공유

Kabanata 247

Ang lahat ay nakatingin kay Zephyr sa sandaling nagpakita siya.

Ang malamig at istriktong mukha ni Liam ay naging mahinahon ng konti.

“Nakabalik ka na?”

Tumango si Zephyr. “Opo, grandpa.”

Tinaas ni Liam ang baba niya, sumenyas siya na umupo si Zephyr. Ngunit, lumapit si Zephyr patungo sa gitna ng meeting room. Tumayo siya at tumingin siya ng malamig sa lahat. Ang makapangyarihang aura ay halos nakakasakal.

Tumingin si Matthew kay Zephyr, nabigla siya. Kumibot ang sulok ng mga labi niya habang pilit niyang ngumiti.

“Nakabalik ka na, Zen?”

“Mukhang ayaw mo na nandito ako, uncle?” Ngumisi si Zephyr.

“Ano! Ako lang ay—”

“Nag aalala ka lang na aagawin ko ang atensyon mula sa inyo ng pinsan ko, hindi ba?”

Namutla ang mukha ni Matthew sa galit. Tumitig siya kay Zephyr.

Lumapit ng kalmado si Zephyr, tumingin siya sa upuan niya, at tumawa siya. “Sa tingin ko ay nasa maling upuan ka. Akin ito.”

“Ikaw…”

“Kahit na kulang ako sa pagiipon ng pondo, hindi mo kailangan mag alala tungkol d
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status