Huminto si Zephyr nang bakas ang pagtataka sa mga mata niya. Lumingon siya kay Alexander. Hindi mukhang isang dakilang prinsipe ang taong ito. Mas mukha siyang asawang babaeng nakagawa ng malaking pagkakamali na nakatayo sa kinatatayuan niya habang pinagkikiskis niya ang kamay niya. “Anong ibig mong sabihin… diyan, Kamahalan?” Naging seryoso ang mga mata ni Zephyr. “Ako…” huminga nang malalim si Alexander, “Umaasa lang akong hindi ka galit sa'kin. Yung lang.”Naningkit ang mga mata ni Zephyr. Napaatras ang tauhan ni Alexander sa matinding aura niya. Hinila niya ang manggas ni Alexander. “Anong problema, Kamahalan?” Pinaalalahanan siya ng tauhan niya. Doon lang napansin ni Alexander na mukhang nawala siya sa sarili. Kaagad niyang itinuwid ang likod niya at nanumbalik ang dapat na itsura ng isang prinsipe. Tinignan siya ni Zephyr bago tumalikod para umalis. Tumawag si Neil sa daan. Mukhang gusto niya siyang asarin. “Kilala mo talaga si Prince Alexander noong kabataan mo?
“Ano!?” si Zephyr naman ang nagulat. “Hindi pwede!“Wifey, paghihiwalayin mo ba kami habangbuhay?“Pangako! Pangako magdadahan-dahan na ko mula ngayon, okay?”Mag… dadahan-dahan na siya mula ngayon?Kumilos ang mga mata ni Cordelia at hindi niya napigilang tumawa nang malakas. Kahit na gaano pa siya kaseryoso at kalmado sa labas, minsan ay hindi siya maintindihan sa bahay. “Sige,” simple siyang inasar ni Cordelia. “Kapag ginawa mo pa ulit yan sa anak natin, talagang magdadahan-dahan ka habangbuhay!”“Ikaw…” Tinitigan siya ni Zephyr nang may nanlalaking mga mata. Gayunpaman, mabait si Zuko sa kanya. Kinaway niya ang matataba niyang braso para magpakarga sa kanya. Siguro ay gusto na naman niyang lumipad kagaya ng ginawa niya kanina. Ngumisi si Zephyr. Naisip niyang hindi siya nakikipagtalo sa asawa niya sa harapan ng anak nila. Maghihintay siya hanggang nasa kwarto na sila mamayang gabi… “Anong iniisip mo?”Nagising kaagad si Zephyr mula sa mga nakakatuksong kaisipan ni
Tumingala si Cordelia at nagtanong, “Paano kung magsawa ka sa'kin?”Hinaplos ni Zephyr ang mukha niya. Seryoso ang mukha niya ngunit puno ng karisma. “Pinagdaanan mo ang sakit ng panganganak. Habangbuhay akong may utang sa'yo. Kaya hindi kita hahayaang magdusa para sa iba pang bagay.”"Hubby…"Niyakap siya nang mahigpit ni Cordelia at di napigilang umiyak. Pinunasan ni Zephyr ang mga luha niya at tumawa. “Naiyak ka na sa ganun?”"Mm-hmm…"“Ikaw talaga!” Pinaglaruan niya ang buhok niya. Mapula ang langit sa paglubog ng araw. Bumabalik na ang mga ibon sa pugad nila dahil parating na ang gabi. Hinawakan niya ang kamay niya at sinabi sa kanya ang bagay na seryoso niyang pinag-iisipan. “Cordelia, sa tingin mo, dito ba natin gagawin ang kasal natin?”“Ano?” Nabigla siya. “Ang ibig kong sabihin, tatlong buwan na ang anak natin, pero may utang pa rin ako sa'yong kasal!” Sabi niya nang nakangiti, “Bibigyan kita sa Southeast Aciatic, okay?”…Umupo si Alexander sa café hangga
Suminag ang boses na iyon sa madilim na buhay ni Alexander na parang isang ilaw. Hindi niya maalala kung paano nagmakaawa ang mga taong iyon sa pagkabugbog, o kung gaano sila naging mapagpakumbaba noong humingi sila ng tawad sa kanya. Ang naalala niya lang ay ito ang unang beses sa buhay niyang prinotektahan siya. Ang bagong dating ay parang isang diyos na bumaba sa langit na nagbigay sa kanya ng pag-asa at kalinga. “Ayos ka lang?” Tinulungan niya siyang tumayo. “Ako si Zephyr Hamerton. Ako ang captain ng boxing team.”"Zephyr…"Natulala si Alexander sa gwapo niyang mukha at nagpakita ng isang ngiti na mas pangit pa sa isang ngiwi. …Biglang dumilat si Alexander at kinilabutan siya. Tinignan niya ang walang lamang tasa sa harapan niya at pinilit na ngumiti. Ang dami niyang nainom na kape kaya paanong nakatulog pa rin siya? Pareho pa nga ang panaginip niya…Nang tatayo na siya para umalis, bigla siyang tinapik ng tauhan niya. Nakatitig siya sa pintuan. “Ano?” Lumingo
Hindi kailanman inisip ni Victoria na si Alexander ang nag-iisa niyang pamilya sa malaking palasyo. Nang nakita niya ang kasalukuyang sitwasyon… si Alexander ang uupo sa trono imbes na siya!Kinagat niya ang labi niya at may pagkamuhi sa malamig niyang titig ngayon. “Ha, di mo kailangang magmukmok, kapatid ko.” Suminghal siya. “Makukuha ko rin si Neil, pero di mo makukuha si Zephyr!”“Hindi ko kailanman inisip na makuha siya.” Tumingin si Alexander sa mga mata niya at diniin ang bawat isang salita niya. “Gusto ko lang siyang maging masaya.”“Sige. Napakarangal at napakalakas mo naman!” Sarkastiko si Victoria. “Gusto kong makita kung sasaya pa rin siya kapag nalaman niya ang nararamdaman mo para sa kanya!”“Ate! Ikaw…” Tumayo si Alexander at sinara ang kamao niya. Bumakat ang mga ugat sa noo niya. Masaya si Victoria. Alam niyang ito ang hangganan niya pero hindi siya natatakot na hakbangan ito!Siya dapat ang matakot!Ngumisi siya at hinawakan ang balikat niya para paupuin s
Bumalik si Alexander sa palasyo na parang isang ligaw na kaluluwa. Para bang hinigop ang enerhiya niya habang nanghihina siyang umupo sa sofa. Umalingawngaw sa tainga niya ang mga sinabi ni Victoria. “Burahin mo si Aurelia para sa'kin! Kapag umupo ako sa trono at ikasal ako kay Neil, titiyakin kong mananatiling lihim ang sikreto mo! At saka pwede kong bigyan ng mas magandang pagtrato ang mga Irwin… Di ba may anak si Zephyr? Siya ang apo ni Mr. Irwin. Gagawin ko siyang knight, at siya ang magiging pinakadakilang bata sa buong Southeast Aciatic!”Patuloy na hinimas ni Alexander ang pagitan ng kilay niya. Nang tumingala siya at tinignan ang crystal plate sa mesa, hindi niya nakita ang paborito niyang pinya sa mga prutas doon. Binasag niya ang plato sa galit!Nagulat ang lahat ng gwardya. Nanatili sila sa kinatatayuan nila at hindi nagtangkang huminga nang malakas. Madalas na mabait ang prinsipe at magalang siya sa mga tao. Maraming gwardya sa lugar ang gusto siyang maging amo. G
Nagtaka si Alexander. Naglalaro ng drinking games ang Neil na kilala niya?Hindi ito kapanipaniwala! Mabilis niya siyang inimbitahan sa tindahan at hinandaan siya ng rose-flavored jelly na gawa niya. Mabait siya. Nag-usap sila sandali at nagulat silang malaman na marami pala silang bagay na mapag-uusapan. Sabi niya nakapunta na siya sa Melorian at sinamahan niya ang tito niya ilang taon ang nakaraan. Tumawa siya. “Bumisita ka ba kasama ng hari?”“Hmm… Hindi yata.” Inisip niya ito at umiling. Ang totoo, wala siyang masyadong alaala tungkol sa bahay na ito. Walang nagsabi sa kanya kung bakit nagpunta sa Melorian ang hari. Ang naalala niya lang ay nagpabalik-balik ng lakad ang tito niya sa daan na para bang may hinihintay. Bumuntong-hininga si Alexander at hinimas sumasakit niyang ulo. “Anong problema, Kamahalan? Mukhang masama ang pakiramdam mo.” Tinignan siya ni Aurelia nang may pag-aalala. Ngumiti siya. “Ayos lang ako.”“May… bumabagabag ba sa'yo?”Tamang-tama si Aure
“Oh, wala lang.” Natauhan si Alexander. “Magpatuloy ka.”Ngumiti si Aurelia. “Wala na akong ibang sasabihin. May isang bagay lang akong gustong idagdag. Isa itong bagay na kamakailan ko lang natutunan. Hindi kami aatake hangga't hindi kami inaatake.”“Paano kung… inatake na ako?”“Burahin mo ang taong yun!”Naliwanagan si Alexander nang nakita niya ang ngiti niya. Paano siya naipit nang ganito katagal ngayong isa itong bagay na alam ng isang hamak na dalaga?Hindi pa siya nakaramdam ng pagmamahal simula noong bata pa siya. Kahit na kapatid niya si Victoria, tinatrato niya siyang parang basura. Higit pa roon, pagkatapos mapaikot ng pamilya niya, inisip niya talagang siya ang nagsanhi ng pagkamatay ng nanay niya. Napakamasunurin niya kay Victoria, pero anong napala niya?Lalo lang siyang hindi nakuntento!Inisip ni Aurelia ay may nasabi siyang mali nang nakita niya siyang nakatulala sa kawalan. Nahihiya niyang kinamot ang ulo niya. “Kamahalan, wag… mo kong pagtawanan! Wala a