Hannah's POV"Baka may inilagay kang gayuma sa niluto mo. Ayokong kumain." Hinila ko na siya pero dahil sa bigat niya ay hindi ko siya kayang hilain."Ayaw mo. Mamili ka. Hahalikan kita o tatayo ka." Matalim ang mga mata kong tumingin sa kanya para naman kasindak sindak ang sinabi ko. Pero sa loob loob ko ay labag yun sa akin."Heto na tatayo na kesa naman halikan ako ng pangit na katulad mo." Nauna na siyang pumunta sa dining area. Sumunod naman ako sa kanya."Ano naman ang niluto mo." Tanong niya sa akin."Kare-kare. Pinaghirapan ko yun ah kaya sana ubusin mo." Nilingon niya naman ako saka nagtanong. "Di ba matabang yun.""Tangek to. Masarap yun. Bakit nakatikim ka na ba ng kare-kare?" nakapameywang kong kong tanong sa kanya."Noong bata kasi ako nagluto si mommy kaya mula noon hindi na ako kumain.""Baka hindi mo nilagyan ng bagoong alamang kaya matabang." "Ganun ba yun, sigurado ka bang masarap yan?" tanong niya sa akin. Mukhang naninigurado muna siya."Oo naman." pinaupo ko na
Andrew's POV Nandito na ako ngayo sa isla kung nasaan si daddy. Ito kasi ang nagsisilbing safe house niya. Kagaya pa rin ng dati, napapalibutan pa rin siya ng mga tauhan niya, nakatutok sa akin ang kanilang mga baril.Yung iba ay mga baguhan na ngayon ko nakita. Tatlong taon na din mula noong tumayo ako sa sariling mga paa ko kaya siguro ang maga iba dito ay hindi nila ako kilala. Hinarangan nga nila ako mula nang makatungtong ako sa pangpang.Hindi sila naniniwala na anak ako ni daddy. Baka daw isa ako sa mga kaaway nila at nagpapanggap na anak ako ni daddy.Dinala nila ako sa basement at hinubad nila ang damit ko. Nakaposas din ang mga kamay ko patalikod. Pinaupo nila ako sa isang upuan."Pwede bang tawagin niyo si daddy para malaman niyo na totoo ang sinasabi ko. Magsisisi kayo pagsinaktan niyo ako." Banta ko sa kanila."Grabe natatakot ako." Nag poker pa siya. Sinampal sampal niya ako sa mukha ko pero mahina lang naman. Hinawakan niya din ang baba ko at iniangat ito. "Sino ang n
Andrew's POV"Mommy?" pagbukas ko ng pinto ay tinawag ko siya kaagad."Andrew, ikaw ba yan? Andrew anak ko." Nang makita ako ni mommy ay kaagad siyang bumangon. Lumapit naman ako sa kanya para mayakap siya. Hindi na napigilan ni mommy ang sarili niya. Napahagulgol na siya ng niyakap ko siya."Buhay ka anak. Ikaw nga. Bakit ngayon ka lang. Bakit hindi ka man lang tumawag. Hindi ka man lang nagparamdam. Akala ko wal ka na." hinahaplos ni mommy ang mukha ko habang siya ay umiiyak."Buhay ako mommy ano ka ba. Sino ba ang nagsabi sayong patay na ako." "Akala ko uuwi ka na lang sa akin na bangkay. Natatakot ako anak. Alam mo naman kung gaano kadelikado sa labas kaya dumito ka na lang.pakiusap. Nakikiusap ako sayo Andrew." "Mommy may sarili na po akong kumpanya kaya naman hindi ko pwedeng pabayaan yun at saka meron na po mga nag-aalala sa akin. Huwag na po kayong mag-alala sa akin. Meron naman po si Yaya Rosa sa tabi ko. Siya po ang nag-aalaga sa akin kaya huwag na po kayong mag-alala sa ak
Andrew's POVMabuti na lang at uto-uto si Daddy pero istrikto. At mabuti na lang din at hindi ko namana ang pagkauto-uto niya. Madali ko lang talaga siyang utuin pero kapag seryosong bagay na ang pinag-uusap ay talagang napakaistrikto niya lalo na pagdating sa kaligtasan ko.Pero si Daddy maaasahan din siya kung minsan kaso nga lang madali lang siyang utakan kung wala si Mommy na dumadamay sa kanya sa pagdedesisyon.Hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi ni Daddy kanina. Alam ko na pala kung saan siya nagmana, hindi ko akalain na ang pagiging uto-uto niya pa ang namana niya sa mga ninuno namin. Siguro ang mga ninuno ko noon ay may-ri ng minahan kaya hindi na nila alam kung saan na nila ilalagay ang mga ginto nila noon. Ang malaking katanungan sa isip ko ngayon ay bakit ginto pa talaga ang mga puntod nila. Curious tuloy ako kung saan ko matatagpuan ang mga puntod na sinasabi ni daddy para naman maibenta ko na kaagad ang mga iyon. At kapag naibenta ko na iyon ay tapos na ang mga probl
Andrew's POVNaitext ko na ang address kung saan kami magkikita ng Private Investigator ko na si Carlos, bata pa siya. Siguro nasa 30's na siya. Naghihintay na din ako kung saan kami magkikita. Kasama ko din si Bryan syempre. Masasanay din ako ng may buntot na palaging sumasama sa akin. Naninibago pa kasi ako na may personal bodyguard ako. In case lang na tama ang kutob ko na may kinalaman ito sa mga kaaway ni daddy.Ilang minuto pa ay may biglang sumulpot sa harap ko. Isang kulot na kulay dilaw ang buhok, mahaba ang buhok. Nakakolorete din ang mukha. Nakapambabae ang suot, pero halata sa katawan niya na lalaki siya. Tinutukan naman siya ni Bryan ng baril. Itinaas naman nito ang kanyang kamay."Ano ka ba sir ako ito si Carlos. Yung memory card nasaan na." Nagulat ako sa pagpapakilala niya sa sarili niya. Hindi ako makapaniwala sa itsura niya ngayon. "Bakit ganyan ang itsura mo. Carla ka ba pag gabi. Well wala akong pakialam basta ang gusto ko ay ang maayos na trabaho.""Ehh sir pwed
Hannah's POVPagkatapos kong kumain ay hindi na muna ako lumabas ng kwarto ko. Ayoko kasing makita si Andrew. Naiinis pa ako sa ginawa niya kagabi. Hindi ko pa alam kung paano ko siya haharapin. Inaamin kong kasalanan ko yung nangyari kagabi.Pero hindi ko naman akalain na seseryosohin niya ang biro ko. Oo nga, mag-asawa nga kami pero hindi pa ako handa na ibigay sa kanya ang bataan ko. Hindi naman asawa ang turing niya sa akin.Nagdo-drawing na lang ako. Pero kapag tinitignan ko ang resulta ng drawing ko ay hindi ko nagugustuhan. Naapektuhan ang mga drawing ko sa nangyari sa amin kagabi.Naiisip kong pumunta sa garden at doon magpahangin. Papunta na sana ako sa pinto ng kwarto ko nang may kumatok. Ayaw ko sanang buksan na baka si Andrew ang nasa labas. Pero binuksan ko pa rin ito. Si Bryan pala ang nasa pinto."Anong kailangan mo." Magalang kong tanong sa kanya."Pinapasabi ni Young master na huwag daw kayong lalabas kung ayaw niyo daw matuloy ang naudlot niyo kagabi." seryoso niyang
Andrew's POVIniwan ko si Hannah sa loob ng kwarto niya at pinabantayan ko siya kay Bryan. Iniutos ko din sa mga kasambahay na ibigay lahat ng iuutos ni Hannah dahil siguradong mag-iisip siya ng kung ano ano para lang makalabas ng kwarto niya.Tumawag sa akin si Carlos para ibigay ang impormasyon na tungkol kay Terrence Fuentes. Hindi ako makapaniwala na mabilis niyang nakuha ang mga impormasyon na gusto kong malaman sa loob lamang ng magdamagan.Ibinigay niya sa akin ang mga papel na naglalaman tungkol kay Terrence Fuentes. "May idadag pa pala ako diyan. Yung mga kotse na binili niya ay isa na doon ang nakuha niyo sa may Pier." Parang bombang sumabog sa tainga ko ang mga sinabi niya. Nabuhay ang galit ko sa taong may pakana ng lahat ng bagay. Walang duda na plano niya lahat ng ito. Pero ano ang motibo niya. Ibinigay niya sa akin ang kumpanya niya kapalit ng kasal. Kung sa tutuusin ang lugi na siya doon. May plano pa ba kaya siya kaya niya ibinigay ang kumpanya niya. Tinawagan ko
Hannah's POVHindi ko akalain na ganito ang mangyayari sa akin. Nakaligtas nga ako bilang si Hannah pero bilang Brigette ay hindi naman. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Galit at awa, paglito at nangangamba. Galit kay Andrew dahil ginamit niya ang kahinaan ko.Naawa ako sa sarili dahil sa nagawa niyang magtaksil sa akin. Alam ko naman na hindi niya ako mahal pero kahit na. Kung ayaw niya sa akin ay dapat lang na makipag divorce na siya sa akin.Nalilito ako kasi iba ang trato niya sa akin pag ako si Brigette pero masakit pa rin yung ginawa siya sa akin. Naguguluhan na ako, hindi ko alam kung may pagtingin ba siya sa akin pag ako si Brigette dahil ibang-iba ang tingin niya sa akin pa ako si Hannah. Nangangamba ako dahil paano kung mabuntis niya ako. Ano na lang ang gagawin ko. Aamin na ba ako na ako si Brigette? Pero hindi pa ito ang tamang oras para umamin.Nandito ako ngayon sa binili kong condo. Dito na muna ako magpapalipas ng ilang araw. Sariwa pa lahat ng sugat ko. Sugat
HANNAH'S POV"Pakiusap please. Gusto kong makita ang anak ko." Yung galit at naiinis niyang awra kanina ay biglang napalitan ng maamong tupa na nagmamakaawa.Napangiti na lang ako dahil sa bilis ng pagbabago ng emosyon niya. " Seryoso ako. Hindi pa kayo pwedeng magkita. Hayaan mo muna akong iexplain sa bata. Hindi natin pwedeng biglain yung bata. Sana naman maintindihan mo." Alam kong karapatan din niya na makita ang anak niya bilang isang ama. Pero mas inaalala ko si Drew. Ayoko naman mabigla yung bata. Gusto ko munang sabihin sa kanya bago sila magkita ng ama niya."Bukas, I can't wait any longer to see him. Sana pumayag ka. Gusto ko ng makita ang anak ko." pagmamakaawa niya."Okay but, there are rules. Huwag na huwag kang lalagpas sa rules or else."Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Okay fine. Susundin ko lahat kahit anong rules pa yan."" Rule number one. Kung sinabi kong bawal ay bawal. Huwag ng madaming hirit." " Napakabossy mo naman. Pero okay, its fine as long as m
ANDREW'S POVFive years na pero wala pa rin akong balita kay Hannah. Isang araw may nagbalita sa akin na isang kaibigan ko sa Paris na nakita niya daw si Hannah doon at nagpapatakbo na siya ng isang malaking kumpanya.Kaagad naman akong nag book ng flight papuntang Paris. Wala na akong sinayang na oras. Kinuha ko na din ang address kung saan nagtatrabaho si Hannah.This Time hindi na ako papayag na malilinlang niya ulit ako.Pagkalapag ko doon ay nag hire agad ako ng investigator para ipaimbestiga si Hannah. Nalaman ko din kung saan siya nakatira at nakilala ko na din ang anak kong si Drew. Kahit sa litrato ko lang nakikita alam kong anak ko siya.Mas lalong gusto kong mapalapit ulit kay Hannah dahil kay Drew.Hindi na talaga ako papayag na malilinlang niya ulit ako.Nalaman mo din na nagbebenta siya ng mga design kaya naman sinunggaban ko na kaagad. Sinadya ko talagang last minute ako magpa Schedule para wala siyang oras para i-review ang profile ko.Alam ko din na busy siya kaya hin
HANNAH'S POV Alam kong ipapahold ni Andrew ang mga magulang ko kaya nag two step ahead na ako sa kanya. Alam kong gagawin niya ang lahat para lang makita ako. Siguro dahil dala ko ngayon ang anak niya kaya hahabulin niya ako. Hindi pwede hindi ko magantihan sa lahat ng ginawa niya sa akin. Kasalukuyan kaming nakasakay sa aming private Jet papuntang Parish. Parish ang gusto kong puntahan para mas ma-enhance ko pa ang pagdedesign ng mga damit. Gagawin ko ang lahat para hindi ko na makita pa si Andrew. Ayoko ang lalaking katulad niya. Kayang kaya niya manakit ng isang babae. Ang akala ko pa naman ay ang mga lalaki ay napaka gentlemen pero hindi pala. Iilan lang siguro ang mga gentlemen sa mundo. Sa mukha lang siya tumitingin hindi sa puso. Masyado siyang mapanlait. Hayssss, kumukulo tuloy ang dugo pag naiisip ko siya. "Hindi pwede! Hindi mo pwedeng paglihian ang bwisit na lalaking yun anak. Sorry, kahit na siya pa ang daddy mo. Hindi pa din pwede. Sorry baby pero hindi ko na siya k
ANDREW'S POV Hindi pa pumapasok sa utak ko yung mga litrato na ibinigay ni Hannah ng bumagsak siya sa tubig. Mas lalo akong nagulat dahil mukha ni Brigette ang lumantad sa harap namin lahat. "Brigette!" gulat akong makita siya. Ngumiti lang siya sa akin. Ngiti ng isang bigo. Kaagad naman akong tumaton sa pool dahil kaagad na pumasok sa isip ko na baka buntis siya. "Don't you dare to touch me." Galit niyang sabi sa akin. "Nandidiri ako sayo." Hinayaan ko siyang umahon mag-isa. Kaagad naman siya binalutan ni manang ng towel. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Ito ba ang sinasabi ng Lawyer nila sa akin kahapon. Napahilamos na lang ako sabay hawi sa buhok. "Andrew!" Bumalik ako sa katinuan ko ng marinig ko ang boses ni Ashley. Kaagad naman ako umahon sa tubig. "How dare you!" "Andrew please. Listen to me. Let me explain." Umiiyak na si Ashley pero wala akong pakialam. Mas nangingibabaw sa akin ang ginawa niyang panloloko sa akin. "Explain what? Malinaw na niloloko mo ako.
ANDREW'S POV Nagmamadali akong pumunta sa Opisina. Iniwan ko na si Ashley kay yaya. Alam ko naman na aalagaan ni Yaya si Ashley. Nakarating na din ako sa opisina at kaagad ako sinalubong ni Paul sa Entrance pa lang. "Sabihin mo sa akin kung ano ang problema." May ibinigay sa akin si Paul na mga papeles na ipinupull-out na ng mga Fuentes ang merging ng kumpanya ko at tinatanggalan na ako ng karapatan sa kumpanya nila kapalit ang pagbangon muli ng kumpanya ko at isinasauli na nila ito sa akin. "Kinakalaban talaga ako ng mga Fuentes. Mukhang ramdam nila na pagagapangin ko sila kaya nila ito ginagawa." "Mukhang ganun na nga po." Hinarangan ako ng isang gwardya ng papasok na ako sa Elevator. "Ah sir pasensya na po pero inutos po sa taas na bawal na po kayo dito sir." "Anong sinasabi mo? Hindi mo ba siya kilala?" Hamon ni Paul sa gwardya. "Kilala ko siya pero pasensya na po talaga. Napag-utusan lang ako." Takot na paliwanag naman ng Gwardya. Sakto naman bumukas ang elevator at luma
HANNAH'S POVNang makaalis na sila Andrew at Ashley tsaka naman ako inalalayan ni Manang Rosa."Ayos ka lang ba hija. Gusto mo bang dumaan muna tayo sa OB mo bago tayo bumili ng mga ipapabili ni Sir.""Ayos lang ako manang, huwag niyo po akong alalahanin. Maliligo lang po ako manang." Paalam ko sa kanya."So totoo bang may nangyari.""Manang." Biglang uminit ang pisngi ko. Nahihiya tuloy ako sa kanya."Okay lang naman yun. Normal lang naman sa mag-asawa yun. Ano ka ba." Pabirong wika ni manang."Ang weird manang. Hindi ko maipaliwag yung nararamdaman ko. Bigla na lang akong naging marupok kanina." Nag-uusap kami habang naglalakad patungo sa kwarto ko."Baka may nararamdaman ka na sa kanya." Napabungisngis naman si manang sa sinabi habang ako naman ay nanlaki ang mga mata ko."Ano ba ang pinagsasabi mo manang. Siguro dahil ipinabubuntis ko ang anak niya kaya ako nagkakaganito. Baka si baby na mismo ang umaayos sa hidwaan namin ng daddy niya." Ganitong mga bagay ang sinasabi ko kay mana
ANDREW'S POV "Hijo anong plano mo sa Birthday mo. Malapit na." Tanong ni Yaya habang nag aalmusal kami ni Ashley. Hindi namin kasabay si Hannah dahil baka masira lang ang araw ko kapag nakita ko siya. Ilang araw na din na nagpapakaalipin siya sa akin. Mukhang nakukumbinsi na din ako sa mga pinapakita niya. Natuto siguro ng ginutom ko siya. Alam ko naman na hindi siya sanay magutom kaya siguro siya natuto."Oo nga pala honey. Anong plano mo. Gusto mo ba sa Parish tayo mag celebrate ng Birthday mo? Magpapahanda ako doon. Marami ako kaibigan dun para tumulong." suggestion ni Ashley."No need." Wala kasi ako sa mood na pumunta sa kung ano anong bansa ngayon. Lalo na at madami pa akong problema."So my plano ka na?" Pangungulit ni Ashley."Wala pa naman. Siguro gusto ko ng lang simpleng party. Ayoko muna ng magarbo.""Why? You deserve it naman ahh.""Sa tingin mo ba pag nagpa birthday ako ng bongga magiging maganda ba ang tingin sa akin ng mga tao knowing na ipinakulong ko si Terence Fue
HANNAH'S POV Gutom na gutom na ako. Kahapon pa akong di pinapakain ni Andrew. Anong silbi ng pera ko kung di naman ako makakakain. Ang sakit na nang tiyan ko. Puro tubig na lang ang laman. Daig ko pa ang mag fasting. Dapat nga ba talaga akong magpakumbaba? Siguro nga kailangan ko ng gawin ang magpakumbaba. Hindi naman ako mabubusog sa taas ng pride. Ito na siguro ang nagagawa ng gutom. Mapapapayag ka na lang. Narinig kong may pumihit sa door knob ng aking pinto. Dali dali naman akong tumayo habang hawak hawak ang tiyan ko dahil sa gutom. Pero ng pagtayo ko ay bigla na lang akong nakaramdam hilo. Nasapo ko ang ulo ko sa sobrang pagkahilo. Hindi ko na nakayanan kaya naman napapikit na lang ako kasabay ng pagbagsak ko. ANDREW'S POV "Hannah! Hannah! Gising. Hannah gumising ka. Hannah!" Sigaw ni yaya. Lumapit ako para malaman kung anong nangyayari sa loob. Kung bakit sila sumisigaw. "Yaya what happen." "Sir biglang bumagsak ni Hannah. Dalhin po natin siya sa hospital." tarantang sabi
HANNAH'S POV Nang makita ko ang reaksyon ni Ashley sa sinabi ko ay shock pa rin siya. "Papasok ka ba ngayon Andrew. Alam naman na mas kailangan ka ngayon doon dahil sa merging diba. Huwag kang mag alala. Ako na bahala ka Ashley." "Mukhang kailangan ko yata dito muna ako. Masama ako kutob ko sa mukha mong yan. Baka may masama kang balak kay Ashley." "You're right Andrew. Dito ka lang." "Wow parang ang sama ko naman yata sa lagay na to Andrew. Before I forgot, di ba pumayag na ako sa deal natin. Bakit hanggang ngayon wala pang usad ang pangako mo." "Saka ko lang gagawin yung kapag itinuturing mo na akong amo. Pero sa lagay mo kasing yan ay parang ikaw pa ang amo. Tsaka lahat ng utos namin ni Ashley sayo ay susundin mo ng walang angal. Pag nag improve ka na. Saka ko pakakawalan ang daddy mo. And that's final." "Anong akala mo sa akin. Andrew I'm still you're wife. And yet gusto mong maging alipin ako ng kabit mo. Are insane. Ganyan ka ba kawalang kwentang lalaki." "Wait what? Wife