Natulala si Ava. Nang tinitigan niya sa mata si Cordelia, naramdaman niyang tumalon ang puso niya. Ang mga mata ni Cordelia ay hindi ang malambot at maamong mga mata na naaalala niya. Sa halip, may nakahalo nang talim dito. Samantala, may kumplikadong ekspresyon sa ngiti niya. Ang ekspresyon niya… ay kahawig na kahawig nang kay Zephyr!Pinakalma ni Ava ang sarili niya at nagpakita ng plastik na ngiti. “Sino pa bang tinatawag ko? Gaano ba karaming cousin-in-law ang meron ako?”“Narinig ko na ikaw na ang Head of Administration ngayon?” Kalmadong ngumiti si Cordelia. Huminto si Ava at tumango. “Ang administrasyon ng kumpanya ay isang importante at gumaganang department. Bilang head, ikaw dapat ang nangunguna sa patakaran at regulasyon ng kumpanya. “Opisina to. Wala ka sa bahay.” Tumingin si Cordelia sa kanya. “Hindi ba ang bastos mo para tawagin mo kong ganyan?”“Ikaw…”Humigpit ang mga kamao ni Ava. Kahit na hindi niya gusto, wala siyang masabing kahit na ano. Lalo na
“Kinakausap kita!” mas seryoso nang pakinggan ngayon si Cordelia. “Sinong naghanda ng meeting room?”Mukhang tuwang-tuwa si Ava. “Hindi ko alam!”“Dahil di mo alam, ilagay mo ang placement card ko sa dapat nitong kinalalagyan!”Seryoso si Cordelia, at nagsalita siya ng perpektong Chaisene. Nanahimik ang mga lokal na dumalo. Napagtanto nila kung anong nangyayari ngayon. Hindi nakayanan ni Ava ang kahihiyan, pero nagmatigas siya. “Miss, matagal na tayong lumampas sa meeting time. Wag mong sabihing pinagpipilitan mo pa rin ang ganito kaliit na bagay? Seryoso ang lahat ng tao rito pagdating sa pagiging maagap! Hindi tama na lalo mo tong pinapatagal. Iisipin nila di mo gustong makipagtrabaho sa kanila!”“Tama ka, seryoso sila sa pagiging maagap at may sarili silang patakaran.” Suminghal si Cordelia, “Pero nasa Baker Group tayo. Ito ang proyektong hawak ko! Sa meeting na hawak ko, ang patakaran ko ang magiging patakaran!”Malinaw ang perpektong Chaisene niya. Mahina ang boses niya,
Tumigil sandali si Ava, pero nilipat naman niya ang atensyon niya kay Trinity. Hindi na nakatanggap si Cordelia ng palagiang messages ngayon. Sa halip, si Trinity naman ang nakatanggap ng araw-araw niyang pangungulit. Isa ngayong maaraw na Sabado. Komportableng nakaupo si Cordelia sa ilalim ng araw sa recliner sa bakuran nang narinig niyang tumunog nang mabilis ang doorbell. Binuksan ng butler ang pinto, at sumugod si Trinity pasok nang may magulong buhok at eyebags. “Gah, Cordelia. Nagmamakaawa ako sa'yo. Palayasin mo na ang demonyong yun, pwede ba? Palayasin mo na siya!”Tumawa si Cordelia at hinila si Trinity para umupo sa tabi niya. Pagkatapos ay nagpakita si Trinity ng sari-saring texts at emails na pinadala ni Ava kay Trinity nitong mga nakaraang araw. Maliban sa kadalasang motivational quotes at messages, napakarami ring larawan roon—mga seksi, walang makeup, may make-up, engrandeng makeup, at mga simpleng pang-araw-araw na larawan—mula sa lahat ng anggulo. Ang pina
Huminto ang puso ni Cordelia habang binalot niya ang braso niya sa balikat ni Trinity. Sinundan ni Zephyr ang pulis sa first floor sa underground. Mabagal silang sinundan nina Cordelia at Trinity. Para bang gawa sa bakal ang mga paa nila at napakabigat ng bawat isang hakbang nila. Bumuntong-hininga ang pulis at nagsabi kay Zephyr, “Ikaw na ang tumingin. Hindi dapat pumasok dito ang buntis.”Tumango si Zephyr at lumingon kay Cordelia. “Maghintay ka rito. Lalabas din ako kaagad.”Dumilim ang mga mata ni Trinity habang nanatili siya sa likuran niya. Dumating sila sa basement pababa ng hagdan. Isa itong madilim at makitid na espasyo. Binuksan ng pulis ang pinto at ang lalaking nakahiga sa loob ay natatakpan ng puting tela. Nakakapangilabot ang fluorescent light na umilaw sa espasyo. Nanatili si Trinity malapit sa pinto. Hindi siya makahakbang pa paharap na para bang naubos ang lahat ng lakas niya. Tinaas ng pulis ang kamay niya para sumenyas. “Mr. Hamerton, pakikilala siya.”
Hindi nagtangka si Fredric na kumilos masyado at maingat na tinaas ang kumot para tignan ang sarili niya. Hindi napalitan ang damit niya at nasa ng dugo at pawis ang pang-itaas niya. Napakadumi na nito. Naka-bandage na ang sugat niya, pero hindi propesyonal ang pagkakabalot dito. Tumingin siya sa babae at nagtanong pagkatapos ng ilang sandali, “Ni… Niligtas mo ako?”Nang kumurap at ngumisi ang babae, mukha siyang isang anghel sa mural ng simbahan. “Bakit? Babayaran mo ba ako sa pagligtas ko sa'yo?”Huminto si Fredric, medyo nahihilo pa siya dahil sa lagnat niya. Pinag-isipan niya ang nangyari sa kanila ng blangkong isipan niya. Nagpunta siya ng Melorian para kay Trinity, at napasakay siya sa isang kaduda-dudang taxi pagkatapos lumapag ng flight niya. Umikot nang ilang beses ang kotse sa isang tahimik na eskinita, tapos pinakita ng driver ang masamang intensyon niya, at nagtawag pa nga siya ng kasabwat. Pagkatapos… nasaksak siya. Hinimatay siya pagkatapos nito at nandito n
Walang pagbabago sa kung paano kumilos at sa itsura ni Zephyr nitong nagdaang ilang araw nang walang balita tungkol kay Fredric, pero alam ni Cordelia ang hirap na pinagdadaanan niya. Hindi niya alam kung paano pagagaanin ang loob niya. Gustong maging sobrang lakas ng lalaki na hindi niya dadalhin ang kahit na anong negatibong emosyon sa kanya. Palagi siyang ang malumanay at nakangiting asawa sa harapan niya. Kumikirot nga lang ang puso ni Cordelia sa bawat isang beses na nakita niya siyang ngumiti. Nakikita niya ang pagod sa ngiti niya. Tinawagan ni Neil si Cordelia para sabihing babalik siya sa Southeast Aciatic para magbakasyon at bisitahin ang mga magulang niya. Walang sigla at parang tuliro ang sagot ni Cordelia. “Anong nangyari sa'yo?” tumawa si Neil. “Parang tulala ka. Wala ka naman sigurong prenatal depression?”“Kalokohan!” Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Cordelia ang lahat ng nangyari nitong ilang araw. Nanahimik sandali si Neil bago mahinang sumagot, “Pupunta ako s
May humila kay Fredric bago niya maidilat ang mga mata niya. Napasigaw siya ng ilang mura sa hapdi ng sakit niya kahit na maginoo siya kadalasan. “Oh, sorry, sorry!” Mabilis na humingi ng tawad si Aurelia. “Nakahanap ako ng magandang gamit at sa sobrang saya ko ay nakalimutan kong sugatan ka…”Huminga nang malamig si Fredric. Masyadong madalas nang nakakalimutan ang tungkol sa sugat niya nitong mga nakaraang araw. Kung tatanungin siya, sasagutin niya na hindi siya kailanman tumanggap ng kahit na anong suhol bilang isang abogado. Palagi niyang pinanatili ang hustisya at pinaglaban ang mga tao. Hindi pa siya nakagawa ng kahit na anong labag sa konsensya niya! Bakit pinadala ng langit sa kanya ang ganitong klaseng tao para “gamutin” siya?Tumawa si Fredric at walang nagawa kundi sumuko nang nakita niya ang inosenteng itsura ng babae. “Hindi pa ako nag-alaga ng iba noon,” mahinang sabi ni Aurelia habang inabutan siya ng tubig at gamot. “Ikaw ang unang lalaki ko!”“Pft!” Nabuga
Interesado si Fredric kung saan nagmula ang kinita niya. Lumingon si Aurelia sa kanya para maingat siyang tignan at tahimik niyang itinabi ang maliit na kahon. “Wag kang mag-alala. Hindi ko gagalawin ang pera mo.” Nabasa ni Fredric ang nasa isip niya. “Pero pwede mo ba akong tulungang tawagan ang kaibigan ko? Nangangako akong bibigyan kita ng malaking halaga ng pera—”“Hindi pwede!” Pinutol siya ni Aurelia. “Aurelia, pakiusap!”“Wag mo nang isipin yan. Hindi ako tatawag ng pulis!”Naging galit ang hiya sa maganda niyang mukha at dahil sa mabangis niyang itsura, para ba siyang ibang tao kumpara sa babaeng nag-alaga kay Fredric. Nabahala si Fredric. “Hindi ako tatawag ng pulis. Gusto ko lang tawagan ang kaibigan ko…”“Tatawag ng pulis ang kaibigan mo!” Sigaw ni Aurelia, “Kapag sinira mo ang buhay ko, hindi rin kita hahayaang mabuhay nang payapa!”Tinitigan niya siya nang masama sabay lumabas. Binagsak niya nang malakas ang pinto sa likuran niya. Narinig ni Fredric ang pami