Lumapit ang pulis kay Marcus at ipinakita sa kanya ang kanyang identification. “Marcus Grist?” Ngumisi ang pulis. “Nagpanggap kang si Zephyr Hamerton at pineke mo ang pirma niya upang pirmahan ang mahahalagang dokumento ng Hamerton Group. Sinasabing aabot sa 45,000,000 dollars ang halaga nito. Kakasuhan ka ng pulisya ng fraud! “Walang legal na epekto ang mga dokumentong pinirmahan mo!”Pakiramdam ni Marcus ay hihinto sa pagtibok ang puso niya habang halos lumuwa na ang kanyang mga mata. Bago siya nakakibo, pinosasan na siya, at sinamahan siya palabas ng dalawang pulis. “Hindi ako ‘yun! Hindi ako!” Sumigaw si Marcus, “Hindi ako… Si Yale Hamerton ang may pakana nito! Inutusan niya ako na pirmahan ang mga dokumento. Hindi…”Palayo ng palayo ang kanyang boses hanggang sa tuluyan na itong maglaho. Bumuntong-hininga si Cordelia at tumingin siya sa maamong mga mata ni Zephyr. Ang ngiti sa kanyang mga mata ang pinakamagandang papuri para sa kanya. “Umuwi na tayo,” ang marahan niy
Sinamahan ni Robert si Zephyr pabalik sa Zen Residence, at di nagtagal ay dumating na ang doktor upang linisin at gamutin ang kanyang sugat. Nasa tabi lang nila si Cordelia, at pinagmamasdan niya silang maigi. Napakaingay ng buong internet. Pagsapit ng gabi, ang lahat ng mga trending na topic ay tungkol lahat sa mga Hamerton. [Impostor, ginaya ang pirma ni Zephyr Hamerton] [Yale Hamerton, sinubukang patayin ang kanyang pinsan] …Sunud-sunod na inilathala ang mga ispekulasyon at mga insider news, at pinagkaguluhan ito ng mga manonood, at halos maparalisa ang buong internet. Gayunpaman, walang gana si Cordelia na mag-abala sa mga bagay na ito. Abala siya sa sugat ni Zephyr at kinabisa niya ang mga bilin ng doktor tungkol sa kung anong gamot ang iinumin nu Zephyr at kung ilang oras ang pagitan ng pag-inom niya ng mga ito.Noong bumalik sila Cordelia at Zephyr sa Royal Manor kinagabihan, maingat niyang hinawakan ang kanyang asawa. Kakahakbang lang ni Zephyr ng kaliwa niyang p
“Dad… Dad?” Nakita ni Cordelia si Rowan na inirap ang kanyang mga mata at pagkatapos ay itinikom ang kanyang mga labi sa may screen at nagtaka siya. Wala siyang ideya kung ano ang nangyayari sa kanya at tinawag niya siya ng ilang beses. "Dad, anong iniisip mo?"“Ah, w-wala!” Natauhan si Rowan at tumawa. "Cordelia, kailangan mong hugasan ng madalas ang sugat niya kung gusto mong gumaling ito ng mabilis!"“Huh?” Napahinto si Cordelia. Iniisip niya na hindi pwedeng mabasa ng tubig ng madalas ang mga sugat.Si Zephyr, na nasa kama, ay halos matawa dahil sa pagsimangot niya."Syempre." Nilinis ni Rowan ang kanyang lalamunan. "Hindi ka dapat gumamit ng normal na tubig."”Ah…”“Kailangan mong gumamit ng hydrogen peroxide!”Nakinig nang mabuti si Cordelia at isinulat ang hydrogen peroxide sa papel.Nagpatuloy si Rowan. “Uh... Cordelia, ang hydrogen peroxide ay isang anti-inflammatory disinfectant. Ito ay lubhang kapaki-pakinabang para sa paghuhugas ng mga sugat! Bigyan mo siya ng 100%
Tumingin sa kanila si Zephyr at tahimik na sumagot. "Oh."Mukhang hindi siya interesado.Nagpalitan ng tingin ang dalawang lalaki sa pagtataka nila at narinig nila ang matamis na boses ni Cordelia. “Seth at Fredric? Pasok, maupo kayo!"Noon lang lumayo si Zephyr habang nakasimangot.Nakangiti silang binati ni Cordelia at pumunta siya sa kusina upang maghiwa ng mga prutas.Sina Seth at Fredric ay matatalinong tao at nahulaan agad nila kung ano ang nangyari nang makita nilang namumula si Cordelia at ang pagkadismaya ni Zephyr. Hindi nila napigilang tumawa.Sila Josiah at Robert ang madalas na mang-abala sa mag-asawa noon, kaya nakakagulat na gagawin din ito ng dalawa.“Ano ‘yun?” Tumingin si Zephyr kay Seth.Parang sinasabi ng kanyang pagsimangot sa doktor na hindi niya siya mapapatawad kung wala siyang mahalagang natuklasan.Pinagdikit ni Seth ang kanyang mga labi at kinuha ang resulta ng lab test. Ang data sa mga ito ay mahirap intindihin.Sa kabila nito, noon pa man ay malak
“Gusto kong ibigay mo sa’kin ang lahat ng impormasyon at background ni Lukas Welkie. Mas detalyado, mas mabuti. Bantayan niyo ding maigi ang sinumang malapit sa kanya!"Nakahinga ng maluwag si Cordelia pagkatapos noon, ngunit noong lumingon siya, nakita niyang nakatulala sa kanya ang tatlong lalaki, lalo na si Zephyr.Nagtaka siya at lumapit siya upang tingnan ang kanyang asawa. "Darling, anong problema? Bakit ganyan ang itsura mo?”Ngumiti si Zephyr at tinapik ang ulo niya. "Inagaw mo ang mga linya ko!"Napahinto si Cordelia bago siya namula.Tumawa si Seth. "Ngayon ko lang nalaman na talagang magiging magkamukha ang dalawang tao pagkatapos nilang magsama ng mahabang panahon!"“Tama!” Nagbiro si Cordelia. "Siguro nag-aaral na ng mas mabuti si Zennie pagkatapos niyang makasama ng matagal ang isang scholar na tulad mo, ano?""Hindi, hindi, hindi! Iba ang relasyon namin ni Zennie!” Tumawa ng inosente si Seth at nagpaliwanag, “Isa siyang nakababatang kapatid. Ang tanging magiging r
Natawa si Zephyr at mabilis na bumitaw bago niya tinitigan si Cordelia.“Cordelia, may iba ka pa bang nararamdaman?”"Well..." Nag-isip ng maigi si Cordelia at umiling. “Palagay ko wala naman na.”"Phew!" Nakahinga ng maluwag si Zephyr, at sa wakas ay nagkaroon ng ngiti sa kanyang kinakabahang mukha. "Buti naman wala!"“Ano?”"Ang ibig kong sabihin..." Nagtaas ng kilay si Zephyr. "Wala kang ibang nararamdaman kaya ibig sabihin hindi ka buntis!"“Hindi naman sa ganun.” Hinawakan ni Seth ang kanyang salamin na may gintong rim at nagpaliwanag siya ng parang isang guro, “Magkakaiba ang bawat tao, kaya iba-iba rin ang reaksyon nila sa pagbubuntis! Ang ilang mga kababaihan ay malakas kumain, natutulog nang madalas habang nagbubuntis sila, at hindi nasusuka!"“Seth!” Tiningnan siya ng masama ni Zephyr. "Masyado kang maraming sinasabi!"Hindi makaimik si Seth at nanigas siya sa kinatatayuan niya.Napakagulo ng nararamdaman ni Zephyr. Gusto niyang magkaroon ng anak para tumigil na sa p
Amoy alak si Millie, at nang humalo iyon sa kanyang eleganteng pabango, naglabas ito ng kakaibang vibe. Tila masayang-masaya siya habang kumikinang ng parang mga hiyas ang magagandang mata niya.Walang gaanong masabi si Fredric at tatalikod na sana siya, ngunit muntik na siyang mapatalon sa sigaw ni Millie.“Girls! Dalian niyo! Nandito si Mr. Constable!”Kumabog ng malakas ang puso ni Fredric at nagulat siya. Sa isang iglap, higit sa sampung mga babaeng celebrity ang nagsulputan mula sa iba't ibang sulok ng bar. Karaniwang sa telebisyon lamang makikita ang naggagandahang mga mukha na ito. Subalit, sa kasalukuyan… Halos matumba na si Fredric. Mabilis siyang napalibutan ng mga babaeng celebrity na ito. Medyo marami nang nainom ang mga babae at lasing na sila. Nag-init sila nang makita nila si Fredric. “Mr. Constable!”“Uy, si Mr. Constable!”“Naghahanap ako ng isang lalaking wala sa showbiz. Huwag kayong makipag-agawan sa'kin, girls. Akin si Mr. Constable!”Pinagpawisan si Fr
May panunukso sa ekspresyon ni Fredric.“Pwede akong—”Bago pa matapos si Fredric sa pagsasalita, tinapik ni Trinity ang dibdib niya na parang isang lalaki. “Ayos lang, ayos lang. Kaya ko nang sarili ko! Pwede… Pwede ka nang bumalik. Walang problema!”Bumalik siya sa neon at mga ingay pagkatapos nito. Noong tumalikod siya, parang medyo miserable siya.Naisip niya kung delusyon niya lang ito, ngunit parang may pag aalala sa mga mata ng lalaking yun… Ang pangungusap na hindi tinapos ni Fredric—gusto niya bang sabihin na siya ang magiging bodyguard ni Trinity at ihahatid pauwi si Trinity?Imposible ito.Umiling si Trinity at inutusan niya ang sarili niya na maging maayos ang pag iisip. Matagal at pinaghirapan niya para alisin si Fredric sa puso niya. Hindi niya pwede ibalik si Fredric sa puso niya ngayon.Alam niya na isang lalaking may katapatan si Fredric, kaya si Michelle lang siguro ang tanging nasa puso ni Fredric.Tumawa ng mapait si Trinity at umalis siya para uminom at kum
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala