Tinikom ni Cordelia ang kanyang mga labi, wala siyang intensyon na makipagtalo kay Karine. Lalampasan na sana niya si Karine nang bigla siyang hinarangan ni Karine.“Huwag mong isipin na hindi ko alam ang ginagawa mo kapag walang nakatingin sa’yo!” Nagmamataas si Karine. “Cordelia, alam mo sa sarili mo kung paano nagawang i-close ang deal!”Tinitigan siya ni Cordelia, makikita sa kanyang mga mata ang matinding galit. Karaniwan ay nakangiti siya at mabait, at bihirang maging malamig at seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha.Para bang naging ibang tao siya, at hindi napigilan ni Karine na mapaatras.“Paano na-close ang deal?” Mariing inulit ni Cordelia ang bawat salita. “Base sa mga kakayahan ko! Yung sales proposal na pinagpuyatan ko ng isang buong linggo at ilang beses kong inayos? Masaya si Mr. Sean sa proposal ko, ‘yun ang dahilan kung bakit niya pinirmahan ito! Tatlong buwan mo itong trinabaho at hindi mo pa rin ito nakuha dahil talunan ka! Pero sa halip na pag-isipan mo kung
Tinikom ni Cordelia ang kanyang mga labi at pumayag siya, nakarating sila ni Jesse sa Eterous Hotel na malapit sa kumpanya nila pagkalipas ng ilang sandali.Mayroon ngang dalawang blonde na foreigner na naghihintay sa kanila doon.Binati sila ni Cordelia sa salitang Feransai at ginawa niya ang makakaya niya upang iinterpret ang sinasabi nila. Pasado sa mga kliyente ang kakayahan niya, at noong matapos ang pagkain nila, mayroong indikasyon na magkakaroon ng isang kolaborasyon. Doon lamang napanatag at ngumiti si Cordelia.Kampante niyang tinaas ang kanyang baso upang magpropose ng isang toast para sa maganda nilang kooperasyon sa hinaharap.Nagkataon naman na nasaksihan ito ni Josiah, na napadaan sa lugar. Napahinto siya at tinitigan niyang maigi ang babae. Inisip niya na marami na siyang nakitang magagandang babae noon, ngunit noong nakita niyang ngumiti si Cordelia, pakiramdam niya ay namukadkad ang lahat ng bulaklak sa mundo. Napakalakas ng kanyang karisma. Hindi nakapagtataka na
Seryoso ang mga tingin ni Marcus habang nakangiti siya kay Cordelia. Pagkatapos ay humarap siya kay Jesse ng may nakakatakot na ekspresyon. Ang mga tingin niya ay parang isang matalim na kutsilyo na kayang gilitan ang leeg ng lalaki. Mangingialam na sana ang mga security guard sa entrance ng hotel ngunit napaatras sila dahil sa nakakatakot na tingin ni Marcus. Nasindak din si Jesse sa presensya ni Marcus at nanginginig na siya ngayon ng parang isang dahon. “S-Sino… Sino ka?”Nagmadali siyang bumangon mula sa lapag at nahirapan siyang ibalanse ang kanyang sarili.“Sino ka? Bakit—Bakit mo ako sinuntok? I—”Hindi na nag-aksaya ng oras si Marcus na kausapin siya. Sa halip, lumapit siya kay Jesse at binitbit niya sa kwelyo ng kanyang damit, at kinaladkad niya siya papunta sa likod ng hotel na para bang isa siyang sisiw.Nag-alala si Cordelia na baka dehado si Marcus, kaya nagmadali siyang sundan si Marcus. Subalit, bago niya maabutan si Marcus, nakarinig siya ng mga sigaw ng pagmama
Nagulat si Cordelia. Naguluhan siya, at tumingin siya kay Annie.Bumuntong-hininga si Annie at bumulong siya sa tapat ng tainga ni Cordelia, “Ikukwento ko na lang sa’yo. Kalat na sa buong opisina ang balita, sinasabi nila na kinasal ka daw sa isang sanggano na galing sa bilangguan…“Sinabi rin nila na yung asawa mo ang bumugbog kay Jesse kahapon! Detalyado ang mga kwento nila, sinabi nila na madalas makulong ang asawa mo dahil sa pakikipag-away. Ilang taon daw siyang nakulong at kalalabas lang niya sa kulungan.”Hindi alam ni Cordelia kung matatawa ba siya o iiyak. Nanahimik siya sandali. Nagulat si Annie noong nakita niya na nananahimik si Cordelia. "Kasal ka na talaga, Cordelia? Totoo ba yung mga sinabi nila tungkol sa asawa mo?" "Oo, kasal na ako." Hindi nagsinungaling si Cordelia. "Tsaka, totoong nakulong na siya dati."Napaatras si Annie noong narinig niya iyon, hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ni Cordelia. "Pero tinatrato niya ako ng maayos." Mahina ang boses ni Co
Nanggalaiti si Karine. Namula ang mga pisngi niya sa sobrang hiya at galit.Ang reputasyon niya ang pinakamahalagang bagay para sa kanya. Ngayong napahiya siya, pinagbuntunan niya ng galit niya si Cordelia. Inangat niya ang kamay niya upang sampalin si Cordelia, ngunit pinigilan siya ng mga tao sa paligid niya.Tinuro nila ang surveillance camera sa kisame, at pinakiusapan nila siya na huminahon.Tumingin ng masama si Karine kay Cordelia at sinabi niya sa kanya habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin pagkaraan ng ilang sandali na, “Anong maipagmamalaki mo sa pagpapakasal sa isang mahirap na lalaki? Ni hindi ka nga niya kayang ibili ng singsing na gawa sa tanso o bakal! Maging mahirap sana kayo habangbuhay, mga walang kwenta kayo!”Tumalikod at umalis siya agad pagkatapos niyang magsalita. Ngumisi si Cordelia habang pinagmamasdan niya ang pag-alis ni Karine.Mukhang hindi na siya matatahimik sa opisina mula ngayon.Kailangan niyang magplano at maghandang maigi.Kinabukasan…
Naramdaman ni Cordelia na sumikip ang kanyang dibdib. Lumingon siya, at nagkatinginan sila ni Annie. Kabadong tumingin sa kanya si Annie. "Bakit ka niya tinawag?" Sumimangot si Annie. "Malamang may binabalak siyang hindi maganda. Mag-iingat ka, Cordelia!" "Hmm, magiging ayos lang ako." Kalmadong naglakad si Cordelia papunta sa opisina ni Karine. Sinadyang itaas ni Karine ang lahat ng blinds sa opisina. Iniwan din niyang bukas ang pinto upang makita ng lahat kung ano ang nangyayari sa loob. Duda si Cordelia. Mukhang walang binabalak na masama si Karine laban sa kanya. Kung sabagay, kitang-kita sila ng lahat. "Cordelia, ito si Mr. Jones mula sa Star Group." Pinakilala siya ni Karine ng may masayang ngiti sa kanyang mukha. "Mr. Jones, siya ang top salesperson ng kumpanya namin ngayong buwan!" Tumango si Cordelia, magalang siyang ngumiti. Subalit, habang tinititigan niya si Karine, lalo niyang naiisip na totoo ang sinabi ni Annie. May binabalak na masama si Karine. Si Oli
Dinala ni Cordelia si Oliver sa meeting room.Tuwang-tuwa ang mga taong nagkukumpulan sa tapat ng pinto.“Gusto lang ni Ms. Carmichael na sabihin ni Mr. Jones na gawa sa kulay berdeng salamin ang singsing ni Cordelia. Sinong mag-aakala na gawa pala ito sa tunay na emerald? Bandang huli nakuha pa niya ang kliyente!” Masayang bumulong ang isang babae. “Mukhang nakaranas siya ng dalawang pagkatalo ngayon.”“Pfft! Ang sabihin mo malaki ang nawala sa kanya dahil sa sarili niyang kagagawan!”“Haha!”Nanatiling nakapako si Karine sa kanyang kinatatayuan. Blanko ang kanyang isip, at nanginginig siya sa galit.Mabilis siyang naglakad palapit sa pinto at sinara niya ito ng malakas. Umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na kalabog nito.Umalis na ang mga taong nagkukumpulan sa may pinto, ngunit nagpatuloy ang tawanan sa opisina. Masama na ang loob nila sa kayabangan ni Karine, ngunit hinayaan lang nila siya dahil isa sa major shareholder ng kumpanya ang tiyuhin niya.Palihim silang n
Walang nakakaalam kung bakit namamaga ang mga pisngi ni Karine, at mayroon ding dugo sa gilid ng kanyang mga labi noong bumalik siya noong araw na ‘yun.Mukha siyang kasing lampa ni Jesse noong nabugbog siya noong isang araw.Di nagtagal ay naisip ng mga matatalino sa kanila si Cordelia noong napagtagpi-tagpi nila ang lahat. Gayunpaman, kilala ng marami si Cordelia bilang mabait, at masipag na tao, at kahit na sinampal niya si Karine, iisipin ng lahat na may ginawang hindi maganda si Karine.Dahil walang matibay na ebidensya na si Cordelia ang nanakit sa kanya, mabilis itong kinalimutan ng lahat.Kahit na walang mga camera na nakakuha sa insidente, nakita ni Fredric ang lahat.May inaasikaso siya sa isang malapit na law firm. Isang pambihirang eksena ang makita si Cordelia na manampal ng ibang tao.Agad niya itong pinaalam kay Marcus. Para bang naimpluwensyahan ni Josiah, pareho sila ng tono noong nagsalita siya. “Z, ang tapang ng asawa mo. Asintado yung mga sampal niya! Binalaan