Share

Kabanata 287

Sinunod ni Cordelia ang sinabi ni Zephyr at naramdaman niya na binuka ni Zephyr ang kanyang kamay. Nakatutok sa taas ang kanyang palad, at naramdaman niya na may dumapo sa kanyang palad.

Noong iminulat niya ang kanyang mga mata, nakita niya ang isang kwintas sa kanyang kamay.

Hugis bituin at buwan ang mga mamahaling sapphire, na nakabitin sa isang kwintas na gawa sa platinum.

Malalim at malumanay ang boses niya. "Cordelia, kinuha ko ang mga bituin at ang buwan para sa'yo.

"E ikaw? Papakasakan mo ba ako? Magsama tayo habangbuhay, okay?"

Tinikom ni Cordelia ang kanyang mga labi, napuno ng luha ang kanyang mga mata. Niyakap siya ni Zephyr at marahan niyang hinaplos ang kanyang buhok.

"Hindi mo ako kailangang sagutin ngayon," ang sabi ni Zephyr. "Bibigyan kita ng panahon basta't huwag mong kakalimutan na nandito ako at hihintayin kita."

Tumango si Cordelia at umiyak siya sa may dibdib ni Zephyr.

“Zephyr.”

“Hmm?”

"Yung totoo pwede kitang sagutin ngayon…"

Bumilis ang tibok
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status