Malakas ang matatabang kamay ni Zuko. Pagkatapos hampasin ang ‘tambourine’, hinawakan niya ang sarili niyang pisngi at tumawa. “Zuko!” Hinila ni Zephyr ang mataba niyang kamay at nagpanggap na papaluin ito. “Bakit mo sinaktan ang tatay mo, bata ka. Paparusahan kita!”"Mama!"Umikot ang batang umiiyak para yakapin ang leeg ni Cordelia. Gayunpaman, hindi niya siya kinunsinti kagaya ng kadalasan. Sa halip, binaba niya siya sa lapag, hinayaan siyang umiyak, at nagpumilit na hindi siya kargahin. Hindi nagtagal, umupo siya kasama ni Zephyr. Huminto siya sa pagngiti at nagsalita habang nakatingin ng seryoso sa kanya, “Aling kamay ang pinamalo mo kay Daddy? Ipakita mo!”Nanlaki ang mata ni Zuko bago kumunot ang noo niya. Iiyak ulit siya, pero tinitigan siya ni Cordelia. “Masamang nananakit ka ng iba! Tatay mo siya. Bakit mo siya sinaktan?”"Wah…"“Aling kamay ang pinamalo mo kay Daddy? Ipakita mo sa'kin!”Napagtanto na ni Zuko kung anong nangyari ngayon. Nalaman niyang wala na si
“Parang…” Kumunot ang noo ni Cordelia at nag-aalangang nagsabi, “Parang may nakita akong dumaan dito kanina!”Tumingin si Zephyr sa pagkaalerto pero wala siyang nakitang kaduda-duda. Disente ang ekolohikal na kapaligiran sa loob ng palasyo dahil hindi naglagay ng restriksyon ang royal family sa maliliit na hayop. Palaging may mga pusang pumupuslit mula sa labas para maghanap ng pagkain o mga squirrel na tumatakbo sa puno. Pinag-isipan ito ni Zephyr at mahinang nagsabi, “Namalik-mata ka man o hindi, kailangan natin itong ipaalam kay Alexander at alertuhin siya.”“Mm, tama ka,” sumang-ayon si Cordelia. “Mas mabuti nang maging mas maingat.”Nagmadaling maglakad ang mag-asawa, pero pagdating nila sa gitna ng hardin, nakapwesto na ang lahat para sa larawan. Nakaupo si Martin sa gitna habang nasa magkabilang gilid niya sina Aurelia at Alexander. Nakasuot ng korona ang magpinsan at nakasuot nang pormal. Dagdag pa sa nakakamanghang itsura nila, hindi mapigilang isiping ganito siguro a
Dinala si Neil sa VIP ward pagkatapos niyang lumabas ng operation theater. May malaking bintana sa ward at nakaupo si Aurelia sa labas nito habang nakatingin kay Neil na nakahiga nang tahimik sa kama. Isang klase ng sakit na hindi alam ng kahit na sino ang nakatago sa ekspresyon niya. Ngayon niya naintindihan na hindi ka makakakibo sa gitna ng matinding sakit—hindk ka makaiyak, makatawa, makasalita, o makakilos. Nakaupo lang siya roon nang parang troso at pinapanood siya sa takot na may malampasan siyang isang segundo o minuto. Paulit-ulit sa utak niya ang eksena bago hinimatay si Neil. …Duguan siya at ginamit niya ang buong lakas niya para hawakan ang kamay niya bago siya bumunot ng isang diamond ring nang hirap na hirap para isuot ito sa daliri niya. “N-Nagpopropose ako…” Dumudugo rin ang bibig ni Neil at halos hindi siya marinig. “Aurelia, wag kang matakot… Hindi ako mamamatay. Papakasalan kita.”Halos wala na siyang malay at para bang nahiwaan ang puso ni Aurelia. …T
Ang singsing na hawak niya ay kapareho ng nasa daliri niya, naiiba lang ng sukat. Isa itong pares. Kung hindi lang nangyari ang aksidente… Hinawakan ni Aurelia ang dalawang singsing habang iniisip kung paano desperadong sinuot ni Neil ang singsing sa daliri niya pagkatapos mabaril. Kumirot nang matindi ang dibdib niya. “Siya…” Binuksan niya ang bibig niya sa kagustuhang magtanong, pero parang nakasara ang lalamunan niya at hindi siya makapagsabi ng kahit isang salita. Naawa si Carter sa kanya at ang nagawa niya lang ay magsabi sa kanya, “Ang balikat niya ang tinamaan ng bala, hindi isang vital organ, at nasalinan na siya ng dugo. Magigising rin siya.”“Talaga?”“Oo, sigurado ako.”“Gaano katagal?”“Uhh…” Nag-alangan si Carter. Hindi sinabi sa kanya ng pinsan niya kung gaano katagal ang kailangan niya! Imposible ito!Isang tapat na tao si Carter na may mataas na pamantayan ng edukasyon at moralidad buong buhay niya, tapos ngayon, sa pinakaunang beses, nagsinungaling siya—nags
Nagpunta sina Martin at Alexander sa detention center at nakita nila ang nababaliw na kalagayan ni Victoria mula sa bakal na rehas at tempered glass na bintana. Kumunot ang noo ni Alexander at mahinang tinanong ang prison guard, “Natignan na ba siya ng doktor?”“Oo,” sagot ng gwardya. “Kumonsulta kami sa tatlong eksperto sa psychiatry, at ang diagnosis nila ay may sakit sa pag-iisip si Princess Victoria at mayroon. Siyang sintomas ng bipolar disorder, at…”“At ano?”Dinilaan ng gwardya ang labi niya. “At sa ilalim ng propesyonal na pagsusuri, nakitang mayroong antisocial personality disorder ang prinsesa.”Nabigla si Alexander, pagkatapos ay tumingin kay Martin na nasa tabi niya na hindi rin makapaniwala. “Maaaring sa kapanganakan pa lang o sa paglaki ang sanhi ng personality disorder na ito,” paliwanag ng prison guard. “Kung kaya't ang pinakamagandang aksyon sa ngayon ay ilayo siya sa lipunan para pigilan siyang makapanakit ng iba pa.”Pagkatapos magulat, bumuntong-hininga si
Hindi na ngayon. May gustong pumatay sa kanya, kaya dapat ganun din ang hilingin ni Alexander para sa taong yun!Huminga nang malalim si Alexander at mapait na tumawa. Iniisip niya kung naging masamang tao ba siya. Iyon nga lang, kapag nawalan ng kinang ang kabaitan, hindi lang sarili niya ang masasaktan kundi pati ibang tao.“K-Kamahalan!” Nanlaki ang mga mata ng prison guard nang nakita niya si Alexander at nataranta siyang yumuko. Pinigilan siya ni Alexander at mahinang nagtanong, “Kailangan niya bang magpatingin sa doktor at uminom ng gamot para rito?”“Ang totoo…” Kumurap ang prison guard. “Hindi nagbigay si King Martin ng utos para rito kaya walang doktor o medikasyon para sa kanya. “Gusto mo bang ihanda ko to para sa kanya, Kamahalan?”Gustong kunin ng prison guard ang pagkakataon para ipakita ang galing niya, ngunit hindi inaasahang tinaas ni Alexander ang kamay niya at mahinang nagsabi, “Dahil hindi siya hinanapan ng tito ko ng doktor, pabayaan mo na. Ayaw ko ng dagd
Lumapit si Aurelia at maingat itong pinakiramdaman. Medyo mamula-mula ang ilong ni Neil. Mahina niya itong pinindot. Nasaktan si Neil, pero tiniyak ng maraming taon niya sa pag-arte na kaya niyang kontrolin ang ekspresyon niya. Kahit gaano pa ito kasakit, kaya niya itong tiisin. Higit pa roon, nasa gitna siya ng problema. Kailangan niyang panatilihin ang karakter niya, kung hindi…Bumuntong-hininga si Aurelia at umupo sa tabi niya. Maliban sa bakas ng kalungkutan sa magaganda niyang mata, mayroon ring determinadong paniniwala rito. Tiwala siyang magigising si Neil. Hindi niya siya basta-basta iiwanan. Mahina siyang nagsabi sa sarili niya, “Manong, tatlong araw ka nang nasa kama. Dapat babangon ka na, di ba?“Nagpunta rito si Dr. Irwin kagabi. Sabi niya nagtagumpay daw ang operasyon at walang tinamaang delikado ang bala. Magigising ka dapat pagkatapos ng operasyon. “Pero sabi rin ni Dr. Irwin, wala sigurong kaalam-alam ang anesthesiologist sa gitna ng operasyon at naparami siya
“Manong, Neil, gumising ka kaagad, ha? Kapag… Susuutin ko ang singsing mo paggising mo at sasama ako kahit saan ka magpunta. Ayaw ko nang mahiiwalay sa'yo kahit kailan!” Tuwang-tuwa si Neil. Kung hindi niya natutunan kung paano kontrolin ang ekspresyon at emosyon niya at di nanalo ng Best Actor award nang maraming beses, tumalon na siya sa kama sa tuwa! “Magpakabait ka. Mas magiging presko ang pakiramdam mo pagkatapos kitang punasan,” sabi ni Aurelia habang humikbi siya at nagpatuloy na punasan siya. Gayunpaman, nang umabot ang kamay niya sa dibdib niya, natukso siya. Nang bumaba ang kamay niya sa abs niya at bumaba pa… hindi na niya ito natiis. Hindi ito kagaya ng nakaraan. Tinulungan rin siyang pinasan ni Aurelia nang sugatan ang mga kamay niya noon. Kahit na hindi niya mapigilan ang sarili niya, pwede niyang takpan ng kumot ang ibaba niya bago niya mapahiya ang sarili niya. Ngayon, di siya dapat magising dahil sa anesthetic overdose! Kailangan niyang humiga sa kama nang hi