Share

Kabanata 570

Author: Breaking Wave
last update Huling Na-update: 2023-12-12 16:00:00
“Haha! Magaling!” Tuwang tuwa si Yale at humawak siya sa balikat ni Fredric.

“Tulad ng inaasahan sa isang abogado, mabilis magtrabaho!”

Pinigilan ni Fredric ang kasuklaman niya at yumuko siya ng mabait. “Salamat sa papuri, Mr. Yale.”

“Hah, alam ko na ang tanging inaalala mo ay si Michelle!” Ngumiti si Yale.

Ang katalinuhan ni Michelle ay nagkukulang, pero maswerte siya para ang isang tao na tulad ni Fredric ay isasakripisyo ang lahat para sa kanya. Basta’t may hawak siay sa babaeng yun, hindi niya kailangan mag alala na hindi magtatrabaho si Fredric para sa kanya!

“Wag kang mag alala,” Ang sabi ni Yale ng may mababang boses. “Magpapatuloy ako na magbayad para sa internet presence niya para mapunta siya sa trending. Siguradong sisikat siya!”

“Nakokonsensya ako na kailangan niyong gumastos.”

“Hindi na kailangan!” Masaya si Yale. “Ang set ng medicinal formulas ay may mataas na halaga. Basta’t kaya itong idevelop, walang kahit sino sa mga Hamerton ay magiging mababa ang tingin sa ak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 571

    Napako si Rowan sa kinatatayuan niya, hindi alam kung aling paa ang una niyang igagalaw."Mr. Harris, hinihintay ka ng manager mo sa may pinto,” ang nakangiting sinabi ni Mr. Smith. "May ilang mga shot na idaragdag sa pelikula ni Ms. Lulham!""Mm, sige." Tinapik-tapik ni Neil ang kanyang damit at sinuot ang kanyang sunglasses bago lumabas. Bago siya umalis, binigkas niya ang mga salitang "Kaya mo ‘yan" kay Rowan.Tumingin si Rowan sa elevator at pagkatapos ay kay Mr. Smith ng may problemadong ekspresyon.Humalakhak si Mr. Smith. "Mr. Irwin, sinabi ni Madam Baker na nanggugulo ka daw dito nitong nakaraang dalawang araw para makita si Mrs. Hamerton!"“Kasi…” Paano nasabi ni Janine na nanggugulo siya? “Huwag kang mag-alala.” Nahalata siya ni Mr. Smith. “Bumalik sa Chaiseland si Madam Baker kaninang madaling-araw. Wala siya dito ngayon.”Doon lamang gumaan ng kaunti ang pakiramdam ni Rowan, ngunit hindi niya pwedeng ipahalata sa iba na natatakot siya kay Janine. Kaya naman, umubo s

    Huling Na-update : 2023-12-13
  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 572

    Pagpasok ni Zephyr, nakita niyang paalis na si Rowan. Nanigas siya.Noon pa man ay kinukutya ni Zephyr ang matandang lalaki at naisip niya na nakakainis siya, ngunit ngayong nakita niya ang kanyang malungkot na ekspresyon at namumulang mga mata, hindi na niya nagawang ngumiti... pakiramdam niya ay para bang bigla siyang pinainom ng gamot—natuyo at pumait ang kanyang lalamunan. .“Nandito ka…” Namamaos ang boses ni Rowan.“Mm.”Iyon lang ang sinabi ni Rowan. Muli siyang lumingon kay Zephyr at malungkot na umalis.Pumasok si Zephyr sa opisina at nakita niya si Cordelia na nakatulala sa may sopa. Para bang nawalan siya ng sigla, at masama rin ang loob niya.Hindi na niya napigilan ang mga luha niya nang makita niya si Zephyr. Niyakap siya ni Zephyr, kumikirot ang kanyang puso habang umiiyak si Cordelia."Darling, tapusin natin ng maaga ang trabaho natin ngayon, okay?" Ang mahinang tanong niya habang hinahaplos ang likod ni Cordelia.Wala naman nang gaanong gagawin si Cordelia. Bag

    Huling Na-update : 2023-12-13
  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 573

    Paglaki ni Cordelia, lagi niyang iniisip na mas magsusumikap siyang matuto at tutugtog siya ng mas bukal sa kanyang puso kaysa kay Yelena kung nabigyan siya ng pagkakatong matuto dati. Lumamlam ang kanyang ekspresyon, at iniwan niya ang pipe organ upang umupo sa harap na helera sa may simbahan. Umupo si Zephyr sa harap niya at ngumiti habang nakatingin siya sa kanya.“Honey, natatandaan mo pa ba kung anong nangyari sa kasal noong dinala kita dito dati?”Tumango si Cordelia. Isinuot niya ang wedding dress na nagkakahalaga ng 4,000 dolyar, na sa țsobrang mahal ay kumirot ang kanyang puso dahil dito.”Hindi ito gaya ng dati. Kaya niyang bumili ng isang wedding dress na nagkakahalaga ng 400,000 dolyar kung kailan niya gusto. Inilabas ni Zephyr ang kanyang phone. Mayroong video clip na mahalaga sa kanya. Masaya at inosente ang ngiti ni Cordelia sa video, na parang isang diwata sa mundong ibabaw. Ang kanyang boses ay malambing at masigla. “Nangangako ako na mamahalin ko ang asaw

    Huling Na-update : 2023-12-13
  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 574

    Hinaplos ni Zephyr ang buhok ni Cordelia. "Hindi. Mananatili ako sa tabi mo anuman ang gawin mo.""Pero..." Hindi tinapos ni Cordelia ang kanyang sinasabi at itinikom niya ang kanyang mga labi."Pero isang mabuting babae ang asawa ko." Ngumiti si Zephyr. "Hindi niya kayang tiisin na malungkot ang mga taong nagmamahal sa kanya, tama ba ako?"Tahimik na tumingin sa kanya si Cordelia.Nagtanong si Zephyr, “Honey, gusto mo bang marinig kung anong nasa isip ko?”“Mm!” Mariing tumango si Cordelia."Simple lang ang nasa isip ko." Natawa si Zephyr. "Una, tatanungin kita... Sino ang lalaking pinakamamahal mo?"Sumimangot si Cordelia. "Kailangan mo pa bang itanong?"“Gusto ko ‘tong marinig mula sa’yo!”Nangungulit na naman ba si Zephyr? Napangiti na lamang si Cordelia at kumatok sa kanyang ulo. "Ikaw!"Zephyr Hamerton, may video na bilang patunay, at nagtatanong ka pa rin ng ganito?""Dahil mahalaga ang tanong na ‘to!" Umubo siya at hinawakan ang kamay ni Cordelia. "Ang gusto kong sab

    Huling Na-update : 2023-12-13
  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 575

    "Mm, oo." Panatag na ngumiti si Zephyr.Sa totoo lang, hindi naman malaking problema sina Xyla at Carter. Ang pinakamahirap na bahagi para kay Rowan ay tila nagkaroon na ng pag-asa ngayon.Kung sabagay, higit sa 20 taon ng magkahiwalay ang dalawa. Kailangang unti-untiin ang mga bagay. Para sa kung ano man ang halaga nito, ang unang hakbang ay nagawa na, at ang araw ng muling pagsasama nila ay papalapit na.Sinalubong ni Cordelia ang kanyang mga mata, at pareho silang ngumiti. Inakay ni Zephyr si Cordelia palabas habang nakahawak siya sa balikat niya. Sa wakas ay makakain na sila nang walang anumang pasanin ngayon."Darling, sa tingin ko tama ka!"“Ano?”“Hinayaan kayong maghirap ng matandang lalaki na ‘yun lahat sa loob ng maraming taon. Oras na para tikman niya ang kanyang gamot ngayon!"“Anong sinasabi mo?” Agad siyang tiningnan ng masama ni Cordelia. “Sino yung tinutukoy mong matanda?”“Ah…” Sinadyang sinabi ni Zephyr na, “Yung walang utang na loob na matandang lalaki na ‘yu

    Huling Na-update : 2023-12-14
  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 576

    "Um..." nag-aalangan si William. Kung tutuusin, gusto na niyang matapos ito at umalis sa lalong madaling panahon. Hindi siya pwedeng manatili ng matagal sa lugar na ito.Gayunpaman, hinawakan siya ni Fredric sa kanyang mga balikat at pinaupo sa sopa. Kumuha rin si Fredric ng isang buong set ng de-kalidad na tsaa mula sa kusina.Ilang sandali pa, ang amoy ng tsaa ay kumalat sa silid at nakakabuhay ng dugo ang amoy nito."Ito ay isang uri ng black tea na palaging binibili ng Hamerton Group. Mahal ito dahil kaunti lamang ang nagagawang ganito taun-taon. Maliban sa pagsu-supply sa Hamerton Group, ilang miyembro lang ng hari ang makakainom nito sa mundo."Lihim na pinagmasdan ni Fredric ang ekspresyon ni William. Alam niya ito. Ang isang taong sakim ay hindi susukuan ang anumang maari nilang makuha, kahit na sila ay nasa panganib.Gaya ng tsaa sa harap nila.Napaisip si William at kinuha ang tasa ng tsaa sa harapan niya ng nakangiti. Habang umiinom siya, lumilibot ang mga mata niya sa

    Huling Na-update : 2023-12-14
  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 577

    “Hah, haha.” Nagkunwaring tumatawa si Fredric habang iniisip niya kung ang isang tulad ni William ay maituturing na pinakamababang limitasyon ng mababang katalinuhan ng isang tao.Sa kabila noon, kailangan niyang sakyan ang mga sinasabi niya. “Oo, siguradong gagawin ‘yun ni Zephyr. Malaking halaga nanaman ang makukuha mo kapag nangyari ‘yun!"Mukhang nagtagumpay si William at muling humigop ng tsaa."Pero... Mr. Jenner, hindi dapat magsasara ang Jenner Group kung napakahusay mong magplano!"Agad namang nainis si William. "Isa lang ‘yung pagkakamali!""Pero dapat may hawak kang malaking halaga ng pera!"“Ikaw… Paano mo nalaman?” Agad na naalarma si William.Mula noon ay napakatalino na ni Fredric sa pagkolekta ng ebidensya. Maaari niyang ihulog sa kanyang bitag ang kanyang biktima."Mr. Jenner, sa relasyon ko kay Mr. Yale, matagal na niyang sinabi sa’kin ang tungkol sa’yo. Noong umalis ang tagapagmana ng mga Irwin, na si Xyla Irwin, sa Southeast Aciatic at pumunta sa Jangasas, s

    Huling Na-update : 2023-12-14
  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 578

    "Ito... Ito ay..." Namutla si William at hindi man lang natapos ang isang buong pangungusap.Tinitigan niya sina Cordelia at Zephyr na parang nakakita siya ng multo, na lumabas mula sa kwarto, at halos bumagsak siya na para bang hinigop palabas ng katawan niya ang kanyang kaluluwa.Napatingin siya kay Fredric sa takot at nanginginig na nagtanong, “Mr. Constable, a-anong nangyayari!?"Ngumiti si Fredric at inilabas ang recording pen mula sa kanyang bulsa upang ipasa ito kay Zephyr. Pagkatapos ay humarap siya kay William at sumagot sa tono ng isang abogadong naka-duty, “May karapatan kang manahimik. Lahat ng sasabihin mo ay maaaring gamiting ebidensya sa korte!"Halos lumuwa na ang mga mata ni William.“Magaling! Kayo… Nagtulungan kayo para lokohin ako!”“Lokohin ka? O dahil masyado ka lang tanga!?" Lumapit si Cordelia at tinitigan ng malamig si William.Muntik na siyang hindi makapagpigil sa loob ng maliit na silid nang marinig niya ang nakakadiri at kasuklam-suklam na mga bagay

    Huling Na-update : 2023-12-14

Pinakabagong kabanata

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1219

    Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1218

    Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1217

    ”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1216

    Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1215

    ”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1214

    [Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1213

    Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1212

    Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1211

    Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala

DMCA.com Protection Status