"Ito... Ito ay..." Namutla si William at hindi man lang natapos ang isang buong pangungusap.Tinitigan niya sina Cordelia at Zephyr na parang nakakita siya ng multo, na lumabas mula sa kwarto, at halos bumagsak siya na para bang hinigop palabas ng katawan niya ang kanyang kaluluwa.Napatingin siya kay Fredric sa takot at nanginginig na nagtanong, “Mr. Constable, a-anong nangyayari!?"Ngumiti si Fredric at inilabas ang recording pen mula sa kanyang bulsa upang ipasa ito kay Zephyr. Pagkatapos ay humarap siya kay William at sumagot sa tono ng isang abogadong naka-duty, “May karapatan kang manahimik. Lahat ng sasabihin mo ay maaaring gamiting ebidensya sa korte!"Halos lumuwa na ang mga mata ni William.“Magaling! Kayo… Nagtulungan kayo para lokohin ako!”“Lokohin ka? O dahil masyado ka lang tanga!?" Lumapit si Cordelia at tinitigan ng malamig si William.Muntik na siyang hindi makapagpigil sa loob ng maliit na silid nang marinig niya ang nakakadiri at kasuklam-suklam na mga bagay
Nasa sahig si William, inalalayan niya ang kanyang sarili gamit ang kanyang mga kamay habang umaatras siya sa sahig na gawa sa semento.Ginawa ni Rowan ang lahat ng makakaya niya upang pigilan ang kanyang pagnanasa na patayin si William.“A-Anong gusto mo?” Nanginginig ang boses ni William. “Rowan Irwin… ilegal ang lynching!”“Lynching?” Ngumisi si Rowan. "Hindi ako mag-aaksaya ng pagod ko sa’yo! Hah, kahit na gawin ko ‘yun, lumalabag ako sa batas ng Centrolis, pero mula ako sa Southeast Aciatic!"“Ikaw…”"Huwag kang mag-alala, Mr. Jenner!" Nanggigigil si Rowan habang nagsasalita siya. "Hindi lynching ang gagawin ko. Yung totoo, narinig ko na hindi maganda ang pakiramdam mo pagkatapos mong mabankrupt at madalas kang nahihilo at mataas ang blood pressure mo... Nandito ako para gamutin ka!"Pagkasabi niya noon, kumikinang sa kamay niya ang manipis at mahabang pilak na karayom. Namumula ang mga mata ni Rowan sa sobrang galit. Walang sandaling tulad ngayon kung saan ginusto niyang ga
Ang hayaang mabuhay ang isang tao sa sakit habangbuhay ay ang pinakamabigat na parusa.Pinunasan ni Rowan ang kamay niya ng nakangisi. Tumingin siya kay William sa huling pagkakataon at tahimik na umalis.…Ang araw sa madaling araw ay tumama sa tradisyonal na bintana ng memorial hall at nasinagan nito ang mga larawan ng mga ninuno ng mga Hamerton.Maraming tagapagsilbi ang nagsisiksikan sa pinto habang nag-aalalang tumingin sa loob. Sa pagkalabog at biglaang pagbagsak ng isang tao, nagulat sila at nagmadaling pumasok.“Nawalan ng malay si Mr. Matthew! Nawalan ng malay si Mr. Matthew!”“Tawagin niyo si Mr. Clark!”Lumapit si Clark kasama ang ilan pang mga lalaki para asikasuhin ang pangyayari at ibinalita ito kay Liam na may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha.Si Matthew ay nanatiling nakaluhod sa memorial hall nang isang buong araw nang walang pagkain o tubig at sa huli ay bumigay na siya pagsapit ng umaga.Nakakunot ang mga kilay ni Liam habang tinatapik ang kanyang tungk
Huminto si Liam at malamig na tumingin kay Matthew."Bakit? Sa tingin mo ba papanoorin ko lang si Yale na hilahin ang buong pamilya ng mga Hamerton pababa at wala akong gagawin?"Naguluhan si Matthew.“Kung ikukumpara sa pagnanakaw, ang hustisya sa pamilya ay mas marangal!”Pagkatapos nito, tinalikuran na ni Liam si Matthew at umalis.Bago pa makapag-react si Matthew, nablangko ang isip niya habang pinapanood ang mabilis na pag-alis ng kanyang ama.…Pagkatapos ng pagbaba ng temperatura sa Centrolis, sinalubong ng Centrolis ang isang bihirang, magandang araw ng taglamig.Humupa ang hamog, at bumalik ang kulay asul na kalangitan. Isang hindi inaasahang pag-ulan ng niyebe ang bumalot sa lungsod at kinulayan ito ng kulay puti. Sariwa at presko ang simoy ng hangin.Si Cordelia ay nagwalis ng niyebe sa bakuran at gumawa ng mga cute na snowman mula dito.Nang matapos siya, niyakap siya ni Zephyr mula sa likod at binalot ang namumula at nagyeyelo niyang mga kamay gamit ang kanyang m
“Mm.” Tumango si Cordelia. "Narinig ko ‘to kay mom. Sa tingin ko maraming imbitadong tao."“Oo, maliban sa lahat ng miyembro ng pamilya, meron ding mga taong malapit sa’tin mula sa three major families. Dadalo rin sina Fredric at Seth. Pareho silang napakahalagang bisita."Ibinaba ni Zephyr ang ulo niya para magkadikit ang ilong nila. "Siyempre, ang pangunahing layunin ng dinner na ito ay upang ipagdiwang sina Mr. at Mrs. Irwin!"…Ang Hamerton Manor ay masayang napuno ng mga bisita pagdating ng weekend.Tradisyonal na tao si Liam, ngunit siya ay nag-host ng isang sopistikadong kaganapan sa pagkakataong ito, ginawa niya ito, upang magsilbi sa nakababatang henerasyon.Si Fredric ay isang malaking contributor sa usapin at naging VIP ng mga Hamerton. Dagdag pa sa pagiging isang sikat na abogado sa Centrolis at isang eligible bachelor, siya ay naging sentro ng atensyon.Pinalibutan si Fredric ng mga babaeng pinsan ni Zephyr, na bumiyahe nang matagal papunta dito, kaya hindi man lang
Mahigit isang libong beses nang pinagalitan ni Zephyr si Rowan sa isip niya. Sa kabila ng kung anumang namumuo sa loob niya, hindi siya naglakas-loob na ipakita ang galit niya at marahan lamang niyang tinanong si Cordelia, "Talaga?"Tumango si Cordelia. "Tumira sa Southeast Aciatic ang mom ko buong buhay niya. Wala namang masama kung gusto niyang bumalik sa bayan niya at doon manirahan, di ba?""Ah… Oo." Napailing na lang si Zephyr sa sinabi niya.“Tradisyunal at konserbatibo ang Southeast Aciatic. Pareho kaming Irwin ni Carter, kaya kailangan naming buuhin at ibalik ang pagkatao namin, di ba?"Dinilaan ni Zephyr ang kanyang labi at patuloy na tumango. "Mm... totoo ‘yun."Hindi napigilan ni Cordelia ang humagikhik at tinapik ang kanyang suit. "Kaya, babalik ako kasama ang mga magulang ko. Magpakabait ka dito—”"Ano!?"Bago siya natapos sa pagsasalita, nagulat siya sa pagtaas ng boses ni Zephyr.Mukhang inosente si Cordelia. "Ayaw mo ba akong umalis?""Syempre!""Kung ganun...
Ang mga lalaking Hamerton ay mahusay—maliban sa madali silang sumuko sa sandaling makita nila ang kanilang asawa.Sinasabi na ang mga ninuno ng mga Hamerton ay mga matataas na heneral, maharlika, at iskolar na walang awa at malakas ang loob, ngunit sunud-sunuran sila sa mga asawa nila sa oras na makauwi sila sa bahay nila, at pinapasaya nila ang mga kababaihan nang walang katapusan.Minsan ay sinabi ni Nicholas na ang paranoia nagpasalin-salin na sa mga Hamerton. Yung totoo, ang pagmamahal sa kanilang mga asawa ang nakaukit sa kanilang mga gene.Mahinang sinabi ni Cordelia, “Darling, kita mo na? Payag din si Mom!"Nagtaas ng kilay si Zephyr. “Pumayag si mom pero si lolo? Lolo—”"Zephyr." Medyo seryoso ang ekspresyon ni Liam habang naglalakad siya mula sa karamihan.Medyo nahiya si Cordelia habang hinihila ang manggas ni Zephyr at umiling siya sa kanya. Ang intensyon niya ay makipagbiruan sa kanya, pero ipapahamak niya ang sarili niya kapag nagalit ang matanda sa kanya."Lolo, hu
Matagal nang narinig ni Rowan ang masayang kwentuhan dito at papalapit siya sa kanila kasama si Xyla habang magkahawak ang kanilang kamay.Agad na bumalik si Liam sa kanyang seryosong ekspresyon upang ngumiti at makipagpalitan ng magalang na pagbati. Kapwa sila kumuha ng wine glass sa waiter at inubos ang laman nito.Pagkatapos ng inuman, nagtanong si Liam, "Kailan mo balak bumalik sa Southeast Aciatic, Mr. Irwin?""Ang joint hospital project ay nadagdagan lamang ng 1/3 sa progress nito. Babalik lang ako pagkatapos maitayo ang ospital!""Oh..." Kinalkula ni Liam ang oras. “Paghahandain ko si Zephyr nang maaga! Bibigyan ka niya ng mga problema kapag nasa Southeast Aciatic na siya sa hinaharap!""Ano?" Napahinto si Rowan. "Sinong nagsabing sasama din siya?"Nanlaki ang mga mata ni Liam sa pagkalito.Nakangiting pumunta si Cordelia sa pagitan nila. "Lolo, binibiro ko lang si Zephyr, noong sinabi ko na babalik ako sa Southeast Aciatic!"“Oo!” Nakangiting sabi ni Xyla, “Si Cordelia