Huminto si Liam at malamig na tumingin kay Matthew."Bakit? Sa tingin mo ba papanoorin ko lang si Yale na hilahin ang buong pamilya ng mga Hamerton pababa at wala akong gagawin?"Naguluhan si Matthew.“Kung ikukumpara sa pagnanakaw, ang hustisya sa pamilya ay mas marangal!”Pagkatapos nito, tinalikuran na ni Liam si Matthew at umalis.Bago pa makapag-react si Matthew, nablangko ang isip niya habang pinapanood ang mabilis na pag-alis ng kanyang ama.…Pagkatapos ng pagbaba ng temperatura sa Centrolis, sinalubong ng Centrolis ang isang bihirang, magandang araw ng taglamig.Humupa ang hamog, at bumalik ang kulay asul na kalangitan. Isang hindi inaasahang pag-ulan ng niyebe ang bumalot sa lungsod at kinulayan ito ng kulay puti. Sariwa at presko ang simoy ng hangin.Si Cordelia ay nagwalis ng niyebe sa bakuran at gumawa ng mga cute na snowman mula dito.Nang matapos siya, niyakap siya ni Zephyr mula sa likod at binalot ang namumula at nagyeyelo niyang mga kamay gamit ang kanyang m
“Mm.” Tumango si Cordelia. "Narinig ko ‘to kay mom. Sa tingin ko maraming imbitadong tao."“Oo, maliban sa lahat ng miyembro ng pamilya, meron ding mga taong malapit sa’tin mula sa three major families. Dadalo rin sina Fredric at Seth. Pareho silang napakahalagang bisita."Ibinaba ni Zephyr ang ulo niya para magkadikit ang ilong nila. "Siyempre, ang pangunahing layunin ng dinner na ito ay upang ipagdiwang sina Mr. at Mrs. Irwin!"…Ang Hamerton Manor ay masayang napuno ng mga bisita pagdating ng weekend.Tradisyonal na tao si Liam, ngunit siya ay nag-host ng isang sopistikadong kaganapan sa pagkakataong ito, ginawa niya ito, upang magsilbi sa nakababatang henerasyon.Si Fredric ay isang malaking contributor sa usapin at naging VIP ng mga Hamerton. Dagdag pa sa pagiging isang sikat na abogado sa Centrolis at isang eligible bachelor, siya ay naging sentro ng atensyon.Pinalibutan si Fredric ng mga babaeng pinsan ni Zephyr, na bumiyahe nang matagal papunta dito, kaya hindi man lang
Mahigit isang libong beses nang pinagalitan ni Zephyr si Rowan sa isip niya. Sa kabila ng kung anumang namumuo sa loob niya, hindi siya naglakas-loob na ipakita ang galit niya at marahan lamang niyang tinanong si Cordelia, "Talaga?"Tumango si Cordelia. "Tumira sa Southeast Aciatic ang mom ko buong buhay niya. Wala namang masama kung gusto niyang bumalik sa bayan niya at doon manirahan, di ba?""Ah… Oo." Napailing na lang si Zephyr sa sinabi niya.“Tradisyunal at konserbatibo ang Southeast Aciatic. Pareho kaming Irwin ni Carter, kaya kailangan naming buuhin at ibalik ang pagkatao namin, di ba?"Dinilaan ni Zephyr ang kanyang labi at patuloy na tumango. "Mm... totoo ‘yun."Hindi napigilan ni Cordelia ang humagikhik at tinapik ang kanyang suit. "Kaya, babalik ako kasama ang mga magulang ko. Magpakabait ka dito—”"Ano!?"Bago siya natapos sa pagsasalita, nagulat siya sa pagtaas ng boses ni Zephyr.Mukhang inosente si Cordelia. "Ayaw mo ba akong umalis?""Syempre!""Kung ganun...
Ang mga lalaking Hamerton ay mahusay—maliban sa madali silang sumuko sa sandaling makita nila ang kanilang asawa.Sinasabi na ang mga ninuno ng mga Hamerton ay mga matataas na heneral, maharlika, at iskolar na walang awa at malakas ang loob, ngunit sunud-sunuran sila sa mga asawa nila sa oras na makauwi sila sa bahay nila, at pinapasaya nila ang mga kababaihan nang walang katapusan.Minsan ay sinabi ni Nicholas na ang paranoia nagpasalin-salin na sa mga Hamerton. Yung totoo, ang pagmamahal sa kanilang mga asawa ang nakaukit sa kanilang mga gene.Mahinang sinabi ni Cordelia, “Darling, kita mo na? Payag din si Mom!"Nagtaas ng kilay si Zephyr. “Pumayag si mom pero si lolo? Lolo—”"Zephyr." Medyo seryoso ang ekspresyon ni Liam habang naglalakad siya mula sa karamihan.Medyo nahiya si Cordelia habang hinihila ang manggas ni Zephyr at umiling siya sa kanya. Ang intensyon niya ay makipagbiruan sa kanya, pero ipapahamak niya ang sarili niya kapag nagalit ang matanda sa kanya."Lolo, hu
Matagal nang narinig ni Rowan ang masayang kwentuhan dito at papalapit siya sa kanila kasama si Xyla habang magkahawak ang kanilang kamay.Agad na bumalik si Liam sa kanyang seryosong ekspresyon upang ngumiti at makipagpalitan ng magalang na pagbati. Kapwa sila kumuha ng wine glass sa waiter at inubos ang laman nito.Pagkatapos ng inuman, nagtanong si Liam, "Kailan mo balak bumalik sa Southeast Aciatic, Mr. Irwin?""Ang joint hospital project ay nadagdagan lamang ng 1/3 sa progress nito. Babalik lang ako pagkatapos maitayo ang ospital!""Oh..." Kinalkula ni Liam ang oras. “Paghahandain ko si Zephyr nang maaga! Bibigyan ka niya ng mga problema kapag nasa Southeast Aciatic na siya sa hinaharap!""Ano?" Napahinto si Rowan. "Sinong nagsabing sasama din siya?"Nanlaki ang mga mata ni Liam sa pagkalito.Nakangiting pumunta si Cordelia sa pagitan nila. "Lolo, binibiro ko lang si Zephyr, noong sinabi ko na babalik ako sa Southeast Aciatic!"“Oo!” Nakangiting sabi ni Xyla, “Si Cordelia
Agad na nairita si Yale nang marinig ang pangalan ni Michelle. Ang babaeng yun ay walang dinala kundi ang gulo!“Mr. Yale.” Kabadong hinintay ng katulong ang sagot niya. “Si Ms. Carmichael, dapat po bang—”Bago pa matapos ang pangungusap, pumasok si Michelle.Nabigla si Matthew, alam niya na ang anak niya ay isang playboy at madalas nitong kasama ang mga celebrity at model. Nandoon dati si Yelena, ang laruan ni Yale na laging nasa tabi, ngunit hindi niya inaasahan na ganitong babaero pala ang anak niya!Galit na galit si Matthew. “Yale Hamerton! Ikaw—Ang ginagawa mo lang ay ang makipaglaro sa mga p*ta na ito!”Gumulong ang mga mata ni Yale at kumaway siya para palabasin si Matthew.Naglakad si Matthew at nagalit siya, “Ako ang tatay mo, at hindi kita pwedeng abalahin? Sige, magsaya ka! Mamamatay ka balang araw sa ginagawa mo! Walang kwentang bata…”Galit na galit si Yale at humawak siya sa cup mula sa mesa at hinagis niya ito sa pader.Tumama sa mukha ni Michelle ang bubog, at
Habang mas lalo itong pinag iisipan ni Michelle, mas lalo siyang nagalit. Gayunpaman, wala siyang magagawa. Ang pag iyak lang ang tanging paraan para ilabas niya ang nararamdaman niya ngayon.Naiirita si Yale at uutusan niya na sana ang mga tauhan niya para palabasin si Michelle nang tumunog ang phone niya. Nakatanggap siya ng isang litrato ng isang lalaki na medyo malabo.Nakilala ito ni Yale sa isang tingin na ito ay si Marcus!Pagkatapos ay nakatanggap siya ng isang text.[Si Marcus ay nasa Centrolis.]Napuno ng kalupitan ang mga mata ni Yale.Tama lang ito. Bumagsak na si William, kaya hindi na pwedeng manatili si Marcus sa Jangasas. Kailangan humanap ni Marcus ng paraan para mabuhay.Ang Centrolis ang pinakamagandang lugar na puntahan niya dahil nandoon si Yale.Ngumisi si Yale at para bang nag iisip siya habang nakatingin siya sa phone niya. Ang plano niya na pagpalitin ang tunay na tagapagmana pati ang peke ay hindi natuloy noon, at ngayon at nandito na ulit si Marcus, b
Gabing gabi sa Royal Manor…Malamig ang temperatura sa labas.Nagpahinga si Zephyr sa kama, kuntento, habang mahimbing ang tulog ni Cordelia sa mga braso niya pagkatapos ng kanilang ginawa.Hinalikan niya ang asawa niya at hinila niya ang braso niya mula sa ulo nito habang dahan dahan niyang binuksan ang drawer sa bedside table at nilabas niya ang ilang bill ng pera.Binilang niya ang pera sa ilalim ng madiliim na ila. ‘$10, $20, $30…’ Ngumiti siya ng masaya nang makuha niya ang ika-walong papel na para bang ito ang unang beses na makakita siya ng ganito kalaking halaga ng pera.Mabilis na ibinalik ni Zephyr ang pera pagkatapos itong bilangin, ngunit hindi nagtagal ang tuwa. Naisip niya na hindi sapat ang pagsisikap niya ngayong buwan dahil konti lang ang pera. Halata na ibig sabihin nito ay dapat pa siyang magsikap lalo!Bukod pa dito, ito dapat ay hindi kapag wala siyang makukuhang bunga sa pagsisikap niya.Kinamot ni Zephyr ang ulo niya at kumunot ang noo niya. Ayaw niya ng a
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala