Hindi akalain ni Neil na makikita niya si Victoria na nakatayo sa labas. Humakbang siya pasulong nang hindi malay upang protektahan si Aurelia."Bakit? Hindi mo ba kami pinapakilala sa isa't isa?" Ngumiti si Victoria, ngunit ang titig niya kay Aurelia ay matalim.Ito ang unang beses niyang makaharap si Aurelia. Medyo nagulat siya.Dati, ang mga pinadala niya para sundan si Aurelia ay nagsumbong sa kanya kung ano ang hitsura ng dalaga. Ngayong nakita niya siya ngayon, nagulat siya sa kagandahan ng dalaga.Hindi kataka-taka na si Neil ay patuloy na lumapit sa kanya sa buong araw.Napakagat labi si Victoria at pilit na ngumiti."Dahil wala kang sinasabi, magpapakilala ako!" Nag-extend siya ng kamay. "Ako si Victoria Charles. Ako rin ay—""At saka, ang royal princess," sabi ni Neil sa mababang tono.Ang kanyang tingin ay alerto, at ang kanyang mga kilay ay nakakunot. Sari-saring ideya ang pumasok sa kanyang isipan...Tinitigan siya ni Aurelia na tulala habang nakaugat sa kawalan.
“Imposible yan!” sabi ni Neil nang walang pag-aalinlangan. Malamig niyang tinitigan si Victoria na para bang nakakahiwa ang titig niya. Hindi nawala ang ngiti ni Victoria. Ito ang epektong gusto niyang makuha. Habang mas galit si Neil, mas lalo nitong napapatunayang hindi niya pagkakatiwalaan si Aurelia. Sa ganitong paraan, makakapasok siya sa pagitan nilang dalawa. “Neil, tinuruan tayo ng tito natin ng hindi tayo pwedeng manghusga sa panlabas simula noong bata pa tayo!” Mahinang sabi ni Victoria, “Hindi mo pa masyadong nakakasama si Ms. Chilton at nakilala niyo ang isa't-isa sa Chaiseland. Paano ka makakasiguro?“At saka kahit na mauwi siya sa anak ng may-ari, buhay niya yun. Wala kang karapatang pigilan siya.”Lumingon palayo si Neil. Mukha siyang naiinis. Nagpatuloy si Victoria. “Neil, hindi tayo ipinangako sa isa't-isa, pero paulit-ulit itong binanggit ng tito ko kay General Harris. Hindi siya pumayag dito pero di rin naman siya tumanggi!”“Anong sinusubukan mong sabihin
Mas lalong nainis si Neil. Panlalaki ang disenyo ng damit. Bakit siya nagbuburda ng rosas dito? Di ba niya alam na ang rosas ay sumisimbolo ng romantikong pag-ibig at pangungulila!?Tumayo si Neil sa harapan ni Aurelia at kinatok ang mesa. Sa sandaling nakita siya ni Aurelia, ngumiti siya. “Manong!”“Mm.” Walang emosyon sa mukha ni Neil habang nagpanggap siyang ngayon niya lang nakita ang damit. “Isa ba tong… jacket?” tanong niya. “Ikaw may gawa nito?”Isa itong tradisyonal na kasuotan na sinusuot ng mga lalaking taga-Southeast Aciatic sa mga pormal na okasyon. “Hindi!” Mas maliwanag pa sa araw ang ngiti ni Aurelia. “Hindi to bago. Nasuot na'to noon. Medyo tastas nga lang ang kwelyo kaya tinatahi ko to para sa kanya.”“Kanya?” Kumunot ang noo ni Neil. “Sinong customer?”“Hindi customer. Ang panganak na anak ni May.”“Ikaw…”Nanlaki ang mga mata ni Neil. Biglang umalingawngaw sa tainga niya ang sinabi ni Victoria na “engaged na siya”.Nanghingi si Neil ng pabor sa iba
Nagwala ang puso ni Aurelia. Dudugo ang ilong niya sa kung gaano nakakaakit ang lahat ng ito! Hindi lang naman siya siguro ang babaeng hindi ito kakayanin, tama? Kung naibang babae lang ito sa mundong ito, tiyak siyang di rin nila ito kakayanin!Pero anong dapat niyang gawin ngayon?Napakagandang tignan ng dibdib, abs at Adonis belt niya. Baka pwede niya itong hawakan? Napakalapit naman na niya sa mga ito. Sayang naman kung hindi niya kukunin ang pagkakataong ibinigay sa kanya…Tumingin sa baba si Aurelia at sinubukang pakalmahin ang paghinga niya. Mas lalo lang bumilis ang paghinga niya habang lalo niyang gustong kumalma at mas namula ang pisngi niya habang lalo niyang sinubukang pakalmahin ang sarili niya. Wala siyang nagawa kundi pumikit. Para bang may dalawang maliliit na halimaw na naglalaban sa puso niya. Natatawang tinignan ni Neil ang paghihirap ng babae pero bigla siyang nakaramdam ng init sa loob niya. Dinilaan niya ang mga labi niya at naghintay sa susunod niyang
Doon lang napansin ni Neil na maghapon siyang nakaupo sa tailor shop nang walang suot na pang-itaas. Kakaunting tao lang ang nagpunta ngayong hapon para magpatahi o kumuha ng damit, pero ang ilan sa kanila ay natakot nang nakita nila ang ganitong klase ng taong nakaupo sa loob ng shop. Kahit na gwapo ang lalaki, madilim ang ekspresyon niya at nakahubad ang pang-itaas niya… Hindi siya mukhang disenteng tao!Ganito napaalis ni Neil ang ilan sa mga customer na mayroon sila. Tinanggal niya ang butones ng damit niya kaya hindi niya rin ito masuot. Bumuntong-hininga siya at sinuot ang damit. Tinali niya ang mga dulo nito dahil wala itong butones at bahagyang nakita ang solido niyang dibdib. Paalis na siya nang pumasok si Aurelia nang may dalang mangkok ng malamig na rose-flavored jelly.Ang unang sinabi niya nang nakita niya siya ay: “Bakit nandito ka pa rin!?”Pagkatapos ay tinago niya ang jelly sa likuran niya at nagsabing, “Akin… Akin to.”Walang nasabi si Neil at bigla niyang
‘Paikliin ito?’ Natulala si Aurelia. Lumapit sa kanya si Neil nang may mapang-usisang tono. “Di ba sinabi ko sa'yong nagustuhan ng reyna ang mga damit na ginawa mo? Kapag nakuha mo ang pagkakataong maging embroidery artist sa palasyo, makakakuha ka kaagad ng citizenship at pwede kang kumita nang mas maraming pera. “Gusto mo ba ng ganitong pagkakataon?”Pakiramdam ni Aurelia ay sinampal siya ng swerte sa mukha. Gayunpaman, sa 18 taon ng buhay niya na hindi mahaba o maikli, ayon sa karanasang nakuha niya sa mahirap na buhay niya, habang mas maganda pakinggan ang isang bagay, mas mapanganib naman itong patibong. Marami na sigurong nakilalang talentadong tao ang reyna. Bakit siya magpupumilit na ipasok sa palasyo ang isang hindi kilalang taong kagaya niya bilang embroidery artist?Higit pa roon, hindi masayang lugar ang palasyo. Hindi niya kailangang pumunta roon para malaman ito. Kahit na hindi niya alam kung anong ugali ng royal family, nakanood na siya ng mga drama. Sila ay mg
Kumunot ang noo ni Zephyr. Para sa kanya, kakaiba ang sinabi ni Alexander. Hindi mahalaga kung di niya gustong agawin si Cordelia. Anong ibig niyang sabihin sa hindi niya “tatangkaing” gawin iyon?Sa halip na magsalita nang normal, yumuko siya, tinikom ang labi niya, at tumawa. Anong ibig niyang sabihin sa lahat ng iyon. Inisip ni Zephyr ay marami na siyang nakasalubong na tao. Gayunpaman, nang nakita niya si Alexander, doon niya lang napansin na mayroong tao sa mundo na hindi niya mabasa. Pagkatapos manahimik nang isang sandali, nagsabi siya, “Tinanong mo ko noon kung naaalala kita. Pinag-isipan ko to nang matagal pero wala akong maalala.”“Ayos lang.” Nanatili ang mainit na ngiti sa mukha ni Alexander. “Noong nag-aaral pa tayo nun. Maiintindihan kong nakalimutan mo na yun.”“Kamahalan… sa Walton ka rin nag-aral?”“Tama.” Pinagsalikop ni Alexander ang mga kamay niya habang hinihimas ang mga hinlalaki niya. “Mababa nga lang ang grades ko. Tiyak na hindi mo ko napansin.”Gayu
Huminto si Zephyr nang bakas ang pagtataka sa mga mata niya. Lumingon siya kay Alexander. Hindi mukhang isang dakilang prinsipe ang taong ito. Mas mukha siyang asawang babaeng nakagawa ng malaking pagkakamali na nakatayo sa kinatatayuan niya habang pinagkikiskis niya ang kamay niya. “Anong ibig mong sabihin… diyan, Kamahalan?” Naging seryoso ang mga mata ni Zephyr. “Ako…” huminga nang malalim si Alexander, “Umaasa lang akong hindi ka galit sa'kin. Yung lang.”Naningkit ang mga mata ni Zephyr. Napaatras ang tauhan ni Alexander sa matinding aura niya. Hinila niya ang manggas ni Alexander. “Anong problema, Kamahalan?” Pinaalalahanan siya ng tauhan niya. Doon lang napansin ni Alexander na mukhang nawala siya sa sarili. Kaagad niyang itinuwid ang likod niya at nanumbalik ang dapat na itsura ng isang prinsipe. Tinignan siya ni Zephyr bago tumalikod para umalis. Tumawag si Neil sa daan. Mukhang gusto niya siyang asarin. “Kilala mo talaga si Prince Alexander noong kabataan mo?