Hinaplos ni Zephyr ang buhok ni Cordelia. "Hindi. Mananatili ako sa tabi mo anuman ang gawin mo.""Pero..." Hindi tinapos ni Cordelia ang kanyang sinasabi at itinikom niya ang kanyang mga labi."Pero isang mabuting babae ang asawa ko." Ngumiti si Zephyr. "Hindi niya kayang tiisin na malungkot ang mga taong nagmamahal sa kanya, tama ba ako?"Tahimik na tumingin sa kanya si Cordelia.Nagtanong si Zephyr, “Honey, gusto mo bang marinig kung anong nasa isip ko?”“Mm!” Mariing tumango si Cordelia."Simple lang ang nasa isip ko." Natawa si Zephyr. "Una, tatanungin kita... Sino ang lalaking pinakamamahal mo?"Sumimangot si Cordelia. "Kailangan mo pa bang itanong?"“Gusto ko ‘tong marinig mula sa’yo!”Nangungulit na naman ba si Zephyr? Napangiti na lamang si Cordelia at kumatok sa kanyang ulo. "Ikaw!"Zephyr Hamerton, may video na bilang patunay, at nagtatanong ka pa rin ng ganito?""Dahil mahalaga ang tanong na ‘to!" Umubo siya at hinawakan ang kamay ni Cordelia. "Ang gusto kong sab
"Mm, oo." Panatag na ngumiti si Zephyr.Sa totoo lang, hindi naman malaking problema sina Xyla at Carter. Ang pinakamahirap na bahagi para kay Rowan ay tila nagkaroon na ng pag-asa ngayon.Kung sabagay, higit sa 20 taon ng magkahiwalay ang dalawa. Kailangang unti-untiin ang mga bagay. Para sa kung ano man ang halaga nito, ang unang hakbang ay nagawa na, at ang araw ng muling pagsasama nila ay papalapit na.Sinalubong ni Cordelia ang kanyang mga mata, at pareho silang ngumiti. Inakay ni Zephyr si Cordelia palabas habang nakahawak siya sa balikat niya. Sa wakas ay makakain na sila nang walang anumang pasanin ngayon."Darling, sa tingin ko tama ka!"“Ano?”“Hinayaan kayong maghirap ng matandang lalaki na ‘yun lahat sa loob ng maraming taon. Oras na para tikman niya ang kanyang gamot ngayon!"“Anong sinasabi mo?” Agad siyang tiningnan ng masama ni Cordelia. “Sino yung tinutukoy mong matanda?”“Ah…” Sinadyang sinabi ni Zephyr na, “Yung walang utang na loob na matandang lalaki na ‘yu
"Um..." nag-aalangan si William. Kung tutuusin, gusto na niyang matapos ito at umalis sa lalong madaling panahon. Hindi siya pwedeng manatili ng matagal sa lugar na ito.Gayunpaman, hinawakan siya ni Fredric sa kanyang mga balikat at pinaupo sa sopa. Kumuha rin si Fredric ng isang buong set ng de-kalidad na tsaa mula sa kusina.Ilang sandali pa, ang amoy ng tsaa ay kumalat sa silid at nakakabuhay ng dugo ang amoy nito."Ito ay isang uri ng black tea na palaging binibili ng Hamerton Group. Mahal ito dahil kaunti lamang ang nagagawang ganito taun-taon. Maliban sa pagsu-supply sa Hamerton Group, ilang miyembro lang ng hari ang makakainom nito sa mundo."Lihim na pinagmasdan ni Fredric ang ekspresyon ni William. Alam niya ito. Ang isang taong sakim ay hindi susukuan ang anumang maari nilang makuha, kahit na sila ay nasa panganib.Gaya ng tsaa sa harap nila.Napaisip si William at kinuha ang tasa ng tsaa sa harapan niya ng nakangiti. Habang umiinom siya, lumilibot ang mga mata niya sa
“Hah, haha.” Nagkunwaring tumatawa si Fredric habang iniisip niya kung ang isang tulad ni William ay maituturing na pinakamababang limitasyon ng mababang katalinuhan ng isang tao.Sa kabila noon, kailangan niyang sakyan ang mga sinasabi niya. “Oo, siguradong gagawin ‘yun ni Zephyr. Malaking halaga nanaman ang makukuha mo kapag nangyari ‘yun!"Mukhang nagtagumpay si William at muling humigop ng tsaa."Pero... Mr. Jenner, hindi dapat magsasara ang Jenner Group kung napakahusay mong magplano!"Agad namang nainis si William. "Isa lang ‘yung pagkakamali!""Pero dapat may hawak kang malaking halaga ng pera!"“Ikaw… Paano mo nalaman?” Agad na naalarma si William.Mula noon ay napakatalino na ni Fredric sa pagkolekta ng ebidensya. Maaari niyang ihulog sa kanyang bitag ang kanyang biktima."Mr. Jenner, sa relasyon ko kay Mr. Yale, matagal na niyang sinabi sa’kin ang tungkol sa’yo. Noong umalis ang tagapagmana ng mga Irwin, na si Xyla Irwin, sa Southeast Aciatic at pumunta sa Jangasas, s
"Ito... Ito ay..." Namutla si William at hindi man lang natapos ang isang buong pangungusap.Tinitigan niya sina Cordelia at Zephyr na parang nakakita siya ng multo, na lumabas mula sa kwarto, at halos bumagsak siya na para bang hinigop palabas ng katawan niya ang kanyang kaluluwa.Napatingin siya kay Fredric sa takot at nanginginig na nagtanong, “Mr. Constable, a-anong nangyayari!?"Ngumiti si Fredric at inilabas ang recording pen mula sa kanyang bulsa upang ipasa ito kay Zephyr. Pagkatapos ay humarap siya kay William at sumagot sa tono ng isang abogadong naka-duty, “May karapatan kang manahimik. Lahat ng sasabihin mo ay maaaring gamiting ebidensya sa korte!"Halos lumuwa na ang mga mata ni William.“Magaling! Kayo… Nagtulungan kayo para lokohin ako!”“Lokohin ka? O dahil masyado ka lang tanga!?" Lumapit si Cordelia at tinitigan ng malamig si William.Muntik na siyang hindi makapagpigil sa loob ng maliit na silid nang marinig niya ang nakakadiri at kasuklam-suklam na mga bagay
Nasa sahig si William, inalalayan niya ang kanyang sarili gamit ang kanyang mga kamay habang umaatras siya sa sahig na gawa sa semento.Ginawa ni Rowan ang lahat ng makakaya niya upang pigilan ang kanyang pagnanasa na patayin si William.“A-Anong gusto mo?” Nanginginig ang boses ni William. “Rowan Irwin… ilegal ang lynching!”“Lynching?” Ngumisi si Rowan. "Hindi ako mag-aaksaya ng pagod ko sa’yo! Hah, kahit na gawin ko ‘yun, lumalabag ako sa batas ng Centrolis, pero mula ako sa Southeast Aciatic!"“Ikaw…”"Huwag kang mag-alala, Mr. Jenner!" Nanggigigil si Rowan habang nagsasalita siya. "Hindi lynching ang gagawin ko. Yung totoo, narinig ko na hindi maganda ang pakiramdam mo pagkatapos mong mabankrupt at madalas kang nahihilo at mataas ang blood pressure mo... Nandito ako para gamutin ka!"Pagkasabi niya noon, kumikinang sa kamay niya ang manipis at mahabang pilak na karayom. Namumula ang mga mata ni Rowan sa sobrang galit. Walang sandaling tulad ngayon kung saan ginusto niyang ga
Ang hayaang mabuhay ang isang tao sa sakit habangbuhay ay ang pinakamabigat na parusa.Pinunasan ni Rowan ang kamay niya ng nakangisi. Tumingin siya kay William sa huling pagkakataon at tahimik na umalis.…Ang araw sa madaling araw ay tumama sa tradisyonal na bintana ng memorial hall at nasinagan nito ang mga larawan ng mga ninuno ng mga Hamerton.Maraming tagapagsilbi ang nagsisiksikan sa pinto habang nag-aalalang tumingin sa loob. Sa pagkalabog at biglaang pagbagsak ng isang tao, nagulat sila at nagmadaling pumasok.“Nawalan ng malay si Mr. Matthew! Nawalan ng malay si Mr. Matthew!”“Tawagin niyo si Mr. Clark!”Lumapit si Clark kasama ang ilan pang mga lalaki para asikasuhin ang pangyayari at ibinalita ito kay Liam na may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha.Si Matthew ay nanatiling nakaluhod sa memorial hall nang isang buong araw nang walang pagkain o tubig at sa huli ay bumigay na siya pagsapit ng umaga.Nakakunot ang mga kilay ni Liam habang tinatapik ang kanyang tungk
Huminto si Liam at malamig na tumingin kay Matthew."Bakit? Sa tingin mo ba papanoorin ko lang si Yale na hilahin ang buong pamilya ng mga Hamerton pababa at wala akong gagawin?"Naguluhan si Matthew.“Kung ikukumpara sa pagnanakaw, ang hustisya sa pamilya ay mas marangal!”Pagkatapos nito, tinalikuran na ni Liam si Matthew at umalis.Bago pa makapag-react si Matthew, nablangko ang isip niya habang pinapanood ang mabilis na pag-alis ng kanyang ama.…Pagkatapos ng pagbaba ng temperatura sa Centrolis, sinalubong ng Centrolis ang isang bihirang, magandang araw ng taglamig.Humupa ang hamog, at bumalik ang kulay asul na kalangitan. Isang hindi inaasahang pag-ulan ng niyebe ang bumalot sa lungsod at kinulayan ito ng kulay puti. Sariwa at presko ang simoy ng hangin.Si Cordelia ay nagwalis ng niyebe sa bakuran at gumawa ng mga cute na snowman mula dito.Nang matapos siya, niyakap siya ni Zephyr mula sa likod at binalot ang namumula at nagyeyelo niyang mga kamay gamit ang kanyang m