Umakyat na ako para mag make-up at para makapagluto na rin.
Bumaba na ako para tignan ko kung naiprepare na ni manang ang mga kasangkapan para sa lulutuin ko. 5:23pm na, kaya may oras pa para maluto ang paborito niyang adobong manok. Mabilis lang naman lutuin yun. Tinignan ko ang mga sangkap na inihanda ni manang. Kompleto naman. Sibuyas, bawang, luya, paminta, at patatas. Kaso ang liit ng luya na ginawa niya kaya dinagdagan ko pa. Dinamihan ko dahil isa ng luya para mas lalong sumarap at maging malasa ang manok at medyo may anghang na konti. Lahat ng klase ng luto ng manok ay talagang dinadamihan ko ng luya.Ilang sandali pa ay naluto ko na ang adobong manok. Sakto naman ang pagkarinig ko ng ugong ng sasakyan hudyat na nandito na si Andrew. Naghain na ako sa mesa para naman uupo na lang siya at kakain na kami. Tinulungan naman ako ni manang Fely para maghain sa mesa. Pagkatapos namin maghain ay sakto naman ang dating niya. Mukha siyang pagod dahil sa ayos niya. Umupo na ako at ganun din siya. Hindi man lang niya ako pinansin. Nakita kong sumandok na siya ng pagkain niya at kumuha na din siya sa adobo na niluto ko. Hinintay ko muna siyang sumubo bago ako sasandok ng sarili kong pagkain." Ya?" tawag niya kay manang. Si manang kasi ang nag alaga sa kanya simula pa noong bata pa siya. Kwento ni manang kanina habang nagluluto ako kanina."Ano yung senyorito?" Sagot naman ni manang."May kakaiba po ngayon sa luto niyo. Mas lalo pong sumarap. Ipagpatuloy niyo lang po ya."" Actually senyorito, hindi po ako ang nagluto. Si Hannah po ang nagluto senyorito." turo sa akin ni manang. Nakangiti naman akong tumingin sa kanya.Mataman lang akong tinignan at agad din niyang iniwas saka tumingin sa pagkain niya."Bakit siya ang hinayaan niyong magluto Ya. Baka nilagyan niya ito ng gayuma." bintang niya sa akin." Grabe ka naman sa akin. Anong akala mo sa akin ah. Nauubusan ng lalaki. Akin na nga yan." sabay kuha ko sa plato niya at inilayo sa kanya. Magluto ka ng para sayo tse! " inis kong sabi sa kanya sabay irap ko." Sino ba kasi ang nagsabi na magluto ka hah. "asik niya sa akin." Bakit bawal ba? Sa pagkakaalam ko ay bahay ko na din ito simula noong nagkapirmahan tayo. Ibig sabihin, may karapatan akong gawin lahat ng kung anong gusto kong gawin sa loob ng pamamahay na ito dahil asawa mo ako! " Sigaw ko sa kanya.Akala ko pa naman magiging maayos na kami dahil ito sana ang sorry gift ko sa kanya. Nag effort pa akong magluto dahil akala ko magiging okay na kami. Kahit maging magkaibigan lang o di kaya sibil lang ang pakikitingo namin sa isat isa pero nagkamali ako." Aba malay ko ba kung may inilagay kang lason o di gayuma dyan sa ulam."" Kung may nilagay akong lason edi sana bumubula na ang bibig mo. At kung gayuma naman edi sana hindi mo ako inaaway ngayon at pinagbinintangan ng kung ano ano. Lumayas ka na nga sa harap ko." taboy ko sa kanya." Wow ibang klase ka din ano? Sariling kong pamamahay pinapalayas mo ako. Akin nga yan. " hatak niya sa pinggan niya na kinuha ko." Huwag mong kainin yan. Baka bumula pa ang bibig mo o di kaya mamaya niyan ay baka nakalingkis ka na sa akin na parang ahas." kinuha ko ulit yung pagkain niya. Nilantakan ko naman kaagad ang pagkain na nasa pinggan niya kanina."Hmmm. Sarap. Gusto mo?" Nakanganga lang siya sa harap ko at lumulunok pa ng sarili niyang laway, naririnig ko na rin ang tunog ng tiyan niya. Siguro dahil sa pagod niya ay nagutom na din siya at mas lalo ko pa siyang tinakam sa pagkain kaya mas lalo niyang ramdam ang gutom niya. "Mag order ka na lang ng pagkain mo para hindi kita magayuma o di kaya malason."Hindi na namin pinansin si manang na kanina pa nanonood sa amin.Dahil hindi naman ako ganun katakaw ay hindi ko naman naubos yung nasa plato niya kanina. Niligpit ko na din ang mga pagkain na nakahain.Pagkatapos kong hinugasan ang pinagkainan ko ay saka na ako aakyat sa kwarto ko. Pero laking gulat ko na nasa mesa na ang palayok at hindi man lang niya inilagay sa bowl ang adobo. Tapos para siyang patay gutom kung kumain. Na akala mo'y hindi kumain nang isang linggo. Punong-puno ang bibig niya, hindi ko alam kung nakakahinga pa ba siya sa pagsubo niya." Oh akala ko ayaw mo yang niluto ko." tanong ko sa kanya. Inilagay ko sa bulsa ang mga kamay ko dahil nabura ang prosthetic sa kamay ko. " Hindi na ako magtataka mamaya kung lilingkis ka sa akin na parang ahas mamaya." pang aasar ko sa kanya.Bigla naman itong nabilaukan. Sinusuntok niya ang kanyang dibdib. Nag mala kamatis na ang kanyang mukha kaya nataranta na kami ni manang. Pumunta naman ako sa likod niya at niyakap siya mula sa likod at nilagay ko ang mga kamay ko sa bandang sikmura niya." Pag sinabi kong talon, talon okay. One two three Talon." at bigla kong diniinan ang pagkakayakap kanina." Isa pa. One two three talon." ganon ulit yung ginawa namin. Mabuti na lang at nailabas niya ang patatas. Grabe ang laki ng nilunok niya. Sinong hindi mabibilaukan dun. Parang kamao ng sanggol ang laki nun." Yan kasi ang takaw mo. Para kang patay gutom kung kumain. Parang ngayon ka lang nakakain ng adobo tsk. "sermon ko sa kanya. At uminom na din siya ng tubig." Kalasanan mo ito kung hindi kasi kung ano ano ang sinasabi mo, hindi ako mabibilaukan. " Sumbat niya sa akin." At ako pa ang sinisi mo. Eh kung sumubo ka kanina para isang linggong di ka kumain. Pero kumusta ka na. Hindi na ba masakit lalamunan mo." May pag aalalang tanong ko at hagod hagod pa rin ang likod niya.Buti na lang brown ang polo niya ngayon dahil hindi halata sa suot niya na medyo nabura ang prosthetic sa kamay at sa braso ko." Masakit pa rin."" Heto uminom ka ng malamig na tubig para maibsan ang pamamaga ng lalamunan mo. Sigurado akong mamaga iyan. Dahil parang nabugbog ang lalamunan mo." Inabot ko sa kanya ang malamig na tubig. Mabuti naman at kinuha niya ito." Bagay na bagay talaga kayong dalawa kahit aso't pusa kayo." Biglang sabi ni manang. Hindi ko alam na nandito pa pala siya at pinapanood ang mga ginagawa namin." Ya anong pinagsasabi mo?" Inis na turan ni Andrew. pagkasabi niya nun ay umubo ubo siya." Wala namang masama. Maganda si Hannah. Ikaw naman ay gwapo rin." turo ni manang sa amin. Pinandilatan ko naman siya ng mata at alam kong napansin niya ang mata ko." Yaya malabo na po ba ang mga mata niyo. Dadalhin po kita bukas sa doctor para makita niyo po kung maganda ang sana harap niyo."" Senyorito, wala naman sa panlabas lang na anyo kung maganda ang isang tao. Nasa loob po yun senyorito. Oh siya maiwan ko na kayo baka kung anu ano pa ang makita ko at baka aatakihin ako ng puso sa inyong dalawa. Matanda na ako para manood ng bangayan niyong dalawa." Paalam ni manang sa amin."Oppss, bago ka umakyat ay iligpit mo itong pinagkainan mo. Maliwanag. " Sabi ko sa kanya saka ako tumalikod. Ginawa ko naman siyang parang bata kung utusan.Nakaawang lang ang kanyang labi dahil sa sinabi ko." Sino ka para utusan ako. Marami akong kasambahay dito para gawin ito at pagsilbihan ako. " sigaw niya sa akin." Alam mo Mr. Valencia. hindi sa lahat ng oras ay iaasa ko sa kasambahay lahat. Matuto ka naman sa gawaing bahay. Malay mo paggising ni Ashley ay mas lalong mainlove yun sayo kung marunong kang magluto at maghugas ng pinggan. And take note huwag ka munang sisigaw sigaw dahil baka mamaos ka bukas dahil mas lalong bugbog na bugbog na ang lalamunan mo. Sige ka hindi mo na ako masisigawan bukas." panghahamon ko sa kanya." At talaga isinama mo pa si Ashley dito sa usapan. "" Sige na goodnight. Baboo. "Sabay kaway ko sa kanya.Umakyat na ako dahil pagod na akong makipangbangayan sa kanya.Marami pa akong trabahong gagawin lalo na ngayon na nag merge na ang company namin at ang company ni Andrew. Ako pa rin ang nagdedesign ng mga kailangan na idesign na damit, sapatos, tsinelas, sumbrero at etc.May plano din akong pumunta sa opisina pagdating ng araw na ipapatawag niya akoHannah's POVLate na ako nagising dahil ang dami kong hinabol na i-dedesign. Madaling araw na ako natapos. Dumeretso na din ako sa banyo para maligo. Paglabas ko ay tinignan ko kung anong oras na 10:48 na pala. Tinignan ko din kung may email sa akin ang secretary ko pero wala naman. Bumaba na muna ako para kumain. Hindi na din ako nag abalang naglagay ng mga prosthetic dahil nasa trabaho naman na si Andrew. Breakfast lunch na ang gagawin ko dahil madami pa rin akong tambak na trabaho. Through email ko ipinapasa lahat ng gawa ko. Bahala na yung secretary ko na magpasa sa CEO kung approve ang mga gawa ko. Paakyat na sana ako ng may tumawag sa akin, ang secretary ko." Yes Trish."" Ma'am gusto daw po kayong ma meet ng bagong CEO."" Bakit naman daw. May problema ba sa mga gawa ko. Hindi ba niya nagustuhan ang mga gawa ko?" sunud-sunod kong tanong sa secretary ko. Biglaan naman yata na gusto niya akong makita. Ito na siguro ang panahon para magamit ko ang katauhan bilan
Nandito na kami ngayon sa parking lot. "Your car or my car." tanong niya sa akin."Your car." hindi naman pwede na yung akin dahil baka makita niya yung driver ko, e di buking na ako. Kaya yung sasakyan niya ang sinabi ko. Tahimik lang ang buong byahe. Naiilang naman akong magsalita. Hindi ko naman alam sa sarili ko kung bakit ko pa itinanong ang GF niya. Kinakabahan tuloy ako. Alam ko naman na magseselos lang ako dahil ako na ngayon ang asawa niya. Pero hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at heto ako ngayon, pupuntahan na namin sa Ashley. Pero dahil ako si Brigette ngayon ay wala siyang kaalam alam na ako ang asawa niya. Dapat maging kampante ako para hindi siya makahalata. At pagkakataon ko na din ito para makilala si Ashley ang Girlfriend ng asawa ko. Nandito na kami kung saan ang room niya. " How are you babe. I miss you so much." Hinalikan naman ni Andrew ang noo ni Ashley. Hawak hawak niya ngayon ang kanang kamay nito." Pasensya ka na kung n
"Ano ba ang problema mo. Kung nandito ka lang para lalait laitin ako, pwedeng lumabas ka na lang." inis kong sabi sa kanya."Huwag ka ngang magreklamo dahil kalait lait naman yang itsura mo. Ang pangit pangit mo." sigaw niya sa akin. "Ano ba ang problema mo at ang init init ng dugo mo sa akin ah. Wala naman akong ginagawa sayo. Nananahimik ako dito."inirapan ko siya sa inis ko." Huwag mo nga akong irapan dahil hindi bagay sayo."" Kung nandito ka lang para makipag away ay mas mabuting lumabas ka na. Ewan ko kung may problema ka at sa akin mo ibinubunton." " Alam mo kung ano ang problema ko. Tumingin ka sa salamin." Ibinaling niya ang mukha ko sa salamin at pareho kaming tumingin sa salamin." Kahit ilang beses kang manalamin ay hinding hindi na gaganda yang mukha mo. Tignan mo nga yan. Hindi ka ba nandidiri sa mukha mo." Hindi na ako makatiis sa mga sinasabi niya sa akin ay hinead bump ko siya. " Arayyy anu ba?! " inis niyang sabi. Sapo sapo niya ang kanya
Andrew POVNakaupo ako ngayon sa sofa. "Andrew." May tumawag sa akin at ikinakaway niya ang kamay niya sa harap ng mukha ko. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Brigette sa opisina ko."Andrew. Ayos ka lang ba." Hinawakan niya ang noo ko. Dahil sa gulat ko ay pinilipit ko ang kamay niya."Aray aray ano ba Andrew masakit." natauhan na lang noong dumaing siya sa sakit."Anong pinaplano mo." Tanong ko sa kanya pero hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya." Bitawan mo nga muna ako. Hindi na ako makakapagdrawing sa ginagawa mo eh." Binitawan ko na ang kamay niya. "Hindi ba't niyaya mo ako tapos ngayon pinaghihinalaan mo ako. Hindi na lang saan ako pumunta kung ganyan ka." Akmang tatalikod na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya at hinila pabalik sa akin. Na out balance naman siya sa paghila ko kaya nadaganan niya ako at nakalihan ko siya sa labi. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko pa ito nararanasan kahit na kay Ashley pa. F
"Sorry pero pwede ko bang malaman ang sagot."Ano na naman ang idadahilan ko. Magsisinungaling nanaman ba ako?Kasalukuyan naman na nagmamaneho siya. "Wala pa sa isip ko kasi na mag boyfriend. At hindi pa kasi ako handa na pumasok sa isang relasyon. Natatakot kasi akong masaktan kung magmamahal ako. Katulad na lang ng mga napapanood ko sa mga social media." Mahabang paliwanag ko. Siguro sa lahat ng mga sinabi ko sa kanya ay ito lang ang tanging totoo." Tama ka. Masakit nga ang magmahal katulad na lang ang nangyari sa amin ni Ashley. Malinaw pa sa alaala ko ang lahat bago siya naaksidente. Mahal ko si Ashley kaya lahat gagawin ko para lang gumaling siya." Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot. Parang nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko nang banggitin niya na mahal niya si Ashley. Tamang tama lang na sa bar kami papunta. Parang gusto kong maglasing ngayon baka sakaling matauhan ako."Bakit mukhang natahimik ka diyan." tanong niya sa akin."Hindi ko lang k
Hannah's POV"Huwag na, ako dapat ang sumama sa kanya." sabat din ni Andrew." Ano ba kayong dalawa kaya ko na ang sarili ko." Tumayo na ako sa mula sa pagkakaupo ko. Bigla tuloy akong nakaramdam na hilo. Napahawak ako sa ulo ko gamit ang kanang kamay ko at ang kaliwa kong kamay naman ay humawak sa counter upang mabalanse ko ang sarili ko." Ayos ka lang ba Brigette. Ihahatid na kita sa banyo." Inalalayan naman ako ni Andrew papuntang banyo. Pakiramdam ko tuloy parang isa akong babasagin na iniingatan niya. Mas lalo tuloy akong nahuhulog sa ginagawa niya.Pagkatapos kong nagbanyo ay naghugas na ako ng mga kamay ko. Nagsalamindin ako para i-check ang mukha ko kung maayos pa ba ang make-up ko. May tatlong babaeng bagong pasok dito sa loob ng Powder Room. "Grabe girl,nakita mo ba yun, ang gwapo ng guy." sabi ng babae na maiksi ang buhok."Naku girl kung mayayayain niya ako. Sasama na ako kaagad. Hindi na ako magpapakipot pa." Sabi ng isang babae na kulot a
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Ang naalala ko lang ay sobra akong kinilig sa ginawa niyang paghalik sa noo ko. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako pag pumapasok yun sa isipan ko. Ibinaling ko ang paningin ko sa pintuan na bigla na lang itong bumukas. Kinapa ko ang mukha ko. Wala pa pala akong inilagay sa mukha ko. Naalala kong ako pa pala si Brigette at inalok niya na dito ako matutulog ngayon."Gising ka na pala. Breakfast in bed." masigla sabi niya sa akin." Ganito ka din ba kay Hannah?" patay malisya kong tanong kay Andrew. Kahit alam kong wala naman iyong pakialam sa akin. Baka gumuho na ang mundo kung magkakaroon siya ng pakialam sa akin bilang ako si Hannah."Hindi pa ah. At never kong gagawin ang dadalhan ko siya ng almusal sa higaan niya. Teka, nagseselos ka ba kay Hannah?" Biglang tanong niya.Pakiramdam ko tumaas lahat ng dugo ko sa ulo ko at parang nag-iinit ang pisngi ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Mukhang napansin niya
Hannah POVUnti-unti akong lumingong kung sino ang napatong ng Coat sa likod. Namumula na naman ang pisngi ko ng makita ko si Andrew. Ngumiti pa siya sa akin. Pakiramdam ko may special treatment itong si Andrew pagdating sa akin. "Salamat." Tipid akong ngumiti sa kanya."Andrew sino ba ang babaeng yan para tratuhin mo siya ng ganyan. Ikaw kabago-bago mo dito sa kumpanya kung maalandi ka kay Andrew akala mo ikaw ang Girlfriend. Ipaalala ko lang sayo na girlfriend ni Andrew ang bestfriend ko si Ashley. Kaya ikaw umalis ka na dito sa harap namin." Mahabang litanya ni Solenn."Magdahan-dahan ka sa pananalita mo. Hindi mo kilala ang babaeng kaharap mo. Siya lang naman ang COO ng kumpanya, ibigh sabihin siya ang Vice President ng kumpanya." napanganga ako sa sinabi ni Andrew. Hindi ko akalain na ipagtatanggol niya ako dito sa babaeng kaharap ko na Solenn ang pangalan. Nilingon ko naman ang kaharap ko at napanganga, muntik na siyang malaglag sa kinauupuan niya. "Ngayo
HANNAH'S POV"Pakiusap please. Gusto kong makita ang anak ko." Yung galit at naiinis niyang awra kanina ay biglang napalitan ng maamong tupa na nagmamakaawa.Napangiti na lang ako dahil sa bilis ng pagbabago ng emosyon niya. " Seryoso ako. Hindi pa kayo pwedeng magkita. Hayaan mo muna akong iexplain sa bata. Hindi natin pwedeng biglain yung bata. Sana naman maintindihan mo." Alam kong karapatan din niya na makita ang anak niya bilang isang ama. Pero mas inaalala ko si Drew. Ayoko naman mabigla yung bata. Gusto ko munang sabihin sa kanya bago sila magkita ng ama niya."Bukas, I can't wait any longer to see him. Sana pumayag ka. Gusto ko ng makita ang anak ko." pagmamakaawa niya."Okay but, there are rules. Huwag na huwag kang lalagpas sa rules or else."Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Okay fine. Susundin ko lahat kahit anong rules pa yan."" Rule number one. Kung sinabi kong bawal ay bawal. Huwag ng madaming hirit." " Napakabossy mo naman. Pero okay, its fine as long as m
ANDREW'S POVFive years na pero wala pa rin akong balita kay Hannah. Isang araw may nagbalita sa akin na isang kaibigan ko sa Paris na nakita niya daw si Hannah doon at nagpapatakbo na siya ng isang malaking kumpanya.Kaagad naman akong nag book ng flight papuntang Paris. Wala na akong sinayang na oras. Kinuha ko na din ang address kung saan nagtatrabaho si Hannah.This Time hindi na ako papayag na malilinlang niya ulit ako.Pagkalapag ko doon ay nag hire agad ako ng investigator para ipaimbestiga si Hannah. Nalaman ko din kung saan siya nakatira at nakilala ko na din ang anak kong si Drew. Kahit sa litrato ko lang nakikita alam kong anak ko siya.Mas lalong gusto kong mapalapit ulit kay Hannah dahil kay Drew.Hindi na talaga ako papayag na malilinlang niya ulit ako.Nalaman mo din na nagbebenta siya ng mga design kaya naman sinunggaban ko na kaagad. Sinadya ko talagang last minute ako magpa Schedule para wala siyang oras para i-review ang profile ko.Alam ko din na busy siya kaya hin
HANNAH'S POV Alam kong ipapahold ni Andrew ang mga magulang ko kaya nag two step ahead na ako sa kanya. Alam kong gagawin niya ang lahat para lang makita ako. Siguro dahil dala ko ngayon ang anak niya kaya hahabulin niya ako. Hindi pwede hindi ko magantihan sa lahat ng ginawa niya sa akin. Kasalukuyan kaming nakasakay sa aming private Jet papuntang Parish. Parish ang gusto kong puntahan para mas ma-enhance ko pa ang pagdedesign ng mga damit. Gagawin ko ang lahat para hindi ko na makita pa si Andrew. Ayoko ang lalaking katulad niya. Kayang kaya niya manakit ng isang babae. Ang akala ko pa naman ay ang mga lalaki ay napaka gentlemen pero hindi pala. Iilan lang siguro ang mga gentlemen sa mundo. Sa mukha lang siya tumitingin hindi sa puso. Masyado siyang mapanlait. Hayssss, kumukulo tuloy ang dugo pag naiisip ko siya. "Hindi pwede! Hindi mo pwedeng paglihian ang bwisit na lalaking yun anak. Sorry, kahit na siya pa ang daddy mo. Hindi pa din pwede. Sorry baby pero hindi ko na siya k
ANDREW'S POV Hindi pa pumapasok sa utak ko yung mga litrato na ibinigay ni Hannah ng bumagsak siya sa tubig. Mas lalo akong nagulat dahil mukha ni Brigette ang lumantad sa harap namin lahat. "Brigette!" gulat akong makita siya. Ngumiti lang siya sa akin. Ngiti ng isang bigo. Kaagad naman akong tumaton sa pool dahil kaagad na pumasok sa isip ko na baka buntis siya. "Don't you dare to touch me." Galit niyang sabi sa akin. "Nandidiri ako sayo." Hinayaan ko siyang umahon mag-isa. Kaagad naman siya binalutan ni manang ng towel. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Ito ba ang sinasabi ng Lawyer nila sa akin kahapon. Napahilamos na lang ako sabay hawi sa buhok. "Andrew!" Bumalik ako sa katinuan ko ng marinig ko ang boses ni Ashley. Kaagad naman ako umahon sa tubig. "How dare you!" "Andrew please. Listen to me. Let me explain." Umiiyak na si Ashley pero wala akong pakialam. Mas nangingibabaw sa akin ang ginawa niyang panloloko sa akin. "Explain what? Malinaw na niloloko mo ako.
ANDREW'S POV Nagmamadali akong pumunta sa Opisina. Iniwan ko na si Ashley kay yaya. Alam ko naman na aalagaan ni Yaya si Ashley. Nakarating na din ako sa opisina at kaagad ako sinalubong ni Paul sa Entrance pa lang. "Sabihin mo sa akin kung ano ang problema." May ibinigay sa akin si Paul na mga papeles na ipinupull-out na ng mga Fuentes ang merging ng kumpanya ko at tinatanggalan na ako ng karapatan sa kumpanya nila kapalit ang pagbangon muli ng kumpanya ko at isinasauli na nila ito sa akin. "Kinakalaban talaga ako ng mga Fuentes. Mukhang ramdam nila na pagagapangin ko sila kaya nila ito ginagawa." "Mukhang ganun na nga po." Hinarangan ako ng isang gwardya ng papasok na ako sa Elevator. "Ah sir pasensya na po pero inutos po sa taas na bawal na po kayo dito sir." "Anong sinasabi mo? Hindi mo ba siya kilala?" Hamon ni Paul sa gwardya. "Kilala ko siya pero pasensya na po talaga. Napag-utusan lang ako." Takot na paliwanag naman ng Gwardya. Sakto naman bumukas ang elevator at luma
HANNAH'S POVNang makaalis na sila Andrew at Ashley tsaka naman ako inalalayan ni Manang Rosa."Ayos ka lang ba hija. Gusto mo bang dumaan muna tayo sa OB mo bago tayo bumili ng mga ipapabili ni Sir.""Ayos lang ako manang, huwag niyo po akong alalahanin. Maliligo lang po ako manang." Paalam ko sa kanya."So totoo bang may nangyari.""Manang." Biglang uminit ang pisngi ko. Nahihiya tuloy ako sa kanya."Okay lang naman yun. Normal lang naman sa mag-asawa yun. Ano ka ba." Pabirong wika ni manang."Ang weird manang. Hindi ko maipaliwag yung nararamdaman ko. Bigla na lang akong naging marupok kanina." Nag-uusap kami habang naglalakad patungo sa kwarto ko."Baka may nararamdaman ka na sa kanya." Napabungisngis naman si manang sa sinabi habang ako naman ay nanlaki ang mga mata ko."Ano ba ang pinagsasabi mo manang. Siguro dahil ipinabubuntis ko ang anak niya kaya ako nagkakaganito. Baka si baby na mismo ang umaayos sa hidwaan namin ng daddy niya." Ganitong mga bagay ang sinasabi ko kay mana
ANDREW'S POV "Hijo anong plano mo sa Birthday mo. Malapit na." Tanong ni Yaya habang nag aalmusal kami ni Ashley. Hindi namin kasabay si Hannah dahil baka masira lang ang araw ko kapag nakita ko siya. Ilang araw na din na nagpapakaalipin siya sa akin. Mukhang nakukumbinsi na din ako sa mga pinapakita niya. Natuto siguro ng ginutom ko siya. Alam ko naman na hindi siya sanay magutom kaya siguro siya natuto."Oo nga pala honey. Anong plano mo. Gusto mo ba sa Parish tayo mag celebrate ng Birthday mo? Magpapahanda ako doon. Marami ako kaibigan dun para tumulong." suggestion ni Ashley."No need." Wala kasi ako sa mood na pumunta sa kung ano anong bansa ngayon. Lalo na at madami pa akong problema."So my plano ka na?" Pangungulit ni Ashley."Wala pa naman. Siguro gusto ko ng lang simpleng party. Ayoko muna ng magarbo.""Why? You deserve it naman ahh.""Sa tingin mo ba pag nagpa birthday ako ng bongga magiging maganda ba ang tingin sa akin ng mga tao knowing na ipinakulong ko si Terence Fue
HANNAH'S POV Gutom na gutom na ako. Kahapon pa akong di pinapakain ni Andrew. Anong silbi ng pera ko kung di naman ako makakakain. Ang sakit na nang tiyan ko. Puro tubig na lang ang laman. Daig ko pa ang mag fasting. Dapat nga ba talaga akong magpakumbaba? Siguro nga kailangan ko ng gawin ang magpakumbaba. Hindi naman ako mabubusog sa taas ng pride. Ito na siguro ang nagagawa ng gutom. Mapapapayag ka na lang. Narinig kong may pumihit sa door knob ng aking pinto. Dali dali naman akong tumayo habang hawak hawak ang tiyan ko dahil sa gutom. Pero ng pagtayo ko ay bigla na lang akong nakaramdam hilo. Nasapo ko ang ulo ko sa sobrang pagkahilo. Hindi ko na nakayanan kaya naman napapikit na lang ako kasabay ng pagbagsak ko. ANDREW'S POV "Hannah! Hannah! Gising. Hannah gumising ka. Hannah!" Sigaw ni yaya. Lumapit ako para malaman kung anong nangyayari sa loob. Kung bakit sila sumisigaw. "Yaya what happen." "Sir biglang bumagsak ni Hannah. Dalhin po natin siya sa hospital." tarantang sabi
HANNAH'S POV Nang makita ko ang reaksyon ni Ashley sa sinabi ko ay shock pa rin siya. "Papasok ka ba ngayon Andrew. Alam naman na mas kailangan ka ngayon doon dahil sa merging diba. Huwag kang mag alala. Ako na bahala ka Ashley." "Mukhang kailangan ko yata dito muna ako. Masama ako kutob ko sa mukha mong yan. Baka may masama kang balak kay Ashley." "You're right Andrew. Dito ka lang." "Wow parang ang sama ko naman yata sa lagay na to Andrew. Before I forgot, di ba pumayag na ako sa deal natin. Bakit hanggang ngayon wala pang usad ang pangako mo." "Saka ko lang gagawin yung kapag itinuturing mo na akong amo. Pero sa lagay mo kasing yan ay parang ikaw pa ang amo. Tsaka lahat ng utos namin ni Ashley sayo ay susundin mo ng walang angal. Pag nag improve ka na. Saka ko pakakawalan ang daddy mo. And that's final." "Anong akala mo sa akin. Andrew I'm still you're wife. And yet gusto mong maging alipin ako ng kabit mo. Are insane. Ganyan ka ba kawalang kwentang lalaki." "Wait what? Wife