Suminag ang boses na iyon sa madilim na buhay ni Alexander na parang isang ilaw. Hindi niya maalala kung paano nagmakaawa ang mga taong iyon sa pagkabugbog, o kung gaano sila naging mapagpakumbaba noong humingi sila ng tawad sa kanya. Ang naalala niya lang ay ito ang unang beses sa buhay niyang prinotektahan siya. Ang bagong dating ay parang isang diyos na bumaba sa langit na nagbigay sa kanya ng pag-asa at kalinga. “Ayos ka lang?” Tinulungan niya siyang tumayo. “Ako si Zephyr Hamerton. Ako ang captain ng boxing team.”"Zephyr…"Natulala si Alexander sa gwapo niyang mukha at nagpakita ng isang ngiti na mas pangit pa sa isang ngiwi. …Biglang dumilat si Alexander at kinilabutan siya. Tinignan niya ang walang lamang tasa sa harapan niya at pinilit na ngumiti. Ang dami niyang nainom na kape kaya paanong nakatulog pa rin siya? Pareho pa nga ang panaginip niya…Nang tatayo na siya para umalis, bigla siyang tinapik ng tauhan niya. Nakatitig siya sa pintuan. “Ano?” Lumingo
Hindi kailanman inisip ni Victoria na si Alexander ang nag-iisa niyang pamilya sa malaking palasyo. Nang nakita niya ang kasalukuyang sitwasyon… si Alexander ang uupo sa trono imbes na siya!Kinagat niya ang labi niya at may pagkamuhi sa malamig niyang titig ngayon. “Ha, di mo kailangang magmukmok, kapatid ko.” Suminghal siya. “Makukuha ko rin si Neil, pero di mo makukuha si Zephyr!”“Hindi ko kailanman inisip na makuha siya.” Tumingin si Alexander sa mga mata niya at diniin ang bawat isang salita niya. “Gusto ko lang siyang maging masaya.”“Sige. Napakarangal at napakalakas mo naman!” Sarkastiko si Victoria. “Gusto kong makita kung sasaya pa rin siya kapag nalaman niya ang nararamdaman mo para sa kanya!”“Ate! Ikaw…” Tumayo si Alexander at sinara ang kamao niya. Bumakat ang mga ugat sa noo niya. Masaya si Victoria. Alam niyang ito ang hangganan niya pero hindi siya natatakot na hakbangan ito!Siya dapat ang matakot!Ngumisi siya at hinawakan ang balikat niya para paupuin s
Bumalik si Alexander sa palasyo na parang isang ligaw na kaluluwa. Para bang hinigop ang enerhiya niya habang nanghihina siyang umupo sa sofa. Umalingawngaw sa tainga niya ang mga sinabi ni Victoria. “Burahin mo si Aurelia para sa'kin! Kapag umupo ako sa trono at ikasal ako kay Neil, titiyakin kong mananatiling lihim ang sikreto mo! At saka pwede kong bigyan ng mas magandang pagtrato ang mga Irwin… Di ba may anak si Zephyr? Siya ang apo ni Mr. Irwin. Gagawin ko siyang knight, at siya ang magiging pinakadakilang bata sa buong Southeast Aciatic!”Patuloy na hinimas ni Alexander ang pagitan ng kilay niya. Nang tumingala siya at tinignan ang crystal plate sa mesa, hindi niya nakita ang paborito niyang pinya sa mga prutas doon. Binasag niya ang plato sa galit!Nagulat ang lahat ng gwardya. Nanatili sila sa kinatatayuan nila at hindi nagtangkang huminga nang malakas. Madalas na mabait ang prinsipe at magalang siya sa mga tao. Maraming gwardya sa lugar ang gusto siyang maging amo. G
Nagtaka si Alexander. Naglalaro ng drinking games ang Neil na kilala niya?Hindi ito kapanipaniwala! Mabilis niya siyang inimbitahan sa tindahan at hinandaan siya ng rose-flavored jelly na gawa niya. Mabait siya. Nag-usap sila sandali at nagulat silang malaman na marami pala silang bagay na mapag-uusapan. Sabi niya nakapunta na siya sa Melorian at sinamahan niya ang tito niya ilang taon ang nakaraan. Tumawa siya. “Bumisita ka ba kasama ng hari?”“Hmm… Hindi yata.” Inisip niya ito at umiling. Ang totoo, wala siyang masyadong alaala tungkol sa bahay na ito. Walang nagsabi sa kanya kung bakit nagpunta sa Melorian ang hari. Ang naalala niya lang ay nagpabalik-balik ng lakad ang tito niya sa daan na para bang may hinihintay. Bumuntong-hininga si Alexander at hinimas sumasakit niyang ulo. “Anong problema, Kamahalan? Mukhang masama ang pakiramdam mo.” Tinignan siya ni Aurelia nang may pag-aalala. Ngumiti siya. “Ayos lang ako.”“May… bumabagabag ba sa'yo?”Tamang-tama si Aure
“Oh, wala lang.” Natauhan si Alexander. “Magpatuloy ka.”Ngumiti si Aurelia. “Wala na akong ibang sasabihin. May isang bagay lang akong gustong idagdag. Isa itong bagay na kamakailan ko lang natutunan. Hindi kami aatake hangga't hindi kami inaatake.”“Paano kung… inatake na ako?”“Burahin mo ang taong yun!”Naliwanagan si Alexander nang nakita niya ang ngiti niya. Paano siya naipit nang ganito katagal ngayong isa itong bagay na alam ng isang hamak na dalaga?Hindi pa siya nakaramdam ng pagmamahal simula noong bata pa siya. Kahit na kapatid niya si Victoria, tinatrato niya siyang parang basura. Higit pa roon, pagkatapos mapaikot ng pamilya niya, inisip niya talagang siya ang nagsanhi ng pagkamatay ng nanay niya. Napakamasunurin niya kay Victoria, pero anong napala niya?Lalo lang siyang hindi nakuntento!Inisip ni Aurelia ay may nasabi siyang mali nang nakita niya siyang nakatulala sa kawalan. Nahihiya niyang kinamot ang ulo niya. “Kamahalan, wag… mo kong pagtawanan! Wala a
“Masyadong malayo ang bahay ng general. Hindi siguro siya pupunta roon.” Tumingin si Alexander kay Aurelia. “Alam mo ba ang pribado niyang tinitirahan?” Nakatulalang umiling si Aurelia. “Malapit lang ba ang bahay mo?”Namroblema si Aurelia. “Oo pero hindi magiging madaling maglakad papunta roon habang hila-hila siya!”Pinag-isipan ito ni Alexander at tumawag siya para papuntahin rito ang personal na RV niya. Ito ang unang beses ni Aurelia na makakita ng mamahaling RV na kagaya nito at kuminang ang mga mata niya. Malawak ang RV sa loob at naroon ang lahat ng kakailanganin ng kahit na sino. Hindi niya napigilang isiping hindi ito isang RV kundi isang presidential suite!“Pasensya ka na sa abala. Dito muna kayo sa RV ngayong gabi pansamantala.” Ngumiti si Alexander. “Ito ang pinakamadaling solusyon na naisip ko para magkaroon ng lugar si Neil para makapagpahinga.”Nagpapasalamat siyang tinignan ni Aurelia. Pagkatapos dalhin si Neil sa RV, sinara ni Alexander ang pinto. Si Alex
Naiilang na nakaupo roon si Aurelia. Dumiretso ang likod niya habang tinitigan niya si Neil. Hindi kumilos ang lalaki pagkatapos nito at natulog nang mahimbing nang parang bato. Tinulak siya nang ilang beses ni Aurelia hanggang sa nakumpirma niyang nagkataon lang ang lahat kanina—tulog na tulog talaga ang lalaki. Kung kaya't tahimik siyang lumapit para subukang tanggalin ang singsing… pero bumalikwas si Neil para tumalikod sa kanya! Nadadaganan niya ang kamay kung saan nakasuot ang singsing!Tinitigan nang masama ni Aurelia ang likuran niya na para bang gusto niyang manghampas ng iba. Hindi niya alam na ang “manong” niya na nakatalikod sa kanya ay tusong nakangisi. …Tumayo si Alexander malapit sa RV kung saan pinakiusapan siya ng attendant niya na bumalik. “Kamahalan, may driver at mga bantay si Mr. Harris dito. Magiging ayos lang siya. Hindi mo kailangang mag-alala! Malapit… na ang curfew ng palasyo…”“Remus, ilang taon mo na ba akong kasama?” Biglang tanong ni Alexand
Tusong ngumiti si Zennie habang inakbayan siya ni Seth. Nang magkasama, pinakita nila ang engagement rings sa mga kamay nila. Lumapit ang lahat para tignan ito. Sumigaw si Josiah, “Woah! Hindi kayo nag-ingay, huh? Kailan pa kayo na-engage?”Pinanatili pa rin ni Nicholas ang bagong paraan niya sa pera kagaya ng kadalasan, “Seth, sa tingin ko di pa sapat ang singsing na'to! Gusto mong makuha si Zennie gamit ng simpleng carat—”Bago siya nakatapos sa pagsasalita, tumama ang kamao ni kinda sa ulo niya. “Manahimik ka kung di mo alam kung anong sasabihin!”Sumimangot ang gwapong mukha ni Nicholas. “Sa tingin ko maganda ang singsing.” Ngumiti si Kelly. “Hindi mahalaga ang carat. Ang mahalaga ay ang intensyong manatili sa tabi ng isa't-isa habangbuhay!”“Oo, yun! Ang intensyon!”Habang binigay ng grupo ang mga pagbati nila, pinasa ni Cordelia ang mga bulaklak direkta kay Zennie. May isang tao lang na mukhang hindi masyadong masaya. Tahimik na pinanood ni Zephyr si Zennie na naba
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala