Huminto si Cordelia at sinabi niya ng simple, “Wala po.”Naisip ni Rowan na kakaiba ito. Gusto niyang magtanong pa, ngunit hindi niya ito ginawa. Palihim lang siyang tumingin sa anak niya.Gayunpaman, tila ayos lang talaga siya.Tinikom niya ang kanyang mga labi at tumawa siya ng mahina. “Ah, mabuti ito… Tanghali na, kaya bakit hindi ko kayo isama para maglunch? Pagkatapos ay pwede kong kausapin ng mas matagal si Carter. Hehe…”“Ano ang gusto niyong kainin?” Tumingin siya ng mapagmahal kay Cordelia. “Ikaw ang pipili, Cordelia!”“Hindi po.” Huminto si Cordelia at tumingin siya kay Rowan. “Hahanapin ko po si Zephyr. Umalis siya ng maaga. Hindi ko pa po siya nakita ng buong araw.”“Ano?” Nagbago ang ekspresyon ni Rowan. “Hindi pa ba siya umuuwi?”“Hindi po,” Ang mahinang sinabi ni Cordelia. “Umalis lang siya ng maaga.”“Ah, sigurado ako na hindi siya walang hiya para hindi umuwi!” May kumpiyansa si Rowan. “Cordelia, sabihin mo sa kanya pag hindi siya umuwi. Ako ay…”Tumitig si Co
Si Liam ang personal na nag sanay kay Zephyr. Natural, naglabas siya ng parehong aura tulad ni Liam.Ang ilang mga tuso ay nakikita ang mangyayari. Naisip nila na ipakita ang katapatan nila, ibigay ang natitirang kapangyarihan nila, at magreretiro.Sa sandaling yun, lumapit si Robert kay Zephyr habang hawak ang phone ni Zephyr ng natataranta.Biglang nagbago ang ekspresyon ni Zephyr. Mabilis siyang lumabas ng meeting room ng hindi man lang tumitingin sa likod.…Mabilis na nagmamaneho si Robert. Maingat siya na tumitingin ng paminsan minsan sa mukha ni Zephyr mula sa rearview mirror.Walang ekspresyon sa mukha ni Zephyr. May malagim na tingin sa mga mata niya habang mahigpit ang mga kamao niya.Si Xyla ang tumawag.…“Si Cordelia… Lumapit siya sa akin para itanong ang tungkol kay Rowan.”“Natuklasan niya po ba?”Walang sinabi si Xyla.Kumunot ang noo ni Zephyr. Bumigat bigla ang paghinga niya.“Zephyr, sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari noon… Sa totoo lang, kahit na
Yumuko ng tahimik si Zephyr.“So, lahat kayo ay alam niyo na.” Pula ang mga mata ni Cordelia. “At lahat kayo ay tinago ang katotohanan sa akin, ganun ba?”“Wifey…”Kinakabahan si Zephyr.Nangako sila na hindi sila magtatago ng kahit ano sa isa’t isa. Kahit anong mangyari, haharapin nila ito ng magkasama.Gayunpaman, ginawa ni Zephyr ang pagkakamaling ito ng dalawang beses!Maamo na sinabi ni Zephyr, “Cordelia, nalaman ko ang tungkol dito nitong nakaraan… Komplikado ito, pero pakiusap, maniwala ka sa akin na hindi ko ito sinasadya na itago sayo.“Hindi ako ang pwedeng magsabi nito sayo. Dapat ay manggaling ito sa mga magulang mo… Naiintindihan mo ba ang sitwasyon ko?”Huminga ng malalim si Cordelia.Tama. Paano niya masisisi si Zephyr? Namroblema rin ito.Baka ganito rin ang gagawin niya, kung siya ang nasa lugar ni Zephyr. Hindi niya matanggap ang pagmamahal ng tatay niya ng higit sa 20 taon, at ngayon ay biglang nagkaroon siya ng tatay ng walang pasabi. Natural, ang mga tao
“Matulog ka na pagkatapos nito. Wag mo na itong pag isipan.” Pinaglaruan ni Zephyr ang buhok ni Cordelia at sinabi niya ng may malalim na boses, “Hayaan mo na ang hubby mo ang bahala sa lahat.”Nabigla si Cordelia. “Ano ang gagawin mo?”Sinasadya niyang sabihin. “Sobra na si Mr. Irwin. Pinasama niya ang loob ng asawa ko, kaya pababalikin ko siya ng Southeast Aciatic!”“Wag…”Bigla siyang huminto pagkatapos itong sabihin.Tumingin si Zephyr kay Cordelia at tumawa siya ng mahina.Simula pa noong bata si Cordelia, wala lang siya kay William. Hinahangad niya ang pagmamahal ng isang ama.Dahil hangad ito ni Cordelia, nabigla at natakot siya nang makuha niya ito ng walang pasabi. Ito ang rason kung bakit naisip niya ang lahat ng pinagdaanan niya sa nakalipas na 20 taon.Ito ang rason kung bakit kakaiba ang pakiramdam niya. Ito ang rason kung bakit naisip niya na wala lang ito kay Rowan. Kung hindi, bakit susuko ang isang anak sa sarili niyang mga anak?Nararamdaman niya na tumulo an
Tumingin ng tahimik si Fredric kay Michelle.Nakangiti pa rin si Fredric, ngunit pakiramdam ni Michelle na may nagbago.Isa ilusyon siguro ito… Tama! Lagi siyang mamahalin ni Fredric!Nagpakita siya ng malandi na ngiti at sumandal siya kay Fredric. Biglang may pwersa na humawak sa balikat niya. Tumingin siya at nakita niya na nakahawak si Fredric sa balikat niya. Tahimik siyang tinulak palayo ni Fredric.“Fredric…”“May dapat tayong gawin tungkol sa atin.” Huminto si Fredric at ngumiti siya. “Michelle, masaya ako na makita na sikat ka ngayon.”“Ikaw ang nagbigay sa akin ng lahat ng ito!”“Si Yale ang nagbigay nito sayo,” Ang simpleng sinabi ni Fredric. “Dapat kang sumama kay Yale. Mas marami siyang ibibigay sayo.”“Fredric?!” Naramdaman ni Michelle na humigpit ang puso niya.Ano ang ibig sabihin ni Fredric?Pinilit ni Michelle na ngumiti. “Fredric, kapag hindi ka nagtrabaho para kay Mr. Hamerton, hindi niya ako bibigyan ng maraming bagay!”“Hmm, wag kang mag alala. Magtatrab
“Haha! Magaling!” Tuwang tuwa si Yale at humawak siya sa balikat ni Fredric.“Tulad ng inaasahan sa isang abogado, mabilis magtrabaho!”Pinigilan ni Fredric ang kasuklaman niya at yumuko siya ng mabait. “Salamat sa papuri, Mr. Yale.”“Hah, alam ko na ang tanging inaalala mo ay si Michelle!” Ngumiti si Yale.Ang katalinuhan ni Michelle ay nagkukulang, pero maswerte siya para ang isang tao na tulad ni Fredric ay isasakripisyo ang lahat para sa kanya. Basta’t may hawak siay sa babaeng yun, hindi niya kailangan mag alala na hindi magtatrabaho si Fredric para sa kanya!“Wag kang mag alala,” Ang sabi ni Yale ng may mababang boses. “Magpapatuloy ako na magbayad para sa internet presence niya para mapunta siya sa trending. Siguradong sisikat siya!”“Nakokonsensya ako na kailangan niyong gumastos.”“Hindi na kailangan!” Masaya si Yale. “Ang set ng medicinal formulas ay may mataas na halaga. Basta’t kaya itong idevelop, walang kahit sino sa mga Hamerton ay magiging mababa ang tingin sa ak
Napako si Rowan sa kinatatayuan niya, hindi alam kung aling paa ang una niyang igagalaw."Mr. Harris, hinihintay ka ng manager mo sa may pinto,” ang nakangiting sinabi ni Mr. Smith. "May ilang mga shot na idaragdag sa pelikula ni Ms. Lulham!""Mm, sige." Tinapik-tapik ni Neil ang kanyang damit at sinuot ang kanyang sunglasses bago lumabas. Bago siya umalis, binigkas niya ang mga salitang "Kaya mo ‘yan" kay Rowan.Tumingin si Rowan sa elevator at pagkatapos ay kay Mr. Smith ng may problemadong ekspresyon.Humalakhak si Mr. Smith. "Mr. Irwin, sinabi ni Madam Baker na nanggugulo ka daw dito nitong nakaraang dalawang araw para makita si Mrs. Hamerton!"“Kasi…” Paano nasabi ni Janine na nanggugulo siya? “Huwag kang mag-alala.” Nahalata siya ni Mr. Smith. “Bumalik sa Chaiseland si Madam Baker kaninang madaling-araw. Wala siya dito ngayon.”Doon lamang gumaan ng kaunti ang pakiramdam ni Rowan, ngunit hindi niya pwedeng ipahalata sa iba na natatakot siya kay Janine. Kaya naman, umubo s
Pagpasok ni Zephyr, nakita niyang paalis na si Rowan. Nanigas siya.Noon pa man ay kinukutya ni Zephyr ang matandang lalaki at naisip niya na nakakainis siya, ngunit ngayong nakita niya ang kanyang malungkot na ekspresyon at namumulang mga mata, hindi na niya nagawang ngumiti... pakiramdam niya ay para bang bigla siyang pinainom ng gamot—natuyo at pumait ang kanyang lalamunan. .“Nandito ka…” Namamaos ang boses ni Rowan.“Mm.”Iyon lang ang sinabi ni Rowan. Muli siyang lumingon kay Zephyr at malungkot na umalis.Pumasok si Zephyr sa opisina at nakita niya si Cordelia na nakatulala sa may sopa. Para bang nawalan siya ng sigla, at masama rin ang loob niya.Hindi na niya napigilan ang mga luha niya nang makita niya si Zephyr. Niyakap siya ni Zephyr, kumikirot ang kanyang puso habang umiiyak si Cordelia."Darling, tapusin natin ng maaga ang trabaho natin ngayon, okay?" Ang mahinang tanong niya habang hinahaplos ang likod ni Cordelia.Wala naman nang gaanong gagawin si Cordelia. Bag
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala