Nakaupo si Marcus sa rooftop ng Regalia Hotel, malapit nang maubos ang sigarilyo sa pagitan ng kanyang mga daliri. Maganda ang tanawin dito, kumikinang ang karagatan sa malayo habang nakakalat sa ibabaw nito ang mga puting yate at umiikot sa kalangitan ang mga ibon sa dagat.Tumunog ang phone niya sa mesa dahil sa isang text notification ng isang fund transfer—$400 had been deposited.Nagpalitan ng ngiti si Josiah at si Fredric at sinabing, “Z, napakaswerte mo! Hindi lang maganda ang sis-in-law ko. Nakahanda rin siyang gumastos ng pera sa’yo! Hahaha!“Ito ang unang beses na gumastos ka ng pera ng isang babae, tama? Masarap ba sa pakiramdam?”Tumingin ng masama sa kanya si Marcus at tinabi niya ang kanyang phone. Kahit na blanko ang ekspresyon ng mukha niya, nakaramdam siya ng tuwa. Hindi niya inasahan na ipapadala talaga sa kanya ni Cordelia ang pera. Kalkulado na niya ito, at $400 na lang ang laman ng kanyang account.Diniin niya ang sigarilyo sa ashtray at tumingin siya sa malay
Yumuko siya upang damputin ito. Biglang may naramdamang kakaiba si Marcus dahil sa malambot na hipo nito at sa naiwang amoy nito.Ito ang bra ni Cordelia—isang simpleng disenyo.Ngumisi si Marcus. Dinilaan niya ang kanyang mga labi at pakiramdam niya ay nauuhaw siya. Noong mahimasmasan siya, noong ilalagay na niya ang mga damit sa loob ng washing machine, narinig niya ang tungo ng pinto, at kasunod nito ang boses ng isang maliit na babae.“Marcus, nandito ka ba? Diyos ko, naparami ako ng inom na tubig ngayong hapon. Mamamatay na ako. Kailangan kong magbanyo…”Biglang nagtagpo ang kanilang mga mata. Natulala silang dalawa.Gulat na tumingin si Cordelia kay Marcus bago lumipat ang tingin niya sa baba at nakita niya ang basket ng mga labahan sa tabi ni Marcus, ang maruming labahan, ang washing machine na nakabukas ang pinto, at… Napasigaw siya at namula sa isang iglap.“Bakit hawak mo ‘yan?!”Nagmadali siyang lumapit at hinablot niya ang kanyang bra mula sa kamay ni Marcus, wala si
Halos umakyat sa lalamunan ni Josiah ang kanyang puso. Nararamdaman niya ang pagnanais na pumatay na nagmumula sa lalaki sa kabilang linya. Naistorbo ba niya siya?Tiningnan ni Josiah ang kanyang relo at hinampas niya ang kanyang kamay sa kanyang noo. Bw*sit! Kung naistorbo siya habang nagsasaya, gugustuhin din niyang pagpira-pirasuhin ang nang-istorbo sa kanya!“Z…” sinubukan niyang magpaliwanag. “Hindi ako tatawag kung hindi ito isang emergency. Akala ko hindi ka matutulog ng maaga…”“Magsalita ka na!” Sumigaw si Marcus sa sobrang inis niya at pumunta siya sa balkonahe bago niya sinara ang pinto sa likod niya.“Mukhang kailangan mo nang bumalik sa Centrolis,” ang pabulong na sinabi ni Josiah. “May kumalat na balita na hindi ka pa patay, at nag-aalala ang lolo mo. Pati na rin ang mga magulang mo…”“Mm, sige.” Sumimangot si Marcus. “Tatawagan ko sila, pero hindi pa ako makakabalik sa Centrolis.”Hindi naintindihan ni Josiah kung anong nasa isip ni Marcus ngunit wala siyang magawa
Tinikom ni Cordelia ang kanyang mga labi, wala siyang intensyon na makipagtalo kay Karine. Lalampasan na sana niya si Karine nang bigla siyang hinarangan ni Karine.“Huwag mong isipin na hindi ko alam ang ginagawa mo kapag walang nakatingin sa’yo!” Nagmamataas si Karine. “Cordelia, alam mo sa sarili mo kung paano nagawang i-close ang deal!”Tinitigan siya ni Cordelia, makikita sa kanyang mga mata ang matinding galit. Karaniwan ay nakangiti siya at mabait, at bihirang maging malamig at seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha.Para bang naging ibang tao siya, at hindi napigilan ni Karine na mapaatras.“Paano na-close ang deal?” Mariing inulit ni Cordelia ang bawat salita. “Base sa mga kakayahan ko! Yung sales proposal na pinagpuyatan ko ng isang buong linggo at ilang beses kong inayos? Masaya si Mr. Sean sa proposal ko, ‘yun ang dahilan kung bakit niya pinirmahan ito! Tatlong buwan mo itong trinabaho at hindi mo pa rin ito nakuha dahil talunan ka! Pero sa halip na pag-isipan mo kung
Tinikom ni Cordelia ang kanyang mga labi at pumayag siya, nakarating sila ni Jesse sa Eterous Hotel na malapit sa kumpanya nila pagkalipas ng ilang sandali.Mayroon ngang dalawang blonde na foreigner na naghihintay sa kanila doon.Binati sila ni Cordelia sa salitang Feransai at ginawa niya ang makakaya niya upang iinterpret ang sinasabi nila. Pasado sa mga kliyente ang kakayahan niya, at noong matapos ang pagkain nila, mayroong indikasyon na magkakaroon ng isang kolaborasyon. Doon lamang napanatag at ngumiti si Cordelia.Kampante niyang tinaas ang kanyang baso upang magpropose ng isang toast para sa maganda nilang kooperasyon sa hinaharap.Nagkataon naman na nasaksihan ito ni Josiah, na napadaan sa lugar. Napahinto siya at tinitigan niyang maigi ang babae. Inisip niya na marami na siyang nakitang magagandang babae noon, ngunit noong nakita niyang ngumiti si Cordelia, pakiramdam niya ay namukadkad ang lahat ng bulaklak sa mundo. Napakalakas ng kanyang karisma. Hindi nakapagtataka na
Seryoso ang mga tingin ni Marcus habang nakangiti siya kay Cordelia. Pagkatapos ay humarap siya kay Jesse ng may nakakatakot na ekspresyon. Ang mga tingin niya ay parang isang matalim na kutsilyo na kayang gilitan ang leeg ng lalaki. Mangingialam na sana ang mga security guard sa entrance ng hotel ngunit napaatras sila dahil sa nakakatakot na tingin ni Marcus. Nasindak din si Jesse sa presensya ni Marcus at nanginginig na siya ngayon ng parang isang dahon. “S-Sino… Sino ka?”Nagmadali siyang bumangon mula sa lapag at nahirapan siyang ibalanse ang kanyang sarili.“Sino ka? Bakit—Bakit mo ako sinuntok? I—”Hindi na nag-aksaya ng oras si Marcus na kausapin siya. Sa halip, lumapit siya kay Jesse at binitbit niya sa kwelyo ng kanyang damit, at kinaladkad niya siya papunta sa likod ng hotel na para bang isa siyang sisiw.Nag-alala si Cordelia na baka dehado si Marcus, kaya nagmadali siyang sundan si Marcus. Subalit, bago niya maabutan si Marcus, nakarinig siya ng mga sigaw ng pagmama
Nagulat si Cordelia. Naguluhan siya, at tumingin siya kay Annie.Bumuntong-hininga si Annie at bumulong siya sa tapat ng tainga ni Cordelia, “Ikukwento ko na lang sa’yo. Kalat na sa buong opisina ang balita, sinasabi nila na kinasal ka daw sa isang sanggano na galing sa bilangguan…“Sinabi rin nila na yung asawa mo ang bumugbog kay Jesse kahapon! Detalyado ang mga kwento nila, sinabi nila na madalas makulong ang asawa mo dahil sa pakikipag-away. Ilang taon daw siyang nakulong at kalalabas lang niya sa kulungan.”Hindi alam ni Cordelia kung matatawa ba siya o iiyak. Nanahimik siya sandali. Nagulat si Annie noong nakita niya na nananahimik si Cordelia. "Kasal ka na talaga, Cordelia? Totoo ba yung mga sinabi nila tungkol sa asawa mo?" "Oo, kasal na ako." Hindi nagsinungaling si Cordelia. "Tsaka, totoong nakulong na siya dati."Napaatras si Annie noong narinig niya iyon, hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ni Cordelia. "Pero tinatrato niya ako ng maayos." Mahina ang boses ni Co
Nanggalaiti si Karine. Namula ang mga pisngi niya sa sobrang hiya at galit.Ang reputasyon niya ang pinakamahalagang bagay para sa kanya. Ngayong napahiya siya, pinagbuntunan niya ng galit niya si Cordelia. Inangat niya ang kamay niya upang sampalin si Cordelia, ngunit pinigilan siya ng mga tao sa paligid niya.Tinuro nila ang surveillance camera sa kisame, at pinakiusapan nila siya na huminahon.Tumingin ng masama si Karine kay Cordelia at sinabi niya sa kanya habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin pagkaraan ng ilang sandali na, “Anong maipagmamalaki mo sa pagpapakasal sa isang mahirap na lalaki? Ni hindi ka nga niya kayang ibili ng singsing na gawa sa tanso o bakal! Maging mahirap sana kayo habangbuhay, mga walang kwenta kayo!”Tumalikod at umalis siya agad pagkatapos niyang magsalita. Ngumisi si Cordelia habang pinagmamasdan niya ang pag-alis ni Karine.Mukhang hindi na siya matatahimik sa opisina mula ngayon.Kailangan niyang magplano at maghandang maigi.Kinabukasan…
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala