Share

Kabanata 279

”A-Ang kapal ng mukha mo!”

Napakagat labi si Cordelia. Oh well, kailangan niyang tuparin ang pangako niya.

Gayunpaman, nababasa ba talaga ng lalaking ito ang lahat ng nasa isip niya? Paanong lagi na lang nalalaman ni Zephyr na nakuha na niya ang sahod niya?

Inilabas niya ang kanyang bank card ng may pekeng ngiti. Kakapasok lang ng pera sa account niya, at ngayon...

"Hmm, ganyan nga." Inunat ni Zephyr ang kanyang braso upang kunin ito.

Biglang inipit ni Cordelia ang card gamit ang kanyang mga daliri. Hinawakan niya ang manipis na card at hindi niya ito magawang bitawan.

Hindi na nakapagpigil pa si Zephyr. Hinablot niya ang card ni Cordelia at tumawa siya ng malakas!

"Akin na ‘yan!" Nagmamalaki siyang tumingin kay Cordelia ng may malokong ngisi. "Sabi mo aalagaan mo ako!"

"Zen, pwede bang umayos ka!?" Si Cordelia naman naman ang sumama ang loob ngayon. "Napakayaman mo, pero gusto mong alagaan kita!"

“Aray...” Bigla niyang hinawakan ang tiyan niya at yumuko siya. Mukha siyang na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status