Nabigla ang mga tao sa paligid. Lahat sila ay masayang nanonood dahil walang kahit sino ang tanga para galitin si Mrs. Hamerton para kay Yelena. Bukod pa dito, nararapat ito kay Yelena.“Mukhang galit na galit ka, Ms. Yelena,” Ang malamig na sinabi ni Kate, tumingin siya ng mapagmataas. “Mabuti ito. Ang iced wine ang papatay ng apoy para sayo!”Sumigaw si Yelena at pinunasan niya ang kanyang mukha, nadungisan ang makeup niya. Hindi siya sumuko at kinuha niya ang cake sa tabi. Bago niya pa ito ihagid, dumating ang mga security guard para itulak siya sa sahig.Mabagal na lumapit si Kate kay Yelena at ngumiti siya. Matalas at istrikto ang tingin niya.“Kung sa susunod ay may oras ka para magreklamo at gumawa ng chismis tungkol sa akin, hindi ito magiging kasing simpleng tulad ng pagpatay ng apoy! Puputulin ko rin ang dila mo!”…Dinala ni Kate si Cordelia sa banyo para ayusin ang kanyang makeup.“Matagal ko nang gustong turuan ng leksyon ang babaeng yun!” Nilagay ulit ni Kate ang p
Napahinto si Nelly at tumalikod siya.“Ah, ikaw pala.” Ngumiti ng hindi natural si Nelly. “Sinabi ni Mrs. Hamerton na kulang siya ng isang piraso ng alahas at inutusan niya akong kunin yun dito, pero wala akong keycard.”“Ayos lang po. Meron akong extra.” Ngumiti ang manager at agad itong naglabas ng keycard para buksan ang pinto.Tumingin ng makahulugan si Cordelia kay Helen na nagsabi na magtago ito sa aparador. Agad itong ginagawa ni Helen. Maliit ang katawan niya. Kahit na matanda na siya, ang mga binti niya ay magaan ang mabilis, kaya mabilis siyang nagtago sa aparador.Sa sumunod na sandali, pumasok si Nelly na tulad ng inaasahan.Ito ang inaasahan ni Nelly nang makita niya na nakatayo si Cordelia ng walang ibang tao dito.Ngumiti si Cordelia. “Ms. Tanner, nandito ka rin para magpahinga?”“Oo,” Ang walang pakialam na sagot ni Nelly.“Pero ito ay ang private room ni Aunt Cloud,” Ang malamig na sagot ni Cordelia. “Hindi ba’t dapat mo munang sabihin sa kanya na gusto mong ma
Gayunpaman, mahigpit ang hawak sa kanya. Balisa si Cordelia at humawak siya sa braso ni Nelly para itulak ito palayo.Habang nagkagulo sila, may malupit na tingin sa mga mata ni Nelly. Kinagat niya ang ngipin niya at binitawan niya si Cordelia. Pagkatapos ay ilang beses niyang sinampal ng malakas ang sarili niya!Nabigla si Cordelia. Hindi niya ito inaasahan.Namumula at namamaga ang mga pisngi ni Nelly. Pagkatapos nito, tumakbo siya papunta sa pinto na para bang nababaliw na siya.“Tulong! Saklolo! Gusto akong patayin ni Cordeli!”Sumigaw siya habang tumakbo siya palabas upang pindutin ang alarm, at mabilis na dumating ang manager, mga server, at ang security.Hindi nagtagal, ang mga tao sa banquet hall ay narinig ang alarm at tumakbo din sila paakyat.Ginulo ni Nelly ang sarili niyang buhok at tumayo siya na balisa sa pinto. Nang makita niya si Zephyr sa madla mula sa sulok ng mga mata niya, tumakbo siya patungo kay Zephyr.“Zephyr… Zephyr, nakikipag usap ako kay Ms. Cordelia
Lumipat ang tingin ng lahat kay Cordelia.Tumingin ng nag aalala si Zephyr kay Cordelia at inutusan niya si Robert na ayusin ito ng palihim. “Kausapin mo ang mga Tanner at makipag kasundo ka sa kanila. Walang kahihinatnan dapat ng problemang ito. Hindi nila ito pwedeng banggitin sa lolo ko!”Mahinang sinabi ni Robert, “Pero, sir, halata po na sinetup ni Ms. Tanner si Ms. Cordelia!”Kinagat ni Zephyr ang ngipin niya. “Nangyari na ito. Kailangan muna natin kumilos para huminahon sila… pagkatapos ay paalisin na sila!”“Okay po, sir.” Tumango si Robert.Tumunog ang boses ng matanda at may bahid ito ng panlalait. Tumingin siya kay Cordelia. “Paano ka mananagot sa ginawa mo, Ms. Cordeli?”“Kayo muna ang gusto kong tanungin.” Ngumiti si Cordelia. “Paano mananagot ang mga Tanner kung hindi ko siya sinaktan?”“Klaro na ang katotohanan, at ayaw mo pa rin managot?” Nagalit si Joe Tanner.Si Joe ang namumuno sa mga Tanner. Maraming taon na siyang nasa mundo ng business, at kahit ang kuya n
Naipit sa sitwasyon ngayon si Joe.Tumingin si Cordelia sa aparador mula sa sulok ng kanyang mga mata. May maliit na butas na nakabukas, at nandoon pa rin si Helen. May maliit na ngiti sa kanyang mukha.Balak niyang palabasin si Helen, ngunit mukhang hindi na ito kailangan ngayon.Nagdial ng 911 si Cordelia at pipindutin niya na sana ang ‘Call’ button nang sumigaw si Joe, “Sandali lang!”Naging tahimik ang buong lugar.Umabante ng dalawang hakbang si Joe at tumingin siya kela Cordelia at Zephyr habang pinapanood sila ng lahat.“Sa tingin ko… hindi mabuti para maalarma ang pulis tungkol dito. Tutal, may kinalaman ito sa reputasyon ng mga Tanner at Hamerton.”“Nagkakamali ka, sir!” Malamig ang tingin ni Zephyr. “Hindi natin ito dapat hayaan dahil mismo sa may kinalaman ito sa reputasyon natin!”“Tama.” Ngumiti si Cordelia. “Kayo ang sumisigaw kanina na tumawag ng pulis, at kayo ang nagsasabi ngayon na wag kaming tumawag ng pulis. Ano kaya ang iniisip mo, sir.”Tumingin ng masama
“Aunt Helen…” Natuwa si Cordelia. Mahigpit ang hawak niya sa mga kamay ni Helen.Tumingin si Helen sa kanya. Tumawa si Helen habang nakatikom ang mga labi.Siya ay isang matandang babae na walang kahit ano. Natural, wala siyang kinatatakutan.Dahil haharapin niya ang isang prestihiyosong pamilya na tulad ng mga Tanner, hindi siya natatakot. Kailangan niyang gawin ang lahat para ipaglaban si Cordelia.Kung wala sina Cordelia at Zephyr, paano siya magkakaroon ng maayos na buhay?Sa mundong ito, kailangan tandaan ng isang tao ang pinanggalingan niya at bayaran ang mga natanggap niya.“Kalokohan!” Kahit kailan ay hindi pa pinuna si Mandy sa buong buhay niya.Kalokohan na kinukuwestyon siya ng isang katulong ngayon at ang pamilya niya at ang mga Hamerton ay may parehong katayuan!“Ang Nelly ko ang nasaktan! Ang pamilya ko ang napahiya! Pero kayo ang humihingi ng kabayaran sa akin?”“Gusto mo kaming lokohin sa isang video na wala kaming ideya kung ano ang laman. Sa tingin mo ba ay t
Mukhang kalmado si Cordelia. “Kalimutan na ang kabayaran. Wala akong pakialam sa pera ng mga Tanner.”“Pero kailangan niyong bawiin ang paninira niyo sa pangalan ko!”Lumaki ang mga mata ni Joe.Lumingon siya at binigkas niya ang bawat salita. “Gusto ko na humingi ng tawad si Mr. Tanner, Mrs. Tanner, at Ms. Tanner sa harap ng lahat!”“Hindi pwede!” Si Mandy ang unang sumagot. Gayunpaman, tumitig si Joe sa kanya, at napaatras siya.Tumingin si Joe kay Zephyr, sinubukan niyang gamitin ang edad niya para pigilan si Zephyr.“Sang ayon ka ba dito, Zen?”Ngumiti si Zephyr habang nasa yakap niya si Cordelia. “Makikinig ako sa asawa ko.”Huminga ng malalim si Joe at pinigilan niya ang galit niya sa loob.Tinawag ni Kat si Cordela na manugang ng mga Hamerton sa harap ng mga tao, at ngayon ay direktang tinawag ni Zephyr na asawa si Cordelia…Isang kahihiyan ito para sa mga Tanner!Nanginginig ang boses ni Joe, “Zen, at least ay tumawag mo akong uncle. Kasing edad ko ang tatay mo. Pare
Noong bumalik si Joe sa villa, galit niyang tinanggal ang coat niya at hinagis niya ito sa sahig.Ang lahat ng mga maid ay nakatingin sa kanya ng gulat. Kahit ang huminga ng malakas ay hindi nila magawa.Pumasok si Mandy, masama ang itsura. Umupo siya sa sofa, at ang mga mata niya ay nagiging pula. Sinabi niya ng galit at agrabyado. “Hindi pa ako pinahiya ng ganun sa buong buhay ko!”Tumingin ng masama si Joe kay Mandy at wala siyang sinabi.Si Mandy ay mula rin sa isang prestihiyosong pamilya. Tinalo niya ang tatlong pamilya noong nagpakasal siya ng engrande noong 20 taon na ang nakaraan.Gayunpaman, kailangan niyang yumuko para humingi ng tawad kay Cordelia kanina.“Ano ang ginawa kong masama?!” Ang sigaw niya. “Ang tanging pagkakamali ko ay hindi ko dapat—”“Tama na!” Tumitig si Joe kay Mandy.Alam niya kung ano ang sasabihin nito.Gayunpaman, hindi maganda na sabihin ito habang nandito si Nelly.Dumilim ang ekspresyon ni Joe nang tumingin siya kay Nelly, na siyang hindi p
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala