Tumawag ang landlord, tinanong nito kung gusto pa ni Cordelia na ituloy ang pagrenta sa lugar.Sumikip ang puso ni Cordelia dahil marami siyang alaala kasama si Zephyr dito. Kahit na galit siya kay Zephyr, ayaw niyang itapon ang lahat ng mga alaalang ito.“Magsalita ka, Mrs. Grist!” Ang sigaw ng landlord, “Ipaparenta ko ito sa iba kapag hindi ka sumagot! Ang unit ay bumebenta na parang isang hot cake!”“Hindi niyo ito pwedeng iparenta sa iba!” Ang sabi ni Cordelia. “Pumirma kami ng one-year contract, at hindi pa ito expired!”“Hindi pa nga, pero kailangan mong magbayad ng renta, Mrs. Grist!”“Wag kayong mag alala. Hindi ako magkakaroon ng utang na renta!” Ang sabi ni Cordelia. “Magbabayad na rin ako!”“Pati, tandaan niyo na hindi ako isang Mrs. Grist!” Tinaas niya ang boses niya at binanggit niya ng klaro ang bawat salita sa landlord. “Ang asawa ko ay si Mr. Hamerton!”“Ah… Okay, Mrs. Hamerton!” Walang pakialam ang landlord kung Grist o Hamerton ito, basta’t makuha niya ang baya
Nabigla si Cordelia habang nakatitig siya sa phone screen.May maamo at nakangiti na mukha sa screen nang tanggapin niya ang video call.“Ano ang ginagawa mo?”Ang sabi ni Cordelia at pinatay niya ang camera. Ayos lang ito kay Zephyr habang nanatili siyang nakangiti kay Cordelia. Ang malalim na boses niya ay nakakaakit.“Naglalakad lang ako sa courtyard.”Nabigla ulit si Cordelia. Tumingin siya sa screen. Malaki ang courtyard, at nakikita niya na maayos ito, kahit na madilim na.May mga iba’t ibang magagandang gusali na may iba’t ibang tangkad sa likod ni Zephyr. Paminsan minsan na naririnig ni Cordelia ang pagdaloy ng tubig sa isang talon.‘So, ito pala ang lugar kung saan siya lumaki…’Ibang iba ito kumpara sa kinalakihan ni Cordelia.Biglang nahiya si Cordelia sa sarili niya. Umupo siya sa bintana habang yakap ang isang unan.Matagal na hindi narinig ni Zephyr ang boses ni Cordelia habang nakapatay ang screen nito, ngunit ayos lang ito sa kanya. Ang rason ay dahil hindi pi
Tumawa si Zephyr. “Ano yun?”“Nakapasa na ako!”“Nakapasa?”“Oo, sa University of Centrolis! Nakapasa ako sa medical department!”Ngumiti si Cordelia at kinuha niya ang phone.“Nakapasok talaga si Carter sa University of Centrolis?” Nabigla si Zephyr. Ang lalaki ay 16-17 taong gulang pa lang at hindi pa siya tapos sa high school.“Mm, nandito rin ang admission letter.” Proud si Cordelia sa kapatid niya. “Personal na pumunta ang mga professor ng University of Centrolis para sa selection. Pumasa sa limang test si Carter at siya ang nasa una sa lahat ng mga ito!”“Congratulations!” Ngumiti si Zephyr. Ang hipag niya ay tulad niya rin—mahusay at nag enroll sa isang sikat na unibersidad sa batang edad.Kung ganun, lilipat na ba si Carter sa Centrolis para sa university? Kung si Cordelia at ang nanay niya ay nagkataon na sumama…Mahinahon ang mukha ni Zephyr, ngunit palihim ay masaya siya.Sinabi niya ng mahina, “Carler, sabihin mo sa akin ang araw ng registration. Maghahanda ako pa
Maputla si Xyla habang nanginginig siya. Ang mga mata niya ay medyo pula habang nakatitig siya kay William na para bang may nakita siyang isang multo.Totoo nga na inalagaan siya ni William noon, ngunit sinira din siya nito! Nakumbinsi siya ni William na anak nito si Cordelia, at muntik na niyang kamuhian si Cordelia!Ang mga alaala noong mga nakaraang taon ay bumalik sa isip ni Xyla na parang isang malakas na alon. Ang sakit at kadiliman ay parang mga sugat na ayaw niya nang bisitahin ulit sa buhay na ito.“Iniisip mo pa rin ba ang tungkol sa lalaking yun?” Ngumisi si William. “Matagal na siyang nagpakasal at may mga anak siya! Matagal na siyang may ayaw sayo! Siya ang namuno sa mga Irwin at ginamit ka niya para makuha ang layunin niya, pagkatapos ay sinipa ka niya lang sa tabi!”“Tama na!” Sumigaw si Xyla, tinakpan niya ang mga tainga niya.“Ako lang ang tanging tao sa mundo na ito na mabait sayo!” Naging nakakatakot ang mukha ni William. “Xyla Irwin! Ang Jenner Group ay pumasok
“William Jenner, gusto mo bang mag pustahan tayo?” Ngumisi si Zephyr. “Kahit na mamatay kayo ni Yelena ngayong araw dito, kayong dalawa ay dadagdag lang sa mga taong missing sa lungsod na ito, at hindi ako magiging isang kriminal.”“Ikaw…”“Isipin mo muna kung anong suporta ang meron ang iba bago mo sila awayin!”Nakakatakot ang presensya ni Zephyr, at hindi mapigilan ni William na umatras. Parang hindi na ito kakayanin ni Yelena habang sinubukan niyang tumakas.Malagim na sinabi ni Zephyr, “William Jenner, pag isipan mo ito ng mabuti. Magpapatuloy ka ba sa pakikipaglaban sa akin, o lalayas ka ba kasama itong anak mong walang utak?”Napaluhod si William. Ang boses niya ay nanginginig nang magsalita siya. “Bitawan mo ang anak ko… Aalis na kami ngayon.”“Aalis?” Ngumisi si Zephyr. “Naiintindihan mo ba ang mga salita ko, Mr. Henner? Sinabi ko ay lumayas!”Lumuwag ang hawak niya, at bumagsak si Yelena sa sahig, gumapang ito palayo.…Walang nakuha si William kundi kahihiyan. Nang
“Ano yun?” Nabigla si Cordelia.Mahinay na hinawakan ni Zephyr ang kamay ni Cordelia.“Kailangan mong tapusin agad ang kasal mo kay Marcus Grist.” Tumingin si Zephyr kay Cordelia. “Hindi mo kailangan mag alala tungkol dito. Alam ko kung paano ito gawin.”“May isa pang bagay…” Ngumiti si Zephyr. “Pakiusap, pamunuan mo ang project sa western suburbs ng Centrolis, Ms. Cordelia Jenner. Pataasin mo ang commercial value ng lupa!”“Ano?” Umiling ng mabilis ang ulo ni Cordelia. “Hindi pwede, wala akong alam!”“Natural na hindi alam ng kahit sino ang lahat ng bagay,” Ang mahinang sinabi ni Zephyr. “Aralin mo ito. Mabilis kang matututo.”“Pero—”Klarong sinabi ni Zephyr, “Cordelia, kaya mo ito.”Kinagat ni Cordelia ang mga labi niya at tumingin siya sa ibaba.Kakaiba ang pakiramdam na ito. Baka ito ang kanyang inferiority complex. Pakiramdam niya na ito ay bigay ni Zephyr.Gayunpaman, noong hindi pa ibinunyag ang pagkakakilanlan ni Zephyr, hindi ganito ang nararamdaman ni Cordelia, kah
Gumulong ang mga mata ni Nicholas habang nanunuya siya at dinala niya si Zephyr sa kwarto.Nang makita ng mga empleyado ang ilaw sa pinto, tumakbo sila patungo dito.“Ano ang ginagawa niyo?!” Ang galit na sinabi ni Nicholas.Napaluhod ang grupo sa sahig, “Sir, maawa kayo! Hindi namin alam kung saan tayo nagkakilala at kung paano ko kayo ginalit… Pwede niyo bang sabihin sa amin?”“Gagawin namin ang lahat ng gusto niyo!”Lumapit si Zephyr at hinagis niya ang mga marriage certificate sa harap nila.“Ito ay…”“Ang dalawang tao sa marriage certificate ay gustong tapusin ang kasal nila.” Tumingin si Zephyr ng malamig sa kanila. Pero wala ang lalaki. Bigyan niyo ako ng pinakamabilis na solusyon!”Ang grupo ay nagkatinginan ng nalilito. May ilaw sa ibabaw nila, upang mabasa nila ang mga detalye sa mga certificate.“Si Marcus Grist?” Ang isa sa kanila ay nakilala ang pangalan na ito at tinanong niya ng nanginginig, “Hindi po ba… ito ang manugang ng mga Jenner?”“Kilala mo siya?” Tumaa
Inaalagaan ni Cordelia si Xyla sa kama, ngunit tila hindi gumaganda ang kondisyon ni Xyla. Ang mga nakaraang treatment ay para bang nasayang pagkatapos dumating nila William at Yelena para gumawa ng gulo.Kahit na masakit para kay Cordelia na malungkot at nalilito ang nanay niya, ang pwede niya lang gawin ay ang pilitin na maging matatag.Tinawag ni Seth ang doctor na gumamot kay Xyla dati pati tinawag niya ang isang psychiatric expert. Nagdesisyon silang lahat na baguhin ang lugar kung saan nakatira si Xyla.“Cordelia, baka ang pagbabago ng kapaligiran ay makakatulong sa kondisyon niya,” Ang sabi ni Seth kay Cordelia. “Marami na akong inaral na mga kaso na katulad ng sa kondisyon niya. Ang karamihan sa kanila ay may iba’t ibang lebel ng pag galing pagkatapos palitan ang kapaligiran nila.“Pati marami siyang hindi masayang karanasan sa Jangasas. Wag mong hayaan na manatili siya sa lugar na ito. Ang pagbabago ng kapaligiran o paraan ng pamumuhay ay makakatulong sa kanya.”Nagbunton
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala