Hannah's POV
Late na ako nagising dahil ang dami kong hinabol na i-dedesign. Madaling araw na ako natapos. Dumeretso na din ako sa banyo para maligo. Paglabas ko ay tinignan ko kung anong oras na 10:48 na pala. Tinignan ko din kung may email sa akin ang secretary ko pero wala naman. Bumaba na muna ako para kumain. Hindi na din ako nag abalang naglagay ng mga prosthetic dahil nasa trabaho naman na si Andrew. Breakfast lunch na ang gagawin ko dahil madami pa rin akong tambak na trabaho. Through email ko ipinapasa lahat ng gawa ko. Bahala na yung secretary ko na magpasa sa CEO kung approve ang mga gawa ko. Paakyat na sana ako ng may tumawag sa akin, ang secretary ko." Yes Trish."" Ma'am gusto daw po kayong ma meet ng bagong CEO."" Bakit naman daw. May problema ba sa mga gawa ko. Hindi ba niya nagustuhan ang mga gawa ko?" sunud-sunod kong tanong sa secretary ko. Biglaan naman yata na gusto niya akong makita. Ito na siguro ang panahon para magamit ko ang katauhan bilang Brigette." Actually po ma'am nagustuhan niya daw po. Ang sabi po niya, bakit daw po ako ang laging nagpapasa at palagi daw po kayong wala sa office niyo po. Ipinaliwanag ko naman na po sa kanya na work from home ka po pero ayaw daw po niya ng ganun po ma'am. Dahil daw po sa unfair daw po sa ibang employee na nagtatrabaho daw po dito sa kumpanya." Mahabang paliwanag niya sa akin.Napapikit na lang ako at napahawak na sintido ko." Okay magbibihis na ako. Set me a meeting for him."Ibinaba ko na ang tawag.Siguro oras na ulit para ipakita ko naman ang katauhan ni Brigette sa kanya at paglalaruan ko ulit siya. Natatawa na naman ako sa pinag iisip ko.Nakasuot ako ngayon ng White fitted dress na may mahabang manggas pero may hiwa naman hanggang siko, nasuot ako ng white para naman magmukha naman akong kagalang galang. Hindi na din ako naglagay ng prosthetic para mainlove siya sa akin charot. Ano ba itong pinag iisip isip ko. Parang nagiging malagkit na tuloy ang isip ko. Hindi ko kasi mapigilan ang saliri ko. Ang gwapo ba naman kasi ng asawa ko pero napakasungit. Simpleng make up lang ang ginawa ko.Pagkatapos kong nag ayos ay tinignan ko ang cellphone ko kung what time ang appointment ko kay Andrew.Buti naman ay 2pm pa kaya may oras pa ako.Inutusan ko yung driver ko na kunin niya ang kotse sa bahay namin at dalhin niya dito sa mansion ni Andrew. Hindi kasi pwede na kotse ni Andrew ang gagamitin ko. For sure mabubuking ako kaagad.Nakarating na din ako sa office ko 15 minutes bago ang appointment namin." Ma'am mabuti nandito na po kayo." salubong sa akin ng secretary ko." Eto nga pala. Dinala ko na din yung mga tinapos ko lang kanina. Ayusin mo na din ang mga kailangan ko at ang mga ididiscuss ko kay Mr. Valencia." utos ko kay Trish.Agad naman siyang tumalikod para ayusin ang mga kailangan ko.Dumating na din ang oras para sa appointment ko sa asawa ko.Kumatok naman ang secretary ko sa pinto ng Office of CEO na dati ay malaya akong pumapasok noong si dad pa ang CEO. Mula kasi ng magkapirmahan kami ni Andrew ay siya na ang CEO ng kumpanya namin pero hindi alam ni Andrew na ako ang COO. Naging kuntsaba ko na din sila daddy na Brigette Fuentes ang pangalan ko kung wala akong prosthetic. Sinabihan ko na din ang Secretary ko tungkol dun kaya agad niya pinalitan ang pangalan ko sa taas ng mesa ko." Come in." Boses ni Andrew sa loob hudyat na pinapapasok na kami.Binuksan naman ni Trish ang pinto."Hello Mr. CEO I mean Mr. Valencia and welcome to our company." bati ko sa kanya sabay lahat sa kamay ko. Agad niya naman itong nakipagshake hands. Akala ko titignan niya lang ulit ang kamay ko katulad ng una naming pagkikita."Thank you Miss Fuentes. How are you related to the Former CEO?" Agad naman niyang tanong." I'm his niece. I am also the COO of this company." Pagyayabang ko sa kanya." Oh. I finally meet you Miss COO. I don't know that you are the COO. I thought its my wife position." napalunok naman ako sa sinabi niyang wife. Kumabog bigla ang dibdib ko. Para akong kinabahan sa sinabi niya na "wife"." Actually we already talked about. My cousin wants me to take the position knowing that she has a ahmm you know." Itinuturo ko ang mukha ko."Yeah. I know, I get it." mapait naman siyang ngumiti." Sayang nga eh. Kung sana ako na lang ang napangasawa mo." naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang nasamid sa sarili niyang laway." Are you okay. Sorry my bad. I'm just joking Mr. Valencia. " matamis tamis naman akong ngumiti na tila inaakit ko siya. Palihim naman akong natawa." By the way, what is your reason that you're working from home. "Straight niyang tayong sa akin." In that case Mr. Valencia."" Just call me Andrew. "singit niya." Okay Andrew, My reason is, I don't know how to draw and design here. I mean, if I am here, my mind is too crowded. And I want to draw in peace and no one can disturb me. That is my reason Andrew. I am pretty sure that you understand me. I know it's pity but that's true."paliwanag ko na may panguso nguso pa akong nalalaman." Okay, my point here is. It's too unfair for them." turo niya sa mga empleyado sa labas ng office niya." Yeah I know but. My design is the face of the company. So if I work here. Don't expect the good work from me. Because I'm pretty sure that I can't draw here. Even a single design, I can't finish it the whole day." sagot ko sa kanya." Okay but, Weekly I want a report from you. "" No need Andrew because Everyday I will always email my secretary about my work. See this one." Ipinakita ko sa kanya ang mga gawa ko kanina lang." Wow! Impressive." puri niya sa gawa ko. Samantalang yung luto ko kagabi kung makalait wagas. Napairap na lang ako sa kawalan." So I think this is my proposal now to stay at home, Andrew! " sana naman pumuyag ang lokong ito. Dahil kung hindi ay hindi ko na alam. Wala pa naman akong back up plan." Sige, pumapayag na ako." nakapaskil sa labi niya ang matamis na ngiti.Mabuti naman at pumayag siya kaagad. Iba talaga ang kamandag ng ganda ko, no say no siya sa akin."Thank you Andrew." binigyan ko siya ng nakakaakit na ngiti."Your welcome, you deserve it."" Oh by the way Andrew, How's your girlfriend now, I mean how's is Ashley? Alam ko naman na may girlfriend ka bago kayo ikinasal ni Hannah. Ewan ko nga sa kanila ni tito kung bakit ka ipinilit na ipasakal sa pinsan ko." Biglang tanong ko. Nawala tuloy ang kanyang ngiti sa labi niya. Makikita mo sa mga mata niya ang lungkot at galit. Yung mukha niya kanina na masaya biglang naging malungkot na awra."She is still unconscious. Okay lang naman na ikinasal ako sa pinsan mo. May kapalit naman iyon." Nakikita ko sa mukha niya ang lungkot. Hindi tuloy siya makatingin sa akin ang diretso."I'm sorry for that. I want to visit her. Can you come with me." May pagkamaarte kong sabi sa kanya. At para naman mai-comfort ko siya." Sure. Wala naman na akong gagawin. So let's go." aya niya sa akin.Sabay na kaming bumaba.Nandito na kami ngayon sa parking lot. "Your car or my car." tanong niya sa akin."Your car." hindi naman pwede na yung akin dahil baka makita niya yung driver ko, e di buking na ako. Kaya yung sasakyan niya ang sinabi ko. Tahimik lang ang buong byahe. Naiilang naman akong magsalita. Hindi ko naman alam sa sarili ko kung bakit ko pa itinanong ang GF niya. Kinakabahan tuloy ako. Alam ko naman na magseselos lang ako dahil ako na ngayon ang asawa niya. Pero hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at heto ako ngayon, pupuntahan na namin sa Ashley. Pero dahil ako si Brigette ngayon ay wala siyang kaalam alam na ako ang asawa niya. Dapat maging kampante ako para hindi siya makahalata. At pagkakataon ko na din ito para makilala si Ashley ang Girlfriend ng asawa ko. Nandito na kami kung saan ang room niya. " How are you babe. I miss you so much." Hinalikan naman ni Andrew ang noo ni Ashley. Hawak hawak niya ngayon ang kanang kamay nito." Pasensya ka na kung n
"Ano ba ang problema mo. Kung nandito ka lang para lalait laitin ako, pwedeng lumabas ka na lang." inis kong sabi sa kanya."Huwag ka ngang magreklamo dahil kalait lait naman yang itsura mo. Ang pangit pangit mo." sigaw niya sa akin. "Ano ba ang problema mo at ang init init ng dugo mo sa akin ah. Wala naman akong ginagawa sayo. Nananahimik ako dito."inirapan ko siya sa inis ko." Huwag mo nga akong irapan dahil hindi bagay sayo."" Kung nandito ka lang para makipag away ay mas mabuting lumabas ka na. Ewan ko kung may problema ka at sa akin mo ibinubunton." " Alam mo kung ano ang problema ko. Tumingin ka sa salamin." Ibinaling niya ang mukha ko sa salamin at pareho kaming tumingin sa salamin." Kahit ilang beses kang manalamin ay hinding hindi na gaganda yang mukha mo. Tignan mo nga yan. Hindi ka ba nandidiri sa mukha mo." Hindi na ako makatiis sa mga sinasabi niya sa akin ay hinead bump ko siya. " Arayyy anu ba?! " inis niyang sabi. Sapo sapo niya ang kanya
Andrew POVNakaupo ako ngayon sa sofa. "Andrew." May tumawag sa akin at ikinakaway niya ang kamay niya sa harap ng mukha ko. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Brigette sa opisina ko."Andrew. Ayos ka lang ba." Hinawakan niya ang noo ko. Dahil sa gulat ko ay pinilipit ko ang kamay niya."Aray aray ano ba Andrew masakit." natauhan na lang noong dumaing siya sa sakit."Anong pinaplano mo." Tanong ko sa kanya pero hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya." Bitawan mo nga muna ako. Hindi na ako makakapagdrawing sa ginagawa mo eh." Binitawan ko na ang kamay niya. "Hindi ba't niyaya mo ako tapos ngayon pinaghihinalaan mo ako. Hindi na lang saan ako pumunta kung ganyan ka." Akmang tatalikod na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya at hinila pabalik sa akin. Na out balance naman siya sa paghila ko kaya nadaganan niya ako at nakalihan ko siya sa labi. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko pa ito nararanasan kahit na kay Ashley pa. F
"Sorry pero pwede ko bang malaman ang sagot."Ano na naman ang idadahilan ko. Magsisinungaling nanaman ba ako?Kasalukuyan naman na nagmamaneho siya. "Wala pa sa isip ko kasi na mag boyfriend. At hindi pa kasi ako handa na pumasok sa isang relasyon. Natatakot kasi akong masaktan kung magmamahal ako. Katulad na lang ng mga napapanood ko sa mga social media." Mahabang paliwanag ko. Siguro sa lahat ng mga sinabi ko sa kanya ay ito lang ang tanging totoo." Tama ka. Masakit nga ang magmahal katulad na lang ang nangyari sa amin ni Ashley. Malinaw pa sa alaala ko ang lahat bago siya naaksidente. Mahal ko si Ashley kaya lahat gagawin ko para lang gumaling siya." Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot. Parang nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko nang banggitin niya na mahal niya si Ashley. Tamang tama lang na sa bar kami papunta. Parang gusto kong maglasing ngayon baka sakaling matauhan ako."Bakit mukhang natahimik ka diyan." tanong niya sa akin."Hindi ko lang k
Hannah's POV"Huwag na, ako dapat ang sumama sa kanya." sabat din ni Andrew." Ano ba kayong dalawa kaya ko na ang sarili ko." Tumayo na ako sa mula sa pagkakaupo ko. Bigla tuloy akong nakaramdam na hilo. Napahawak ako sa ulo ko gamit ang kanang kamay ko at ang kaliwa kong kamay naman ay humawak sa counter upang mabalanse ko ang sarili ko." Ayos ka lang ba Brigette. Ihahatid na kita sa banyo." Inalalayan naman ako ni Andrew papuntang banyo. Pakiramdam ko tuloy parang isa akong babasagin na iniingatan niya. Mas lalo tuloy akong nahuhulog sa ginagawa niya.Pagkatapos kong nagbanyo ay naghugas na ako ng mga kamay ko. Nagsalamindin ako para i-check ang mukha ko kung maayos pa ba ang make-up ko. May tatlong babaeng bagong pasok dito sa loob ng Powder Room. "Grabe girl,nakita mo ba yun, ang gwapo ng guy." sabi ng babae na maiksi ang buhok."Naku girl kung mayayayain niya ako. Sasama na ako kaagad. Hindi na ako magpapakipot pa." Sabi ng isang babae na kulot a
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Ang naalala ko lang ay sobra akong kinilig sa ginawa niyang paghalik sa noo ko. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako pag pumapasok yun sa isipan ko. Ibinaling ko ang paningin ko sa pintuan na bigla na lang itong bumukas. Kinapa ko ang mukha ko. Wala pa pala akong inilagay sa mukha ko. Naalala kong ako pa pala si Brigette at inalok niya na dito ako matutulog ngayon."Gising ka na pala. Breakfast in bed." masigla sabi niya sa akin." Ganito ka din ba kay Hannah?" patay malisya kong tanong kay Andrew. Kahit alam kong wala naman iyong pakialam sa akin. Baka gumuho na ang mundo kung magkakaroon siya ng pakialam sa akin bilang ako si Hannah."Hindi pa ah. At never kong gagawin ang dadalhan ko siya ng almusal sa higaan niya. Teka, nagseselos ka ba kay Hannah?" Biglang tanong niya.Pakiramdam ko tumaas lahat ng dugo ko sa ulo ko at parang nag-iinit ang pisngi ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Mukhang napansin niya
Hannah POVUnti-unti akong lumingong kung sino ang napatong ng Coat sa likod. Namumula na naman ang pisngi ko ng makita ko si Andrew. Ngumiti pa siya sa akin. Pakiramdam ko may special treatment itong si Andrew pagdating sa akin. "Salamat." Tipid akong ngumiti sa kanya."Andrew sino ba ang babaeng yan para tratuhin mo siya ng ganyan. Ikaw kabago-bago mo dito sa kumpanya kung maalandi ka kay Andrew akala mo ikaw ang Girlfriend. Ipaalala ko lang sayo na girlfriend ni Andrew ang bestfriend ko si Ashley. Kaya ikaw umalis ka na dito sa harap namin." Mahabang litanya ni Solenn."Magdahan-dahan ka sa pananalita mo. Hindi mo kilala ang babaeng kaharap mo. Siya lang naman ang COO ng kumpanya, ibigh sabihin siya ang Vice President ng kumpanya." napanganga ako sa sinabi ni Andrew. Hindi ko akalain na ipagtatanggol niya ako dito sa babaeng kaharap ko na Solenn ang pangalan. Nilingon ko naman ang kaharap ko at napanganga, muntik na siyang malaglag sa kinauupuan niya. "Ngayo
Andrew's POVNakarating na kami dito sa Lumang Pier kung saan natagpuan ng mga tauhan ko ang sasakyan na tinutukoy nila. Ang nakita sa CCTV noon ay isang puting kotse at sakto din na puti ang kotse na nahanap nila. Pareho din sila ng model. Nandito din ang mga pulis at mga imbestigador para malaman ko na kaagad ang resulta kung match sila ng sasakyan ng nakabangga kay Ashley. Kinakabahan ako pero atat na din akong malaman ang resulta. Tinignan din nila kung may rear camera ang kotse. Pero mabuti na lang at meron pati na din ang memory card. "Sir yung memory card baka sa sira na dahil sa tagal ng nakababad sa tubig." sabi naman ng pulis sa akin.Ang akala ko pag-asa na pero hindi pa pala."Maaayos naman siguro diba?" Nakapameywang kong tanong sabay kagat ko ang ibabang labi ko para kahit papaano ay makakapagtimpi ako. "Siguro po sir. Pwede natin ipadala sa Amerika para maayos po at manati ang laman ng memory card. Pero sir, tatapatin ko na kayo, matagal po ang paggawa nito sir." Napa
HANNAH'S POV"Pakiusap please. Gusto kong makita ang anak ko." Yung galit at naiinis niyang awra kanina ay biglang napalitan ng maamong tupa na nagmamakaawa.Napangiti na lang ako dahil sa bilis ng pagbabago ng emosyon niya. " Seryoso ako. Hindi pa kayo pwedeng magkita. Hayaan mo muna akong iexplain sa bata. Hindi natin pwedeng biglain yung bata. Sana naman maintindihan mo." Alam kong karapatan din niya na makita ang anak niya bilang isang ama. Pero mas inaalala ko si Drew. Ayoko naman mabigla yung bata. Gusto ko munang sabihin sa kanya bago sila magkita ng ama niya."Bukas, I can't wait any longer to see him. Sana pumayag ka. Gusto ko ng makita ang anak ko." pagmamakaawa niya."Okay but, there are rules. Huwag na huwag kang lalagpas sa rules or else."Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Okay fine. Susundin ko lahat kahit anong rules pa yan."" Rule number one. Kung sinabi kong bawal ay bawal. Huwag ng madaming hirit." " Napakabossy mo naman. Pero okay, its fine as long as m
ANDREW'S POVFive years na pero wala pa rin akong balita kay Hannah. Isang araw may nagbalita sa akin na isang kaibigan ko sa Paris na nakita niya daw si Hannah doon at nagpapatakbo na siya ng isang malaking kumpanya.Kaagad naman akong nag book ng flight papuntang Paris. Wala na akong sinayang na oras. Kinuha ko na din ang address kung saan nagtatrabaho si Hannah.This Time hindi na ako papayag na malilinlang niya ulit ako.Pagkalapag ko doon ay nag hire agad ako ng investigator para ipaimbestiga si Hannah. Nalaman ko din kung saan siya nakatira at nakilala ko na din ang anak kong si Drew. Kahit sa litrato ko lang nakikita alam kong anak ko siya.Mas lalong gusto kong mapalapit ulit kay Hannah dahil kay Drew.Hindi na talaga ako papayag na malilinlang niya ulit ako.Nalaman mo din na nagbebenta siya ng mga design kaya naman sinunggaban ko na kaagad. Sinadya ko talagang last minute ako magpa Schedule para wala siyang oras para i-review ang profile ko.Alam ko din na busy siya kaya hin
HANNAH'S POV Alam kong ipapahold ni Andrew ang mga magulang ko kaya nag two step ahead na ako sa kanya. Alam kong gagawin niya ang lahat para lang makita ako. Siguro dahil dala ko ngayon ang anak niya kaya hahabulin niya ako. Hindi pwede hindi ko magantihan sa lahat ng ginawa niya sa akin. Kasalukuyan kaming nakasakay sa aming private Jet papuntang Parish. Parish ang gusto kong puntahan para mas ma-enhance ko pa ang pagdedesign ng mga damit. Gagawin ko ang lahat para hindi ko na makita pa si Andrew. Ayoko ang lalaking katulad niya. Kayang kaya niya manakit ng isang babae. Ang akala ko pa naman ay ang mga lalaki ay napaka gentlemen pero hindi pala. Iilan lang siguro ang mga gentlemen sa mundo. Sa mukha lang siya tumitingin hindi sa puso. Masyado siyang mapanlait. Hayssss, kumukulo tuloy ang dugo pag naiisip ko siya. "Hindi pwede! Hindi mo pwedeng paglihian ang bwisit na lalaking yun anak. Sorry, kahit na siya pa ang daddy mo. Hindi pa din pwede. Sorry baby pero hindi ko na siya k
ANDREW'S POV Hindi pa pumapasok sa utak ko yung mga litrato na ibinigay ni Hannah ng bumagsak siya sa tubig. Mas lalo akong nagulat dahil mukha ni Brigette ang lumantad sa harap namin lahat. "Brigette!" gulat akong makita siya. Ngumiti lang siya sa akin. Ngiti ng isang bigo. Kaagad naman akong tumaton sa pool dahil kaagad na pumasok sa isip ko na baka buntis siya. "Don't you dare to touch me." Galit niyang sabi sa akin. "Nandidiri ako sayo." Hinayaan ko siyang umahon mag-isa. Kaagad naman siya binalutan ni manang ng towel. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Ito ba ang sinasabi ng Lawyer nila sa akin kahapon. Napahilamos na lang ako sabay hawi sa buhok. "Andrew!" Bumalik ako sa katinuan ko ng marinig ko ang boses ni Ashley. Kaagad naman ako umahon sa tubig. "How dare you!" "Andrew please. Listen to me. Let me explain." Umiiyak na si Ashley pero wala akong pakialam. Mas nangingibabaw sa akin ang ginawa niyang panloloko sa akin. "Explain what? Malinaw na niloloko mo ako.
ANDREW'S POV Nagmamadali akong pumunta sa Opisina. Iniwan ko na si Ashley kay yaya. Alam ko naman na aalagaan ni Yaya si Ashley. Nakarating na din ako sa opisina at kaagad ako sinalubong ni Paul sa Entrance pa lang. "Sabihin mo sa akin kung ano ang problema." May ibinigay sa akin si Paul na mga papeles na ipinupull-out na ng mga Fuentes ang merging ng kumpanya ko at tinatanggalan na ako ng karapatan sa kumpanya nila kapalit ang pagbangon muli ng kumpanya ko at isinasauli na nila ito sa akin. "Kinakalaban talaga ako ng mga Fuentes. Mukhang ramdam nila na pagagapangin ko sila kaya nila ito ginagawa." "Mukhang ganun na nga po." Hinarangan ako ng isang gwardya ng papasok na ako sa Elevator. "Ah sir pasensya na po pero inutos po sa taas na bawal na po kayo dito sir." "Anong sinasabi mo? Hindi mo ba siya kilala?" Hamon ni Paul sa gwardya. "Kilala ko siya pero pasensya na po talaga. Napag-utusan lang ako." Takot na paliwanag naman ng Gwardya. Sakto naman bumukas ang elevator at luma
HANNAH'S POVNang makaalis na sila Andrew at Ashley tsaka naman ako inalalayan ni Manang Rosa."Ayos ka lang ba hija. Gusto mo bang dumaan muna tayo sa OB mo bago tayo bumili ng mga ipapabili ni Sir.""Ayos lang ako manang, huwag niyo po akong alalahanin. Maliligo lang po ako manang." Paalam ko sa kanya."So totoo bang may nangyari.""Manang." Biglang uminit ang pisngi ko. Nahihiya tuloy ako sa kanya."Okay lang naman yun. Normal lang naman sa mag-asawa yun. Ano ka ba." Pabirong wika ni manang."Ang weird manang. Hindi ko maipaliwag yung nararamdaman ko. Bigla na lang akong naging marupok kanina." Nag-uusap kami habang naglalakad patungo sa kwarto ko."Baka may nararamdaman ka na sa kanya." Napabungisngis naman si manang sa sinabi habang ako naman ay nanlaki ang mga mata ko."Ano ba ang pinagsasabi mo manang. Siguro dahil ipinabubuntis ko ang anak niya kaya ako nagkakaganito. Baka si baby na mismo ang umaayos sa hidwaan namin ng daddy niya." Ganitong mga bagay ang sinasabi ko kay mana
ANDREW'S POV "Hijo anong plano mo sa Birthday mo. Malapit na." Tanong ni Yaya habang nag aalmusal kami ni Ashley. Hindi namin kasabay si Hannah dahil baka masira lang ang araw ko kapag nakita ko siya. Ilang araw na din na nagpapakaalipin siya sa akin. Mukhang nakukumbinsi na din ako sa mga pinapakita niya. Natuto siguro ng ginutom ko siya. Alam ko naman na hindi siya sanay magutom kaya siguro siya natuto."Oo nga pala honey. Anong plano mo. Gusto mo ba sa Parish tayo mag celebrate ng Birthday mo? Magpapahanda ako doon. Marami ako kaibigan dun para tumulong." suggestion ni Ashley."No need." Wala kasi ako sa mood na pumunta sa kung ano anong bansa ngayon. Lalo na at madami pa akong problema."So my plano ka na?" Pangungulit ni Ashley."Wala pa naman. Siguro gusto ko ng lang simpleng party. Ayoko muna ng magarbo.""Why? You deserve it naman ahh.""Sa tingin mo ba pag nagpa birthday ako ng bongga magiging maganda ba ang tingin sa akin ng mga tao knowing na ipinakulong ko si Terence Fue
HANNAH'S POV Gutom na gutom na ako. Kahapon pa akong di pinapakain ni Andrew. Anong silbi ng pera ko kung di naman ako makakakain. Ang sakit na nang tiyan ko. Puro tubig na lang ang laman. Daig ko pa ang mag fasting. Dapat nga ba talaga akong magpakumbaba? Siguro nga kailangan ko ng gawin ang magpakumbaba. Hindi naman ako mabubusog sa taas ng pride. Ito na siguro ang nagagawa ng gutom. Mapapapayag ka na lang. Narinig kong may pumihit sa door knob ng aking pinto. Dali dali naman akong tumayo habang hawak hawak ang tiyan ko dahil sa gutom. Pero ng pagtayo ko ay bigla na lang akong nakaramdam hilo. Nasapo ko ang ulo ko sa sobrang pagkahilo. Hindi ko na nakayanan kaya naman napapikit na lang ako kasabay ng pagbagsak ko. ANDREW'S POV "Hannah! Hannah! Gising. Hannah gumising ka. Hannah!" Sigaw ni yaya. Lumapit ako para malaman kung anong nangyayari sa loob. Kung bakit sila sumisigaw. "Yaya what happen." "Sir biglang bumagsak ni Hannah. Dalhin po natin siya sa hospital." tarantang sabi
HANNAH'S POV Nang makita ko ang reaksyon ni Ashley sa sinabi ko ay shock pa rin siya. "Papasok ka ba ngayon Andrew. Alam naman na mas kailangan ka ngayon doon dahil sa merging diba. Huwag kang mag alala. Ako na bahala ka Ashley." "Mukhang kailangan ko yata dito muna ako. Masama ako kutob ko sa mukha mong yan. Baka may masama kang balak kay Ashley." "You're right Andrew. Dito ka lang." "Wow parang ang sama ko naman yata sa lagay na to Andrew. Before I forgot, di ba pumayag na ako sa deal natin. Bakit hanggang ngayon wala pang usad ang pangako mo." "Saka ko lang gagawin yung kapag itinuturing mo na akong amo. Pero sa lagay mo kasing yan ay parang ikaw pa ang amo. Tsaka lahat ng utos namin ni Ashley sayo ay susundin mo ng walang angal. Pag nag improve ka na. Saka ko pakakawalan ang daddy mo. And that's final." "Anong akala mo sa akin. Andrew I'm still you're wife. And yet gusto mong maging alipin ako ng kabit mo. Are insane. Ganyan ka ba kawalang kwentang lalaki." "Wait what? Wife