Tusong ngumiti si Zennie habang inakbayan siya ni Seth. Nang magkasama, pinakita nila ang engagement rings sa mga kamay nila. Lumapit ang lahat para tignan ito. Sumigaw si Josiah, “Woah! Hindi kayo nag-ingay, huh? Kailan pa kayo na-engage?”Pinanatili pa rin ni Nicholas ang bagong paraan niya sa pera kagaya ng kadalasan, “Seth, sa tingin ko di pa sapat ang singsing na'to! Gusto mong makuha si Zennie gamit ng simpleng carat—”Bago siya nakatapos sa pagsasalita, tumama ang kamao ni kinda sa ulo niya. “Manahimik ka kung di mo alam kung anong sasabihin!”Sumimangot ang gwapong mukha ni Nicholas. “Sa tingin ko maganda ang singsing.” Ngumiti si Kelly. “Hindi mahalaga ang carat. Ang mahalaga ay ang intensyong manatili sa tabi ng isa't-isa habangbuhay!”“Oo, yun! Ang intensyon!”Habang binigay ng grupo ang mga pagbati nila, pinasa ni Cordelia ang mga bulaklak direkta kay Zennie. May isang tao lang na mukhang hindi masyadong masaya. Tahimik na pinanood ni Zephyr si Zennie na naba
“Ikaw…”Nakasuot si Zephyr ng tradisyonal na Southeast Aciatic long robe na punong-puno ng mga burda. Wala siyang masyadong magawa habang suot ang ganitong kasuotan at tinitigan niya na lang sila nang masama. Gusto niyang manghingi ng tulong, pero sa gulat niya, tinalikuran rin siya ni Robert!Walang mapapala ang panlalaban ni Zephyr kahit gaano pa siya kagaling kapag sinugod siya nang sama-sama ng tatlong lalaki. “Nicholas, tatapakan ba natin siya sa ulo?”“Hindi, hindi, wag. Siya ang groom ngayon. Malas kung aapakan natin siya sa ulo!”“Apakan na lang natin ang paa niya nang napakalakas!”“Malulungkot si Cordelia kapag sinaktan natin siya.”“Bakit di na lang…”Tumawa si Josiah at hinubad ang mga sapatos ni Zephyr. “Robert, kilitiin mo siya!”Nanlaban si Zephyr habang sumigaw siya, “Sumosobra na kayo!”…Narinig ng masasayang tawanan sa ilalim ng araw. Matagal na panahon na simula nang naging ganito kasigla ang palasyo. Tahimik na nakatayo si Aurelia sa sulok hawak ang i
Sumimangot si Aurelia habang hinila niya ang tassels ng damit niya gamit ng dalawang kamay nang parang nagmamaktol. Ang mga artistang nagpunta rito ay nasa ilalim ng Imperial Media at Sol Entertainment. Lahat sila ay mga A-List na artista. Wala ring dudang nasa okasyon ring ito ang premyadong aktres.Nakatitig ang mga mata ni Aurelia sa kanya. Nakasuot ng low-cut sapphire mermaid dress si Millie nang may medjo androgynous na makeup. Napakalakas ng presensya niya at nagmukha siyang isang reyna. Kaya pala tinatawag siyang red carpet killer. Sinong babaeng artista ang gugustuhing mapunta sa iisang larawan kasama siya sa itsura niya?Habang lalo itong iniisip ni Aurelia, mas lalo siyang nagalit. Kanina pa kausap ni Neil si Millie. Nakalimutan ba niyang nandito rin siya? Malinaw niya ring naririnig ang usapan nila. Kanina lang, niyakap ni Neil si Millie nang nakita niya siya. Nakangiti si Millie at hinalikan niya pa siya sa pisngi. “Bakit napakagwapo mo pa rin, Mr. Harris!?”“G
“Maghintay ka, ate. Isa-isa kong sasagutin ang mga tanong mo. Una, mabilis na gumaling ang ‘sakit’ ko.” Makahulugang ngumisi si Alexander. “Sa sobrang bilis ay di ko to inasahan!”“Ikaw…”“Pangalawa, hindi barbaro ang babaeng yun. Aurelia Chilton ang pangalan niya. Tinuruan tayo ng palace etiquette simula noong bata pa tayo. Tinuruan ka ba ng mga guro na mambastos ng iba? Paano uupo sa trono ang isang kwalipikadong pinuno kung hindi siya marunong rumespeto sa iba at maski sa sarili niya?”Nagngitngit ang ngipin ni Victoria nang nanginginig ang mga labi. “Pangatlo, ako ang nagbigay ng imbitasyon kay Aurelia. Panauhin ko siya ngayong araw.” Makapangyarihan ang mga salita ni Alexander. “Kung may gusto kang gawin sa kanya sa okasyong ito, Victoria, ako ang magiging kalaban mo… “Hindi magandang gawin yan bago pa tuluyang kumampi sa'yo ang tito natin. Sinisira mo ang sarili mong kinabukasan! Hindi ba totoo yun?”Sumigaw si Victoria, “Alexander!”Lumaki lang ang ngiti ni Alexander ha
“Kamahalan…” Biglang nagbago ang ekspresyon ng alalay. “Kamahalan, kumalma ka. Nagbigay ng utos ang Mahal na Hari na walang sinong pwedeng—”“Bakit, wala na bang kwenta ang mga salita ko ngayon para sa'yo?” Sumama ang mukha ni Victoria. “Gawin mo ang sinabi ko!” Nang walang ibang pagpipilian, pumunta ang alalay sa palasyo sa kanluran.Nakatayo si Victoria sa balkonahe habang malamig na nakatitig sa masayang kasalan sa malayo. Isang mabangis na ngiti ang lumitaw sa gilid ng mga labi niya. …Pagkatapos pasalamatan ni Aurelia ang dalawang embroidery artist, umalis siya ng dressing room. Maayos na ang mga damit niya. Ang bago niyang tassels ay gawa sa kalidad na materyales sa palasyo at ang dalawang embroidery artist na tumulong sa kanya ay mahusay at mabilis magtrabaho. Nakangiti si Aurelia habang dumaan siya sa parehong daan para makabalik. Humihimig siya ng isang kanta sa daan. Nang dumaan siya sa banquet hall, nakita niyang walang masyadong tao sa loob. Karamihan sa mga
Sumikip ang lalamunan ni Alexander at kumplikado ang titig niya. Natagalan siya bago siya nakapagsabing, “Pasensya na.”“Pasensya?” Tumaas ang kilay ni Zephyr at nagsabi nang nagngingitngit ang ngipin, “Hindi ko kailangan ang pasensya mo. Gusto ko lang malaman ang totoo!“Kasal ko ngayon. Gusto kong bigyan ang asawa ko ng magandang alaala na babalikan niya, tapos nagkaganito ang lahat. Muntik nang masaktan ang anak ko!”“Pasensya na, pasensya na talaga…” Nanlumo si Alexander pero wala siyang nagawa kundi humingi ng tawad. Hindi niya alam paano babanggitin ang sikreto ng royal family, pero hindi niya gustong magalit si Zephyr. Kahit na hindi siya ang nakatayo sa tabi ni Zephyr, gusto niya pa ring gawin ang lahat para pasayahin siya. Mahina siyang sinabihan ni Remus, “Kamahalan, tinurukan na ng pampakalma si Princess Lene at nakatulog na siya. Dinala siya ng mga gwardya pabalik sa west palace.”“Sige.” Mahina ang sagot ni Alexander. “Kamahalan!” Kinakabahan si Remus. “Hindi ka
“Bata pa ako nun, at mas lalo kong gustong tignan ang mga lugar kung saan ako pinagbabawalan. Isang araw, nagpunta ako sa hall at natuklasan kong madaming gwardya sa west palace. May mga bakal na rehas pa nga sa bintana nito… Hindi ito mukhang west palace kundi isang kulungan. At nakakatakot ito kahit saan. Kinilabutan ako sa sandaling nagpunta ako roon.“Hindi nagtagal, nalaman ko na ang taong nakakulong doon ay ang tita ko, si Princess Helene.”Hindi makapaniwala ang iba. “Bakit siya nakakulong doon?”“Hindi ako sigurado tungkol dito.” Umiling si Alexander. “Sinasabing nakakulong siya roon dahil nakagawa siya ng malaking pagkakamali. Wala siya sa sarili, at gumagastos ang Mahal na Hari ng malaking halaga para sa pagpapagamot sa kanya bawat taon, pero isa itong sikreto sa loob ng palasyo. Walang magsalita tungkol dito.”“Gumastos sa pagpapagamot?” Tumawa si Rowan. “Napakaraming gamot at mga sikat na doktor sa Irwin Pharmaceuticals. Bakit sila gagastos ng pera sa labas?”Tumingin
Tahimik siyang tinignan ni Cordelia nang nakakunot ang noo. Lumitaw sa magaganda niyang mata ang mga kumplikadong emosyon. Hindi siya umaasang totoo ito, pero hindi talaga lohikal ang kabutihan ni Alexander sa kanila. Kinagat niya ang labi niya nang mukhang hindi natutuwa. Lumapit sa kanya si Zephyr nang may malumanay na ngiti. Tumingin siya sa kanya at bahagya siyang tinulak para magkaroon ng distansya sa pagitan nila. “Sa tingin ko… iba ang nararamdaman ni Alexander para sa'yo.”“Ano?” Narinig ni Zephyr na umugong ang tainga niya at nanigas siya nang matagal. “Cordelia, ikaw… Bakit mo naman naisip yun?”“Hindi sa iniisip ko. Siya ang hindi normal ang kinikilos.” Naging malalim ang boses ni Cordelia. “Hindi ba parang ang bait niya masyado sa'tin? Akala mo nung una gusto niya ako, pero hindi yun!“Honey, sa tingin ko… ikaw ang gusto niya!”May bakas ng panghihina ang malungkot na boses ni Cordelia. Hindi kailanman nagkamali ang kutob ng isang babae. Tumalikod siya at di n
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala