Hindi inasahan ni Zephyr na susugal si Neil! Tumingin sa kanya si Zephyr. “Delikado ang gagawin mo, Mr. Harris. Mag-iingat ka.”"Ayos lang." Ngumiti si Neil. “Wala akong mapapala kung hindi ko susubukan. Nakahanda akong sumugal para sa mga role.”Ngumisi si Zephyr. “Wala kang mapapala kung hindi mo susubukan? Totoo ‘yun, pero depende ‘yun. Hindi mo kailangang laging sumugal para may makamit ka!"Noong naisip ni Neil na panalo na siya, nagulat siya sa barahang ibinaba ni Zephyr.Dalawa pang baraha, at pagkatapos ay isa pa—ibinaba ni Zephyr ang lahat ng kanyang mga baraha at nanalo siya sa puntos.Sumimangot ng husto si Neil."Talentado ka, Mr. Harris," ngumiti si Zephyr at hininaan niya ang boses niya, "Ngunit nagiging parang isang bomba ang talento na ginamit sa maling lugar. Sinong nakakaalam kung kailan ito sasabog? Sayang naman kapag nangyari ‘yun.""Anong ibig mong sabihin?" Tumalim ang mga mata ni Neil.Itinulak ni Zephyr ang lahat ng baraha sa mesa papunta sa kanya. Ang
”Kahit anong bagay na gustong-gusto kong gawin?”Ang kanyang mainit na mga labi ay nakatapat sa tainga ni Cordelia habang ang kanyang malalim at paos na boses ay binibigkas ang nakatutuksong mga salita na iyon.Pakiramdam ni Cordelia ay bumilis ang tibok ng kanyang puso habang namumula ang kanyang mukha. Sumandal siya kay Zephyr."Ang pinakagusto kong gawin ngayon... ay ang yakapin ka ng ganito."Natuwa si Zephyr dito. Alam niyang madaling mahiya ang dalaga at kailangan niyang magdahan-dahan, kaya ginabayan niya siya. "Ano pa ang gusto mong gawin pagkatapos mo akong yakapin?"“Huh?” Tumingala si Cordelia, makikita ang pagtataka sa inosente niyang mga mata."Isipin mo kung paano tayo noon." Ngumiti si Zephyr habang hinahaplos ang mukha ni Cordelia. "Sa bahay... saan mo ako madalas niyayakap?"Halatang ayaw sakyan ni Cordelia ang sinabi niya at sinadyang sinabi ni Cordelia na, “Ah, noon? Diba lagi tayong magkayakap sa may balkonahe? Sabay tayong tumingin sa mga bituin pagkatapos k
Sinunod ni Cordelia ang sinabi ni Zephyr at naramdaman niya na binuka ni Zephyr ang kanyang kamay. Nakatutok sa taas ang kanyang palad, at naramdaman niya na may dumapo sa kanyang palad. Noong iminulat niya ang kanyang mga mata, nakita niya ang isang kwintas sa kanyang kamay. Hugis bituin at buwan ang mga mamahaling sapphire, na nakabitin sa isang kwintas na gawa sa platinum. Malalim at malumanay ang boses niya. "Cordelia, kinuha ko ang mga bituin at ang buwan para sa'yo."E ikaw? Papakasakan mo ba ako? Magsama tayo habangbuhay, okay?" Tinikom ni Cordelia ang kanyang mga labi, napuno ng luha ang kanyang mga mata. Niyakap siya ni Zephyr at marahan niyang hinaplos ang kanyang buhok. "Hindi mo ako kailangang sagutin ngayon," ang sabi ni Zephyr. "Bibigyan kita ng panahon basta't huwag mong kakalimutan na nandito ako at hihintayin kita."Tumango si Cordelia at umiyak siya sa may dibdib ni Zephyr. “Zephyr.”“Hmm?”"Yung totoo pwede kitang sagutin ngayon…" Bumilis ang tibok
Matalino at maasahan si Clark. Wala siyang itinago kay Janine ngunit hindi rin siya masyadong nagkwento, ipinaalam niya sa kanya ang tungkol sa mga ginawa nina Yale at Matthew kamakailan.Isinaalang-alang ni Janine ang posisyon ng kanyang anak sa mga Hamerton at nagpasya siya na huwag munang pumasok sa Zen Residence at imbestigahan muna ang tungkol kay Yale.Ang nakangiti niyang sinabi, “Dahil bihira akong bumisita, may regalo ako para sa panganay na tagapagmana. Pakiusap dalhin niyo ako sa Yale Residence!"…Pinagmumura ni Yale si Zephyr sa may sofa sa bahay niya dahil natanggal sa trabaho ang kanyang ama.Dinampot ni Yelena ang mga damit sa sahig at tumingin siya sa salamin. Natakot siya at sumama ang loob niya nang makita niya ang mga sugat sa buong katawan niya.Alam ni Yelena na isa lamang siyang laruan para kay Yale, ngunit hindi siya nangahas na galitin si Yale. Natakot siya sa impluwensya ng mga Hamerton at pinapangarap rin niya ang maikasal sa pamilya balang-araw—kahit n
“Hmm…” Medyo nag-alinlangan si Yale.Kapag nasira ang reputasyon ni Zephyr at nagalit ang kanyang lolo, madadamay din ang iba. Paano kapag nabisto siya!?Ang sabi ni Yelena, “Mr. Yale, kayang kontrolin ng lolo mo ang mga Hamerton, pero kaya ba niyang kontrolin ang mga netizen? Wala siyang magagawa tungkol sa sasabihin ng mga tao online!"At alam ko kung ano ang gusto ni Cordelia. Pinahahalagahan niya ang kanyang reputasyon." Ngumiti ng masama si Yelena. "Hindi niya matatanggap na pinag-uusapan siya ng ganito!"“Hmm…” Napaisip si Yale at ngumisi. "Marahil ito ay isang magandang ideya!"Ang kasinungalingan ay magiging katotohanan kapag inulit ito ng ilang libong beses. Magagawa ba nila Cordelia at Zephyr na magpaliwanag sa bawat isang netizen? Mabigo man siyang talunin si Zephyr, pwede pa rin niya siyang pahirapan!“Akalain mo nga naman!” Kinurot niya ang baba ni Yelena at sinampal niya ng dalawang beses ang kanyang mukha. “Hindi ka naman pala ganun katanga. May laman pa rin naman
Natigilan si Yelena, at nablangko ang kanyang isip. Para siyang daga sa harap ng isang pusa sa harap ni Janine. Tumango siya, hindi niya alam kung ano ang sinasabi ni Janine. "I-Isa akong Jenner, ako—"“Hah, Ms. Jenner?” Napangisi si Janine. "Talagang pambihira ka para akitin ang anak ko at makipagrelasyon kay Yale ng sabay!""Ano?" Tumaas ang isang kilay ni Yale at natawa siya. “Babae, nagkakamali ka. Matagal kong kasama ang p*tang ‘to. Huwag mong hayaan ang anak mo na isipin ‘yun!"“Tumahimik ka!” Galit na galit si Janine at ibinato ang golf club kay Yale.Hindi inasahan ni Yale na magiging bayolente siya, kaya hindi siya nakaiwas agad, at natamaan ng club ang kanyang binti. Nakaramdam siya ng matinding sakit!“P*ta! Ang lakas ng loob mong saktan ako— Argh!”Muli siyang tinamaan sa ulo.Dalubhasa sa taekwondo si Janine noong bata pa siya. Kahit na matanda na siya, walang problema para sa kanya na harapin si Yale ngayon.Nag-alab ang galit na nararamdaman niya nang maalala niy
Magalang na nagtanong si Clark, "Madam Baker, babalik na ba tayo sa Zen Residence ngayon?" "Tara na.""Parehong nandoon sila Mrs. Kate at Ms. Zennie…"Kumunot ang mga kilay ni Janine ngunit agad ding huminahon ang kanyang itsura. Matagal na panahon na ang lumipas. Kaya na niyang kalimutan ang nakaraan. Ngumiti siya at tumango siya kay Clark bago siya sumakay sa kotse. Noong bumalik siya sa Zen Residence, nakita niya ang dalawang tao sa may sofa noong sandaling pumasok siya sa sala. Nagmadaling tumayo si Zennie at nahihiya siyang bumati. "Hi, Madam Baker…"Walang pakialam si Janine at binaling niya ang tingin niya kay Kate. Ibinaba ni Kate ang iniinom niyang kape at tumayo siya upang salubungin ng nakangiti si Janine. "Janine, ang tagal nating hindi nagkita!""Oo, matagal na nga." Tiningnan siya ni Janine mula ulo hanggang paa. "Huli tayong nagkita noong naghiwalay kami ni Henry, hindi ba?"Naglaho ang ngiti ni Kate. Ilang sandali ang lumipas bago siya muling nagsalita, “
Si Zephyr ay nasa isang pribadong booth sa pinakataas na palapag ng Splendor Dynasty. Nagtaka siya noong narinig niya ang sinabi ni Kate.Nilapag niya ang caviar na hawak niya, at sinabi niya ng nakasimangot na, "Hindi ako nag-set ng appointment para magkita sila.""Kung ganun, anong problema niya?"Natahimik sandali si Zephyr. Malamig ang kanyang ekspresyon at mukhang problemado siya pagkatapos niyang ibaba ang tawag.Nagpalitan ng tingin sina Josiah at Fredric, na nasa tabi niya at nilapag ang kanilang mga kubyertos.Naiintindihan ni Fredric ang pag-aalala ni Zephyr. “Z, sa tingin ko kahit hindi gusto ng mom mo si Cordelia, hindi niya siya kamumuhian ng sobra. Siguradong may hindi tama dito!"Nakatuon lang ang mga mata ni Josiah sa masasarap na pagkain sa harapan nila.“Josiah, ano sa tingin mo?”“Huh?” Nagulat si Josiah. “Uh… sa tingin ko hindi niya nakita si Cordelia! Malamang sinabi niya lang ‘yun para paghiwalayin si Z at sis-in-law!”Umiling si Zephyr. "Hindi ganung kla
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala