Mukhang pagod ang dalawa habang punong-puno naman ng sigla ang magkapatid. Lalong-lalo na si Toph na umorder ng isang mesang puno ng skewers. Maingat na hinimay ni Zuko ang mga tinik ng isda at nilagay ang inihaw na isda sa plato ni Lina. “Masama ba ang pakiramdam mo?” nag-aalala niyang tanong nang napansin niya ang pagod niyang itsura. “Medyo masakit ang ulo ko,” sagot niya. Nagsalubong ang kilay niya. “Palagi kang nagoovertime sa trabaho kamakailan. Masyado bang maraming trabaho roon?”“Sinasabi ko sa'yo, Zuko!” Sumingit si Renee na uminom ng beer. “Inaapi ng mga tao sa opisina kaming mga intern. Pinapagawa nila sa'min ang lahat ng mahihirap na trabaho! At ang Meanie Mollie na yun… napakasama niya sa'min!”Nakinig nang maigi si Toph at unti-unting nagagalit. Kahit na hindi niya alam kung sino si Meanie Mollie ang kahit na sinong umapi kay Renee ay magiging kalaban niya. Ibinahagi ni Renee ang lahat ng nangyari sa araw na iyon. “Sabi pa nila wala daw kaming boyfriend at
Sa sumunod na araw, isa-isang dumating ang mga delivery guy at bumaha ang buong office buildings floor ng mga package para kay Renee Thompson.Ang bawat isang delivery person ay sisigaw nang malakas sa hallway, “Ms. Renee Thompson, may package ka. Pakipirmahan na lang po!”Walang pahinga ang mga binti ni Renee sa araw na iyon. Halos wala siyang oras na umupo bago tumayo ulit para makatanggap ng isa pang package. Umapaw ang mga package sa mesa niya na puno ng mga damit, sapatos, bag, at cosmetics mula sa top-tier luxury brands na nagpainggit sa mga kasamahan niyang babae. Dahil mahiyain siya at hindi mahilig sa atensyon, nailang si Renee sa biglaang atensyon. Tahimik siyang tumakbo kay Lina at tinuro ang mga package sa mesa. “Tignan mo ang lahat ng to…”Tumawa si Lina at nahulaan na niyang ang lahat ng ito ay mga regalo mula kay Toph. Pagkatapos malaman kagabi ang tungkol sa naranasan nila, gustong maghiganti ni Toph para sa kanila, lalo na sa komento nila tungkol kay Renee n
Ang ilang mga katrabaho nilang ginawang utusan sina Renee at Lina ay tumayo sa tabi nang naiilang. Ngumiti si Lina at mapagbigay na nag-abot ng afternoon tea sa kanila. Tumingin si Amelia kay Erin at Kendal at pare-pareho silang may pagdududa sa mga mata nila. “Baka… mayaman talaga ang pamilya niya?”“Anong pinagsasabi mo!?” Nagsisi si Amelia. “Tignan mo ang lahat ng pagkaing to… Kahit gaano pa ito kamahal, hindi naman ito ganun kalaking halaga, di ba? Ginamit niya lang ang isang buwang sahod niya para magpasalamat ang mga tao sa kanya. Hindi mo ba nakikita yun?”Dinilaan ni Kendal ang mga labi niya habang nakatitig ang mga mata niya sa conference room. “Gusto… Gustong-gusto kong tumikim.”“Eh di kumuha tayo!” Suhestiyon ni Amelia. “Ang dami niyang binili at masasayang ito kung hindi niya yun maubos! At saka hindi ba sabi niya binili niya to para sa lahat?”Nag-alangan si Erin at pakiramdaman niya ay hindi ito tama. Gayunpaman, madaling natalo ng kagustuhan niyang manamantala
Paglipas ng labinlimang minuto, nakaupo na ang lahat sa conference room kasama si Mollie, ang kanilang masungit na supervisor, na ngayo'y masiglang nakangiti. Kumalat ang mga bulungan sa mga empleyado. “Nanalo ba sa lotto si Meanie Mollie?”“Baka nakahanap siya ng bagong minamahal!”"Hahaha..."Umubo si Mollie. May malamig na kinang sa mga mata niya habang tumingin siya sa mga nagbubulungan. Kaagad na nanahimik ang kwarto. Nang may isa pang ngiti, nag-anunsyo si Mollie, “May magandang balita ako! Mataas ang pagpapahalaga ng boss ng kumpanya natin na si Mr. Thompson! Bibisita siya sa department natin. Isa itong pagkakataon para kuminang kayong lahat!” Nagpatuloy siyang ibahin ang seating arrangement. Ang mga magaling mambola at mabilis magpamangha ay nilagay sa mga prominenteng pwesto para tiyaking matatawag nila ang atensyon ni Nicholas pagpasok niya.Ang mga mas hindi pansining empleyado ay nilagay sa gitna para bigyan si Nicholas ng pagkakataong maobserbahan ang matiy
Pagkatapos magbiruan sandali, pumasok ang dalawang katrabaho nila sa pantry. Dahil madalas naman silang magkasundo, nagpalitan sila ng mga pagbati bago nagtanong ang isa sa kanila kina Lina at Renee, “Alam mo ba kung bakit binakante ni Meanie Mollie ang lugar kung saan kayo nakaupo?”Huminto si Lina habang inisip kung anong magiging saysay ng binakanteng lugar maliban sa paglalagay ng mga mesa, upuan, at bangko. “Para saan yun?”“Bali-balita na may bagong intern na paparating!”“Huh?” Nagsalubong ang mga kilay nina Lina at Renee habang nagkatinginan sila sa isa't-isa. Intern lang ba talaga iyon o taong nasa managerial position? Kailangan ba talaga nito ng engrandeng pagsalubong?Sumingit ang isa nilang katrabaho. “Ayon sa ilang insider information, ang intern na'to ay may malaking pinagmulan!”“Kilala niyo ba kung sino siya?”“Ang… pamangkin ni Meanie Mollie. Gia Chapman yata ang pangalan niya?”“Oo, yun nga! Nagmula siya sa Jangasas.”Natigilan si Lina at sandali siyang hi
Walang ngiti sa mukha ni Linda, sa halip ay nagpakita ito ng sakit at pagkamuhi sa mga mata niya. Nanlumo ang puso ni Cordelia nang mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Linda. Nakaramdam siya ng panginginig at matinding lamig. “Linda—”“G-Gustong-gusto ko na talagang magsumbong sa pulis!” Namula ang mga mata ni Linda nang kinagat niya ang labi niya. “Nag-iisip ako nitong mga nagdaang araw, kung hindi kinuha ng mga taong ito si Pammy, hindi mawawala sa'kin ang anak ko nang dalawampung taon!”“Pero… Pero tignan mo to sa positibong paraan!” Sinubukang pagaanin ni Cordelia ang loob niya. “Kung hindi nila niligtas si Pammy, namatay na sana siya sa barko! At sa lahat ng mga taong iyon, trinato siya ng mag-asawang yun bilang sarili nilang anak, at minahal siya na parang sarili nilang dugo't laman…”“Pero kasalanan pa rin nila—kasalanan talaga nila!” Sumigaw si Linda. Minsan nahirapan siyang kontrolin ang mga emosyon niya dahil sa depresyon niya. Ang katiting na bagay ay lalamunin ang
Pagkatapos ng engrandeng pagpapakilala ni Mollie kay Gia, napansin ni Lina ang nakatagong pagkataranta sa mga mata ni Gia nang nagtagpo ang mga titig nila. Nanatili ang kalmadong ngiti ni Lina dahil alam niyang naiilang si Gia na mailagay sa Thompson Group para sa internship niya. “Sige, kayong lahat, kilalanin niyo ang bago niyong kasamahan ngayon. Sama-sama tayong magtrabaho at tumulong sa pagtatagumpay ng kumpanya!” Makahulugang tinignan ni Mollie si Gia na tumukoy sa inihanda niyang magandang pwesto para sa kanya. Nag-aalangang lumapit si Gia na nakaramdam ng nakakabagabag na titig sa kanya. Sa lunch break…Mabilis na pumasok si Gia sa opisina ni Mollie, sinara ang mga bintana, at sinara nang maigi ang pinto. “Anong problema?” Inisip ni Mollie ay nagpunta rito si Gia para bigyan siya ng regalo. Pinagpatong niya ang mga braso niya at ngumiti. “Pamilya tayo, hindi mo kailangang maging pormal! Kahit na malayong tiyahin mo ako, pareho tayong Chapman. Natural lang para sa'kin n
Narinig ang tawa ni Mollie nang nagsalita siya. “Narinig kong nagmula sa mayamang pamilya ang boyfriend mo? Pwes, kung hindi siya mayaman, mas magandang makipaghiwalay ka sa kanya! Mga baguhan ang mga Thompson sa lungsod na'to, pero ang big boss nating si Mr. Thompson ay may malakas na koneksyon sa four major families ng Centrolis! Lalo na sa mga Hamerton…“Kung kaya mong makuha ang isa sa mga tagapagmana ng mga Hamerton, mabubuhay ka nang marangya habangbuhay!”Hindi napigilang maalala ni Gia ang nakakatakot na mukha ni Zuko at ang mga kamao niyang para bang delikado. Huminga siya nang malalim, pinilit na ngumiti, at sumagot, “Maganda ang relasyon ko sa boyfriend ko…”Suminghal si Mollie na tumingin sa kanya. Hindi niya inisip na kakayanin ito Gia—isang mangmang na dalaga mula sa maliit na bayan na hindi pa nakikita ang mundo. “Sige, bumalik ka na sa trabaho! Pag-uusapan natin ang mga bagay tungkol sa trabaho at mga relasyon sa nang tao sa hinaharap.”“Sige,” nangiwi si Gia. “Sa