POVFive years na pero wala pa rin akong balita kay Hannah. Isang araw may nagbalita sa akin na isang kaibigan ko sa Paris na nakita niya daw si Hannah doon at nagpapatakbo na siya ng isang malaking kumpanya.Kaagad naman akong nag book ng flight papuntang Paris. Wala na akong sinayang na oras. Kinuha ko na din ang address kung saan nagtatrabaho si Hannah.This Time hindi na ako papayag na malilinlang niya ulit ako.Pagkalapag ko doon ay nag hire agad ako ng investigator para ipaimbestiga si Hannah. Nalaman ko din kung saan siya nakatira at nakilala ko na din ang anak kong si Drew. Kahit sa litrato ko lang nakikita alam kong anak ko siya.Mas lalong gusto kong mapalapit ulit kay Hannah dahil kay Drew.Hindi na talaga ako papayag na malilinlang niya ulit ako.Nalaman mo din na nagbebenta siya ng mga design kaya naman sinunggaban ko na kaagad. Sinadya ko talagang last minute ako magpa Schedule para wala siyang oras para i-review ang profile ko.Alam ko din na busy siya kaya hin
HANNAH'S POV Alam kong ipapahold ni Andrew ang mga magulang ko kaya nag two step ahead na ako sa kanya. Alam kong gagawin niya ang lahat para lang makita ako. Siguro dahil dala ko ngayon ang anak niya kaya hahabulin niya ako. Hindi pwede hindi ko magantihan sa lahat ng ginawa niya sa akin. Kasalukuyan kaming nakasakay sa aming private Jet papuntang Parish. Parish ang gusto kong puntahan para mas ma-enhance ko pa ang pagdedesign ng mga damit. Gagawin ko ang lahat para hindi ko na makita pa si Andrew. Ayoko ang lalaking katulad niya. Kayang kaya niya manakit ng isang babae. Ang akala ko pa naman ay ang mga lalaki ay napaka gentlemen pero hindi pala. Iilan lang siguro ang mga gentlemen sa mundo. Sa mukha lang siya tumitingin hindi sa puso. Masyado siyang mapanlait. Hayssss, kumukulo tuloy ang dugo pag naiisip ko siya. "Hindi pwede! Hindi mo pwedeng paglihian ang bwisit na lalaking yun anak. Sorry, kahit na siya pa ang daddy mo. Hindi pa din pwede. Sorry baby pero hindi ko na siya k
ANDREW'S POV Hindi pa pumapasok sa utak ko yung mga litrato na ibinigay ni Hannah ng bumagsak siya sa tubig. Mas lalo akong nagulat dahil mukha ni Brigette ang lumantad sa harap namin lahat. "Brigette!" gulat akong makita siya. Ngumiti lang siya sa akin. Ngiti ng isang bigo. Kaagad naman akong tumaton sa pool dahil kaagad na pumasok sa isip ko na baka buntis siya. "Don't you dare to touch me." Galit niyang sabi sa akin. "Nandidiri ako sayo." Hinayaan ko siyang umahon mag-isa. Kaagad naman siya binalutan ni manang ng towel. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Ito ba ang sinasabi ng Lawyer nila sa akin kahapon. Napahilamos na lang ako sabay hawi sa buhok. "Andrew!" Bumalik ako sa katinuan ko ng marinig ko ang boses ni Ashley. Kaagad naman ako umahon sa tubig. "How dare you!" "Andrew please. Listen to me. Let me explain." Umiiyak na si Ashley pero wala akong pakialam. Mas nangingibabaw sa akin ang ginawa niyang panloloko sa akin. "Explain what? Malinaw na niloloko mo ako.
ANDREW'S POV Nagmamadali akong pumunta sa Opisina. Iniwan ko na si Ashley kay yaya. Alam ko naman na aalagaan ni Yaya si Ashley. Nakarating na din ako sa opisina at kaagad ako sinalubong ni Paul sa Entrance pa lang. "Sabihin mo sa akin kung ano ang problema." May ibinigay sa akin si Paul na mga papeles na ipinupull-out na ng mga Fuentes ang merging ng kumpanya ko at tinatanggalan na ako ng karapatan sa kumpanya nila kapalit ang pagbangon muli ng kumpanya ko at isinasauli na nila ito sa akin. "Kinakalaban talaga ako ng mga Fuentes. Mukhang ramdam nila na pagagapangin ko sila kaya nila ito ginagawa." "Mukhang ganun na nga po." Hinarangan ako ng isang gwardya ng papasok na ako sa Elevator. "Ah sir pasensya na po pero inutos po sa taas na bawal na po kayo dito sir." "Anong sinasabi mo? Hindi mo ba siya kilala?" Hamon ni Paul sa gwardya. "Kilala ko siya pero pasensya na po talaga. Napag-utusan lang ako." Takot na paliwanag naman ng Gwardya. Sakto naman bumukas ang elevator at luma
HANNAH'S POVNang makaalis na sila Andrew at Ashley tsaka naman ako inalalayan ni Manang Rosa."Ayos ka lang ba hija. Gusto mo bang dumaan muna tayo sa OB mo bago tayo bumili ng mga ipapabili ni Sir.""Ayos lang ako manang, huwag niyo po akong alalahanin. Maliligo lang po ako manang." Paalam ko sa kanya."So totoo bang may nangyari.""Manang." Biglang uminit ang pisngi ko. Nahihiya tuloy ako sa kanya."Okay lang naman yun. Normal lang naman sa mag-asawa yun. Ano ka ba." Pabirong wika ni manang."Ang weird manang. Hindi ko maipaliwag yung nararamdaman ko. Bigla na lang akong naging marupok kanina." Nag-uusap kami habang naglalakad patungo sa kwarto ko."Baka may nararamdaman ka na sa kanya." Napabungisngis naman si manang sa sinabi habang ako naman ay nanlaki ang mga mata ko."Ano ba ang pinagsasabi mo manang. Siguro dahil ipinabubuntis ko ang anak niya kaya ako nagkakaganito. Baka si baby na mismo ang umaayos sa hidwaan namin ng daddy niya." Ganitong mga bagay ang sinasabi ko kay mana
ANDREW'S POV "Hijo anong plano mo sa Birthday mo. Malapit na." Tanong ni Yaya habang nag aalmusal kami ni Ashley. Hindi namin kasabay si Hannah dahil baka masira lang ang araw ko kapag nakita ko siya. Ilang araw na din na nagpapakaalipin siya sa akin. Mukhang nakukumbinsi na din ako sa mga pinapakita niya. Natuto siguro ng ginutom ko siya. Alam ko naman na hindi siya sanay magutom kaya siguro siya natuto."Oo nga pala honey. Anong plano mo. Gusto mo ba sa Parish tayo mag celebrate ng Birthday mo? Magpapahanda ako doon. Marami ako kaibigan dun para tumulong." suggestion ni Ashley."No need." Wala kasi ako sa mood na pumunta sa kung ano anong bansa ngayon. Lalo na at madami pa akong problema."So my plano ka na?" Pangungulit ni Ashley."Wala pa naman. Siguro gusto ko ng lang simpleng party. Ayoko muna ng magarbo.""Why? You deserve it naman ahh.""Sa tingin mo ba pag nagpa birthday ako ng bongga magiging maganda ba ang tingin sa akin ng mga tao knowing na ipinakulong ko si Terence Fue
HANNAH'S POV Gutom na gutom na ako. Kahapon pa akong di pinapakain ni Andrew. Anong silbi ng pera ko kung di naman ako makakakain. Ang sakit na nang tiyan ko. Puro tubig na lang ang laman. Daig ko pa ang mag fasting. Dapat nga ba talaga akong magpakumbaba? Siguro nga kailangan ko ng gawin ang magpakumbaba. Hindi naman ako mabubusog sa taas ng pride. Ito na siguro ang nagagawa ng gutom. Mapapapayag ka na lang. Narinig kong may pumihit sa door knob ng aking pinto. Dali dali naman akong tumayo habang hawak hawak ang tiyan ko dahil sa gutom. Pero ng pagtayo ko ay bigla na lang akong nakaramdam hilo. Nasapo ko ang ulo ko sa sobrang pagkahilo. Hindi ko na nakayanan kaya naman napapikit na lang ako kasabay ng pagbagsak ko. ANDREW'S POV "Hannah! Hannah! Gising. Hannah gumising ka. Hannah!" Sigaw ni yaya. Lumapit ako para malaman kung anong nangyayari sa loob. Kung bakit sila sumisigaw. "Yaya what happen." "Sir biglang bumagsak ni Hannah. Dalhin po natin siya sa hospital." tarantang sabi
HANNAH'S POV Nang makita ko ang reaksyon ni Ashley sa sinabi ko ay shock pa rin siya. "Papasok ka ba ngayon Andrew. Alam naman na mas kailangan ka ngayon doon dahil sa merging diba. Huwag kang mag alala. Ako na bahala ka Ashley." "Mukhang kailangan ko yata dito muna ako. Masama ako kutob ko sa mukha mong yan. Baka may masama kang balak kay Ashley." "You're right Andrew. Dito ka lang." "Wow parang ang sama ko naman yata sa lagay na to Andrew. Before I forgot, di ba pumayag na ako sa deal natin. Bakit hanggang ngayon wala pang usad ang pangako mo." "Saka ko lang gagawin yung kapag itinuturing mo na akong amo. Pero sa lagay mo kasing yan ay parang ikaw pa ang amo. Tsaka lahat ng utos namin ni Ashley sayo ay susundin mo ng walang angal. Pag nag improve ka na. Saka ko pakakawalan ang daddy mo. And that's final." "Anong akala mo sa akin. Andrew I'm still you're wife. And yet gusto mong maging alipin ako ng kabit mo. Are insane. Ganyan ka ba kawalang kwentang lalaki." "Wait what? Wife